Chapter 24

TW: Disturbing scenes/informations, Extreme profanity, Violence.

***

"BILISAN niyo, malapit na tayo sa exit," utos naman ni Kuya Adi. Pilit niya muling hinatak ang kamay ko paalis, ngunit napako na lang ako bigla sa kinatatayuan.

Hindi ko alam kung bakit tila nakaramdam ako ng kakaibang puwersa mula sa kung saan at pinipilit ako nitong hanapin siya. Maya-maya pa ay nanlalaki ang mga matang humarap ako sa kanila. Sa kanilang likuran lang, mula sa madilim na bahagi kung saan maraming halaman ang nakatanim ay lumabas ang isang maitim na bulto. Maging sila ay kinilabutan nang mapalingon sa direksyon kung saan ako nakatingin. "What the h*ll is that?" bulyaw ni Ate Luna.

Hawak ko pa rin ang cellphone ko at hindi pa namamatay ang tawag. Sinubukan kong pindutin 'yon upang mamatay, ngunit huli na nang mapagtantong ang kilabot na hatid no'ng boses na nasa kabilang linya at ang presensiya nitong nilalang sa harap namib ay iisa, nag-eecho na rin ang tawag kaya mas lalong nakumpirma ang hinala ko.

"Holy shit!" Lyden cursed.

Hindi na matigil ang pagkabog ng puso ko habang dahan-dahang humahakbang paatras, kinakalabit ko na rin sila at pinipilit na umalis mula roon.

Mangiyak-ngiyak na ako sa takot habang pilit na pinatatatag ang sarili ko. Maya-maya pa ay nabitawan ko si Ate Luna. "Ah!" hikbi niya.

"Luna!" sabay-sabay naming sigaw bago tuluyang makakilos upang daluhan ang kaibigan naming nakahandusay na sa maruming sahig.

"Ate Luna, wake up!" Pilit kong tinatapik ang mukha niya upang gisingin, kahit na hindi na talaga siya humihinga.

Sinusubukan ko pa ring yugyugin siya sa balikat nang sunod namang napasigaw sina Lyden at Kuya Adi, kaya mas lalo akong naluha. Maya-maya lang ay katulad ni Ate Luna ay bigla na lang din akong napaluhod sa sakit, kinapa ko ang ilong ko at nanginginig na tinignan 'yon, nagdurugo.

Nabitawan ko ang cellphone ko na kaagad na tumilapon sa damuhan. Sa sobrang sakit ng puso ko na parang pinipiga ay napasigaw na lang din ako at humandusay sa sahig kasama ng mga kaibigan kong ngayon ay wala nang buhay.

Sinubukan kong abutin sila, ngunit hindi ko na maigalaw ang sariling katawan. Napaluha na lang akong muli. Unti-unti ay naramdaman ko na ang panghihina.

The cold gushing wind brushed my bare skin. The silence was broken by the creepy laughter of the unknown creature in front of me. My phone is still open and the call is still on going.

"Cerina," narinig kong bulong ng isang pamilyar na boses.

Gustuhin ko mang hanapin kung saan 'yon nanggagaling ay hindi ko na magawa dahil hinang-hina na ako. Little by little, I felt the air inside my lungs being robbed out.

"Cerina," I heard the voice again before darkness finally cradled me in its warm pair of arms.

When I regained consciousness, I felt a sudden exhaustion all over my body. My head began to ache... as if it was going to explode on its own. I couldn't open my eyes and my throat felt like it was lacerated.

"Cerina," another voice called me. This time, it was gentle, yet familiar. Only that I couldn't see who's calling my name because my eyes were shut close.

"Shh," the voice hushed me.

Only after that I calmed down a little, and after a few more seconds, I felt my headache slowly fading.

When I managed to open my eyes, I saw Ash sitting beside me, stroking my hair with his left hand, while his right was the one he used to try and wake me up. When our eyes met, he heaved a sigh and moved away a bit. "You scared me," he blurted out.

I closed my eyes again and took two deep breath before opening them again, and when I did, they automatically looked for the clock's direction.

It was twelve midnight again.

Binangungot na naman ako.

"Panaginip... panaginip lang. Thank god," usal ko.

Sinubukan kong bumangon kahit na nanghihina pa ako. Nakita naman 'yon ni Ash na mabilis akong inalalayan. Nang tuluyang makaupo ay saglit na namayani ang katahimikan sa paligid namin.

"Thank you... for waking me up," basag ko sa katahimikan.

"No big deal. Mabuti na lang pala at naisipan kong dalawin ka ngayong gabi," sagot niya.

Nginitian ko naman siya't nagpasalamat ulit.

Hinayaan niya akong makabawi ng lakas bago muling kinausap. Nang mahimasmasan ay nanatili lang muna siya sa tabi ko ng ilang minuto pa bago nagpaalam dahil gabing-gabi na rin naman. Itatanong ko sana kung bakit dalawang gabi siyang hindi nagpakita, ngunit nahiya naman ako at nag-alinlangan dahil parang wala naman akong karapatang malaman.

Sapat nang kahit paano ay kumakalma ako sa tuwing naaabutan siya sa balkonahe, naghihintay sa paggising ko upang aluhin ako sa tuwing may masamang panaginip na dumadalaw sa 'kin.

His presence may not take the residues of my every nightmare away, but his eyes somehow assured me that it was okay, that I am safe, that I am not by myself... and that I don't have to hush my demons alone.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top