Chapter 32
TW: Disturbing scenes/informations.
***
Tulad ng nakasanayan ay nagbigay na naman siya ng surprise quiz mula sa huling ni-lesson. Mabuti na lang at kahit paano ay may naaalala naman ako sa itinuro noong nakaraang linggo.
Patapos na kami sa pag-che-check kami nang katukin ako ni mommy na may dalang isang tray na may gatas at sandwich. In-off ko muna ang microphone bago bumaling sa kaniya.
"Eat something, Cerina. Hindi ka bumaba para mag-umagahan kaya dinalhan na lang kita rito," puna niya sa 'kin.
"Sorry, mom. Nahuli po kasi ako ng gising kaya naghilamos na lang ako at um-attend na agad ng klase," paumanhin ko.
Nginitian niya naman ako at inilapag na sa bedside table ang dalang agahan para sa 'kin. "Sige. Ikaw na lang ang magbaba niyan pagkatapos mong kumain. Mauuna na ako sa opisina. May gusto ka bang kainin para mabili namin ng daddy mo mamaya pag-uwi," magkahalong bilin at tanong niya sa 'kin.
"You're going home early?" masayang tanong ko.
Tinanguan niya naman ako na lalo mong ikinangiti. "I already bought a few chocolates and cookies yesterday, but I want a pepperoni pizza, please?"
"Alright. Pizza, then. Alis na ako, ha?" paalam niya.
Niyakap niya muna ako nang mahigpit bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagkaalis niya ay kumain na rin ako kaagad, naka-off lang ang camera at microphone upang hindi makita ng propesora. Pagkatapos mag-check ay nag-lesson na lang naman siya kaya lumabas muna ako saglit upang ibaba nag pinagkainan. Huhugasan ko na rin sana 'yon nang makita ako ng kasambahay at siya na ang gumawa.
Umakyat na lang ako upang magpatuloy sa pakikinig sa klase.
Dahil boring ang discussion at puro powerpoint presentation lang na binabasa ng propesora ay napaidlip ako nang ilang minuto. Nagising lang ako dahil sa matinis na tunog na nanggagaling sa laptop kong malapit lang pala sa may kaliwa kong tainga.
Nakangiwi akong bumangon habang kinukusot pa ang mga mata. Pagmulat ko ay kaagad na nanlaki ang mga mata sa naabutan.
Wala na ang kaninang zoom meeting at bagama't naririnig ko pa rin ang panaka-nakang boses ng aming propesora ay lamang na ro'n ang nakaririnding tunog na akala mo'y radyong hindi mahanapan ng maayos na station.
Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong gawin. Dahil sa pagkataranta ay kung ano anong keys na lang ang pinindot ko, ngunit hindi pa rin nawawala 'yong tila maliliit na mga langgam na nag-uunahan sa screen ng laptop ko. Nang wala na talagang magawa ang pagta-tap ko sa keyboard ay binalingan ko ang saksakan at binunot na lang 'yon nang tuluyan.
Natigil naman kaagad ang nakaririnding ingay nang gawin ko 'yon.
Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim nang mapagtantong tinulugan ko na nga ang klase, mukhang nasira ko pa ang laptop ko. Ilang segundo rin akong natulala sa harap no'n, iniisip kung ano ang dapat na gawin. Nang makabawi sa nangyari ay sumulyap ako sa orasan. Alas nueve kwarenta y siete pa lang naman, hindi pa tapos ang klase.
Ang ginawa ko na lang ay dali-daling nag-download ng zoom app sa cellphone ko upang doon muna makinig. Pinapasok naman ako kaagad ng propesora sa meeting nang mag-chat ako sa group chat at nagdahilan na biglang humina ang internet.
Isinara ko na ang laptop at ipinatong sa ibaba ng bedside table. Hindi ko na pinakialaman pa dahil baka pwede pa namang maayos kung sakali.
Inayos ko na rin ang higaan at hindi na bumalik sa pagkakahiga, sa halip ay naupo na lang ako sa tapat ng salamin upang magsuklay habang nakikinig pa rin sa discussion. Pagkatapos mag-ayos ng buhok ay dinala ko ang upuan sa tapat ng bedside table upang doon maupo.
Pagkarating ng alas dies y media ay natapos na ang klase. Naghintay lang ako ng sampung minuto dahil may susunod pa.
Hindi pa ako ina-admit ng propesor sa meeting nang may kumatok sa pintuan. "Bukas po 'yan," saad ko nang hindi lumilingon.
Hinintay kong magsalita 'yong nasa labas, inaasahang tatawagin lang ako para sa maagang pananghalian, ngunit wala akong natanggap na sagot. Naisip kong baka hindi lang ako narinig at naghihintay rin ng sagot ko 'yong nasa labas, kaya tumayo na lang ako upang pagbuksan ito ng pintuan.
"Bakit p-" naputol ag sasabihin ko nang maabutan ang walang katao-taong pasilyo pagkabukas ko ng pinto. "Huh?" pagtataka ko.
Luminga-linga pa ako sa paligid at tinanaw ang bahagi ng hagdan sa pagbabaka-sakaling mayroon nga talagang kumatok na kasambahay. Kaya lang ay wala naman akong naabutang kahit sino.
Nagkibit-baikat na lang ako at kinumbinsi ang sariling mali lang ako ng rinig.
Paatras akong humakbang muli papasok ng kwarto upang bumalik sa paghihintay ng susunod na klase.
Ngunit laking gulat ko nang pag-ikot ko ay naabutan ko ang likod ng isang estranghero. Nakatayo siya sa tapat ng bedside table kung saan nakapatong ang cellphone ko na ngayon ay may nagsasalita nang propesor. Hindi ako kaagad nakakilos o nakapagsalita man lang dahil sa gulat.
Wala akong narinig na kaluskos ng kung sino man ang pumasok.
Walang ingay.
Tanging ang balkonahe lang din ang maaaring daanan kung sakali, ngunit naka-lock 'yon parati tuwing araw.
Sa takot ko ay hindi ko magawang humakbang man lang kahit isa. Nanatili lang akong nakatayo roon, nanlalaki ang mga mata at nahihirapang huminga.
Paiyak na ako nang sa wakas ay gumalaw 'yong nakatalikod na tao. Narinig ko rin ang pag-ismid niya. Tumagilid siya, iyong sapat na upang mapagtanto kong pamilyar 'yong lalaki.
"Cerina," saad niya gamit ang malalim na boses.
Ilang segundo kong pinroseso ang tunog ng boses niya hanggang sa matanto kung kanino ko 'yon madalas na naririnig. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan at agad na nanlaki ang mga mata ko.
Humarap siya sa 'kin at sinimulang maglakad palapit.
Naestatwa na lang ako ro'n sa kinatatayuan ko habang pinanonood ang paghakbang niya. Nang ilang sentimetro na lang ang layo niya sa 'kin ay inabot niya ang pisngi ko. "Cerina..." muli niyang banggit sa ngalan ko.
Si kuya.
Nasa harapan ko na naman si kuya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top