Chapter 6
A/n:All flashbacks will be on 3rd peron's POV hindi lang dito sa chapter na ito, okay? Enjoy!
3rd Person's POV
Hininto ni vincent ang kotse niya este ni lance! Buti naman at nakarating na sila halos 2 oras din ang naging biyahe nila.
Bumaba si vincent ng sasakyan at pinagbuksan si aia. Infernes, gentleman siya ngayon.
"Nasaan tayo?" ani ni aia na sa wakas ay nag-salita na kanina pa kasi siya walang imik kaya tahimik ang buong biyahe nila.
"Nasa tagaytay"
"What the hell?! Hoy tandaan mo valdez ako baka gusto mo papatay kita! Bata pa ako! Marami pa akong pangarap!"
"What the hell are you saying? You need to unwind kaya kita dinala dito ang advance mo mag-isip"
"Tss"
"Pero kung gusto mo naman 'wag mahihiyang mag-sabi ah" sabay kindat ni vincent at nauna na nag-lakad. Si aia naman ay naiwang umuusok ang ilong sa galit pero wala siyang choice kaya sinundan niya na lang si vincent.
Pag-pasok nila sa bahay hindi napigilan ni aia mamangha sa ganda nito kahit ba simple lang ang interior design. Hindi ganun kalakihan ang bahay. Ito ay hanggang 2nd floor lang at may rooftop.
"Dito ka siguro nag-uuwi ng mga babae mo 'no?"
"Tss, ikaw pa lang ang ka una-unahang tao na pinapunta ko dito kahit mga magulang ko hindi pa nakakapunta dito" paliwanag ni vincent. Ngunit hindi naniniwala si aia. "Ito ang niregalo sa akin ni lola nung 10th birthday ko lagi kasing nag-aaway magulang ko kaya dito ako nag-uunwind" dagdag pa nito.
"Gusto mo ng hot choco?"
"Sige lagyan mo ng marshmallows ha and may lollipop ka ba? Pahingi"
"Wala akong lollipop eh. Punta ka sa taas tapos yung unang kwarto dun may damit na pang-babae baka gusto mo mag-palit"
"What the hell?uuwi ako!"
"Tch. Anong oras na itetext ko na lang si araine ako ng bahala sa'yo" inirapan na lamang siya ni aia at umakyat na ang babae at dumiretso na sa kwarto.
Nagkalkal agad siya sa cabinet. Kinuha niya ang pink na pair ng pantulog. Halatang bago lang yun kasi may price tag pa. Dumiretso agad siya sa cr at nag-shower.
After ilan minutes na tapos na siya kaya bumaba na siya at dumiretso sa kusina.
"Oh sakto ang pag-baba mo tara sa pool area" bungad ni vincent. Inabit ng lalaki ang hot choco kay aia at pumunta na sila sa pool area.
Sa pangalawang pagkakataon namangha si aia. Ang ganda kasi ng view puro puno ang makikita mo ang tahimik talaga namang nakaka-relax perfect place to unwind. Umupo sila malapit sa pool at nagbabad ng paa.
Aia's POV
"Care to share?" basag ni vincent sa katahimikan. Tumingin ako sa kanya na nakitingin rin pala sa akin.
"Ayoko nga" sabay irap ko sa kanya at inom ng hot choco ko.
"Bahala ka ikaw rin mahihirapan. Don't worry your secret is safe with me" napabuntong hiningi ako. He's right kanina pa ako malalim ang iniisip. Laging nagpeplay-back sa utak ko ang nangyari kanina.
"When I was a kid I alaways say to my self that I am a perfect princess kasi lahat nasa akin na. Friends, wealth, beauty, and of course a happy family. Every birthday ko super engrande ang birthday ko like fairytale. Hindi rin kaming family nawawalan ng quality time. Everyone admires us because our father is one of the richest person in the world yet he still have time to us. Lahat ng events sa school naattendan ng parents namin. Happy rin ako sa mga kaibigan ko kasi they are always there for me" I can't help but to reminisce those memories." I thought my happiness won't until one day my father is acting weird lately"
"Go on"
"Hindi na niya kami nabibigyan ng oras. Lagi siyang nagoovertime sa trabaho niya or lagi siyang nag-lalasing. Among the 3 of us kami ni daddy ang close kaya ako ang naging pinaka-apektado that time. Lagi na rin sila nag-aaway ni mama until one day nag-decide na sila mag-hiwalay" hindi ko na napigilan ang pag-landas ng luha ko. "Puro iyak lang ang nagawa ko nun. Hindi ako maka-kain, makapag-salita, at higit sa lahat hindi ko magawang ngumiti. Lumipat kami ng village and lumipat din kaming 3 ng school because we really want to forget him.I was expecting a good start but naging victim ako ng bullying.Wala ring araine sa tabi ko dahil nasa ibang bansa siya. Hindi ako nag-sumbong kahit isang beses dahil tinatakot nila ako pero isang pangyayari ang nag-bigay ng trauma sa akin"
Flashback
Nakayukong nag-lalakad si aia palabas ng school dahil uwian na. Wala si angel dahil representative ito ng school sa quiz bee samantalang si angelo ay nilalagnat kaya hindi pumasok.
"Angela!" napalingon naman si aia sa pinangalinggan ng bosses. Si jenine at raia-mga classmate niya.
"B-bakit?" kinakabahan si aia dahil baka may gawin na naman ito sa kanyang hindi maganda.
"Naiwan mo baonan mo sa science lab" ani ni raia. Tinignanni aia ang loob ng bag niya at wala nga ito.
"A-ah ganun ba? Sige"
"Samahan na namin ikaw" nakangiting saad ni jenine. Sinuklian naman siya ni aia ng tipid ng ngiti at pumasok na ang tatlo sa loob.
Nung nakarating na sila sa 3rd floor ay agad na dumiretso na sila agad sa science lab. Pumunta si aia sa may dulong bahagi dahil duon siya naupo kanina. Nang makita niya ang kanyang lunch box ay dinampot niya na ito. Nag-taka siya kung bakit wala na si jenine at raia pero nagkibit balikat na lang siya. Pinihit niya ang door knob kaso ayaw na mag-bukas nito kaya agad siyang kinabahan.
"Tulong! Tulong po!" sigaw ni aia kaso wala namang dumating na tulong lalo na't sound proof duon. Hindi mapigilan ni aia na umiyak ng umiyak. Sobrang na tatakot siya. Buti na lang ay 1 oras lang ang tinagal niya dun at nahanap na agad siya dahil pagka-uwi ni angel at mama niya galing sa venue nung competition ay hindi pa siya nakaka-uwi eh may inutusan siyang katulong na sinundo siya yun pala sinabi ni jenine at raia na sinundo siya ng mama niya kahit hindi pa. Na-trauma si aia kaya nag-home school na lang siya.
End of flashback
"Tapos..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at humagulgol na sa iyak.
"Enough" seryosong saad ni vincent at niyakap ako. Wala akong pakialam. I badly need this kaya ginantihan ko na lang din siya ng yakap. "Always remember that acceptance is the cure for a broken heart. Kaya ka nasasaktan kasi there still a part of you na umaasa na bumalik siya. Please stop crying they are not evern worthy of your tears and about those who bully you? Well it's life, some people will pull you down but don't forget there will also some people who will pull you up after you fall"
I didn't imagine na ang isang casanova na katulad niya ang makakapag-pagaan ng loob ko.
"Let's go to sleep I know you're tired and it's already 2 in the morning"
That night I sleep with a smile on my face.
A/n: Raia is pronounce as 'Ra-ya" gets?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top