Chapter 25

Cailey Point Of View
Tatlong buwan... Oo tatlong buwan na ang nakalipas simula nang mawala si Haidee. Simula nang mamatay sya. Nandito ako sa cemetery kung saan nakalibing sina Haidee at Zandra.

Nasa harapan na ako ng puntod nila. Mag katabi lang ang mga iyon. Naupo ako at parehas na sinindihan ang kandila na dala ko. Nilapag ko yun sa puntod nila. Una kung hinarap ang puntod ni Zandra.

Zandra Rodriguez
Born: April 29 19**
Died: November 13 2017

Hinawakan ko ang puntod nya at nilagyan nabg dalawang pulang rosas ang puntod nya.

“Zandra... Humihingi ako ng kapatawaran dahil sa ginawa ko sa kuya mo. Kung hindi ko pinapatay ang kuya mo hindi ka lalamunin ng galit mo. Sorry dahil sa akin nagawa mong pumatay at pinatay mo pa ang sarili mo. Sana masaya ka na kung nasaan ka man kasama ang kuya mo .” saad ko habang pilit nilalabanan ang pag tulo ng mga luha ko. May naramdaman ako na malamig na hangin na yumakap sa akin.

“Zandra...” bulong ko. Ilang sandali ay nawala na ang malamig na hangin na yumakap sa akin. Ang puntod naman ni Haidee ang sunod kong tinignan.

Haidee Dela Cruz
Born: February 14 19**
Died: November 13 2017

Ngumiti naman ako bago ko simulan na magalita. Nag lapag din ako ng dalawang pulang rosas sa puntod nito.

“Haidee nag papasalamat ako dahil naging kaibigan kita. Sana sa susunod na buhay natin ay makilala ulit kita. Salamat dahil sinalo mo yung balang para sa akin. Salamat... Sana masaya ka na kung nasaan ka.” saad ko. Katulad kanina may malamig na hangin din ang yumakap sa akin.

Ilang saglit lang nawala din naman agad yun. Kaya tumayo na ako at nag simula na mag paalam sa kanilang dalawa. Sa tatlong buwan na lumipas ay naging maayos naman ang pamumuhay naming lahat.

“Ate!” napalingon ako kay Chris na tumatkbo palapit sa akin. Hingal na hingal sya at parang di mapakali na tumingin sa akin.

“Anong nangyare sayo? Bakit tumatakbo ka?” saad ko naman sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko.

“Kailangan na nating umalis si Kuya Deil nasa kapahamakan” saad na syang ikanagulat ko. Hindi ko na hinanatay na hilain ako ni Chris ako na mismo ang humila sa kanya palabas ng cemetery.

“Ano? Alam mo na ba kung nasaan sya?!” nag aalalang saad ko kay Chris. Sana naman ayos lang si Deil. Hindi ko kakayanin kung mawawala sya sa akin.

“Oo Ate... Kinidnap sya ng mga lalakeng hindi kilala habang mag kasama sila ni Kuya Cliff. May naiwan na clue yung mga kidnaper kaya nalaman ni kuya kung saan dinala si Kuya Deil. Halika puntahan natin” saad nya. Nang makapasok kami sa kotse sya na ang nag drive.

“Bilisan mo Chris baka di na natin ma abutan si Deil!” sigaw ko sa kanya. Tumulo na ang mga luha ko dahil sa sobrang pag aalala na meron ako para kay Deil.

Malaman ko lang talaga kung sino ang may pakana nitong kidnapping sa kanya hindi ako mag dadalawang isip na patayin sya. Isang lumang bahay ang nasa tapat namin ng ihinto ito ni Chris.

Dito? Dito dinala si Deil. Agad-agad akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob. Rinig ko pa na tinatawag ako ni Chris pero di ko na sya nilingon pa. Nasa harap na ako ng malaking pinto ng may biglang panyo ang tumakip sa mga mata ko.

Lalabanan ko sana ang may hawak sa akin ngunit hindi ko nagawa ng may ibulong sya sa akin.

“Subukan mong mag laban papatayin namin si Deil” saad nya. Hindi ko malaman kung sino sya dahil ang laki ng boses. Hindi na ko nang laban pa dahil baka may gawin silang masama kay Deil.

Naramdaman ko na binuksan nya ang pinto at hinila ako papasok doon. Wala akong kahit anong ingay na narinig. Kahit ang lalakeng may hawak sa akin ay hindi gumagawa ng kahit anong ingay.

“Deil! Deil asan ka?! Ayos kalang ba?!” sigaw ko. Nag babakasakali ako na maririnig nya pero walang sumagot sa akin. Nag sisimula na akong mag alala ng husto kong ayos lang ba si Deil.

