Black

Chaeyoung's P.O.V

"Handa kana bang tapusin ang pasahan ng pulang kahon na iyan? Mandirigmang Son Chaeyoung?" Naguguluhan ako kung bakit niya ako tinawag na ganun.

"M-ma'am?"

"Ok look,  hindi pa doon nag tatapos ang story." Parang may naramdaman akong kakaiba dahil sa sinabi niya, para bang gumaan ang pakiramdam ko.

"Ang totoo niyan hindi namatay si Sana sa kwento...." Nag taka naman ako, hindi ba pinatay siya ni Somi?

"Pinatay ni Somi ang sarili niya dahil napatay niya si Chaeyoung ang taong pinaka mamahal niya..." Medyo naiinis nanaman ako nag pakatanga nanaman yong isa. "Then?" Ewan ko kung bakit pero kahit naiinis ako gusto kong malaman ang tuloy ng kwento.

"Tumakas agad si Sana at bumalik sa kaharian nila, pag dating niya doon ay ipinaalam niya agad sa Hari ang nangyare pero nagalit ang hari dahil sa ginawa nila, ipinakulong si Sana at ipinagahasa." Halos maluha naman ako ng marinig ko iyon, napaka walang kwentang desisyon sabi ko sa isip ko pero teka? Parang nasabi ko na iyon pero hindi ko lang maalala.

"Nabuntis si Sana, At siyempre nabuhay yung anak niya, at lalake ang anak niya. Naisip ng Hari na kunin yong anak niya para maging susunod na hari ng Kaharian. Pinangalanan niyang Myoui Siwoo, pero kilala niya si Sana alam niyang si Sana ang nanay niya dahil si Sana din naman ang nag alaga sakaniya hanggang medyo lumaki siya. Ng naging hari si Siwoo ay pinalaya niya si Sana. Ang unang ginawa ni Sana ay kunin ang ibang gamit at lirtato ni Mina para ilagay sa isang kahon, naisipan niya namang pumunta sa kwarto ni Chaeyoung pero wala siyang nakita doon, naisipan niyang bumalik sa kaharian ng itim para manlang manguha ng gamit ni Chaeyoung, pinapasok siya agad dahil sa lumipas na panahon ay nag bati ang dalawang kaharian." Tumigil siya at nag halungkat sa Box na hawak niya.

Inabutan niya ulit ako ng papel na luma na.

'Oh come on,you know i hated you,
but you keep on smiling thats why I'm falling for you,
You're from the light
and I'm from the lies.

Stop thinking that it will work,
you're just making yourself a dork,
Your father rule the land,
and I'm just an armored woman.'

"Kay Chaeyoung yan, naisip niyang kunin iyan at iba pang gamit na kakasya sa kahon, ilang araw at buwan ang nag daan dahil sa katandaan unti unting nanghina si Sana, pero bago siya namatay ay naibilin niya ang kahon kay Siwoo sinabi ni Sana kay Siwoo na sa panganay lamang na susunod na henerasyon ito ibigay at ipabasa dahil naniniwala si Sana na muli silang mabubuhay lahat at mag sasama sama ulit." Napangiti naman ako siguro doon na nag tatapos ang kwento.

"Pero hindi pa din tapos...." Napasimangot naman siya ng bigkasin niya ang mga salitang iyon.

"Hindi ba? Eh paano namang hindi? Eh namatay na si Sana?" Tanong ko sakaniya.

"Matatapos lang ang kwento kapag ang mga itinakda ay muling nag sama at nag katuluyan Chaeyoung." Ngitingitian naman ako ni Ma'am, unti unting nabuo sa isip ko kong anong ibig niyang sabihin.

"Ito ang hinerasyon na hinihiling ni Sana, ang pinagmulan ng kwentong ito na si Siwoo. Ang ika labing dalawang hinerasyon, mabubuhay silang muli at magkikita kita upang tuparin ang mga pangakong binitawan nila sa isa't isa." Ipinakita naman saakin ni Ma'am ang papel kung saan nakasulat ang mga salitang binanggit niya.

"Ikaw ay itinakda saaking kapatid Chaeyoung." Ngumiti naman siya habang ako gulat na gulat sa sinabi niya.

"So si Sana ay para kay Tzuyu?" Tanong ko.

"Jeongyeon para kay Nayeon?"

