Chapter 1: Potchi
Chapter 1: Potchi
Kiersten's Pov
Todo kapit lang ako sa notebook na dala ko. Todo yuko din ako dahil ayokong mapansin nanaman ako ng estudyante at mapagdiskitahan. Kahit ngayong araw lang, gusto kong mamuhay ng normal. When I say normal... I mean.. walang pumapansin sa akin.
Pero mukhang trip talaga akong paglaruan ng tadhana, trip nya akong kawawain at gawing katatawanan. Hinawi ko ang buhok ko na tumabon sa mukha ko matapos akong mabuhusan ng malamig na iced tea.
"Bad morning freak!" nakangising wika ni Natasha. Ang babaeng dahilan kung bakit ako naging sikat sa school nato. Dahil sa kanya, napansin ako ng mga tao. Dahil sa kanya, nabansagan akong freak ng buong campus. Kung tinatanong nyo kung masaya ba ako dahil doon, HINDI.
"Natasha.. please? Ayoko ng gulo. Kahit ngayong araw lang.. pagod na pagod na ako.."
Yan ang gusto kong sabihin ngayon. Pero subukan ko mang ibuka ang bibig ko, walang lumalabas na salita. Para bang nawalan ako ng boses. Gustuhin ko mang sumigaw pero wala akong lakas para gawin yun.
"Ano? Ano? Magsasalita ka? Lalaban kana?" dinutdot pa nito ang noo ko. Todo yuko lang ako. Gusto ko nalang lamunin ng lupa. Ayoko na..
"Wala ka pala eh! Tsk! Freak!" bigla nya akong tinulak. Napapikit nalang ako at hinintay na dumapo ang katawan ko sa maputik na lupa. Pero imbes na matigas at maduming lupa at sumalo sa akin, naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko sa ere. May bagay na pumalibot sa katawan ko.
Nakapikit lang ako at hindi nag abalang magmulat ng mata. Natatakot ako na kapag minulat ko ang mata ko, isa lang palang ilusyon ang lahat. Na sa unang pagkakataon ng buhay ko.. may taong tumulong sa akin.
"Hindi talaga kayo nadadala no? Walang ginagawa ang tao sa inyo.. leave her alone please?" napakaganda ng boses nya, ang lalim. Nakakapanindig balahibo. Yung tipo ng boses na nakakalunod.
"And what is it to you anyway? Sino kaba? Bago kalang! Acting like a knight and shining armor. Gwapo ka sana eh.. kaso epal ka! Tsee! Makaalis na nga!" naramdaman ko na tinitigan pa ako ng masama ni Natasha bago tuluyang umalis kasama ng mga alipores nya.
Nang tuluyan na silang nawala, doon ko lang narealize ang pwesto ko. Dali dali akong bumabasa pagkakabuhat ng kung sino sa akin. Hiyang hiya akong nakayuko dahil ayokong makita nya ang mukha ko na parang basang sisiw.
"Here, baka lamigin ka.. samahan na kita sa locker mo." naramdaman ko na binalot nito ang jacket nya sa akin.
Dahil doon napaangat ang tingin ko. Nagtagpo ang mga mata namin. Ako lang ba o talagang kumabog ng malakas ang dibdib ko. A-Anghel batong nasa harapan ko?
Gray eyes, red lips, well structured nose, fair skin at sobrang kinis pa. In short. He is indeed an angel.
"Hey miss? Di kaba magbibihis?" I snap. Agad kong iniwas ang tingin ko. Kanina pa pala ako natulala sa mukha nya. Eh kasi.. I can't deny, he is so handsome.
"K-kaya ko naman ang sarili ko. S-salamat k-kanina.." nauutal ako. Grabe, akala ko hindi na ako makakapagsalita.
"No prob! Ayaw ko kasing may nakikitang babaeng nasasaktan. Girls are fragile that should be handle with care." then he smiled. Dahil doon mas lalo syang gumwapo. Grabe... nakakahilo ang kagwapuhan ng lalaking to.
