Chapter 7
TW: Disturbing scenes/informations, Extreme profanity
***
USAP-USAPAN pa rin ang napabalitang pagpanaw nina Millie at ng tatlo niya pang kaibigan. Mayroong nagbubulungan sa tabi kapag nagkaroon ng pagkakataon, mayroong kakikitaan ng takot at pangamba sa kanilang mga mukha, at mayroon din namang ilan na tila pinili na lang na hindi makisawsaw sa isyu, o kaya naman ay ma-praning tungkol dito.
Nakaupo ako sa isa sa mga stone bench malapit sa botanical garden ng university habang nagbabasa ng mga post sa feed ko.
Gano'n pa rin.
Kahit anong refresh ang gawin ko ay puro lang tungkol sa mga balita at tsismis tungkol sa mga kamag-aral naming binawian ng buhay ang nababasa ko. Nang magsawa ay itinago ko na sa bag ang cellphone at tumayo na lang upang magtungo sa susunod na klase. Mayroon pa akong halos kalahating oras bago magsimula ang Calculus class ko, kaya naman imbes na sumakay sa elevator ay mas pinili ko na lang na gamitin ang hagdan paakyat sa ikatlong palapag ng lecture room ng Engineering department. Pagkarating sa tapat ng silid ay dahan-dahan kong pinihit ang door knob at itinulak 'yon upang makapasok ako. Mayroon nang isang grupo ng mga estudyante roon, mga kaklase namin. Apat sila't mukhang may seryosong pinag-uusapan habang nakatingin sa kani-kaniyang cellphone.
Kahit hindi ko itanong ay alam ko nang 'yong tungkol kina Millie ang topic nila.
Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong-hininga bago naupo sa upuang nasa unahan, sa tapat ng teacher's table.
Dahil walang magawa ay inilabas ko na lang ang dala kong earphones at nagpatugtog. Yumuko ako at ginamit na unan ang aking mga braso habang nakikinig sa mahinang musika.
Hindi ko namalayang naidlip na pala ako't nasa loob na ang halos lahat ng kaklase ko. Nagising ako dahil sa ingay nila. Hindi rin nagtagal at dumating na ang propesora, dala ang laptop niya at mga papel na sa tingin ko ay naglalaman ng quiz. Pagkatapos maupo at mailapag sa mesa ang mga dala ay tinawag niya ang class secretary upang ipamahagi ang dalang quiz papers.
Hindi nga ako nagkamali.
"Put your phones in my table, prepare a scratch paper, pen, and a calculator. We will have a surprise quiz today," anunsiyo niya.
May kani-kaniyang reaksiyon ang mga kaklase ko nang makuha ang quiz papers.
Maging ako ay hindi inaasahang biglang may surprise quiz. Kababalik pa lang namin mula sa suspension noong nakaraang araw. Ngunit gayon pa man, naglabas pa rin ako ng bond paper upang gamiting scratch paper, ballpen, at ang scientific calculator ko. Tumayo na rin ako upang i-surrender ang cellphone sa mesa ni prof.
"You may start whenever you're ready. I'll collect the papers after thirty minutes, then we'll check them right away."
Sinimulan ko nang sagutan ang ilang item. Inuna ko muna 'yong mga natatandaan ko, 'yong medyo madadali pa. Huli kong sinubukang i-solve ang mga mahihirap na. At dahil hindi ako nakapag-review ay ilang minuto muna akong nakatulala at nakatitig lang sa quiz paper habang nakakunot ang noo. Nang lingunin ko sina Avril at Dainly na siyang mga katabi ko ay gano'n din ang sitwasyon nila.
Mukhang hindi lang ako ang walang na-review kahit isa sa mga nakaraang discussion.
Fair enough.
I'd be doomed if I was the only one struggling.
I continued staring at my paper while squinting my eyes and trying really reallg hard to remember the formulas I could use to solve these problems.
Unfortunately, after wasting more than ten minutes engaging into a serious staring contest with my paper, I finally remember... nothing! Piniga ko na't lahat lahat ng ugat na maaaring pigain, ngunit wala talaga akong maalalang formula. Five items pa ang walang sagot. At kung minamalas ka nga naman! Sampung minuto na lang ang natitira bago ang checking.
Dating gawi. Nag-imbento ako ng sarili kong formula!
Total ay hindi naman hinihingi ang buong solution. Sagot lang ang kailangan kong ilagay sa quiz paper.
Natatawa kong ipinasa ang sinagutan kong papel. Sana pala ay pinigilan kong maging lutang sa klase habang nagle-lesson si prof. Sa duration yata ng kalahating semester ay delta method lang ang natutunan ko. Kinakabahan ako nang mag-check na ng mga papel. Hindi ko alam kung saang row napunta ang papel ko, o kung sino ang nagche-check no'n.
Ilang minuto rin ang itinagal ng checking bago i-announce ng propesora ang nakuha naming score.
Nakakahiya.
Cabrillos... forty eight over fifty.
Paligar... forty five over fifty.
Todoc... forty five over fifty.
Dejaño... forty seven over fifty.
Dumoble lalo ang kaba ko nang mapagtantong matataas ang nakuhang score ng mga kaklase ko.
Delantra... forty over fifty.
Artificio... forty one over fifty.
Maging sina Dainly ay mataas ang scores.
Grabe.
Dinaan yata sa dasal.
Kinakagat-kagat ko na ang pang-ibabang labi ko habang hinihintay na matawag ang apelyido ko. Wala pa naman akong tiwala sa mga sagot ko lalo na't hindi naman talaga ako nag-review. Literal na nasurpresa ako sa pa-quiz ni prof.
Maya-maya pa ay ako naman ang tinawag.
Ortega... forty six over fifty.
Nakahinga ako nang maluwag. Hindi na masama. Apat na mali. Ninety two percent equivalent. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga matapos 'yon.
Hindi rin nagtagal ang propesora at kaagad nang nag-dismiss ng klase, kaya naman naisipan kong umuwi na. Pagod na rin naman ako't ramdam ko na ang pangangailangan ng katawan kong magpahinga. Kailangan kong itulog 'to.
Ngunit ang plano kong pagpapahinga sa bahay ay hindi natuloy nang mabalitaan kong may pinaplano sina Kuya Adiel at mga kaibigan niya ngayong gabi sa EDU. Kasama roon si Avril na kaagad akong tinawagan upang siguruhing may kasama siya. Labag man sa loob ko ay nagmadali pa rin akong nagbihis at nagpahatid sa eskwelahan. Idinahilan ko na lang na may urgent meeting kami ng mga kagrupo ko sa thesis.
Pagkarating ko sa sinabi ni Avril na lugar ay muntik pa akong paalisin ni Kuya Adiel. 'Yong isang kasama lang nila ang nagsabing isama na ako, dahil baka magsumbong pa ako sa mga propesor kung sakaling hindi nila sisiguruhin ang pananahimik ko.
Kung saan nila nalaman ang tungkol sa kodigo ay wala akong alam.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top