Epilogue
TW: Disturbing scenes/informations, Mentions of Suicide
***
"CERINA!" rinig kong tawag sa 'kin ng naghihisteryang boses.
Naramdaman ko ang nanginginig na mga kamay na yumuyugyog sa 'kin habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ko. Ilang beses na ring tinapik nang mahina ang magkabila kong pisngi.
"Cerina, gising..." saad muli ng pamilyar na boses.
Gusto kong magmulat upang makita kung ano nga ba ang nangyayari at bakit ako niyuyugyog gayong gising naman ako, ngunit nang subukan kong imulat ang mga mata ay nakaramdam lang ako ng matinding sakit sa ulo.
Hindi pa rin natitigil ang pagtawag sa pangalan ko.
Nang makabawi sa sakit ay sinubukan kong magmulat muli, ngunit gano'n lang din ang nangyari, kaya naman ipinirmi ko na lang ang sarili at pinakiramdaman ang paligid. Nakarinig ako ng mga yabag na tila nagtatakbuhan paroon at parito. May ilan ding boses hindi ko malinaw na naririnig dahil tila bulong o hikbi lang ang mga 'yon sa pandinig ko.
Pinakiramdaman ko ang pinakamalapit na presensiya. "Cerina, anak. Gumising ka, please?" hikbi no'ng yumuyugyog sa 'kin kanina pa.
Anak?
Si mommy!
Ginigising ako ni mommy. Pero bakit? Gising naman ako.
Nang mapagtanto ang nangyayari ay saka ako nataranta. Gising ako. Alam ko 'yon dahil naririnig ko sila. Pero hindi ko maimulat ang mga mata ko, kaya siguro ako niyuyugyog at pilit na ginigising ni mommy.
Sumakit muli ang ulo ko dahil nagsimula nang gumapang sa 'kin ang kaba.
"Quen! Bilisan mo, tumawag ka ng ambulansiya. Ang anak ko!" iyak muli ni mommy na ngayon ay pasigaw nang inuutusan si daddy.
"Calm down. I'm on it," sagot naman ni daddy gamit ang mahinahong tono kahit na bakas rin doon ang pagkabahala dahil sa sitwasyon.
I feel so helpless.
I wanted so bad to open my eyes so that they won't panic anymore, but my head aches everytime I tried to do it! So instead, I tried calming down and taking deep breaths like how Dra. Lesandra's making me do whenever I panic. I waited for a few mkre minutes before trying to open my eyes again. It was painful at first, but the pain disappeared when I finally got to open my eyes.
I was greeted with mom and dad's worried expressions, together with the maids' hysterical pacings, not knowing what to do in order to help.
When mom saw me open my eyes, her tears made their way out of her eyes, rolling down her already flushed cheeks.
Ano 'tong ginawa ko?
Pinaiyak ko na naman si mommy.
Gamit ang nanghihina pang kamay ay dali-dali kong inabot ang kaniyang pisngi upang punasan ang nag-uunahang luha roon. "M-mom..." pag-aalo ko sa kaniya gamit ang maliit at mahinang tinig.
"Anak... tinakot mo 'ko. Ano ba ang nangyari?" humihikbing tanong niya sa 'kin.
Hindi ako nakasagot.
Gustuhin ko man ay nanghihina na ako. Naibaba ko na rin ang kamay na ginamit upang punasan ang kaniyang mga luha. Sa isang iglap ay muling bumalik ang sakit ng ulo ko. Mas lalo 'yong tumindi, dahilan kung bakit muli akong napapikit sa sakit.
"Cerina? Anak, huwag ka munang pipikit, please? Dadalhin ka namin sa doktor... Quen! Ang sasakyan, dadalhin natin sa ospital ang anak mo!" rinig kong sigaw ni mommy.