"O-okay lang naman ako. S-sige na baka malate kana sa klase mo.."
He looked at his wrist watch at napatampal sa noo. "Shit! Late na nga ako.." I feel guilty.
"S-sorry.. d-dahil tinulungan mo pa ako, kaya ka nalate."
"No worries! Wala naman akong balak pumasok sa first subject ko eh. Baka matulog lang ako dun" then he flashes his angelic smile again.
"G-ganun ba? Sorry..."
"Ano ba! Wag ka ngang magsorry. Ganito nalang, samahan kitang magbihis tapos tour mo nalang ako dito sa school nyo. Hehe bago pa kasi ako.." tapos napakamot ito ng batok nya. Kita ko ang pamumula ng pisngi nito pati ng tenga nya. Hala! Nagbablush sya. Cute. ^_^
"S-samahan mo talaga ako? O-okay lang naman ako eh." Finally nakatingin din ako sa mga mata nya. But only lasted for five seconds, after that nag-iwas ako agad ng tingin.
"Hmm.. kung hindi ako sasama sayo, baka maligaw ako dito." Oo nga pala, bago sya.
Okay tutal wala nadin naman na akong magagawa. Parehas kaming late, wala namang masama na magtour muna kami ngayon. Besides, I'll just return the favor. Tinulungan nya ako kanina.. so this time it's my turn.
"Hmm.. okay, magbibihis lang ako then itotour na kita.."
Mas lumapad ang ngiti nito. "Thanks!" tapos ginulo nito ang buhok ko.
Kaya ako, agad napayuko para itago ang kanina pang namumula kong pisngi. Grabe ang charisma ng lalaking to, ang bangis. Ngayon ko lang naramdaman to sa isang lalaki. Well sa isang tao. Ngayon lang ako nakihalubilo sa tao, yung hindi ako napipilitang makisama. Ang gaan ng loob ko sa kanya, he is a happy man. Parang walang problema sa buhay. I wish I could be as happy as him.
"Antay kalang dyan ha? Maliligo lang ako. Pwede kang maglibot libot pero dont go too far."
"Hmm.. pwede kitang samahan sa loob if you want." tapos tumaas baba ang kilay nito.
Nanlaki naman ang mata ko. Magsasalita pa sana ako pero inunahan na nya.
"Joke! Hehe sige ligo kana, dito lang ako.. aantayin nalang kita!" tapos umupo ito at sumandal sa pader katapat ng girls shower room.
Bililisan ko ang pagligo, ewan ko ba noon naman mas gusto ko pa nganv magbabad sa shower kaysa lumabas sa cr na to. Kasi alam ko na once buksan ko ang pintong ito, magigising nanaman ako sa realidad na wala talagang nagpapahalaga sa akin.
But now? Ang weird ko kasi ang bilis bilis ko maligo. Parang excited na akong pihitin ang doorknob ng pinto kasi... kasi.. kasi alam ko na may nag-aantay sa akin sa labas.
Paglabas ko ng shower room, hindi ko na nakita yung lalaki sa tapat. Nilibot ko ang tingin ko pero hindi ko na sya mahanap. Nakaramdam ako ng lungkot, akala ko may kaibigan na ako. Pero.. mukhang wala nga talagang tao na para sa akin, maybe I am born here to be alone.
Napabuntong hininga nalang ako at hinigpitan nag hawak sa jacket na nasa braso ko. Sana magkita ulit kami para maibalik tong jacket nya, and also.. sana magkita ulit kami kasi.. kasi masaya akong nakikita sya.
Naglakad na ako palabas ng shower room. Tutungo nalang ako sa cafeteria tutal break nadin naman. Habang naglalakad, nararamdaman ko na may nakasuod sa akin. Bigla akong kinabahan, kasi.. kasi ang tingin na yun. Ang kakaibang tingin na yun.
