Chapter 5
TW: Disturbing scenes/informations, Extreme profanity, Suicide, Violence
***
MABIGAT ang pakiramdam ko nang magising kinabukasan.
Ilang beses pa nga akong natuksong huwag nang bumangon dahil maging ang mga mata ko ay gusto pang pumikit. Hindi ko rin pati tanda kung anong oras na ba ako nakatulog kagabi.
Napilitan lang akong bumangon nang tumunog na ang alarm na naka-set sa cellphone ko. Saka ko lang naalalang may long quiz nga pala kami ngayon sa programming logic and design.
At hindi ako nag-review.
Nang tignan ko ang orasan ay dali-dali akong kumilos. Naligo, nagbihis, at nag-ayos ng mga gamit. Pasado alas nueve na nang matapos ako, kaya naman hindi na ako nag-abala pang kumain ng agahan, wala na rin naman pati sina mommy paglabas ko. Sabi ng maid ay maaga raw umalis. Sinabihan ko silang kainin na lang ang inihandang almusal na dapat sana ay para sa 'kin dahil masasayang lang naman 'yon kung hindi kakainin.
Nang makarating sa gate ay dali-dali kong pina-scan ang id ko upang makapasok na.
Pawis na pawis ako nang makarating sa computer laboratory. Naroon na ang halos lahat ng kaklase ko at ilang upuan na lang ang hindi okupado. Bukas na ang lahat ng computer at mukhang ang propesor na lang ang hinihintay upang magsimula.
Naupo ako malapit sa mesa ni Engr. Alba dahil 'yon na lang ang ilan sa mga upuang natitira. Ayos lang naman sa 'kin dahil ang nasa tapat no'n ay si Avril, katabi niya si Dainly na mukhang antok na antok pa. Nasa tabi ko naman si Faith, na katulad ng nakasanayan ay tahimik lang at nakayuko.
Limang minuto bago pumatak ang alas nueve singkwenta ay dumating na si Sir, kasama ang isa sa mga student assistant ng computer lab. Kaagad nilag ni-lock ang pinto upang wala nang makapasok na late comers. Patakaran niya 'yon upang matutunan naming sumunod sa tamang oras ng klase. Naupo siya sa kaniyang mesa habang nagdi-distribute ng test papers ang kasamang estudyante. Nang malapit na 'yon sa 'min ay bigla akong sinitsitan ni Avril. "Ceri," pabulong niyang tawag.
"Oh?" tanong ko.
May itinuro siya sa gawing kanan ko. Pinagkunutan ko naman siya ng noo dahil hindi ko nakuha ang ibig niyag sabihin. "Ano ba 'yon?" nagtatakang tanong ko.
"Tumingin ka, tanga," pagtataray niya.
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay bago lingunin ang gawing itinuturo niya na sana pala ay hindi ko na lang ginawa. Si Morfell pala 'yong kasama ni Sir, 'yong panganay na anak ni Governor Alonzo. Ahead siya ng dalawang taon sa amin. Third-year student. Hindi ko alam kung bakit siya ang kasama ni sir ngayon, hindi naman siya student assistant. Ano'ng ginagawa nito rito?
Mabilis kong ibinalik kay Avril ang tingin at pinandilatan siya ng mata. "Why didn't you tell me earlier?" pabulong kong tanong sa kaniya.
Patawa-tawa naman 'yong loko at kinikindatan pa talaga ako. Palibhasa'y alam niyang nagkagusto ako kay Morfell no'ng prelim. Hindi na tuloy ako tinigilan sa pang-aasar kahit na sinabi ko naman sa kaniyang hindi ko na gusto 'yong tao. Sadyang mapang-asar lang talaga siya.
Ngunit imbes na patulan pa ang pang-aasar niya ay nag-iwas na lang ako ng tingin at nagkunwaring abala sa cellphone.
Kahit no'ng iabot sa 'kin ang test paper ay hindi ako lumingon man lang sa nag-abot sa 'kin.
Nang mabigyan na ng papel ang lahat ay ipinaliwanag na ni Sir kung ano ang gagawin. Kailangan lang naming mapalabas ang isang mahaba at komplikadong pay slip na naka-print sa papel. Gamit ang Turbo C ay kami na raw ang bahala kung paano 'yon mapapalabas. Basic codes at declarations lang ang ibinigay niya sa 'min dahil na-discuss niya naman na ang ibang parte no'ng nakaraan.
Noong unang subok ay nahirapan pa ako dahil wala man lang akong na-review kahit isa sa mga itinuro. Inabot na ako ng siyam-siyam ay mali pa rin ang kinalalabasan. Maraming lumalabas na error, kaya naman halos umiyak na ako sa harap ng computer. Gano'n din ang mga kaklase ko na halatang stress na stress na rin. Hindi nakaligtas do'n si Avril na kumopya na lang sa gawa ni Dainly dahil ilang ulit na niyang hindi maayos ang gawa. Mabuti na lang at nag-run na 'yong program no'ng ikatlo kong subok.
Nakahinga ako nang maluwag.
Finally!
I raised my hand to let our professor check my work.
I'm sweating bullets while Engr. Alba's watching me scroll down my work. After reaching the bottom, he told me to try running the program, and luckily, it worked.
"I-close mo na, baka gayahin pa ni Avril. Better be prepared," he joked.
"Luh? Kapag kasamaan, ako agad, sir? You're hurting my feelings," Avril complained. She even faked a crying expression while holding her chest, as if grasping for air.
I sighed.
Parang ewan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top