Black
Chaeyoung's P.O.V
"Ah oo nga pala, pwede ko bang matanong kong bakit ingles ang iyong pangalan?" Nakalimutan kong itanong sakaniya iyon noong una naming pag kikita.
"Uhmm ang nanay ko ay amerikano, ngunit iniwan niya kami ng aking ama, kaya naisip kong mag silbi sa palasyo upang matulungan si ama." Kawawa naman siya, bakit ba kasi kailangang mang iwan ng tao?
"Gusto kong makilala ang iyong ama binibini, papasalamatan ko siya sa pag aalaga sayo." Napangiti naman siya sa sinabi ko, bihira lang ang ama na aalagaan ka, dahil ako.. iniwan na ako ng aking ama, kaya ang kapatid ko nalang at ang aming ina ang kasama ko sa buhay, hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala pa si Ina.
"Sa tamang panahon ipapakilala ko siya sayo, sasabihin kong naka tagpo ako ng mabait na kaibigan." Napaka ganda ng kaniyang mga ngiti, ngiting nakakatunaw.
"Ipapakilala din kita sa aking ina balang araw at sasabihin ko ding naka tagpo ako ng isang maganda at masikap na dalaga, pangako." Hindi ko alam ngunit iba ang nararamdaman ko ngayon, siguro dahil sa malakas na hangin kaya ganoon.
"Ah oo nga pala, hanggang kailan ka mag babantay dito sa palasyo?" Tanong niya ulit saakin, bumalik na kami sa loob ng palasyo dahil hindi na din namin makaya ang lakas ng hangin sa labas.
"Tuwing hapon ako ay narito binibini, ngunit hindi ko alam kong hanggang kailan, iyon lamang ang impormasyong naibigay saakin ng aming Hineral." Naalala ko tuloy si Heneral Somi, siya ang nag turo saakin ng lahat ng nalalaman ko ngayon, kung paano gumamit ng pana't palaso, gumamit ng espada at makipag laban ng nananalo.
Sa di kalayuan ay may natanaw akong dalawang dalagang papalapit saamin, ang isa ay naka suot pang katulong at ang isa naman ay naka suot pang mayaman.
"Mina! Mina!" Hinahanap niya si Prinsesa Mina? Nakita ko naman si Sharon na halos mag tago na sa likod ko, natatakot ba siya sa ikinikilos ng babaeng paparating?
"Mina!!!! Wag kang mag tago sa likod ng mandirigmang iyan! Kailangan nating mag usap!" Tumingin naman ako kay sharon at sa babaeng paparating, naka tingin lang siya kay sharon at patuloy na isinisigaw ang pangalan ng prinsesa.
Nang tuluyan ng makalapit ang babae ay tinanong ko siya "Mawalang galang na ngunit ang prinsesa ay nasa kaniyang silid, siya si Sharon."
Tumaas naman ang kanang kilay niya at ikinoross ang kaniyang dalawang kamay.
"Mina lumabas kana kailangan kitang kausapin." Nagulat naman ako ng lumapit si Sharon sa babae. Teka?
"Mag papaliwanag kami!" Itinulak naman ako ni Nayeon papasok sa kwarto ng Prinsesa, hindi sana ako papasok dahil naalala ko ang paalala ng Hineral. "T-teka! Hindi ko pwedeng makita ang pri-"..
Huli na ng masabi ko iyon, dahil nasa loob na ako ng silid ng prinsesa, agad namang isinara ni Sharon ang pinto, inaasahan kong makikita ko ang Prinsesa sa kaniyang malambot na kama ngunit kahit anino ay wala akong nakita.
"Chaeyoung, wag na wag mong sasabihin sa iba na pinapasok kita dito, pasensya na sa pag sisinungaling, ngunit hindi sharon ang kaniyang totoong pangalan...." Itinuro niya naman si Sharon na ngayon ay halos umiyak na, may nagawa ba akong mali?
"Siya ay si Prinsesa Mina." Nagulat ako sa sinabi niya, ilang oras ko na siyang kasama. Hindi ko akalaing siya at ang prinsesa ay iisa.
"P-pero! Hindi ko dapat siya makita! Yon ang utos ng hineral!" Natatakot ako, baka palayasin ako at paalisin sa aking termino.
"Walang makakaalam kong hindi ka mag sasalita, pasensya na Mina...." Sambit ng isang babae, siya yong sigaw ng sigaw kanina.
"Chaeyoung... Ayos lang ba saiyo? Ipapakilala mo padin ba ako sa iyong ina?" Napa atras naman ako dahil sa narinig ko, nangako ako. Ngunit mali ang ginagawa ko.
Yumuko ako upang mag bigay galang sa mga binbining nasa harap ko. "Pasensya na sharo- Prinsesa Mina, ngunit mali ang aking nasabi, maling nakilala kita at maling nakausap kita. Ako ay matatanggal kong ito'y malalaman ni Hineral Jihyo, paalam na mga binibini kailangan kong bantaya ang likod ng palasyo.." nag simula naman akong mag lakad papunta sa upang lisanin ang silid, napaka laking gulo ng pinasok ko.
Naramdaman ko namang may yumakap sakin galing sa saaaking likod.
