Chapter 23

Deil Point Of View
Mag iisang linggo na simula na matapos ang lahat. Nandito ako sa bahay nila Cailey ngayon hinihkntay ko sya sasamahan nya daw kasi ako na bumisita kay Dad.

Kahit na hindi ko pa sya buong napapatawad ay gusto ko parin syang bisitahin sa kulungan. Napatingin ako sa hagdanan ng may marinig akong mga yapak.

Naka jeans at black crop top sya. Nang makita ko sya ay tumayo na ako at hinintay sya na makalapit sa kinaroroonan ko. Ngumiti ako ng makalapit sya sa akin na sya naman nyang sinuklian.

“Hoy! Deil alas otso ng gabi ang usapan natin iuuwi mo si Cailey! Kapag lumagpas ka sa oras babalian kita ng buto.” banta sa akin ni Clifford na sa likod namin sya at di ko yun napansin. Nag nod naman ako sa kanya.

“Masyado kanamang protective kuya” saad ni Cailey. Lumapit sya kay Cliff at yumakap at nag kiss sa pisnge nito.

“Syempre nag iisang prinsesa ka namin” saad nito. Lumapit na sa akin si Cailey at nag paalam na kami na aalis ni Cailey. Bago pa kami makalabas ng pinto ay narinig ko pa ang huling banta ni Cliff.

“Nilabas mo yan ng buo Deil kaya ibabalik mo yan ng buo walang labis walang kulang!” napatawa nalang kami ni Cailey dahil sa sinabi ng kuya nya. Nang makalabas kami ng bahay ay binuksan ko sya ng pinto at inalalayan makapasok.

“Gentleman ahh” pang aasar pa ni Cailey sa akin. Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya.

“Syempre ikaw eh... Kasi Under ako sayo. Ikaw kasi nag mamay ari nito”  sabi ko sabay turo sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

“Tse ang corny mo!” saad nya at umiwas ng tingin. Napangiti ako ng makitang nag pula ang pisnge nito. Umalis nako dun at sinarado ang pinto. Umikot naman ako sa kabila para doon sumakay.

Nag makasakay ako ay inayos ko agad ang seatbelt. Habang tinatahak namin ang daan ay nag kwentuhan muna kami ni Cailey.

“Kailan natin sasabihin kay Kuya?” sabi ni Cailey. Hinawakan ko naman ang kamay nya at ang isang kamay ay ginamit kong pang hawak sa manibela.

“Mamaya pag uwi natin ipag tatapat na natin sa kanya” saad ko at sinulyapan sya saglit mabilis ko naman binalik ang tingin ko sa daan.
Nakangiti sya sa akin.

Nang makarating kami ay pinara namin ang kotse. Nauna ako lumabas at pinag buksan nang pinto si Cailey. Pumasok kami ng presinto. Lumapit kami sa information desk.  Sinabi namin na dadalaw kami kay Mr. Markxus Mondragon.

Pinapasok nila kami sa isang kwarto at pinag hintay saglit. Ilang minuto may dumating na pulis kasama ang hinihintay namin. Naupo sya sa harap namin at iniwan na kami ng mga pulis.

“Kamusta ka dito?” nauna kong tanong sa kanya dahil naramdaman ko na nahihiya syang mag bukas ng topic.

“Maayos naman... Kayo? Kamusta kayo?” tanong nya sa aming dalawa ni Cailey. Ngumiti naman kami at hinawakan ko ang kamay nya.

“Maayos rin po... Syaka nga po pala may dala kami para po sa inyo...” saad ni Cailey at kinuha ang isang box ng prutas at nilagay sa lamesa.

“Salamat Cailey... Kasing ganda at bait mo ang iyong ina” saad nito kay Cailey. Ngumiti naman si Cailey dahil sa sinabi ni Dad . Bago ko pa makalimutan sasabihin ko na sa kanya.

“Dad may sasabihin po kaming dalawa sa inyo ni Cailey” saad ko medyo yumuko sya. Napangiti nalang ako kay Cailey.

“Chin up” bulong ko sa kanya. Napatingin naman sya sa akin. Huminga sya ng malalim at umayos ng upo. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nya.

“Kami na po...” sabay naming saad ni Cailey kay Papa. Tinignan namin ang reaksyon ni Papa. Nakangiti lang ito ng matamis sa amin.

“Congratulations! Masaya ako para sa inyo. Kahit nung una palang iniisip ko na kayo na dahil grabe ka kung ipag tanggol ng anak ko. Handa syang mamatay para sayo pero mukhang ngayon palang na official.” saad ni Dad. Napatawa naman kami ng mahina dahil dun.

Anim na araw palang kami ni Cailey. Nung araw na dumating ang kuya nya ang araw na naging kami. Hindi mo na namin sinabi sa mga kaibigan namin ang tungkol dito. Kahit sa kuya nya na sobrang strikto pag dating sa kanya.

