Chapter 2

TW: Disturbing scenes/informations, Extreme profanity.

***

"ARE you sure you don't want us to come with you?" Avril asked once again. I shook my head and gave her an assuring smile. "Okay. We'll reserve a seat for you," she finally surrendered.

Once they were gone from my sight, I hurriedly headed for the nearest restroom to finish some business.

Almost all cubicles were locked for an unknown reason, while others were either occupied or didn't have a functional flush. Luckily, the last cubicle was available and is functional enough for me to use.

I locked the door and quickly took a pee.

I heard the other doors open and close a few minutes after I entered the cubicle, a sign that someone may have entered or left the restroom. I ignored them and just finished peeing. I fixed my uniform right after flushing. But when I was about to go out of the cubicle, the door got stuck. I tried pressing the knob multiple times, but it just wouldn't open.

My forehead started to sweat, and I'm starting to panic. "Is... is anyone outside?" I stammered. "Hello?" I repeated myself when no one answered.

D*amn it.

Mukhang mala-late pa ako sa susunod kong klase. Masungit pa naman ang instructor namin sa programming logic and design. Akala mo'y laging menopausal. Ngunit gustuhin ko mang matawa dahil sa naiisip kong hitsura ni Engineer Fajardo ay hindi ko magawa dahil pinagpapawisan na talaga ako sa kaba.

Inilabas ko ang cellphone na nakalagay sa bulsa ng suot kong slacks upang subukang tawagan si Avril, ngunit laking dismaya ko nang mapagtantong masyadong mahina at minsan nga'y wala talagang signal sa parteng 'to ng unibersidad. "Ahh!" pagdadabog ko.

Mahina kong sinipa ang pintuan dahil sa inis.

Sana pala ay hinayaan ko na lang na sumama sa 'kin sina Avril.

Bumuntong-hininga ako bago sinubukang tumingkayad at itaas ang cellphone. Umapak pa ako sa toilet bowl upang subukang makakuha ng signal, subalit wala talagang kahit isang bar man lang ang nasasagap. Bumaba ako at muling nagpapapadyak. 

Nasa kalagitnaan ako ng pagdadabog nang biglang makarinig ng pagbukas ng pinto, senyales na may pumasok. "Hello? Nasa last cubicle po ako, may sira po yata ang door knob, stuck po ako rito. Patulong naman po," pakiusap ko sa dumating.

Narinig ko ang papalapit niyang yabag sa kinaroroonan ko. Napangiti ako. "Dito po sa dulong cubicle," ulit ko nang hindi umimik ang nasa labas.

Ilang segundo akong naghintay sa paglapit ng taong nasa labas, ngunit napakatagal niya naman yata akong malapitan gayong rinig ko naman ang kaniyang paghakbang papalapit sa kinaroroonan ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang kaniyang presensiya sa tapat ng cubicle. "Dito po," nakikiusap kong saad. "Thank you, p—" Ngunit naputol ang aking sasabihin nang mapansin kong wala namang mga paang nakatapat sa pinto. Nag-aalinlangan man ay dahan-dahan kong sinilip ang siwang sa ilalim ng pinto.

At gano'n na nga lang ang kilabot na dumaloy sa aking katawan nang masaksihan ang nasa labas nito. Nanlalaki ang mga matang napaatras ako sa sulok. Naghalo ang gulat at takot nang tuluyang rumehistro sa akin ang nasaksihan. Napatakip ako bigla ng bibig upang pigilan ang tuluyang paghikbi nang may ilang butil ng luha ang sunod-sunod na nagbagsakan mula sa aking mga mata't naglandas pababa sa aking magkabilang pisngi.

Sa labas ay may duguan at sugat-sugat na pares ng paa ang nakalutang ilang pulgada mula sa sahig.

"Oh, my god," mahina kong bulong sa pagitan ng mahinang pagluha.

Ilang segundo akong mariing pumikit habang nag-iisip ng paraan kung paano makalalabas at makahihingi ng tulong. Nag-aalinlangan naman akong sumigaw, o kahit gumawa man lang ng ingay dahil batid kong ikapapahamak ko 'yon. 

Kung sino o ano man ang nasa labas ay sigurado akong hindi iyon tao.

Matapos ang ilang segundo ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Gamit ang nanginginig na mga kamay ay dahan-dahan kong pinindot ang speed dial dahil nagkaroon na ng signal sa wakas, ngunit hindi iyon gumagana. Sinubukan kong i-dial ng numero nina Dainly at Avril. Maging ang kay Kuya Adiel ay nasubukan ko na, ngunit wala sa kanila ang sumasagot sa tawag ko.

Marahas kong pinahid ang aking luha gamit ang likod ng kaliwang palad ko, habang ang kanan ay ginagamit ko upang tunawag sa aking mga kaibigan.

Maya-maya pa ay bigla na lamang may kumalabog sa pinto na tila ba gusto 'yong sirain upang makapasok. "N-no, please," nauutal kong pakiusap kahit na hindi ko batid kung naririnig ba ako ng kung sino man 'yong nasa labas. Nagpatuloy naman ang pagkalabog at tila mas lumakas pa ito ngayon. Gumagalaw na rin ang door knob na siyang ikina-nginig ko lalo. "Please... please, answer this," mahinang hikbi ko habang sinusubukan namang tawagan ngayon si Lyden. Laking pasalamat ko nang mag-ring 'yon.

Ilang segundo kong hinintay na sagutin niya ang tawag ko, ngunit namatay din 'yon sa huli dahil nawalan na naman ako ng signal. Doon na ako tuluyang natulala.

Pinakiramdaman ko ang paligid nang mapagtantong tumigil na ang pagkalabog.

Nanlaki ang aking luhaang mga mata nang dahan-dahang bumukas ang pinto. Maya-maya pa ay tumambad sa aking harapan ang nakakikilabot at nakadidiring hitsura ng isang nilalang na hindi ko mawari kung tao ba at hinugot mula sa nag-aapoy na pugon. Tila sunog ang namumula at nagdurugo niyang katawan.

Malawak ang kaniyang ngiti habang nakatingin sa akin.

Dahil sa takot ay hindi na ako nakakibo pa.

Unti-unti akong nanghina at napapikit nang humakbang 'yong nilalang palapit sa aking kinasisiksikang sulok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top