Chapter 27

TW: Disturbing scenes/informations, Extreme profanity, Violence

***
ILANG araw pagkaraan no'ng hapunang kasama namin sina Tita Alyana at ang kababata kong si Allistair ay nakatanggap ako ng chat mula sa kaniya. Inaaya akong kumain sa labas. Pumayag naman ako dahil sakto ring wala akong klase sa araw na sinabi niya.

Martes no'ng sinundo niya ako sa bahay at dinala sa isang Korean restaurant upang doon kumain. Nagustuhan ko naman ang pagkain, kaya napasarap na rin ang kwentuhan naming dalawa. Kung ano ano na ang naging topic namin hanggang sa mabanggit niya ang kakambal ko. Sinubukan kong sabayan ang pagbabalik-tanaw niya sa ilang alaala kasama ang kakambal ko no'ng mga bata pa kami.

Aaminin kong saglit na bumigat ang pakiramdam ko nang mapunta ro'n ang usapan, ngunit naging maayos rin naman ang lahat nang ayain niya akong maglakad-lakad muna dahil may malapit na parke sa restaurant na pinuntahan namin.

Nang mapansin niyang nangangalay na ako ay saka nag-ayang umuwi na. Inihatid niya ako sa 'min at bumati muna kina mommy at daddy bago tuluyang nagpaalam.

Nang gabing 'yon at ang mga sumunod pa ay nahirapan akong makatulog sa hindi malamang dahilan.

Nitong gabi maman nang tuluyang dalawin ng antok ay nagising din kaagad dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Sinubukan kong tanawin kung ano 'yon mula sa bakonahe at agad na kumunot ag noo ko nang mamataan si daddy na nasa labas ng gate, sa gitna ng kalsada at nakikipagtalo sa kapitbahay namin.

Agad na nawala ang antok ko dahil do'n. Nagmadali akong nagsuot ng jacket at tumakbo pababa.

Nakabukas ang gate at kitang-kita ko na mula rito si daddy na nakikipagsigawan sa kapitbahay namin. Hindi ko nakita si mommy kanina, ngunit ngayon ay napansin kong nasa tabi siya't sinusubukang kausapin ang asawa no'ng lalaking kaaway ni daddy.

Dali-dali kong tinakbo ang gate upang daluhan si daddy, ngunit laking gulat ko na lang nang bago pa ako makaabot sa kinatatayuan niya ay bigla akong nahilo at natumba sa malamig na kalsada. Nang makabawi at mag-angat ng tingin ay ako na lang mag-isa ang naro'n. Luminga-linga ako sa paligid at agad na ginapangan ng takot nang mapansing iba na ang nasa paligid ko. Muli akong nahilo, kaya naman mariin kong ipinikit ko ang aking mga mata, ngunit pagmulat ko naman ay wala na akong ibang makita kung hindi ang mahabang kalsadang tila walang katapusan. Wala na ang mga bahay at lamp post na kanina lang ay narito pa.

Nakaramdam ako ng lamig, dahilan kung bakit napatingin ako sa suot. Maging 'yong suot ko ay nag-iba. Wala na ang jacket na ipinatong ko kanina sa ibabaw ng t-shirt ko, bagkus ay nakasuot na ako ng isang manipis na pulang bestida.

Sa takot ay napilitan akong ihakbang ang mga paa kahit na nanginginig ang mga tuhod.

Nakabibingi ang katahimikang bumabalot sa paligid habang mag-isa kong binabagtas ang madilim at walang katao-taong kalsada sa gitna ng kawalan. Ang malamig na hangin ay walang kaawa-awang gumagapang sa suot kong manipis na pulang bestida. Sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay muli kong iginala ang paningin sa paligid upang maghanap ng kahit kubo man lang upang doon ay makapagpahinga, ngunit bigo ako.

Niyakap ko ang aking sarili nang humampas sa aking katawan ang tila yelo sa lamig na hangin.

"The h*ll?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napapamura sa tuwing madarama ko ang lamig ng hampas ng hangin sa aking katawan.

Ilang oras na akong naglalakad sa gitna ng kalsadang 'to, ngunit tila wala pa ring kabahay-bahay hanggang ngayon. Nagsisimula nang gumapang sa akin ang kilabot hanggang sa maging ang aking balahibo ay nagtayuan na rin. Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyan nang manginig ang aking magkabilang tuhod dulot ng matinding lamig.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagkiskisin ang aking magkadikit na mga palad upang kahit paano ay makaramdam ako ng panandalian at maliit na init doon.

Matapos gawin 'yon ng ilang ulit ay saka ko idinampi sa aking magkabilang pisngi, noo, at leeg.

Paulit-ulit kong ginawa 'yon habang dahan-dahan pa ring pinipilit na ihakbang ang aking mga paa. Hindi ko na inabala pa ang aking sariling magpalinga-linga sa paligid dahil alam ko ring pangungunahan ako ng takot.

Halos wala na akong maaninag na kahit anong maaaring pagmulan liwanag.

Hindi pa nakatulong 'yong cellphone kong hindi ko makapa sa bulsa. Wala akong ideya kung saan ko ba 'yon nailagay.

I could be forgetful sometimes.

But, instead of entertaining the thoughts of just shivering in fear, I gathered my remaining strength and courage instead, until I managed to walk straight without trembling. The sound of crickets and owls became my background noise, while the whistling wind tried to crawl inside my thin layer of clothes again. However, none of either could make me back down. I continued my steps until my eyes finally caught a glimpse of someone who's walking in the middle of the empty road.

He was holding something on his right hand which I didn't mind what.

Ang mahalaga ngayon ay may mapagtatanungan na ako kung saan ang pinakamalapit na inn upang doon muna ako pansamantalang magpalipas ng gabi. Dali-dali akong humakbang papalapit sa estranghero.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top