Si papa ang unang nakaalam na kami na. Official na kami girlfriend ko sya at boyfriend nya ako. Maswerte ako dahil ako ang minahal ng nag iisang si Cailey Aille Smith ang pinakamalakas at pinamumunuan ang DevilGround.

“Salamat po...” saad naming dalawa ni Cailey. Nag paalam na si papa at bumalik sa selda nya. Hindi lang si papa ang balak naming bisatahin ni Cailey ngayong araw pati rin ang dad nya pero mukhang hindi nya pa kayang harapin ito.

Kaya nakiusap kami sa isang pulis kung pwedeng pakibigay sa dad nya ang isang prutas at kasama ang letter na nilagay nya doon. Pag katapos ay lumabas na kami ng presinto.

Balak ko sana na dalhin sya sa mall pero alam ko naman na hindi nya hilig iyon kaya imbes na sa mall sa park ko nalang sya dadalhin. Pinag buksan ko sya ng pinto. Pag kapasok nya ay agad akong umikot para makasakay sa kotse.

“Saan tayo pupunta?” tanong nya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at inistart ko na ang engine at pinaandar ito.

“Madaya ka ayaw mo sabihin!” saad nya mukhang nagets nya na ayaw kong sabihin sa kanya kung saan ko sya dadalhin. Ilang minuto lang nang nakarating kami sa park.

Pag baba namin ay pinag masdan ko si Cailey na pinalibot nya ang kanyang mga mata sa paligid ng park. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya. Nag lakad kami ng mag kahawak ang mga kamay.

Naupo kami sa isang bench doon. Tahimik at sariwa ang hangin sa harap ng kinauupuan namin ay may maliit na ilog. Malinaw ang tubig at kita na kita mo ang reflection mk sa tubig kong mananalamin ka.

“Gusto mo nun Cailey? Masarap yun!” saad ko habang nakaturo sa nag lalako ng kikiam, squid balls, fish balls, kwek kwek, calamaris, isaw, at iba pa. Tinignan nya naman ito at umiling sa akin.

“Baka madumi ang mga iyon” saad nya sa akin. Umiling naman ako at hinila sya palapit doon. Wala syang nagawa kundi ang sundin ako. Nang makarating kami sa may harap nun ay nginitian ko ang tindera.

“Dalawang 10 piso na kikiam nga po at 20 pesos na fish ball. 2 nitong kwek-kwek painit nyan ate. 4 na stick nitong calamares at 5 isaw. Dalawang gulaman mag kano po lahat?” saad ko sa tindera. Binalot nya muna ang mga inorder ko.

“Eto ang order mo iho. 145 lahat iho” sagot nito sa akin. Binunot ko ang wallet ko at nag labas ng isang libo. Inabot ko sa kanya ito.

“Wala akong panukli sa isang libo iho” saad nya habang tinitignan ang wallet nya. Ngumuti naman ako sa kanya.

“Sa inyo nalang po iyan. Sige po ate salamat aalis na po kami” saad ko at inakbayan si Cailey paalis doon. Bumalik kami sa pwesto namin.

NIlapag ko sa gitna namin iyong pag kain. Nilabas ko ang kikiam nakatingin lang ako kay Cailey dahil hindi nya ginagalaw ang pag kain nya. Kumuha ako ng isa at tinapat aa bubganga nya.

“Try mo masarap... Masarap ang street foods” saad ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at unti-unting kinagatan ang kikiam na binigay ko sa kanya. Nginuya-nguya nya ito na parang nilalasahan nya.

“Masarap nga!” saad nya at dali-daling kumuha sa plastic. Ilang minuto palang naubos namin ang binili namin.

“Diba sabi ko sayo masarap?” saad ko sa kanya. Nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ko habang nakaakbay ako sa kanya.

“Cailey? Deil?” napalingon kami sa boses na nanggaling. Sino nga ulit to? Kilala to ni Cailey hindi ko lang matandaan kong ano ang pangalan nya.

Heidde ba? Hidee? Ano ba?

Napatingin ako sa kanila ng mag yakapan sila. Nakangiti si Cailey ganun rin ang babaeng nasa harap namin. May kasama ito at nasa likod lang nya. Alam ko kasama namin sila sa lumaban sa D.U pero hindi ko naman matandaan ang pangalan nila.

“Haidee kamusta na? Ikaw Zandra kamusta kana?” pag tatanong ni Cailey sa dalawa. Ayun na alala ko na Haidee ang pangalan nya. Sya yung kasama ni Cailey na lumalaban nung oras na nakita ko sila.

“Okay lang naman...” saad ni Haidee. Tumabi sya kaunti para maiharap sa amin ni Cailey si Zandra yun yung binanggit na pangalan ni Cailey.

“Ayos lang din po ako Ate.” sagot nito. Nguminiti naman si Cailey sa kanya.

“Anong balak nyo bakit may dala kayong basket?” ako na ang nag tanong mukha kasi g O.P na ako sa kanilang tatlo.

