Chapter 3: The Black Card
Chapter 3: The Black Paper
Kiersten's Pov
Kagaya ng mga nakaraang araw, normal na umaga palang ay punong puno na ang tenga ko sa walang tigil na pagtatalak ni tiya Mabel. Ang nanay ni Lala na umaruga sa akin ng mamatay ang magulang ko. Nakababata syang kapatid ni mama, at kung titignan late na ang edad ng mag-asawa si tiya Mabel. Nagkaroon sila ng anak na si Lala na ngayon ay walong taong gulang na. Maagang namatay ang ama ni Lala... namatay ito dahil sa isang sakit apat na taon na ang nakalilipas.
Kaya narin siguro galit na galit si tiya Mabel sa akin dahil ang papa ko ang sinsisi nya kung bakit namatay ang asawa nya. Isang doctor kasi noon si papa, at sya ang gumagamot sa sakit ni tiyo. Ngunit sa kasamaang palad, hindi nasagip ni papa si tiyo kaya dahil doon kinamuhian na kami ni tiya Mabel. At ngayong wala na sina mama at papa, ako ang sumasalo lahat ng sakit na pinadadanas nya sa akin ngayon.
"Ano ba naman Kiersten! Palamunin ka na nga sa bahay na to ang kupad kupad mo pang magtrabaho! Wala ka talagang silbi! Mana ka sa papa mo! Mga walang silbi!" napahigpit ang paghawak ko sa escoba na ginagamit kong pangkuskos ng inidoro.
Nilingon ko si tiya Mabel na nakasandal sa hamba ng pinto at nakapalumbabang nakatingin sa akin. Naiinis ako sa sinabi ni tiya Mabel, walang kaso sa akin ang lahat ng mga pang iinsulto at pananapak nya sa akin. Pero ang idamay ang papa ko na nananahimik na? Wala syang karapatan!
Gustuhin ko mang sumagot kay tiya Mabel pero ayaw bumuka ng bibig ko. Gusto ko syang bulyawan at sumbatan pero may pumipigil sa akin na gawin iyon. Nirerespeto ko si tiya Mabel, tiyahin ko sya, kapamilya. Sya nalang ang natitirang kamag-anak ko. Kaya kahit ang hirap hirap na... kailangan kong lunukin ang pride ko para lang mabuhay.
"Anong tinitingin-tingin mo?! Bakit lalaban kana?! Yan ba ang tinuro ng tatay mo sayo?! Wala ka talagang galang! Pare-pareho lang kayong dalawa! Walang silbi!" pagkasabi ni tiya ay bigla nalang nyang binato ang tabo sa akin, nasapol ako nito sa ulo. Kahit masakit, tiniis ko... hindi ako nagpatinag.
"Tapusin mo na yan! Ke bagal bagal! Walang silbi!"
Napapikit ako ng mariin. Ramdam ko ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Pagod na ako, ayoko na. Konti nalang talaga susuko na ako. Nakakasawa na... lagi nalang. Ginawa ko naman lahat para lang matanggap nya, ginawa ko naman lahat para tanggapin din ako ng lahat. Pero bakit? Bakit lagi nalang akong napipintasan? Bakit lahat ng mali ko ang napupuna? Bakit yung mga tamang ginawa ko.. di nyo manlang makita?
Magtatanghali na ng makapasok ako sa paaralan. Inabot kasi ako ng tanghali dahil sa paglalaba ng tambak tambak na labahan ni tiya Mabel. Ewan ko ba kung sinasadya nyang damihan ang labahan ko, pati ata mga damit na hindi naman sya sinusuot pinalabhan ulit. Pati mga damit na kakalaba lang.. pinalaba ulit sa akin. Mabuti narin to, atleast walang masyadong estudyante sa daan at matiwasay akong makakapaglakad sa hallway nato. Walang estudyanteng haharang sa akin at ipapahiya nanaman ako. Malamang andoon sila sa mga fastfood chains at kasalukuyang kumakain ng tanghalian.
Ako? Hindi pa ako kumakain, kanina pang umagahan. Sanay narin naman ako, kaya okay lang.
Pinili kong tunguhin ang rooftop, ang tambayan ko. Pero nagtaka ako kung bakit bukas ang pintuan nito. Sa pagkakaalam ko, walang pumupunta sa rooftop na ito maliban sa akin?
Dahan dahan kong tinulak ang pinto para mabuksan, nilibot ko ang tingin ko.. wala namang tao. Hmm.. baka nakalimutan lang ng utility na isara.
Umupo ako sa tapat ng railings, ang ganda talaga ng view sa lugar na ito. Napatingala ako sa kalangitan, pakiramdam ko ang lapit lapit ko sa langit. Sinubukan kong abutin ang langit at napangiti nalang ako ng malungkot dahil akala ko lang pala yun. Just how I expect they would accept me also.
"Kailan ko kaya mahahawakan ang mga ulap?" hindi ko alam pero napapaiyak nanaman ako.
Agad kong pinunasan ang luha ko at bumuntong hininga. Mahirap ipagsiksikan ang sarili sa mga taong ayaw naman sayo, mahirap ipakita sa kanila na nagsisikap ka lalo na at wala naman silang ginawa kundi maliitin ka. Nakakapagod din minsan makisabay sa agos ng buhay, para akong isang maliit na hipon na nakikisabay sa paglangoy ng mga naglalakihang isda, pinipilit ang sarili na makisalamuha sa kanila pero wala silang ginawa kundi kainin ako.
"Hey.."
Nagulat ako sa biglang pagsalita sa gilid ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Aly. Agad kong pinunasan ang luha ko, nakakahiya... nakita nya kayang nagdadrama ako?
