Chapter 2: The Dark World

Chapter 2: The Dark World

There is life, and there is death.

There is light and darkness.

Angels and Demons.

Sa tuwing may namamatay, ang mga kaluluwa ng mga namatay ay hindi agad napupunta sa langit. May isang lugar kung saan unti unting sinasala lahat ng kasalanang nagawa nila nung nabubuhay pa sila.

At sa tuwing may namamatay, may mga nilalang na nakaatas para sunduin ang mga kaluluwa. Sila ay tinatawag na Grim Reaper. Sila ang tagakuha ng mga kaluluwa ng mga namatay at dinadala sa lugar kung saan binibigyan sila ng misyon. At ang misyong ito, ay ang makakolekta ng isang kaluluwa na nakatakda sa kanila.

Dalawang uri ang Grim Reaper. Isang Pure Blood, at isang normal na Grim Reaper. Pag sinabing Pure Blood, hindi sila dating kaluluwa kundi nilikha na maging Grim Reaper talaga. Ang mga normal naman ay ang mga kaluluwang may misyon.

May isang Grim Reaper na kinatatakutan ng lahat. Siya ang tipo ng Grim Reaper na malayo palang, ramdam mo na agad ang nakakatakot na presensya. Hindi siya yung tipo ng Grim Reaper na palangiti, o kahit palakasalamuha manlang sa iba. Mas gusto nya ang nag-iisa, tahimik lang sya, at ayaw niya sa lahat ay pinakikialalam sya pagdating sa mga misyon nya.

"Ayan na si X, magsi-ayos kayong lahat!" sigaw ng isang normal na grim reaper sa mga kasamahan nito. Tahimik ang lahat at tanging pagtunog ng takong ng sapatos ang maririnig. Walang nagtangkang umiik, nakayuko lang ang lahat lalo na ng dumaan na sa harap nila ang Grim Reaper na kinatatakutan nila.

Siya si X, Pure Blood Grim Reaper.. at sabihin na nating sya ang pinakanakakatakot at pinakamagaling na Grim Reaper sa lahat. He is one a death call. He is a black angel. He is indeed a DEVIL.

~~~

Tahimik na nakaupo si X sa silya kaharap ng pinakapinuno sa kanila. Sa harapan nito ay isang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa kaluluwang susunduin nya.

"Kailan ako aalis?" tanong nito. Napakalalim ng boses nya, napakalamig, aakalain mong nanggaling sa kailaliman ng lupa.

"Kakaiba ang misyong ito kaysa sa mga nakaraang misyon mo X.." ani ng nakatataas sa kanila o kilala bilang si General 444.

Hindi nagpakita ng kahit na anong ekspresyon si X. Malamig lang itong nakatingin sa mga mata ni General 444. Napabuntong hininga nalang si General 444 at iniusog ang folder palapit kay X.

"Buksan mo, pag-aralan mo ng mabuti.."

Tinitigan lamang ni X ang folder at hindi na nag-atubiling buksan ito.

"Kailan ako aalis?"

Napailing nalang si General 444. Hindi mo talaga mauutusan si X, lalo na kapag ayaw nya.. wala kang magagawa kundi sumuko nalang. Bato ang puso nito, maaari mo syang maihalintulad sa isang robot na walang pakiramdam, purong bakal lang.

"Ngayon na.."

Kinuha nito ang folder sa mesa at walang paalam na nilisan ang opisina. Napasandal nalang sa upuan si General 444 at hinilot ang sintido.

"Hayy... kakaiba ka talaga X."

Taas noo ito habang naglalakad sa malawak na pasilya, lahat ng madaanan nito ay binibigyan sya ng lugar upang makadaan. Ngunit hindi inaasahan na bigla nalang may makabunggo sa kanya. Rinig ang pagsinghap ng lahat sa nangyari. Maging ang nakabunggo sa kanya ay nanlamig bigla, nanlaki ang mata at tila mawawalan na ng ulirat dahil sa sobrang putla.

"X-x-x!  h-hindi ko po s-sinasadya. Patawad po!" natatarantang yumuko ang bumunggo sa kanya. Todo yuko ito sa paanan nya.

Pero hindi iyon pinansin ni X. Nakatingin lang ito sa unahan. Hindi na nag aksayang tignan ang kawawang grim reaper na hindi na mawari kung ano ang gagawin mapatawad lang ng nakakatakot na grim reaper.

"Tumayo ka." walang emosyon na wika ni X. Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo ang kawawang grim reaper. Hindi ito makatingin sa mata ni X dahil natatakot ito sa pwede nyang dangatin oras na tignan nya ito mismo sa mata.

Pinulot ni X ang folder na naglalaman ng misyon nya at tahimik na nilisan ang pasilya. Namayani ang katahimikan sa paligid. Nang hindi na nila matanaw si X, saka lamang nakahinga ng maluwag ang grim reaper na akala mo ay naabweslto sa sanang kamatayan.

