Epilogue

Third Point Of View
Pag katapos nila maka graduate ng College ay hindi parin sila nag kahiwalay-hiwalay. Silang mga mag kakaibigan. Ang grupo ni Cailey at ang kay Deil.

Sa ilang taon na nag daan ay mas tumibay ang relasyon at pag mamahalan ni Cailey at Deil. Hanggang sa dumating ang takdang panahon. Ang panahon kung kailan magiging ganap na Mrs. Mondragon na si Cailey.

Napatawad narin ni Cailey ang kanyang ama na nakakulong. Nakipag kita sya dito bago ang araw ng kasal nila at nakuha nila ang blessings nito ganon rin ang ama ni Deil.

Kinakabahan si Cailey habang nasa loob sya ng kwarto at inaayusan ng make up artist nya. Nakatitig sya sa salamin hababg minimakeupan ng make up artist.

“Yan ang ganda-ganda muna Ma'am Cailey” saad nito kay Cailey. Ngumiti naman si Cailey sa bakla nyang make up artist.

“Salamat Carla” saad ni Cailey sa bakla. Ngumiti naman ito at iniwan sya sa loob ng kwarto nya para maisuot na ang wedding gown nya. Eto na yung araw na hinihintay nilang parehas ni Deil ang araw na ikakasal na sila.

Tumayo na si Cailey at pumasok sa isang kwarto kung nasaan ang wedding gown at dalawang babae na mag aasist sa kanya na masuot ng maayos ang gown nya.

Sa kabilang banda nag aayos narin si Deil. Ngiting-ngiti sya dahil sa araw na ito ay magiging official na silang mag asawa ng babaeng pinakakamahal nya. Ang kanyang best man ay si Andy.

Maid of honor naman si Adriana. Mag kasintahan narin si Adriana at Andy nauna pa nga ang dalawa kay Cailey na ikasal. Isang taon ng kasal ang dalawa pero hindi pa daw sila gagawa ng baby hanggat hindi pa sila gumagraduate ng College nung panahon na ikinasal sila.

“Pare ang gwapo natin ngayon ahh” saad naman ni Andy kay Deil. Tinapik nya ang balikat nito habang nakatingin si Deil sa salamin at inaayos ang coat nya.

“Matagal na kong gwapo Andy” nakangiti namang saad ni Deil sa kanya.

“Nakayanang makapag tiis ni Cailey sa kahanginan mo Deil” natatawang saad ni Andy sa kanya. Babatukan na dapat ni Deil si Andy ngalang bumukas ang pinto at sinabi sa kanila na kailangan na daw pumunta ng groom sa simabahan.

Cailey Point Of View
Kinakabahan ako habang nakasakay ako sa kotse papunta sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal namin ni Deil.

“You're so beautiful Cailey” saad ni Adriana sa akin. Ngumiti naman ako. Nang makarating kami ng simbahan ay naunang lumabas si Adriana. Pinag hintay nila ako sa loob ng kotse.

Kumatok sa may pintuan ang wedding organizer ng aming kasal ni Deil. Sinabi nya sa akin na pwede na akong bumaba. Nakapila na lahat simula sa flower girl , ring bearer hanggang sa maid of honor ko.

Black and white ang theme ng kasal namin Deil dahil narin parehas naming gusto ang kulay na ito. Tumogtog ang kantang pinili namin para sa kasal namin.

A/N: Listen to Beautiful in White by Westlife while reading this scene.

Dahan-dahan akong nag lalakad habang nakakapit sa braso ni kuya. Habang palapit kami ng palapit kung nasaan si Deil hindi ko napigilan na hindi maluha.

Nakangiti sya habang hinihintay ako na makarating sa kanya. Nang makarating ako sa kanya ay inabot ni kuya ang kamay ko sa kanya. Yumakap naman ako kay kuya. Nag handshake si kuya at Deil.

“Alagaan mong mabuti itong si Cailey Deil” saad ni kuya habang nangigilid ang mga luha nya.

“Oo naman kuya... Magiging asawa ko na sya” nakangiting saad ni Deil kay kuya. Hinawakan na ni Deil ang kanay ko at sabay kaming pumunta sa harap ng pari.

“You're so beautiful wife” bulong na sabi sa akin ni Deil kaya napangiti ako.

“You're so handsome hubby” bulong ko rin sa kanya. Napaharap kami kay father ng mag simula na syang mag salita para umpisahan ang aming kasal ni Deil.

“Nandito tayong lahat para saksihan ang pag iisang dibdib ni Cailey Aille Smith at Deil Mondragon.” saad ng pari.

Nakatitig lang ako kay Deil. Hanggang sa dumating na sa puntong mag sasabihan na kami ng I Do

“Mr. Deil Mondragon Do you take Cailey Aille Smith to be you're lawfully wedded wife?” tanong ng pari kay Deil. Nakangiti syang nakatingin sa akin.

“I Do” saad nya. Ngumiti naman ako para iparating sa kanya na masayang masaya ako.

“Do you promise to love, honor, cherish and protect her, forsaking all others and holding only unto her forever? ”

“I do Father” saad nya. Napatingin naman si Father sa akin ako na kasi ang tatanungin nya.

“Ms. Cailey Aille Smith do you take Deil Mondragon to be you're lawfully wedded husband?” tanong ng pari sa akin.

“Yes I do father” saad ko habang mag kahawak ang aming kamay ni Deil.

“ Do you promise to love, honor, cherish and protect him, forsaking all others and holding only unto him forever?”

“I Do” saad ko.

Nag exchange na din kami ng ring at eto na yung part ng kasal na gusto ko.

“By the power vested in me i pronounce you husband and wife. You may kiss the bride” saad ni father. Dahan-dahang tinaas ni Deil ang belo ko. Nang maitaas nya ito ay unti-  unti nyang inilapit sa akin ang kanyang mukha.

Lumapat ang kanyang labi sa aking labi. And we kiss.

“Congrats Mr. And Mrs. Mondragon” rinig naming sigaw nila.

+++++++++++++++++++++++++++++++++
A/N: Yehey! Tapos na talaga sya! Nakatapos na ako ng story i hope you liked the epilogue. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top