Chapter 30
TW: Disturbing scenes/informations.
***
IPINAKITA sa 'kin ni Kuya Alure ang litrato kung saan makikita ang sira-sirang bahagi ng kotseng sinasakyan ni Alli no'ng sumalpok siya sa katawan ng malaking puno ng acasia. Sa tabi ng sasakyan ay ang katawan niyang nagkalasog-lasog na. Naliligo siya sa sariling dugo, bali ang karamihan sa mga buto, nagdurugo ang ulo, at higit sa lahat ay nakaluwa na rin ang magkabila niyang mata.
H*ll, the scene was so gore that I had to act tough even though I really wanted to throw up.
I barely managed to hold my vomit.
Luckily, Kuya Alure was called by his father to check on Aliya upstairs. I used that opportunity to tell mom that I need to go home. I lied about getting my period as an excuse so she would let me go on my own. Pinahatid na lang ako ni Tita Alyana sa driver nila.
Pagkauwi ko ay dumiretso ako sa banyo at agad na naduwal.
Nang mailabas ko na ang lahat ay tinawagan ko si Dra. Lesandra upang humingi ng emergency appointment. Pumayag naman ang doktora, kaya nagmadali akong sumakay ng taxi patungo sa ospital na pinagtratrabauhan niya.
Sa kaniya ko muling ibinuhos ang lahat. Ikinuwento ko ang ilang gabing wala akong bangungot at 'yong isang gabing tila totoong totoo ang pangyayari mula sa sumunod na gabing may bangungot na naman ako. Higit sa lahat ay lakas loob kong ikinuwento sa kaniya si Alli at 'yong naging reaksiyon ko nang makita ang litrato mula sa iPad ni Kuya Alure.
Tulad rin no'ng nakaraang bisita ko sa kaniya ay nakatulog ako matapos ang mahabang oras ng pag-iyak. Hinayaan niya lang akong gawin 'yon dahil no'ng tanghalian naman ay sinabayan ko siya sa pagkain. Ginising niya ako no'ng malapit nang mag alas tres ng hapon pagkatapos niyang daluhan ang ilang pasyente sa ward.
No'ng makauwi ako ay medyo magaan na ang pakiramdam ko. Wala pa rin si mommy. Bago maghapunan ay nakatanggap ako ng mensahe galing sa kaniya na nagsasabing do'n na raw muna siya matutulog kina Tita Alyana upang damayan ang kaibigan. Si daddy naman ay busy pa sa trabaho, baka gabing gabi na 'yong umuwi kaya nauna na akong kumain. Pagkatapos kong maghilamos at magbihis ay nakatulog ako kaagad. Walang masamang panaginip na dumalaw sa 'kin. Payapa ang naging tulog ko, ngunit dahil siguro nakasanayan na ng katawan ko at sira na rin naman ang circadian rhythm ko ay nagising pa rin ako bandang alas dose ng hatinggabi. Bumangon ako upang tignan kung nasa balkonahe si Ash at tama nga ako dahil pagbukas ko pa lang ng sliding door ay ang malapad at maskulado niyang likod kaagad ang bumungad sa 'kin.
Ngunit laking gulat ko nang tawagin ko ang pangalan niya't humarap siya sa 'kin ay nahagip ng aking mga mata ang saglit na pagpula ng kaniyang mga mata bago bumalik sa normal nitong kulay.
Naestatwa ako sa kinatatayuan.
Nakaramdam ako ng kakaibang presensya sa paligid na siyang naging dahilan upang panayuan ako ng balahibo. Halos umatras na ako at muling isara ang sliding door nang lapitan ako ni Ash. "Hey. What's wrong?" tanong niya. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang kaniyang mga mata. Nabasa ko ro'n ang pagtataka at pag-aalala.
Unti-unti ay napanatag ako at sinubukang kumalma. "Nothing. Come inside," pagsisinungaling ko.
Hindi naman siya umimik at sumunod na lang sa 'kin papasok ng kwarto. Hindi ko na pinansin ang kakaiba at mabigat na presensyang biglang bumalot sa aking silid.
Namayani sa pagitan naming dalawa ang mahaba-habang katahimikan nang makaupo sa tabi ng kama. Wala sa amin ang naglalakas loob na basagin 'yon hanggang sa sabay kaming lumingon sa isa't isa, dahilan kung bakit 'di sinasadyang magtama ang aming mga labi.
Nagulat ako ro'n kaya agad akong umiwas sa kaniya. Lumayo ako nang bahagya, ngunit pinigilan niya ako. Nagtaka naman ako kung bakit at gano'n na lang ang gulat at saya ko nang marinig ang sinabi niya, "Calm down, Cerina. I am here, you are not alone… and I’m all you."
Hindi ako makapaniwala, dahilan kung bakit mabilis niya akong nahila palapit sa kaniya upang gawaran ng tunay na halik.
'Yon na yata ang pinakamasayang gabi ko sa kabila ng lahat ng bangungot ng nakaraan.
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan siyang halikan ako. Matapos niyon ay niyakap niya ako ng mahigpit bago hinayaang matulog gamit ang kaniyang mga hita bilang unan.
Bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ay muli kong naramdaman ang mabigat na presensiya.
Magmumulat sana ako ng mga mata, ngunit nang maramdaman kong sinusuklay ni Ash ang aking buhok gamit ang mga daliri niya ay napanatag ako hanggang sa unti-unti na nga akong makatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top