Chapter 9

TW: Disturbing scenes/informations, Extreme profanity, Violence

***

NASA ikatlong palapag daw ang eksaktong pinaglalagyan ng mga key to correction ayon kay Kuya Adiel, kaya naman pinauna ko na sila ng mga kaibigan niya upang sabayan sina Avril at Jien sa likod.

Napailing na lang ako dahil sa ingay ng mga kasama ko, akala mo'y hindi natatakot na mapatawag sa guidance kapag nahuling pinasok ang faculty building.

When we finally reached the third floor, Kuya Adiel asked me to open the locker using the hair pins, too. Hindi naman ako nahirapan at mabilis na nabuksan 'yon. Nang mahanap na nila ang kodigo ay dali-dali nilang kinuhanan ng litrato ang ilang pahina. After taking some photos, ibinalik na rin nila 'yon sa dating kinalalagyan.

However, a silhouette from my left corner suddenly appeared.

May tao, mahuhuli kami. Madadamay ako dahil sa kagagawan nitong mga kasama ko.

I quickly hid my phone and dragged them in a corner. Naalarma naman sila at nagsitahimik. Sa gilid ng mga locker ay may mga nakatambak na kahon. Doon kami nagtago habang kapwa mga kinakabahan sa anumang maaaring mangyari.

"Shh. Don't make unnecessary noise," Kuya Adiel reminded us.

Ramdam kong palapit na sa amin ang taong 'yon. Kinabahang kinapa ko ang bulsa ng hoodie ko, wala na roon ang cellphone ko. Aligaga kong inaninag ang pinagtataguan namin. Sa 'di kalayuan ay nandoon ang cellphone ko, malapit na sa staircase. Kung kukunin ko 'yon ay baka mahuli kami lalo, pero kung hindi naman ay maaaring maunahan kami sa pagkuha no'n at mawawala ang pinaghirapan naming kunin.

Pikit mata kong inihakbang ang isa kong paa, nag-iingat na makagawa ng anumang ingay. Nang abot-kamay ko na ang cellphone ko ay biglang nangibabaw ang tili ng kung sinuman sa amin, hindi ko na inalam pa kung sino.

Dahil sa gulat ay nagpagulong gulong kaming lima pababa ng hagdan. Sigurado akong nakasunod sa amin ang taong 'yon.

Hilong-hilo ako nang makarating sa baba. Kinapa ako ang ulo ko, nagdurugo 'yon at pumipintig-pingig pa sa sakit. Nilingon ko ang mga kasama ko, kapwa mga walang malay ang mga ito at may mga dugo rin sa ulo.

Pilit kong inaninag ang dulo ng hagdan kung saan kami nanggaling. Hawak ko pa rin ang cellphone ko, sira na nga lang ang screen.

Dahan-dahan kong itinapat sa hagdan ang flashlight kong naghihingalo na rin. Pababa roon ang isang babae. My eyes widened in shock when I recognized the woman slowly walking down the stairs.

Ang babae ay walang iba kung hindi si Faith na noong isang linggo lang nagpakamatay.

***

Nang magising ako ay unang sumalubong sa 'kin ang mukha ni Dainly kung saan bakas na bakas ang pag-aalala. Nakakunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ako nang malapitan. "Ril! She's awake!" sigaw niya nang tuluyan kong imulat ang dalawa kong mata.

"How are you? May masakit ba sa 'yo?" tanong niya kaagad nang ibalik sa 'kin ang atensyon.

Umiling ako bilang sagot.

"Are you sure?" pangungulit niya.

Tumango naman ako.

"Thank God!" pabuntong-hiningang saad niya.

Dahan-dahan kong inangat ang aking sarili upang maupo. Saglit kong iginala ang paningin sa paligid at napag-alaman kong nasa isang pamilyar na kwarto kami; kay Dainly. Nakaramdam ako ng pagpintig sa bandang sentido ko, ngunit pilit kong itinago 'yon upang hindi na mag-alala si Dainly. "Ano'ng nangyari?" tanong ko.

"What the h*ll, Cerina! I don't know what has gotten into your head at sumama ka talaga kay Avril. Mabuti na lang at nagkataong inutusan si Lyden na kunin ang ilang files sa faculty, dahil kung hindi ay baka inumaga na kayo ro'n at wala pa ring tutulong sa inyo. At sa guidance office pa ang bagsak niyo!" mahabang litanya ni Dainly.

"I know. I'm sorry," paghingi ko ng tawad. Pilit kong itinago ang maya't mayang sakit ng sentido ko upang hindi niya na ako sermonan. "Where's Ril and the others, by the way?" tanong ko nang mapansing wala rito si Avril, ang kuya niya, at ang iba pa naming kasama kanina.

Inirapan naman ako ni Dainly bago tumayo. "Nasa labas. Kanina pa sila nagising. Ikaw na lang 'tong akala namin, eh kailangan pang isugod sa ospital," sagot niya. Iminuwestra niya rin ang kaniyang kamay upang sumenyas na sundan ko siya palabas. "Tara. Tayo na lang ang lumabas at mukhang hindi ako narinig no'ng tinawag ko kanina."

Sumunod na lang ako sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top