Chapter 20

"DID you pack spare clothes? Do you have snacks? Towels?" sunod-sunod na tanong sa 'kin ni mommy nang salubungin ako pagdating sa baba.

"Yes, mom. Don't worry about me anymore. I made sure I had everything I need in my backpack," paninigurado ko sa kaniya.

Nginitian niya naman ako at ginawaran ng mahigpit na yakap. "Mag-ingat ka ro'n, ah? But enjoy yourself. Don't sulk," paalala niya ulit.

Tumango naman ako humalik sa kaniyang pisngi bago dumalo sa kina Lyden. Sinalubong naman ako ng yakap ng buong barkada. Naroon sina Dainly, si Avril at ang Kuya Adiel niya, sina Ate Heaven, Feather, Kuya Yuan, Ate Luna, at si Hans na tipid lang na bumati dahil nakasuot ng earphones. Saglit lang kaming nagkatawanan doon habang hinihintay ang sasakyan.

Maya-maya ay narinig na namin ang busina ng van ni Xavier na siyang sasakyan namin papunta sa resort.

"Ceri! Pasok na, bilis! Tabi tayo," tawag sa 'kin ni Ate Heaven. Hindi pa man ako nakasasagot ay hinila niya ako papasok at pinaupo sa tabi niya. "Kumpleto na tayo, tara na!" yaya niya nang makapasok ang lahat. Nasa likod na rin ang mga gamit namin, kaya hindi na nagtagal at umalis na.

Hindi gaanong kabilis ang pagpapatakbo ng van. Si Xavier lang din ang driver, kaya niya naman dahil nag-aral siya sa isang driving class at noong isang taon lang nakuha ang lisensiya. Mamaya raw ay papalitan ni Kuya Yuan kapag nangalay na sa pagmamaneho. Mabuti na nga lang at hindi siya nangungulit ngayon.

Isa-isa kong tinignan ang mga kasama namin, halos lahat ay inaantok at halatang hindi nakatulog nang maayos kagabi. Dahil siguro sa excitement.

Labing-isa kaming lahat. Si Xavier sa driver's seat, si Kuya Yuan na nasa shotgun at nagtatakip ng panyo sa mukha habang natutulog. Sa likod ng driver's seat ay si Ate Luna, katabi niya si Dainly, sa kanan naman ni Dainly ay si Ate Heaven, at ako. Sa likod namin sina Feather, Avril, at Kuya Adiel. 

Nasa pinaka likod ng van sina Hans at Lyden na kapwa tulog na rin. 

Inilabas ko na lang ang cellphone ko at naglaro dahil nawala na rin naman na ang antok ko, kaya hindi na ako makatutulog pa. Sa kalalaro ay hindi ko namalayang may tumatawag na pala. Mabilis ang ginagawa kong pagpindot sa screen ng cellphone, kaya nasagot ko 'yon nang 'di sinasadya.

Kumunot ang noo ko nang makitang hindi naka-register sa contacts ang number at hindi rin ito pamilyar sa akin.

"Hey, you okay? Tulala ka riyan," puna ni Ate Heaven nang mapansing kunot-noo kong tinititigan lang ang cellphone ko. "May tumatawag, oh. Baka importante," dagdag niya pa.

Umiling ako. "Hindi ko nga kilala ang number, e. Kanina rin may tumawag pero hindi naman nagsasalita. Baka prank lang," saad ko.

"Is that so? Baka prank caller nga lang," agap niya naman.

Hinintay kong mamatay ang tawag habang tinititigan lang talaga 'yong cellphone. 'yon nga lang ay nang mamatay, tumawag lang din ulit. I heaved a sigh before finally answering the call. "Hello?" bungad ko.

Katulad kanina ay wala na namang nagsasalita sa kabilang linya, hindi malinaw sa akin kung ingay ba ng hangin ang naririnig ko o mahihinang tunog ng itinutulak na bagay.

"Hello? Can you please speak? If this is some kind of a prank, it is not funny," naiinis kong saad.

Nang wala talagang nagsalita ay binaba ko na ang tawag at ibinalik sa bulsa ko ang cellphone. Whoever the person behind that call is, he or she might be having some good time in his or her life, annoying random people. My annoyance caused me to fall into a short nap, nagigising lang ako sa tuwing hihinto ang sasakyan. Naabutan pa kami ng traffic sa expressway gawa ng nagbanggaang pampasaherong bus at motorsiklo, kaya hindi kaagad nakausad kinailangan pang humanap ng ibang ruta. Pinilit ko na lang ang sariling kalimutan 'yong mukha no'ng driver ng motor na halos hindi na makilala dahil sa pagkakaipit sa ilalin ng gulong no'ng bus. Tuluyan lang akong nagising nang tumigil kami sa isang convenient store para bumili ng ilan pang mga kailangan. Sumama ako kay Ate Heaven na bibili raw ng chips para idagdag sa mga snacks namin mamaya, isang bag na ang dala niya pero kulang pa raw dahil marami kami.

Upon entering the store, my phone vibrated from my pocket. I took it out and let a slight growl escape my lips. I didn't answer the call and just let my phone vibrate. Sumunod na lang ako kay Ate Heaven upang bumili rin ng ilang pagkaing gusto ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top