Chapter 15

TW: Disturbing scenes/informations, Mention of Suicide

***

"HUH?"

Humakbang siya palapit sa sliding door at sumandal doon nang magsalita ako. Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago nagsalitang muli. "I asked you if you are alright. You seem troubled."

"I am fine. Hindi lang siguro maganda ang pagkakatulog ko kaya ako binangungot," pagsisinungaling ko.

Tila hindi naman siya nakumbinsi niyon. "Are you sure?" pangungulit niya.

Nag-iwas ako ng tingin at tumango upang lubayan niya na ang pagtatanong sa 'kin.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Nang magmulat ako ay inabot ko ang scrunchie na nasa ibabaw ng bedside table. Itinali ko ang magulo kong buhok gawa ng hindi ko pagsuklay kanina bago matulog. Nang maitali ko 'yon nang maayos ay inalis ko naman ang kumot na nakapatong sa mga binti ko. Naupo ako sa dulo ng kama at hinarap si Ash. "Really... I am fine," pangungumbinsi ko. Ginawaran ko siya ng isang pekeng ngiti.

Nagtaas naman siya ng kilay dahil do'n. Hindi kumbinsido sa naging sagot ko, pero hindi na rin nangulit pa. "Okay," sagot niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, kaya nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Awkward. Ilang segundo bago ako nag-iwas ng tingin. Tumikhim naman siya at naghila ng isang upuan mula sa balkonahe ko. Pinagkunutan ko pa 'yon ng noo dahil sofa style ang upuang 'yon. Ibig sabihin ay may kabigatan, pero parang ang bilis niya lang na nahila gamit ang kaliwang kamay. Umawang ang bibig ko nang mapadako sa mga braso niya ang aking paningin. Kitang kita ang ilang ugat na bumabakat sa kaniyang balat. Tila nagsigalawan din ang mga 'yon nang hilain niya ang upuan palapit sa kaniya.

Napalunok ako ng sariling laway.

Stop it, Cerina. Saway ko sa sarili. Binawi ko kaagad ang tinging ipinukol sa kaniya at wala sa sariling kinagat ang ang pang-ibabang labi upang pigilan ang umaambang ngiti.

Umayos ako ng upo at kinuha ang cellphone ko muna sa bedside table upang magkunwaring abala sa pagte-text. Maya-maya lang ay tumikhim siya. Nang mag-angat ako ng tingin ay natagpuan ko siyang nakatitig lang sa 'kim, nakaupo na at mukhang hinihintay lang akong magsalita.

"Uhm... what?"

Hindi niya ako sinagot. Nagbuntong-hininga lang siya't nanatili pa ring nakatitig sa 'kin. Ilang minuto rin yata kaming nagtititigan lang do'n, naghihintay kung sino ang unang kakalas at magsisimula ng usapan. Alam kong hindi ako 'yon dahil wala naman akong maisip kung ano ba ang dapat na sabihin. Sa huli ay siya rin naman ang unang bumawi ng tingin.

"You can try sleeping again if you want," saad niya.

"Okay," sagot ko naman. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang sinabi ko. Naubusan lang siguro ako ng ideya kung ano ang isasagot. Napapikit ako nang mariin upang pagalitan ang sarili.

Pagmulat ko ay nakatingin pa rin siya sa 'kin. Nahuli ko ang mahina niyang pagtawa dahil siguro sa pinaggagawa ko. "Relax. I don't bite," saad niya.

"Hey, that's not what I was thinking," agap ko kaagad. Hindi naman talaga ako kinakabahan o natatakot dahil iniisip ong hindi ligtas na nasa kwarto ko siya. Kahit na sa balkonahe lang, parte pa rin ng kwarto ko. "Alright, of course at first, it was weird to have a sudden visitor. You just appeared there when I woke up from a nightmare, and then the next night you are here again. But I don't feel unsafe... now. I can defend myself, anyway. I had few self defense lessons way back high school."

Nagtaas siya ng kilay sa sinabi ko. "Okay?" usal niya.

"Hmm," mahinang bulong ko habang tumatango.

Nagkibit-balikat na lang siya at umayos ng upo. Maya-maya ay nagtanong, "You don't want to sleep?"

Kumurap ako ng ilang beses bago sumagot, "I should... but I usually don't fall asleep fast after waking up mid-sleep. So..."

Napatango siyang muli. "Then, should we properly introduce ourselves?" suhestiyon niya.

"Oh?" gulat na sagot ko.

Come to think of it, I know his name, but he didn't ask mine. And there were still a lot of things that I didn't know about him. "Okay, then..."

Pagkatapos naming magpakilala sa isa't isa at magkaroon ng maikling usapan tungkol sa ilang bagay tungkol sa bawat isa ay saka lang ako natawa dahil nalaman kong hinabol pala siya ng aso noong nakaraang gabi kung kailan una ko siyang nakita sa balkonahe ko. "I was on my way home from a party and I didn't have a choice but to hide behind the plants beside your gate, which did me nothing good because the dog still found me. So I climbed your gate... and your balcony next," paliwanag niya pa na siyang ikinatawa ko.

Dahil sa naging pag-uusap namin ay hindi ko na namalayan ang oras. Nakumpirma ko ring sa Edden U nga siya nag-aaral ng abogasiya. Ipinilit niya rin sa 'king hindi siya serial killer, kidnapper, o kaya naman ay rapist kahit na hindi naman talaga ako natatakot o nagtatanong tungkol do'n. Kaya ko namang protektahan ang sarili ko kung sakali.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top