“Balak kasi naming mag picnic ni Zandra. Halikayo sumama kayo sa amin.” pag yaya ni Haidee. Tumingin muna sa akin si Cailey na para bang humihingi ng permiso kung papayag ba ako.

“Sige sasama kami” saad ko. Tumayo kami at sinundan kung saan pupwesto sila Haidee at Zandra. Nang makarating kami medyo sa gilid ng ilog ay kinuha ni Haidee ang mat na nasa basket na hawak nito.

Tinulungan narin sila ni Cailey na mag ayos habang ako ay pina nonood lang sila. Nang maayos nila ang matt ay isa-isa na nilang nilabas ang pag kain na dala nila sa basket.

“Maupo kana King.. ” saad ni Haidee sa akin. Naupo naman ako sa tabi ni Cailey. Nasa harapan namin ang mga pag kain na dala nila. Ramdam pa namin ang ihip ng hangin na humahaplos sa balat namin. Ang syang hangin din ang nag papagalaw ng buhok ni Cailey.

“Aytt... Nililipad ng buhok ko...” sabi nya kaya napatitig lang ako sa kanya. Kahit ngayon na akin sya hindi ako makapaniwala na talagang girlfriend ko na nga sya.

“Hey King! Matutunaw na si Cailey sa ginagawa mong pag titig sa kanya” napalingon Ako kay kay Zandra na may nakakalokong ngiti. Nabalik naman ako sa reyalidad at umupo ng maayos.

“Kayo na ba?” tanong ni Haidee na nag paubo kay Cailey dahil nabigla sya sa tinanong nito. Kinuha ko ang juice na nasa bottle sa harap ko at inabot agad kay Cailey. Kinuha nya ito at inunom agad.

“Thanks...” saad nya. Nginitian ko lang sya. Napaharap ulit kami sa dalawa ng tanugin naman nila kami kung kami na nga.

“Ahh... Oo kami na” sagot ni Cailey kaya inakbayan ko sya. Napaharap namam sya sa akin. Ang cute nya kasi namumula mag kabilaan ang kanyang pisnge. Mas lalo syang gumaganda sa paningin ko.

“Wha!!!! Kailan pa?” sabay ulit kaming napatingin kay Haidee ng tumili ito at kinikilig pa.

“6 days palang” saad ko sa kanila. Sinimulan naman nila kumain habang nag kekwentuhan. Kaunti nalang ang kinain naming dalawa ni Cailey dahil naparami rin kami ng kain kanina sa street foods na binili ko.

“May kukunin lang ako sa kotse Haidee... Babalik din ako” paalam ni Zandra kay Haidee.

“Gusto mo samahan ka namin ni Haidee... Zandra” saad ni Cailey kay Zandra. Ngumiti naman ito at tumango. Tumingin muna sa akim si Cailey bago sya tumayo.

Ngumiti naman ako sa kanya para malaman nya na payag ako. Sabay-sabay silang umalis na tatlo at naiwan ako. Pinag masdan ko ang tubig napaka peaceful nito.

Ilang minuto na ang lumilipas at hindi parin sila bumabalik mukhang napatagal sila sa pag kuha ng gamit ni Zandra sa kotse.

Napatayo ako ng makarinig ako ng dalawang putok ng baril. Sunod-sunod. Napatakbo ako kung saan nag mula ang putok na iyo. Nakita ko si Cailey at hawak-hawak si Haidee na duguan.

“Cailey! Haidee!” sigaw ko at nilapitan sila. Tumingin naman sa akin si Cailey na umiiyak.

“T-tulong Deil... D-dalhin natin sya sa Hospital” saad nito at tumango ako. Binuhat ko si Haidee at tumakbo kami kung saan ko pinark ang kotse.

Agad na binuksan ni Cailey ang pinto sa back seat. Nilagay ko doon si Haidee pati sya ay pumasok. Agad naman akong umikot para makasakay sa driver's seat. Pag pasok ay agad ko itong pina andar.

“Anong nangyare Cailey? Asan si Zandra?” tanong ko habang tinitignan sya sa Side Mirror. Umiiyak sya habang tintapik ang pisnge ni Haidee. Binalik ko lang ulit ang tingin sa daan baka maaksidente pa kami pag nag kataon.

“This is my fault...” napatingin ulit ako sa side mirror ng sabihin nya yun. Binalik ko lang agad ang tingin sa daan. Nang makarating kami sa hospital ay agad akong bumaba at binuhat si Haidee. Agad namang sumunod sa akin si Cailey.

Sinalubong kami ng mga nurse na may dalang stretcher. Nilapag ko naman doon si Haidee. Sumama kami sa pag tulak kay Haidee hanggang makarating kami sa tapat ng Operating Room.

“Ma'am Sir hanggang dito nalang po kayo bawal pumasok sa loob” pigil sa amin ng nurse at sinarado ang pintuan. Napayakap sa akin si Cailey na umiiyak. Niyakap ko rin sya pabalik.

+++++++++++++++++++++++++++++++++
A/N: Sana magustuhan nyo. 2 chapters to go.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top