"Jihyo para kay Daniel?"

"Dahyun para kay Momo?"

"Oo Chaeyoung, ngayon puntahan mo na si Mina bago kapa mahuli, kailangan niyong tapusin ang kwentong ito Chaeyoung, ito ang kahilingan ni Siwoo at Sana."

Hindi na ako nag sayang ng oras at tumakbo na palabas ng Room, kailangan ko si Mina.

Tumakbo ako, hinanap ko siya kung saan saan pero hindi ko siya mahanap, teka kong si Mina at ang Mina sa kwento ay iisa.... Maari bang nasa hardin si Mina?

Tumakbo ako papunta sa garden namin at tama ako! Andoon siya!

"Mina!" Sigaw ko sakaniyang at lumingon naman siya. "Chaeyoung? Tumakbo kaba? Parang pagod na pagod ka?" Kinalma ko naman ang sarili ko at umupo sa tabi niya.

"Bakit ka andito?" Tanong ko kay Mina.

"Kasi everytime na nasa isang garden ako feeling ko may gusto akong makitang tao pero hindi ko alam kung sino." Ngumiti naman siya at humarap saakin.

"Mina...." Itinaas niya naman ang dalawa niyang kilay habang hinihintay any susunod kong sasabihin.

"Nakwento na ba sayo ni Ate?" Tanong niya saakin, nagulat naman ako ng itanong niya iyon.

"O-oo..."

"Chaeyoung matagal na kitang gusto, hindi ko alam pero gusto kita laging nakikita pero wala akong lakas ng loob kausapin ka, nag please panga ako kay ate na kunin niya ako para maging kaklase kita eh, pero sabi niya bawal. Pero ng sinabi ko sakaniy na gusto kita, nagulat siya, hindi ko alam kung bakit pero ikwenento niya saakin yong story namangha ako dahil kapangalan ko yung isa at kapangalan mo namam yung isa, sa story naging mag kasintahan yung dalawa at iniisip ko na sana tayo din, pero wala mahina ako Chaeyoung sorry." Siguro na ikwento nga ni Ma'am pero hindi siya sinabi yong mga sinabi niya sakin kanina.

"Alam mo din bang gus- hindi, mahal kita? Matagal na, wala din akong lakas ng loob kausapin ka kasi baka masapak mo ako pag nag confess ako..."

"Kaya kaba pumunta dito para mag confess?" Ngiting tanong niya sakin.

"Oo, at para sabihin sayong kailangan na nating tapusin ang kwentong nasimulan ng dalawa." Ngumiti naman siya at hinawakan ang dalawa kong kamay at tinignan ako sa mata.

"Tatapusin na natin ang pasahan ng kahon na iyon Mina, ang hiling ni Siwoo at Sana ay matutupad na at ang mga pangakong binitawaan ko noong nakaraang labing dalawang henerasyon....." Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan dahang inilapit ang mukha ko sa mukha niya.


"Ay aking tutuparin, prinsesa Mina." At tuluyang nag dikit ang aming mga labi.

Ng mag hiwalay ang aming mga labi ay nag salita siya.

"Salamat mahal kong Chaeyoung."







~~~~~

No one's P.O.V

Naka upong mag isa si Ma'am Myoui ng bigla siyang nakaramdam ng pan lalamig, hindi niya ito pinansin at nag patuloy sa kaniyang ginagawa. Pero nanlamig ulit siya, Hindi niya ulit ito pinansin.

Pero ng lamigin siya ulit ay medyo natakot na siya, pero nawala ang takot niya ng makarinig siya ng isang tinig.  "Salamat."

Nawala ang kaniyang panlalamig at agad na hinanap ang pulang kahon, agad niya naman itong nahanap. Pero ng hinawakan niya ito ay unti unting nawala ang kulay pulang pinta sa Kahon, naging kulay abo iyon nabuhayan naman siya ng maalala niya kung anong kahulugan noon pag naging kulay abo(Gray)  ang kahon. Kinuha niya ang isang litratong galing sa kahon at ipinatong sa kaniyang dibdib kasama ng kaniyang kamay.



"Sa wakas, na tapos na din ang kwento, Siwoo."tumingin siya sa kawalan at bumulong muli. "Ang puti at ang itim ay nag sama na. Wala na akong problema."







:THE END:




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top