Chapter 21

The Plan

Deil Point Of View
Nandito parin kami sa loob ng kwarto at nakikinig sa plano na gustong gawin ni Dad. Sinabi narin namin ang hakbang na giginagawa ng kuya ni Cailey.

“Yes we know that but if that Cliff plan will not succeed we will do our plan.” napatango kami sa sinabing iyon ni Dad. Tumayo na kami ni Cailey at kinuha ang baril na nasa harapan namin ni Cailey.

Bang! Bang!

Dalawang putok ng baril ang pinatama ko kay Dad nasa usapan narin namin ito. Kinuha namin ni Cailey ang pag kakataon na yun na lumabas ng kwarto nya at tumakbo pababa ng Main Building.

“We won!” parehas na saad namin ni Cailey ng makababa kami. Nag hiyawan naman ang mga kasama namin dahil  sa narinig nila.

Nakita namin ni Cailey na tumatakbo ng palapit sa amin ang mga kaibigan namin. Nahuli pa namin ma mag kakahawak ang mga kamay nito. Mukhang may nangyare na hindi namin alam habang busy kami sa pag harap kay Dad.

“Nagawa nyo?” tanong sa akin ni Andy habang nakahawak pa sya sa kamay ng isa sa kaibigan ni Cailey.

Tumango kami ng sabay ni Cailey napag usapan narin namin na wag nalang sabihin muna sa kanila ang plano namin dahil maguguluhan lang sila kapag sinabi pa namin iyon.

Lumapit kaming walo sa gate kasama ang mga estudyante na nakaligtas. Natuwa naman si Cailey ng mabalitaan nya na nakaligtas si Zandra at Haidee. Agad pa ngang niyakap ni Haidee si Cailey.

Tinulak ko ang gate. Natuwa kaming lahat ng bumukas ito. Ngayon na lalabas na kami sa impyernong eskwelahan na ito. Sa impyernong ito kung saan ibabaon namin lahat ng ala ala nang kahayupan na nagyare dito.

Nang makalabas kami doon lang namin nalanghap ang sariwang hangin na hindi namin malanghap-langhap sa loob dahil ang amoy na nalalanghap lang namin ay ang amoy ng dugo na pumapalibot sa buomg eskwelahan.

Ngayon nasa labas na kami. Malaya... Malayang malaya walang mga banta pero hindi pa kami pwedeng makampante dahil hindi pa namin na papabagsak si Mr. Cailo wala pang tawag galing kay Cliff simula nang sumanib sa amin si Cailey.

Wala pa kaming balita kahit si Master A hindi parin nag papakita. Unti-unting lumakad ang iba paalis. Mukhang uuwi na sila ganon na din ang gagawin namin.

Napalingon ako sa may ari ng kamay na humawak sa akin. Nakangiti syang nakatingin sa akin... Si Cailey... Nagulat ako ng yakapin nya ako pero niyakap ko nalang sya pabalik. Masaya ako dahil kapiling ko parin sya hanggang ngayon.

Akala ko kanina katapusan ko na... Akala ko hindi ko na sya ulit makikita kapag nangyare yun hindi ko kakayanin dahil unti-unti na akong nahuhulog sa kanya unti-unti ko na syang minamahal... Mali! Matagal na pala akong nahulog! Matagal ko na syang mahal.

“Deil... Bitaw na humihigpit ang yakap mo di ako makahinga” napabitaw ako ng yakap sa kanya dahil sa sinabi nya. Hindi ko sinasadya na yakapin sya ng ganong kahigpit. Lumutang ang isip ko.

“Sorry... Lumutang agad ang isip ko kaya hindi ko napansin na humihigpit na pala ang yakap ko sayo” saad ko at yumuko.

“Okay lang yun... Dumeretso na muna kayo sa bahay doon nalang natin pag usapan ang plano...” saad nya at medyo huminga ang salitang plano para hindi marinig ng mga kaibigan namin.

Nauna mag lakad si Adriana at Mia sila ang sinusundan namin para hindi maligaw. Hindi namin magamit ang kotse dahil narin na sa loob iyon ng university. Trenta minutos ang nilakad namin bago kami tumapad sa isang mansion.

White ang kulay nito. Itim ang gate pero kita naman ang nasa loob nito. Lumapit si Cailey sa may gate at tumapat sa isang maliit na camera sa tapat ng crystal shape na nasa gate. Akala mo sa una isa lang iyong design.

“Cailey Aille Smith 1918 Queen” rinig naming saad ni Cailey sa may gate. Ilang segundo ay bumukas ang gate. Nauna na pumasok si Cailey kaya pumasok narin kami.

Pinag masdan ko ang buong paligid. Maganda ang pag kakagawa ng mansion nila. Puro red roses rin ang nakatanim sa mga gilid. Mukhang mahilig sa pulang roses si Cailey.

“She not the one who want that flowers. Ang kapatid at ang mom nya ang may gusto nyan.” bulong ng isang tinig sa akin. Tinignan ko ito at si Mia ang nakita ko. Ngumiti sya sa akin bago mauna mag lakad.

Nabasa nya ang iniisip ko? O masyado lang talagang halata na iyon ang iniisip ko? Napailing nalang ako. Nang buksan ni Adriana ang pinto ng mansion ay nag sipasok na sila kay sumunod nalang  kami sa kanila.

Pag pasok namin talagang hahanga ka. Puro puti ang gamit nila walang ibang kulay kahit ang sofa puti... Ang mga pinto puti rin. Hindi sila mahilig sa masyadong makulay. Doon ko na patunayan sa sarili ko na simple lang talaga sya.