Hindi nagtagal ay naradaman ko nang binuhat ako ni daddy palabas ng kwarto at dinala sa sasakyan. Iyak nang iyak si mommy. Hindi ko kayang pakinggan ang pag-iyak niya, kaya naman kahit gustong-gusto nang pumikit ng mga mata ko ay pinilit kong manatiling gising. Nagtaka pa ako nang maaninag ang labas at mapagtantong madilim na. Hindi naman tinted ang mga sasakyan namin kaya imposibleng dahil lang sa bintana 'yon. Sinubukan ko pang maayos na tanawin ang labas, ngunit bigla na namang sumakit ang ulo ko kaya hinayaan ko na lang.
Mabilis ang takbo ng sasakyan, kaya nakarating kami kaagad sa pinakamalapit na ospital. Agad rin kaming dinaluhan ng nakahanda nang mga doktor pagkarating doon. Naramdaman ko na lang na inilagay ako sa stretcher at binuhat papunta sa isang silid. Alam kong emergency room 'yon kahit na hindi ko na masyadong maaninag ang mga nangyayari sa paligid ko. Pagkapasok ay inihiga ako sa malambot na kama, tinurukan ng kung ano ano, kinabitan ng iba't ibang aparato, at ang isang doktor ay lumapit sa uluhan ko upang ilawan ang magkabila kong mata gamit ang maliit na flashlight.
Habang abala sila sa pagkakabit ng kung ano ano sa katawan ko ay sinubukan ko namang alalahanin kung ano ang nangyari sa 'kin.
Ang huli kong natatandaan ay nasa online class ako, may kumatok sa pintuan kaya pinagbuksan ko, pagpasok ko ay nakita ko si Kuya Qiel.
Tama!
'Yon ang huling nangyari. Nilapitan ako ni kuya at hinaplos ang pisngi ko. Tanda ko pa ang pinaghalong init ng kaniyang palad sa aking pisngi at ang lamig ng pawis na naglalandas sa batok ko.
Siguro ay nawalan ako ng malay pagkatapos niyon.
Muling sumakit ang ulo ko, kaya itinigil ko na ang pagbabalik-tanaw. Rinig ko pa rin ang ingay ng mga doktor na nasa loob ng emergency room.
Nang magawa ko muling imulat ang mga mata ay una kong hinanap ang orasan. Natagpuan ko 'yon sa may uluhan ko. Noong una ay malabo pa ang paningin ko, kaya ipinikit ko muna saglit ang mga mata bago muling binuksan. Nang luminaw kahit paano ay saka ko pinakatitigan ang orasan.
Alas doce trenta y cinco.
Kunot-noo akong muling pumikit nang maramdaman ang isang kamay na humawak sa noo ko upang iayos ako ng higa. Hindi na lang din ako nagprotesta dahil mas lalong sumakit ang ulo ko.
D*mn. This time, it hurts like h*ll. Tila binibiyak na ang ulo ko sa sakit, dahilan upang mapasigaw ako.
Nag-panic ang mga doktor.
Rinig ko na rin ang palahaw nina mommy sa labas ng emergency room. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang sakit ng ulo ko na tila anumang oras ay tatakasan ako ng hininga.
Wala na akong magawa. Maging ang mga doktor ay tinuturukan na ako ng kung ano ano, kaya lang ay hindi talaga matigil ang sakit.
Ilang sandali pa ay rinig ko na ang lalong pagkataranta ng hindi ko mabilang na doktor sa paligid ko.
"She's having a seizure!" natatarantang sigaw ng isa sa kanila.
'Yon na ang huling mga salitang malinaw kong narinig bago tuluyang naging malabo ang lahat sa paligid ko. Naramdaman ko ang pagmulat ng mga mata ko, ngunit wala naman akong maaninag na kahit ano. Mas tumindi rin ang sakit ng ulo ko at maya-maya pa ay nakarinig ako ng matinis na tunog sa magkabila kong tainga.
Wala na akong nagawa.
Pagod na pagod na ang katawan ko.