It's been a month since I felt that kind of stare. Yung tingin na nakakapanindig balahibo. Yung tingin na kapag sinalubong mo.. parang nasa hukay na ang isang paa mo. Ang tingin na yun... katulad na katulad ng tingin ng kamatayan na nakita ko noon.
Agad kong binilisan ang paglalakad ko, gustuhin ko mang lumingon pero natatakot ako. Kaya dirediretso lang ang lakad ko. Pero agad akong napapitlag ng may humawak sa braso ko.
"Aahh!!"
"Hey??"
Agad napatilig ang pagsigaw ko ng makita ko kung sino ang humawak sa braso ko.
"Kanina pa kita sinusundan. Ang bilis mong maglakad.. akala ko ba itotour mo ako?" may pagtatampo sa boses nito, kulang nalang magpout sya. Naku! Sarap nyang... ah nevermind.
Hindi ko masyadong pinansin yung tanong nya kasi mas natuon ang atensyon ko sa paligid, hindi ko na naramdaman ang tingin na yun, bigla nalang nawala. Siguro guni guni ko lang yun.
"Sorry paglabas ko kasi kanina wala kana, so I thought you already left." sagot ko.
"Ganun ba? Sorry ha naihi kasi ako eh. Kakatukin sana kita sa loob pero naisip ko bala busy ka kaya hindi ako nakapagpaalam."
Ahh ganun pala. Akala ko pa naman iniwan nya rin ako. Hmm.. pero wag muna ako mag-aasume, maraming what if's.
"Ahh... okay lang. Ano sorry kasi iniwan kita."
"Okay lang ano kaba! So ano? Tour na ba tayo?" nakangiti nitong tanong.
Hindi ko napigilan at napangiti din ako. Kita ko na medyo napastiff ito pero hindi ko nalang pinansin.
"Game!"
~~~
"Hmm.. lagi kabang nakatambay dito?" itinapon ko ang hawak kong dahon at pumitas ng bago. Pinaglaruan ko ito bago tinapon ulit.
"Oo.."
"Bakit di ka nakikihalubilo sa mga classmates mo? No offense pero, wala kabang friend?" napangiti ako ng mapait sa tanong nya. Andito kami ngayong sa lugar kung saan lagi kong pinupuntahan. Tanaw ang lahat lahat dito. At dito ko gustong tumambay kasi nakikita ko ang lahat na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan nila. At ako? Nakangiti lang din habang nakatingin sa kanila, habang nakangiti ako.. unti unting nagbabagsakan ang luha ko. Naiinggit ako sa kanila.
"Friends? That doesn't exsist on my vocabulary.."
Rinig ko ang pagtawa nito. "You're really something." tapos tumigil ito sa pagtawa at napabuntong hininga.
"Lagi kaba nilang ginaganun?"
Napasulyap ako sa kanya. "What do you mean?"
"Kinakawawa.. lagi ba? Ba't di ka lumalaban? Okay lang ba talaga sayo na apak-apakan ka nila?"
Ngumiti ako at tinapon ang dahon na pinaglalaruan ko. Napahugot ako ng malalim na hininga. "What's the point of fighting? Kahit naman lumaban ako.. wala rin akong panalo eh. Me againts all of them? Kawawa ako.."
"But alteast say.. sabihin mo lang kung ano ang tinatago mo dyan." tapos tinuro nito ang puso ko.
"Kapag ba nagsalita ako makikinig sila? Pag ba nagsalita ako titigilan na nila ako? No. Kaya what's the point of doing all of them kung wala rin namang magbabago. Baka mas lalo pa ngang lumalala ang sitwasyon." tinignan ko ang mga estudyante sa ibaba ng rooftop. "Okay na na tahimik lang ako. Atleast kapag nagsawa na sila kakaasar sa akin wala akong problema. Malinis ang konsensya ko."
Hindi na sya sumagot. Tinignan ko sya at nakita kong nakatingin sya sa akin. Agad kong iniwas ang tingin ko kasi ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Kinuskos ko ang palad ko sa jeans na suot ko. Nanlalamig kasi ang kamay ko, kinakabahan ako. Para akong naiihi na hindi ko maintindihan.
