Chapter 29

TW: Disturbing scenes/informations

***
PINAGMADALI ako ni mommy na magbihis. Sinubukan ko siyang pakalmahin, ngunit kahit anong alo ko ay nagpa-panic pa rin talaga siya kaya hindi na lang ako ulit nagsalita pa. Tulad ng utos niya ay dali-dali akong bumaba pagkatapos magbihis dahil naghihintay na siya sa sasakyan.

Pagkasakay na pagkasakay ko pa nga lang ay binuhay na niya ang makina, kaya naman dali-dali akong nagsuot ng seatbelt.

Sa buong biyahe ay hindi umiimik si mommy. Hinayaan ko na lang muna siya dahil gusto ko man siyang aluhin ay hindi ko rin naman alam kung paano. Ang ginawa ko na lang ay kalmahin ang sarili upang hindi na ako maging pabigat pa kay mommy.

Pagdating namin sa bahay nina Tita Alyana ay si Kuya Alure, 'yong panganay niyang anak, ang sumalubong sa'min.

"Si Alyana?" tanong kaagad ni mommy.

"Sa sala po, tita," sagot niya naman.

Tinapik lang siya ni mommy sa balikat bago pumasok upang daluhan si Tita Alyana. Naiwan ako ro'n kay Kuya Alure na nakatungo lang, umiiwas ng tingin dahil halatang anumang oras ay tutulo na ang luha.

Lumapit ako't sinubukang hagurin ang kaniyang likod upang kahit hindi ko naman alam kung gumagana ba 'yon o kung mapagagaan ba no'n ang nararamdaman niya. Nang mag-angat siya ng tingin upang salubungin ang mga mata ko ay saka lang sunod-sunod na nagbagsakan ang maliliit na butil ng luha mula sa namumugto niyang mga mata.

"Si Alli," hikbi niya habang binabanggit ang pangalan ng nakababatang kapatid.

"Shh. Let's take a seat and talk about it if you're comfortable to tell me something," pag-aalo ko sa kaniya.

Tumango naman siya at nagpatianod sa hila ko. Nakakapit ako sa braso niya habang iginigiya siya sa mahabang upuan sa katabi ng kanilang hardin. Tinabihan ko siya pagkaupo at muling hinagod ang likod. Hinayaan ko lang muna siyang iiyak ang lahat hanggang sa kusa na siyang magsalita no'ng medyo tumahan na. "Alli's gone, Ceri," panimula niya.

"Hmm," tanging naisambit ko, hinihintay siyang magsalita muli.

"It is too soon. My brother is still too young to pass away. Ang aga niya naman kaming iniwan. Ang sabi niya sa 'kin ay magtra-travel pa kami pagkatapos niyang maka-graduate, magiging ninong pa siya ng magiging anak ko, sasamahan niya pa akong uminom sa tuwing araw ng sweldo, sabi niya... sabi niya-" kwento niya habang pinipigilan ang muling paghikbi. Pinahid niya ang mga luha sa pisng bago nagpatuloy. "Ang dami pa naming pinaplanong dalawa, Ceri. Ang dami pa naming gustong gawin pagkatapos ng pag-aaral. Tutulungan pa dapat namin sina mommy sa negosyo... aalagaan pa dapat namin sila kapag tumanda na. Kaya lang ay iniwan niya na agad kami..."

"But Allie didn't want any of these to happen, right? It was an accident. And I am sure he trusts you. I am sure that he will guide you through every milestones that you are supposed to do with him," saad ko.

"I know. You're right," sagot niya. Hinagod kong muli ang kaniyang likod nang marinig ko ang paghina niyang pagsinok. "It is only too soon," dagdag niya pa.

"It is, but we have to accept it," sagot ko naman.

Tumango na lang siya sa 'kin at dahan-dahang humilig sa balikat ko. Hinayaan ko siyang gawin 'yon hanggang sa makatulog. Nangangalay na ako, ngunit hindi ako nagreklamo. Maya-maya lang ay lumabas si Aliya, 'yong bunsong kapatid nila Kuya Alure. Umiiyak siyang lumapit sa 'kin nang nakita kami ng kuya niyang nakaupo roon sa hardin.

"Ate," hikbi niya.

"Hush. Come here, baby," tawag ko sa kaniya.

Lumapit sa 'kin ang bata, yumakap sa bewang ko at saka umiyak. Nagising si Kuya Alure dahil do'n. "Liya... hush now," pagpapatahan nito sa kapatid. Umalis na rin siya sa pagkakasandal sa balikat ko upang aluhin si Aliya.

Bumuntong-hininga ako at kinalong na lang siya sa mga hita. Lalo siyang umiyak habang ngayon ay sa leeg ko na nakayakap. Ang ginawa ko na lang ay mahinang suklayin ang kaniyang buhok hanggang sa makatulog. No'ng himbing na himbing na ang bata ay kinuha naman siya sa 'kin ni Kuya Alure at dinala sa kwarto upang do'n ilapag.

Pagbalik niya ay dala niya na ang iPad. "Here. I don't know if you want to see this, but this was Alli's photo taken right from the area where his car crashed," nag-aalinlangang saad nito sa 'kin.

Umiling naman ako at nagpumilit na tignan 'yon. Desisyong pinagsisihan ko rin sa huli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top