~~~

Nang makababa na sa lupa si X, doon nya lamang binalak buksan ang folder na hawak. Sinuri nya ang bawat detalye, ayon sa detalye isang lalaking nagngangalang Miguel Alystair Tuazon Jr. ang susunduin nya. Mamamatay ang lalaki dahil sa isang aksidente.

At sa mismong kalsadang kinatatayuan nya mangyayari ang trahedya. Sa isang iglap, isang nakakabinging salpukan ng sasakyan ang gumising sa diwa ng tao sa paligid. Titig na titig lang ito kung paano umusok ang isang sasakyan at gumulong ang isa. Mga basag na bubog ang nagkalat sa paligid, sigawan ng mga tao na humihingi ng tulong.

Nakatitig lang ito sa kotseng nakabaliktad sa kalsada, kinuha na ng mga response team ang bangkay. Tinignan nya ang bangkay na nasa paanan nya.

"Ikaw ba si Miguel Alystair Tuazon Jr?" tanong nito sa kaluluwang nasa harap na nya.

"S-sino ka?" takang tanong naman ng kaluluwa.

"Sagutin mo ang tanong ko." malamig ngunit ma-awtoridad na wika nito. Napaatras naman ang kaluluwa dahil sa nakakatakot na boses nito.

"H-hindi ako yun.. h-hindi. Mark... Mark Tan ang pangalan ko."

Agad napakunot ang noo ni X. Tinignan nyang muli ang folder at at ang kaluluwang nasa harap nya. Imposible.

"Hindi ito maaari.." mahinang bulong nito.

Imposible. Napaka imposible. Sa tanang buhay nya, sa tagal nya sa serbisyong ito, ni minsan hindi sya nagkamali sa pagsundo ng kaluluwa. Tatawagin ba syang pinakamagaling kung nagkaroon sya ng mintis?

Si X.. ang kinatatakutan at pinakamagaling na grim reaper sa lahat, sa unang pagkakataon nagkamali?

Kahit kailan hindi nagmintis ang trabaho nya, dumadating sya eksaktong limang minuto bago maganap ang aksidenteng sanhi ng pagkamatay ng isang tao. Kaya laking pagtataka nito kung bakit iba ang kaluluwa.

Hanggang sa bigla nalang syang natauhan, agad nyang tinignan ang kotseng umuusok. Wala na sa loob ang isang bangkay, agad nyang sinundan ang ambulansya. Doon nakahiga ang isang bangkay ng lalaki. Basag ang mukha nito, may malaking sugat sa braso, pasa at maliliit na bubog sa mukha. Sinuri nya ang gamit ang binata. Doon nya lamang napagtanto ang lahat.

"Susunduin kita.. pero hindi pa ngayon. Ngunit bakit pinapunta ako dito ng mas maaga?"

Sinundan nya ng tanaw ang papalayong ambulansya. Nagtataka parin sya sa nangyari, maraming tanong ang tumatakbo sa isipan nya... bakit napaaga sya ng sundo? Hindi ba labag ito sa mga rules ng isang grim reaper? May iba pa ba syang misyon maliban dito? Kaya ba sinabi ni General 444 kanina...

"Kakaiba ang misyong ito kaysa sa mga nakaraang misyon mo X.."

Kung kakaiba ito, ano pa ang isa nyang misyon?

Pero napatigil sya ng pag-iisip ng makaramdam ito ng kakaibang tingin, may nakatingin sa kanya. Agad syang naalerto dahil doon. Nilibot nya ang tingin nya, may mga tao sa paligid ngunit parang wala naman silang pakealam sa kanya. Base sa kilos nila, hindi sya nakikita. Pero... ramdam nya, may kutob sya, may nakakita sa kanya.

At delikado ito, dahil matagal ng wala ang ganung klaseng lahi. Ang mga Fallen Angel.. Ang kalaban ng mga grim reaper. Ang kalaban ng kamatayan.

Kailangan nyang makilala kung sino ang taong iyon, kailangan nyang pigilan ang taong iyon na sagipin ang mga taong nakatakda ng mamatay. Walang dapat pumigil sa kamatayan. At kung sino man ang magtangakang pumigil... dadaan sa bagsik ng pinakakinatatakutan at pinakamagaling na grim reaper sa lahat... Si X.

"Kung sino ka man magtago kana, dahil sa oras na makilala kita... hinding hindi kita sasantuhin. I am X and I am not just a grim reaper, I am The Grim Reaper."

-The Devil's Love-

Waah! Ang lame!! T__T Bawi nalang ako sa chapter 3!!

Please do leave a commet or any suggestions!( ^ω^ )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top