May nakapa ako sa bulsa ko. Dinukot ko ito at napag-alaman ko na isa itong kendi.
"Oh.." inilahad ko sa harap nya ang isang piraso ng potchi na hawak ko.
Tinignan nya ang potci at ako. "Ano yan?"
"Wala akong pera eh, ito lang meron ako.. Thank you kanina." tapos ngumiti ako.
Ngumiti din sya at kinuha sa kamay ko ang potchi. Nakangiti ito habang binalatan at kinain. Nakatingin lang ako sa kanya habang unti unting sinusubo ang potchi. Bawat nguya nito nakatitig lang ako. Bakit ang sexy nyang ngumuya? Shit! Nababaliw na ako. Nahuli nanaman akong nakatingin sa kanya kaya nag-iwas ulit ako.
"I'm Aly..." pagpapakilala nito. Nakalahad ang kamay nito sa harap ko.
Nag-aalangan pa akong tanggapin ito pero may nagsasabi sa akin na tanggapin ko na. Wala namang mawawala, besides.. once in a blue moon lang na may kumausap sa akin. And this is the first time na naging maayos ang pakikisalamuha ko sa isang tao. And take note, an angelic-handsome-drop-dead-gorgeous-man.
"Kiersten.." at tinanggap ko ang kamay nito. Ang lambot ng kamay nya. At ang kinis pa.
"So ano? See you tomorrow?" nandito na kami ngayon sa labas ng gate. Magkaiba pala ang daan na tinatahak namin pauwi. Ewan ko pero nalungkot ako. Akala ko kasi makakakwentuhan ko p sya hanggang pag-uwi.
"Hmm... wag kang mag-alala ibabalik ko na tong jacket mo sayo bukas, clean and green."
"So hindi pa ito ang huli nating pagkikita. See you Kiersten.."
Tumango ako at ngumiti. "Yeah see you tomorrow Aly.."
Kumaway ako sa kanya bago sya nagpatuloy sa paglalakad. Nang hindi ko na sya matanaw, doon nadin ako nag-umpisang maglakad pauwi. Habang naglalakad hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Hawak hawak ko ang jacket ni Aly sa braso ko. Grabe ngayon lang ako naging ganito ka saya. Akala ko hindi ko na mararamdaman to. Yung feeling na.. ang sarap gumising sa umaga kasi may mag-aantay sayo.
Salamat kasi dumating si Aly. Atlast! Pinakinggan din ang hiling ko.. na sana kahit isa lang, may tao ring magpaparamdam sa akin na tao ako. Na dapat din akong pahalagahan at alagaan.
Napatigil ako sa paglalakad ng bigla ko nanamang maramdaman ang kakaibang tingin na iyon, ang tingin na nanunuot sa buo kong pagkatao. Nakaktakot. Nakakakilabot. Gustuhin mang libutin ang tingin ko pero natatakot ako. Wala pa namang tao sa parte na kinatatayuan ko ngayon. Wala kasing masyadong ilaw ang parteng ito. Labag man sa loob ko, dahan dahan kong inikot ang mata ko para makita kung sino man ang sunod ng sunod sa akin at nagmamay-ari ng tingin na iyon.
Nanlaki ang mata ko ang makakita ako ng bulto ng isang tao sa hindi kalayuan. Hindi sya masyadong makita dahil narin sa madilim pero malalaman mong may tao sa parteng iyon. Naka-itim sya. At ramdam ko na nakatingin ito sa akin ngayon. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko. Napakalamig ng tingin nya, para akong may tinik sa lalamunan, pinagpapawisan ako ng malagkit.
"S-sino ka?! B-bat moko sinusundan?!"
-The Devil's Love-
See you sa Chapter 2! ^__^
Please do leave your feedbacks! It would mean a lot!^__^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top