Black and White
Bumalik sila Jihyo,Daniel,Sana,Tzuyu, Jeongyeon at Nayeon kong saan nila huling iniwan ang dalawa ngunit nagulat naman sila ng hindi nila mahanap ang dalawa.
"Siguro ay nainip lang sila at nag lakad din." Sabi ni Daniel upang pakalmahin si Nayeon na ngayon ay halos himatayin na.
"O-oo nga... Sana..." Tumango naman si Sana sa sinabi ni Tzuyu, ayaw niya ding mag isip ng kong ano ano.
"Hintayin nalang natin sila, baka nag lakad lakad lang ang dalawang iyon." Pilit na nilibang ni Jeongyeon si Nayeon upang hindi na mag alala ng sobra ngunit kahit anong gawin niya ay puro sharon at dahyun lang ang iniisip niya.
"H-hineral, M-mag iisang o-oras na s-silang w-wala..." Halos mahimatay na si Nayeon habang sinasabi ang mta salitang iyon.
"Hindi ito maganda..." Bulong ni Daniel sa kaniyang sarili, nag simula namang mag lakad lakad si Sana upang kahit papaano ay may makita silang kahit anino lamang ng dalawa. "Tzuyu! Tignan mo!" Lumapit si Tzuyu kay Sana at nakita nila ang telang nanggaling sa damit ni Mina. "Ibig sabihin nakuha sila ng mga taga bantay..."
"H-hindi maaari!" Umiiyak na din si Sana dahil alam niya kong papaano pinapahirapan ang mga taga labas sa kahariang ito.
"Umuwe muna tayo at manghingi ng tulong.." tatayo na sana si Daniel upang mag ayos ng karwahe pero pinigilan siya ni Nayeon. "Walang uuwe hanggang hindi natin nahahanap ang mag pinsan, mapapatay tayong lahat ng hari pag nalaman niyang nawala sila ng dahil saatin."
"Pasensya na Tzuyu,Sana ako dapat ang mag babantay sakaniya pero anong ginawa ko?" Humagulgul na din si Jihyo dahil sa konsesnya siya, nilapitan naman siya ni Daniel at niyakap, "Hineral, wala kang kasalanan, hindi natin ginusto ang nangyare kaya kong maari, wag kanang umiyak, mahahanap din natin sila.."
Hindi na nag sayang ng oras ang anim at nag simula ng mag ayos upang pasukin ng tuluyan ang kaharian, tinakpan nila ng bahagya ang kanilang mga mukha upamg hindi sila mahalata.
"Sharon, Dahyun kong nasaan man kayo ngayon ay sana nasa mabuting lagay kayo, nangangako akong hahanapin natin si Chaeyoung at Momo pag nahanap namin kayo, pero ngayon sana mag paka tatag kayo."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Chaeyoung, Momo? Saan kayo galing?" Tanong ni Somi sa dalawang mag kapatid dahil kanina pa sila hinahanap nito, "Pasensya na Somi, napag isipan naming mag lakad lakad, hindi namin namalayan ang oras." Pag paaplusot ni Momo. Tumango naman si Somi bilang pag sang-ayon. "Sige mauuna na ako Somi at Chaeyoung, may usapan kami ni Chaeryoung kaya kailangan ko ng umalis."
Ngumiti naman ang dalawa at hinayaang umalis si Momo, "Kamusta kana Chaeyoung?"
"Maayos naman, mas mdami na akong natutunan sa mga nag daang araw."
"Hindi kaba napapagod kaka ensayo mo?" Tanong ni Somi kay Chaeyoung dahil halos araw araw ay nag eensayo itong mag isa.
"Medyo lang, pero pag hindi ako nag ensayo ay wala din namang akong magagawang iba kundi humilata o kaya naman ay tumayo mag hapon." Tumawa naman si Somi dahil sa sinabi ni Chaeyoung, "Interesado kabang mag pinta?"
Kahit hindi naman ganon kahilig sa
sining si Chaeyoung ay tumango namang ito, nag lakad naman si Somi at sinundan lang siya ni Chaeyoung.
Sa likod ng palasyo ay may isang daanan na ngayon niya lang nakita, isang linggo na siya dito sa palasyo ngunit ngayon niya lang ito nakita. "Ito ang sekretong lagusan patungo saaking sariling mundo Chaeyoung." Ngumiti lang si Chaeyoung at pumasok sila sa sa lagusang tinutukoy ni Somi.
Namangha si Chaeyoung sa kaniyang nakita, puno ng makukulay na pinta ang pader, at pumunong puno ng mga gamit pang pinta ang silid.