“Deil... Follow me... Ituuto ko kung saan ang kwarto mo” saad nya. Napatango ako at sumunod na sa kanya. Umakyat kami sa hagdan nakasunod lang ako sa kanya. Hanggang ngayon bakas parin ang mga dugo sa katawan at sa damit na suot namin.

Nang makarating kami ng second floor ganon parin ang kulay puti parin ang theme nito. Lumiko si Cailey kaya lumiko rin ako. Huminto sya sa isang pinto at lumingon sa akin.

“Eto ang magiging kwarto mo... Maligo ka narin sa loob... May damit dyan na naiwan ang kapatid ko itry mo kung kasya sayo... Kung may kailangan ka ayon lang ang kwarto ko” sabay turo nya sa isang kwarto. Dalawang pintuan ang pagitan ng kwarto nya at kwarto ko.

“Salamat...and i love you” saad ko pero mahina lang ang pag kasabi ko ng i love you yung tipong sarili ko lang ang nakarinig.

“Welcome” saad nya at tumalikod na sa akin para pumasok sa kwarto nya. Nakatatlo na sya mg hakbang ng tumigil sya akala ko haharap sya pero pinatili nya ang nakatalikod lang sya sa akin. Hinintay ko ang sasabihin nya kaya hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

“I love you too... I heard what you said” saad nito habang nakatalikod sa akin. Hindi ako makapaniwala dahil sa sinabi nya... Ilang minuto akong shock at nakatayo sa pwesto ko. Huli na ng mapag tanto ko na umalis na pala si Cailey.

Ngiting-ngiti ako na pumasok ng kwarto. Sky blue ang theme ng kulay ng kwarto. King size rin ang kama. Tuloy-tuloy akong pumasok sa C.R. nang makapasok ay agad kong sinimulan ang  pag linis ng katawan ko.

Ilang ulit ako nag sabon para masiguro lang na natanggal ang dugo na ilang linggong nakadikit sa akin. Biglang bumalik ang mga alala sa akin. Mga ala ala kung paano sabihin sa akin ni dad ang tunay na nagyare.

Kailangan naming gawin ang napag usapan namin nila Dad kung hindi mag tatagumpay ang plano ni Cliff. Agad ko nalang tinapos ang pag ligo ko. Nang matapos ay inabot ko ang tuwalya at inikot yun sa ibabang parte ng katawan ko.

Lumabas ako ng C.R at pumasok sa isa pang pinto dito sa loob ng kwarto. Pag bukas ko ay Walk in Closet ang bumungad sa akin. Humanap ako ng short at sando na mag kakasya sa akin pati narin brief.

Nang may mahanap ay simuot ko iyon. Kinuha ko ang tuwalya at pinunas sa buhok ko. Pa katapos ay lumabas na ako ng wal in closet ni Chris. Hindi kasi ako sanay na tawagin syang Angelo dahil may kaibigan ako na ang pangalan ay Clarex Angelo kaya nalilito ako.

Nagulat ako dahil saktong pag lingon ko sa kama ay nakita ko si Cailey na nakaupo sa gilid nito. Naka short lang ito at t-shirt na itim na bumagay sa kanya dahil maputi ang balat nya.

“Kasya naman pala sayo ang damit ni Angelo” saad nya habang tinitignan ako. Mukhang sinusuri nya kung bagay ba ang suot kong damit sa akin.

“Bumaba na tayo... Nag hihintay na slang lahat sa baba... Kakain na daw tayo kahit konto bago tuluyang matulog.”  Saad nya napatingin naman ako sa alarm clock na nasa side table. 5:08 at the morning narin.

Ilang minuto nalang at sisikit na ang mahal na araw. Ngumiti ako sa kanya at niyaya na sya na bumaba para kumain at bumalik sa kwarto upang makapag pahinga at matulog. Para mabawi ang aking lakas.

Pag kababa namin ay agad kaming lumiko para pumunta sa dining area ng bahay. Pag pasok namin ay nandoon na sila lahat mga bagong ligo rin sila katulad namin. Mukhang damit din ni Chris ang gamit ng mga kaibigan ko.

“Maupo na kayong dalawa para makakain na tayo” saad ni Adriana. Naupo si Cailey kaya tumabi nalang ako sa kanya di ko kasi alam kung saan ako pepwesto dahil sa dami ng upuan kaya nag desisyon ako na sa tabi nalang ni Cailey.

“Masarap ang mga nakadaha na pag kain” saad ko habang ngumunguya. Sino kaya ang naluto. Si Adriana pero hindi naman halata sa kanya. Si Mia kaya? Pwede rin dahil nakita ko naman kung paano sya kumain ng marami kaya siguro naman marunong syang mag luto.

“Sino ang nag luto?” tanong ni Andy habang may hawak na fried chicken napailing nalang ako dahil sa katakawan ng mga kaibigan ko.

“Si Cailey... Ang sarap nya mag luto no... Sya ang chef namin eh!” pag mamalaki ni Syndra. Napalingon naman ako kay Cailey na nasa tabi ko lang.

“Ang sarap mo mag luto Cailey... Hindi kanaman nag sabi na marunong ka pala mag luto” saad ko sa kanya habang nakangiti. Ngumiti naman sya sa akin pabalik.

“Salamat... Sa susunod gusto mo turuan kita” saad nya. Kahit nahihiya unti-unti narin akong tumango sa kanya.

“Ayyieee!!!!” asar sa amin ng mga kaibigan namin. Parehas nalang kaming umiwas nang tingin at tahimik nalang na kumain.

+++++++++++++++++++++++++++++++++
A/N: Please support. Malapit na ending 4 Chapters to go....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top