"Chaeyoung makinig ka, walang mali, hindi maling nakilala mo ako, nakilala mo ako ng hindi sinasadya, wag kang umalis..." Tama nga siya ngunit sa mata ng Hineral at ng Hari mali padin ang aking nagawa.
"Mag sabi ka ng dahilan upang ako'y manatili, diba wala naman?" Natahimik lang siya at kinagat ang kaniyang pang ibabang labi.
"Chaeyoung! Anim na taon! Anim na taon kong hinihiling na makausap ka." Hindi naman ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa aking naririnig ngunit bakit?
"Chaeyoung! Simula nang nakita kita! Napag tanto kong....."
"Gusto kita! Kaya nga gumagawa ako ng paraan upang mapalapit saiyo! Pasensya na kong nag sinungaling ako! Pasensya na! Patawarin mo ako..." Nanghihina ako sa bawat salitang kaniyang isinisigaw.
"Binibini..." Tumulo ang kaniyang luha ngunit agad niya itong pinunasan.
"Wag kang mag alala ngayong nasabi ko na makakaalis kana, kalimutan mo nalang na nag kita tayo at nag kausap."
Hindi ko alam ang sasabihin ko, meron din saakin na gusto ko siyang makasama.
"Prinsesa... M-mahal kita." Napatingala naman siya saakin at nag simula ng sumaya. Maging ang dalawang binibini sa aming likuran ay nakangiti na din.
"Paki usap Chaeyoung, wag kang umalis." Niyakap ko naman siya ng mahigpit. "Hinding hindi ako aalis sa tabi mo Prinsesa."
~
"Pasensya na Mina, naalala kong hindi kanga pala dapat makita at makilala ng mga tao." Yumuko naman si Dahyun, nag pakilala siya kanina saakin, siya ang pinsan ng Prinsesa, kabilang siya sa pamilya Kim, isa sa pinaka mayaman sa aming kaharian.
"Kalimutan mo na iyon, bakit ka nga pala naparito?" Tanong ni Prinsesa mina sa kaniyang pinsan na naka upo sa kaniyang kama.
"Sabi ni ama ay sa susunod na tatlong linggo ay may balak sumalakay sa ating kaharian." Nagulat naman ako sa sinabi ni Dahyun. Kailangan kong mag sanay para sa paparating na digmaan.
"Ang kahariaang itim ang may balak sumugod, napaka lakas nila, at alam mo iyon." Tumango si Mina na may halong kaba dahil nararamdaman kong nanginginig ang kaniyang kamay.
"Wag kang mag alala Prinsesa ipapaalam ko ito agad sa aming Hineral, at Hineral ng mga lalaking sundalo na si Daniel." Kailangan kong pakalmahin ang prinsesa.
"Mag iinsayo din kami ng aking kapatid upang bantayan kayo." Tumingin naman saakin si Mina, siguro gusto niyang malaman kong sino ang aking kapatid.
"Siya ay kasama din sa mga Mandirigmang babae, Ang pangalan niya ay Momo." Lumaki naman ang mga mata ni Dahyun, nag kita naba sila?
"Yong baliw na mandirigmang iyon?! Kapatid mo iyon?! Napaka iba ang iyong ugali sakaniya!" Sigaw ni Dahyun, halos mabasag na ang tenga ko dahil sa lakas ng kaniyang boses.
"Wag mong husgahaan ng basta basta ang isang tao, siguro pangit lang ang naging simula niyo." Pag papaliwanag ni Nayeon kay Dahyun.
"Tama kanga, pasensya na." Yumuko naman si Dahyun sa harap ko, hindi ako sanay na niyuyukuan ng mga maka pangyarihang tao.
"A-ayos l-lang w-wag kang yumuko..." Nginitian niya lang ako, napatingin naman ako kay Mina na nakatingin saamin ng masama.. Eh?
"Teka nasaan si Sana?" Tanong ni Mina kay Nayeon, maging si Nayeon ay hindi niya din alam kong nasaan ang binibini.
Biglang bumukas ang pinto at isinuka si Sana.
"Mahal na Prinsesa... Teka?! Bakit andito si Chaeyoung?!" Sigaw ni Sana, agad tinakpan ni Nayeon ang bibig niya at hinila siya papasok ng silid.
"Huwag kang maingay! Baka may makarinig saiyo!" Biglang sumulpot si Tzuyu sa likuran ni Sana.
"Pasensya na! Hindi ko sinasadyang makapasok sa silid ng Prinsesa! Ako'y aalis na!" Hinila ko naman si Tzuyu papasok.
"Wag mong sasabihin sa kahit na sino na nakita mo na ang prinsesa." Tumingin siya kay Dahyun at yumuko.
"Mahal na Prinsesa." Halos matawa kaming lahat dahil mali ang prinsesang tinutukoy niya.
"Hindi ako ang prinsesa." Pigil ang tawa ni Dahyun ng sinabi niya iyon.
"Ngunit ikaw lang ang tanging binibining naka suot ng ganiyan." Itinuro ko naman si Prinsesa Mina upang sabihing siya ang Prinsesa. "Siya si Prinsesa Mina, nag suot pang katulong siya upang lumabas ng kaniyang silid."
Agad na yumuko si Tzuyu. "Hindi mo na kailangang gawin iyan Tzuyu."
Ngumiti naman ako, napaka perpekto niya tama lang na naging prinsesa siya.
~
Please Vote and Comment Guys💜♥️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top