"Gaano katagal ka ng nag pipinta Somi?"
"Simula ng umalis ako sa ating kaharian, kinulekta ko ito. Binili ko lahat ng ito, ginamit ko ang perang ibinibigay ng Reyna." Hindi niya inaasahaang mas magaling mamalalad ang mga reyna at hari sa kahariang ito.
"Gusto mo bang subukan?" Kinuha ni Somi ang isang bras at inabot kay Chaeyoung. "Maari kang mag pinta sa playwud na iyon." Sabay turo ni Somi sa isang patag na kahoy malapit sa mga pinta.
Umupo si Chaeyoung at ipwenesto ang kaniyang sarili, "Ano ang aking ipipinta?" Tanong ni Chaeyoung sa kaniyang isip.
Pinapanood lang siya ni Somi, mas lalo siyang nahuhulog kay Chaeyoung bawat araw dahil sa kaniyang ugali't taglay na kagandahan.
Nagsimula ng mag pinta si Chaeyoung, hinahyaan lang ni Somi na mag pinta si Somi dahil alam niyang ngayon palang mag pipinta ang kaniyang napupusuan. "Sino o ano kaya ang kaniyang ipipinta?" Tanong ni Somi sa kaniyang sarili.
Ilang minutong pag hihintay ay natapos na ni Chaeyoung ang kaniyang ginagawa, lumapit naman si Somi at tinignan ang kaniyang ipinanta, tinakpan naman ito ni Chaeyoung pero pilit na tinitignan ito ni Somi. Nag taka naman si Somi dahil kahit kailan ay hindi niya pa nakikita ang babaeng ito.
"Sino siya?" Tanong ni Somi.
"Isang importanteng tao saaking buhay." Binigyan naman ni Chaeyoung si Somi ng isang mapait na mga ngiti. "Ngunit kinakumuhian ko na siya." Bulong lang ang ginawa ni Chaeyoung sa huling mga salitang kaniyang binigkas.
"Hindi mo sinabi saakin na napaka galing mo palang mag pinta, dapat ay matagal na kitang hinila sa kahariang iyon at pinag pinta dito saaking mundo." Masaya naman si Chaeyoung dahil nasasayahan si Somi sa kaniyang gawa.
"Napaka ganda niya, maari mo ba akong ipakilala sakaniya balang araw?" Kahit na hindi sabihin ni Chaeyoung kay Somi ay nararamdaman niya kong sino ang nasa larawan.
"Maaari, pero sa kabilang buhay mo siya makikilala." Ngumisi si Chaeyoung, medyo natakot si Somi sa kaniyang nakikita sa mukha ni Chaeyoung dahil para siyang may balak patayin.
"Wag kang ngumisi ng ganiyan Chaeyoung, hindi ko alam kong matatakot ba ako o mahuhulog pa ng husto sayo." Pabirong sabi ni Somi.
"Wag kang mag alala hindi ko magagawa ang bagay na iyan." Pag sisinungaling ni Chaeyoung, kahit ang totoo ay gusto niya ng patayin kong sino ang naka pinta sa larawan.
"Tara na, kailangan na nating kumain." Tumango naman si Chaeyoung at nag simula na silang mag lakad papunta sa hapag kainan. Pag dating nila doon ay andoon na sila Momo at Lisa.
"Kumain na tayo."
Sabay sabay silang kumain, ng matapos ng kumain si Lisa at Somi ay nag paalam muna silang lalabas muna sandali upang lumanghap ng sariwang hangin.
"Kailangan natin silang dalhan ng makakain." Bulong ni Momo kay Chaeyoung.
Nag lagay naman sila ng ng mga pagkain sa supot, palabas na sana sila upang pumunta sa abandonadong bahay pero natigil sila ng pumasok si Somi. Itinago naman ni Momo ang mga pagkain sa kaniyang likuran. "Saan kayo pupunta?"
"May naiwan akong gamit ko sa may gubat na aking pinag eensayuhan, ngayon ko lang naalala hehe, at sasamahan daw ako ni Momo."
"Maari ba akong mag hingi ng isang kandila? At isang posporo?" Nag taka naman si Somi pero ibinigay nalang niya ang kailangan ni Chaeyoung. Agad na nag paalam ang dalawa at umalis.
Naalala naman bigla ni somi ang ipininta ni Chaeyoung. Kahit hindi niya kilala iyon ay malakas ng kutob niyang si Mina iyon, ang prinsesa.
~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top