Chapter 4

TW: Disturbing scenes/informations, Extreme profanity.

***

"KITA mo na! Nagising si Ceri dahil sa ingay mo!" bulyaw ni Avril kay Lyden.

"Hoy! Bintangera ka, ikaw 'tong dumating lang para mang-away kahit hindi ka naman inaano," buwelta naman ni Lyden sa kaniya.

Pinanlakihan siya ni Avril ng mata bago muling sumagot. "Oh, talaga ba? Sumbong ka sa Daddy mong hindi ka mahal," pang-aasar nito.

"Weh? Sumbong ka sa mama mong nahahati katawan tuwing gabi," sagot naman no'ng isa.

Suminghap si Avril. "Hoy, foul! Excuse me, for your information, kahit umaga naman, kalahati lang si mama!" walang kwentang sagot ni Avril habang inaambahan ng suntok si Lyden.

Nailing akong bumangon sa kama at nagsimulang mag-ayos ng gamit. Nilingon ko ang dalawa. "Tama na 'yan. Pati si Dean ay idinadamay niyo sa kalokohan niyo," saway ko nang hindi pa rin sila tumigil.

Kung ano ano na lang ang ibinabato nila sa isa't isa para lang mang-asar. Isinukbit ko na lang sa balikat ang bag ko at saka nagsimulang maglakad palabas.

"Ceri!" magkasabay na tawag nilang dalawa sa akin.

Nailing na lang akong muli.

Maya-maya rin ay patakbong sumunod sa 'kin ang dalawa. Kapwa pumwesto sa magkabila kong gilid upang alalayan ako. "Ayos nga lang ako. Hindi niyo na ako kailangang alalayan," pangangatwiran ko.

Ngunit hindi 'yon gumana't parehong tila walang narinig ang dalawa sa sinabi ko. Sa huli ay hinayaan ko na lang silang gawin kung ano ang gusto nila.

Tinatahak namin ang maingay at siksikang daan palabas ng main gate nang mag-ring ang cellphone ni Avril. "Hello?" sagot niya rito. Hindi ko na pinakinggan ang kanilang naging usapan, kahit na hindi naman siya lumayo nang sagutin 'yon. Maya-maya pa ay nakasimangot siyang bumaling sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Pinapupunta ako ni kuya sa book store. Bilhan ko raw siya ng cartolina. Gusto ko pa namang sumama sa inyo. Miss ko na rin si Ate Heaven," nakangusong saad niya.

"I'll tell her that you said hello. Hindi ka naman niya na-miss. Sa hitsura mo ba namang 'yan," pang-aasar na naman ni Lyden sa kaniya.

Umirap naman si Avril at hindi na lang sumagot, sa halip ay nagbilin na lang siyang mag-ingat ako sa sudunod, o kaya naman ay tawagan ko siya upang samahan ako sa pupuntahan ko, bago siya patakbong umalis.

Nagmadali naman kami ni Lyden sa paglalakad dahil naro'n na raw si Ate Heaven sa pinag-usapang restaurant kung saan kami magkikita-kita.

Pinagbuksan ako ni Lyden ng pinto.

Nakapalibot sa isang mesa ang mga pinsan niya; malapit lang sa bukana ng restaurant; kaya naman mabilis namin silang nahanap.

"Ceri! Oh, my... I've missed you!" masigla at nakangiting bati sa akin ni Ate Heaven nang makalapit kami sa kanila. Ginawaran niya ako ng isang mahigpit at mahabang yakap bago pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "You've grown," komento niya.

Tumawa naman ako. "Ikaw din naman, ate. Lalo kang gumanda," papuri ko sa kaniya.

Pinaupo niya na kami ni Lyden sa bakanteng upuan bago um-order ng pagkain. Nasa kaliwa ko si Ate Heaven, habang sa kanan ko naman naupo si Lyden. Muntik pa silang magbangayan ni Xavier dahil 'yong isa ay gusto ring maupo sa tabi ko. Xavier has been my persistent suitor since senior high school. I don't exactly know the reason why he just wouldn't stop pursuing me, even if I told him numerous times that I couldn't reciprocate his feelings. Plus, he was Dainly's crush back in those senior years. I'll cut the story here. Xavier's sitting across from me, by the way.

Feather, who was Ate Heaven's younger sister, sat on her left side, followed by Kuya Yuan. On Lyden's right side sat Hans and Ate Luna.

Napuno ng tawanan at kulitan ang mesa namin, habang kumakain. Napuna pa ni Ate Heaven ang hindi pagtawag sa akin ni Lyden ng, "Ate." 

Pagkatapos naming magtanghalian ay kaagad rin naman kaming nagpaalam sa isa't isa dahil may kani-kaniya pang klase at lakad.

Halos puro lang din lecture at movie analysis ang ginawa namin no'ng hapon, kaya naman maaga akong nagpasundo sa driver namin. Hindi na ako nag-dinner dahil marami akong tatapusing presentation. Hinatiran na lang ako ni mommy ng sandwich at juice no'ng makauwi siya galing sa trabaho at nakitang gising pa ako. Nakatulugan ko lang din ang ginagawa ko makaraan ang ilang minuto pagkatapos kong kumain.

Bumangon ako upang kumuha ng tubig sa kusina. Dinala ko na lang ang isa kong tumbler na puno ng malamig na tubig sa kwarto dahil balak kong ituloy ang ginagawang PPT. Ipinatong ko muna 'yon sa bedside table bago pumasok ng banyo upang maghilamos at magbihis. Nagpupunas ako ng mukha nang marinig ko ang kaluskos sa bandang kaliwa ng sink kung saan nakalagay ang bath tub. Kunot na kunot ang noong hinawi ko ang kurtinang nakatakip doon. Naabutan kong nasa baba ng tub ang shower head. Pinulot ko 'yon at ibinalik sa handle dahil baka hindi lang maayos ang pagkakalagay ko kaninang umaga kaya nahulog.

Pagkatapos no'n ay naglakad na ako palabas upang doon na lang sa kama ituloy ang pagpupunas ng mukha. 

Malayo pa ako sa pinto ng banyo nang biglang mamatay ang mga ilaw.

Natigil ako sa paglalakad upang kapain ang cellphone kong nass bulsa lang. Binuksan ko ang flashlight at itinapat sa dinaraanan ko, ngunit laking gulat ko nang may makita akong isang aninong nakatayo sa labas ng pinto ng banyo, tila ba nakasilip sa akin. Wala sa sariling napalunok ako habang hindi pa rin maalis ang tingin sa pinto.

Hindi ako makagalaw.

Ilang segundo akong nakatayo roon bago may isang boses na tila bumulong sa aking tainga mula sa dumaraang hangin.

"Ceri," tawag nito sa pangalan ko.

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa takot at pagtataka nang mapagtantong tila pamilyar ang boses na 'yon sa aking pandinig.

Ilang sandali pa ay bumalik na ang ilaw na siyang ikinagulat ko, dahilan upang mawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig.

Bumalikwas ako ng bangon at iginala ang paningin sa paligid.

Nasa kama ako.

Huminga ako ng malalim upang ikalma ang sarili. Hinanap ng mga mata ko ang orasang nakasabit sa dingding. 

Saktong alas dose na naman.

Isa na namang masamang panaginip.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top