Huli kong naramdaman ang paglandas ng mainit na luha sa aking pisngi bago maramdaman ang unti-unting panghihina hanggang sa wala na akong ibang makita kung hindi ang dilim na tila nilalamon ako patungo sa kailaliman nito.
Ginapangan ako ng takot nang mapagtantong naiwan ako sa walang hanggang kadilimang ito. Gusto kong lumuha, gusto kong tumakbo papalayo upang takasan ang madilim na daang ito, kaya lang ay hindi ko na maramdaman ang katawan ko.
Hinintay kong may humawak sa mga kamay ko upang ibalik ako sa liwanag, kaya lang ay walang dumating na kahit sino.
Nagtagal ako sa kadilimang 'yon.
Sobrang tagal na hindi ko na mabilang kung ilang oras, hanggang sa wakas ay marinig ko ang isang pamilyar na boses. Hinanap ko iyon at pinakinggang mabuti. Nang masiguro kung saan iyon nanggagaling ay saka ako kumaripas ng takbo.
"Cerina, love... wake up now," saad ng tinig.
Si Ash iyon.
Sigurado ako.
Tuwang-tuwa ako habang papalapit sa tinig na 'yon, dahilan upang matumba ako at muling makaramdam ng sakit. Ngunit ininda ko 'yon at sinubukang tumayo. Nang magtagumpay ay muli kong tinakbo ang direksyon kung saan ko narinig ang tinig niya.
Hindi na ako nadapa.
Kaya lang ay naramdaman ko ang pagbagal ng mga hakbang ko, unti-unti... hanggang sa hindi na ako makagalaw. Napa-salampak ako sa sahig at nanghina. Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon na tila inilulutang ako patungo sa kung saan. Nang tumigil 'yon ay nakarinig naman ako ng hindi malinaw, ngunit nakakikilabot na ingay sa paligid.
Tila mga naglalakihang halimaw na humahagulgol at ang iba ay nagsisigawan.
Hindi ko kinaya ang ingay na 'yon, dahilan upang mapamulat ang aking mga mata. Kaagad namang nawala ang mga hagulgol na 'yon at napalitan ng mga singhap.
Inilibot ko ang paningin sa paligid at laking gulat ko nang tumambad sa 'king harapan ang hindi mabilang na mga nakatatakot na halimaw. Nataranta ako. Ramdam ko ang kapit ng kung ano sa 'king mga braso, kaya naman nagpumiglas ako.
Ngunit hindi ako nagtagumpay dahil nanatili ang yakap sa 'kin ng isang pares ng maiinit at matipunong mga braso. Nang mapagtantong wala akong laban ay pumirmi na lang ako upang tingalain kung sino 'yong may hawak sa 'kin.
Lubos kong ikinagulat ang tagpo nang makilala ang pamilyar na matipunong lalaki. Nagtagal ang titig ko sa kaniya nang mapansing kulay pula ang kaniyang mga mata.
"You're finally awake, baby..."
Si Ash.
Sigurado akong siya 'yon. Ngunit kakaiba ang kaniyang presensiya. Nakakikilabot... nakapaninindig balahibo.
Lalo pa akong napasinghap nang magbaba ng tingin at natantong nakaupo ako sa kaniyang mga hita, suot ang hindi pamilyar na kulay itim na kasuotan. Maputla na rin ang aking balat at hindi ko maramdaman ang tibok ng aking puso.
Nang mag-angat ako ng tingin sa mga halimaw ay muli silang nag-ingay.
Hindi ko kaagad na naintindihan ang kanilang isinisigaw dahil iba ang kanilang lengwahe... hanggang sa tila kusa nang makuha ng isip ko kung ano iyon.
Paulit-ulit pa rin silang sumisigaw, nakakikilabot, at nakaririndi.
Iisa lang ang kanilang tinuturan.
Isang pangalan.
"Asmodeus!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top