Naramdaman ko na unti-unting lumuwag ang pag kakahawak sa akin ng lalake. Kaya nag karoon ako ng pag kakataon para tangalin ang panyo na nakatakip sa aking mga mata. Nang matanggal ko ito ay madilim ang nakita ko.

Madilim ang paligid. Di ko alan kung nasaan sa lugar na ito si Deil? Asaan sya? Ayos lang ba sya? Sinaktan ba sya ng mga kidnapper.

“Deil?! Deil asan ka sumagot ka naman! Nag aalala na ako sayo!” sigaw ko. Umiiyak na ako ramdam ko na kasi ang pag tulo ng mga luha ko sa mag kabilaan kong pisnge.

Nagulat ako ng bumukas ang ilaw. Hanggang sa tumambad sa harapan ko ang mga taong mahahalaga sa akin. Kahit ang mga kaibigan ni Deil nandito rin. Si kuya at si Chris nandito rin.

“A-anong nangyayare d-dito?” naguguluhang saad ko. Ngumiti lang sila sa akin. Nakahelera lahat sila harapan ko at parang nahawi yun at tumambad sa harapan ko ang lalakeng kanina ko pa hinahanap.

Naka jeans na itim sya at itim na t-shirt naka gel rin ang buhok nya at may dalang bouquet of flowers. Mga pulang rosas. Nakangiti syang lumalapit sa akin.

🎤Nasayo na ang lahat Minamahal kita pagkat...
🎤Nasayo na lahat pati ang puso ko... Nasayo na ang lahat minamahal kitang tapat
Nasayo na ang lahat pati ang puso ko.. Ooh... Ooh.. Ooh.. Na nasayo na ang lahat ooh... Ooh..ooh... Na nasayo na ang lahat

Napatingin ako sa gilid at nakita ko si Adriana at Mia na kinakanta ang kanta na Nasa iyo na ang lahat version Daniel Padilla. Binalik ko ang tingin ko kay Deil na palapit na sa akin.

Tumigil ang musika na nasa harap ko na si Deil. Inabot nya sa akin ang bulaklak. Nakangiting-ngiti sya sa akin. Lumapit ako sa kanya at pibalo ko sya sa braso nya.

“Akala ko may nangyare talaga sayong masama! Pinag alala mo ko ng sobra!” saad ko sa kanya habang umiiyak. Lumapit sya sa akin at pinunasan nya ang luha ko gamit ang hinlalaki nya.

“Wag ka nang magalit...” saad nya. Ngumiti naman sya kaya sinuklian ko ang ngiti nyang yun.

“May gusto akong sabihin sayo Cailey... Unang kita ko palang sayo nainlove na ako. Sa picture lang yun pinakita sa akin ni Cliff nung humingi sya sa akin ng pabor para hanapin ka. Unti-unti na pala akong nahuhulog sayo ika nga nila Love at First Sight.” saad nya sa akin habang nasa harap ko. Tumawa sya ng mahina na syang nag pangiti sa akin.

“Sa tatlong buwan nating mag karelasyon... Araw-araw mas lalo kitang minamahal... Mahal na mahal kita Cailey... Handa akong isugal ang buhay ko para sayo” saad nya na nagpaluha na naman sa akin.

“Mahal na mahal din kita Deil” saad ko sa kanya. Nakarinig kami ng sigawan galing sa mga tao na nandito ngayon. Nakita ko pa si Syndra na sinasabunutan si Mia dahil sa kakiligan.

“Kaya ngayon...” saad nya. Napatakip ako ng bibig dahil sa unti-unting pag luhod ni Deil sa harapan ko. May kinuha sya sa bulsa nya at hinarap sa akin.

“I love you so much Cailey... I want you to be my Mrs. Deil Mondragon... Will you be my wife ?” tumulo ng tumulo ang mga luha ko habang pinakatitigan sya. Napatingin ako kay Kuya at chris na nakangiti sa akin. Ngumiti ako sa kanila at binalik ko ang tingin ko kay Deil na nakaluhod parin sa harapan ko.

“Deil... I love you so much... Yes! Yes i will marry you” saad ko. Agad agad syang tumayo at sinuot sa akin ang singsing sa palasingsingan ko. Pag katapos ay agad nya akong niyakap at inikot-ikot

Nag palakpakan naman ang mga tao. Pag katapos ako iikot ni Deil ay binaba nya rin ako at pinakatitigan.

“Grabe tong Wedding Proposal mo Deil” saad ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin.

“Gagawin ko lahat para sayo” saad nya at unti-unting lumalapit sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at doon ko naramdaman ang pag lapat ng kanyang labi sa akin.

“Ayyyieee!!!” rinig naming sigawan nila habang mag kalapat ang aming mga labi.

The End!

+++++++++++++++++++++++++++++++++
A/N: Salamat at natapos ko narin sya. Sana nagustuhan nyo. Next na ang Epilogue!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top