"Mag-isa ka nanaman?" tanong nito at umupo sa tabi ko.
"Hmm.. wala ng bago dun."
"Pero magkaibigan naman tayo diba?" tanong nito at tinignan ako sa mata. Napatingin din ako doon pero agad din akong nag-iwas. Ramdam ko kasi ang pang-iinit ng pisngi ko. Hindi ko alam pero para akong kumukulong tubig ngayon.
"E-ewan.. baka.. siguro.." alanganin kong sagot.
(Play the song: SAYO by: Silent Sanctuary)
Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa balikat at pinaharap sa kanya. He look at me directly in the eye. Gusto ko mang mag-iwas ng tingin pero parang may sariling utak ang mata ko na sabayan ang pagtitig ni Aly sa akin. Nakakalunod ang mga tingin nya, nanunuot sa loob loob ko. Titig na titig lang ako sa mga mata nya, ang ganda ng mata nya. Para bang may sariling isip ang mata nya at nakikiusap sa akin. Puso kumalma ka!
~Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas~
"Kiersten, seryoso ako ng sabihin kong gusto kong makipag kaibigan sayo. Kakaiba ka, nakakabilib ka. You are one of a kind. And as I said, you are a girl who needs to be treasured." nanunot sa loob loob ko lahat ng bawat pagbigkas nya ng mga salita.
~Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo~
"Kiersten a girl who is always hiding in the dark. Kiersten who is always alone. Kiersten who are strong, brave and determined. Kiersten, please? Please be friends with me?"
~Tumingin sa 'king mata
Magtapat ng nadarama
Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo...
Sayo lang ang puso ko~
Nagsusumamo ang mga mata nito. Tila ba isa syang batang nagmamakaawang bilhan ng kendi. Hindi ko alam pero ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ako makahinga, nagsisitaasan ang balahibo ko sa katawan. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Sa tanang buhay ko, hindi ko inakala na may taong magtatangkang makipagkaibigan sa akin. Isang tao na hindi ko inaasahan sa lahat.
I always wish this day to happen. At ngayon, mukhang narinig na ang mga dasal ko. At sino ba naman ako para tumanggi hindi ba?
"Oo naman.." ngumiti ako. "Mula ngayon, magkaibigan na tayo."
Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa mukha nito, ang ngiting iyon. Isang ngiti na makapagpapagaan ng loob mo. That kind of smile, is very beautiful.
"Here." tinignan ko ang inabot nito sa akin.
"Potchi?" nakakunot noo kong tanong.
Tumango ito at inilagay sa palad ko. "This piece of candy will symbolize our friendship. At sisikapin nating maging kasing tamis ng potchi na ito ang pagkakaibigan natin."
Napangiti nalang ako at tinignan ang potchi sa kamay ko. Hindi ko alam pero ang korni din pala ni Aly. And it's cute.
"Cheers to our friendship!" sigaw ni Aly at biglang tinaas ang potchi na hawak. Para bang magtotoast.
"Ang korni mo.." nakangiwi kong wika pero deep inside masaya ako.
Napanguso ito. "Ehh! Dali na kasii!"
Napailing nalang ako at itinaas din ang potchi na hawak ko. "Okay okay! Cheers to our friendship!" we cheered ang burst out to laughter after.
From that moment, I just found myself... not alone anymore. And I hope, I really hope.. this is not just the prank of life.
Para akong tanga habang naglalakad sa masikip na eskinita pauwi sa bahay. Kanina pa hindi mawala sa mukha ko ang ngiting ito. Some called me weird kanina, lalo na si Natasha na pinagtripan nanaman ako. Pero walz na akong pakialam dun, mas importante sa akin ngayon ang nangyari sa rooftop.
That friendship-thingy with Aly, nakakagaan ng loob. Unang beses sa buhay ko na magkaroon ulit ako ng kaibigan. And I didn't expect that it would be so much happy. Ang saya saya magkaroon ng kaibigan, ang saya saya na finally... may tao ring pinayagan akong pumasok sa mundo nila.
Natigil ako sa paglalakad ng makita kong hindi na pala nakabuhol ang sintas ng suot kong sneakers. Yumuko ako at inayos ito, habang nag-aayos napansin ko ang isang itim na card sa paanan ng paa ko. Nagtataka ko itong pinulot, mukhang bago ang card na ito. Hindi sya mukhang credit card. Pero may pangalan na nakalagay. Mr. Eduardo Guevarra. Iyan ang nakalagay sa card. Teka? Guevarra? Sa pagkakaalam ko ang mga Guevarra ang isa sa pinakamayaman na angkan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa din dahil sa negosyo nila. Kay Mr. Eduardo ito? Pero bakit napunta ito sa isang mabaho, masikip, at pang-mahirap na eskinita?
Pero mas nagtaka ako ng may mabasa ako sa ibaba nito. Biglang nanlaki ang mata ko... biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan. Ano ito? Is this a prank?
Cause of Death: Stabbed
Date ang Time of Death: September 23, 20** || 5:00 pm
Di ko alam pero agad akong napatingin sa relo ko. It's already 5:00 pm. Iniisip ko na hindi ito totoo pero... nagkamali ako.
"The well known Mr. Eduardo Guevarra owner of the most prestigeous hotels in the Philippines and other countries, and one of the richest man on the world was found dead on his car due to 20 deep stab wounds all over his body. Police said......"
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ng reporter sa balita. Literal na napaupo ako sa gitna ng kalsada. Naibato ko palayo ang black card na iyon. What was that?
I-is that a death weapon? So devils are true? Am I going to die too? OMG!
~The Devil's Love~
Music used: SAYO by: Silent Sanctuary
Ang lame ng chapter na to! Spell MENTAL BLOCK! Shocks! Kbye na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top