Chapter 20
Deil and Cailey Vs Markxus Mondragon
Cailey Point Of View
Mag kahawak kamay naming hinanap ni Deil ang kwarto kung nasaan ang ama ni Deil. Mag lalakad na dapat si Deil ng pigilan ko sya kaya napaharap sya sa akin.
“Bakit?" nag tatakang tanong sa akin ni Deil.
“Doon ka sa kaliwa mag hanap Deil dito ako sa kanan." paliwanang ko sa kanya. Pero kita ko sa mukha nya na ayaw nya.
“Pumayag kana sige na" saad ko sa kanya. Ngumiti sya at tumango. Binitiwan nya ang kamay ko. Akala ko aalis na sya kaya nagulat ako ng kabigin nya ko at yakapin.
“Just be safe..." bulong nya sa akin. Tumango naman ako at nag lakad na papunta sa kanan na parte ng main building na ito.
Hinigpitan ko ang pag hawak ko sa aking katana. Hinawakan ko ang door knob ng pintuan na nasa harapan ko. Dahan-dahan kong ito pinihit.
Nang wala parin ako marinig na boses na nang gagaling sa loob ay binuksan ko na ng tuluyan ang pinto na nasa harap ko. Pag bukas ko ay walang katao-tao sa loob.
Pumasok ako sa loob para masiguro ko na wala ngang tao sa loob nito. Aalis na dapat ako ng biglang may nag takip sa ilong ko.
Pilit kong inaalis ang panyo sa ilong ko ngunit ng malanghap ko ang kakaibang amoy sa panyo ay bigla nalang umikot ang paningin ko at unti-unti akong nag pa sakop sa dilim.
Deil Point Of View
Sinunod ko ang gusto ni Cailey na maghiwalay kami na hanapin ang aking ama. Tutol ako sa disesyon nya dahil mas gugustuhin ko na kasama sya.
Pero alam ko na di sya papayag. Sa hindi naman na wala akong tiwala sa kakayahan nya ngunit gusto ko na nasa tabi ko sya para hindi ako mag alala ng husto dahil wala sya sa tabi ko.
Pinag bubuksan ko lahat ng pinto na nandito ngunit kahit isa sa kanila ay walang Markxus na nandoon. Mas lalo kong hinigpitan ang pag kakahawak sa katana na binigay sa akin ni Cailey.
Hindi man ako masyadong humawak ng Katana ngunit kapag na alala ko na kay Cailey nang galing ang katana na ito ay parang alam na alam ko kung paano ito gamitin.
Nandito na ako sa harap ng nag iisang pintuan na hindi ko pa nabubuksan. Unti-unti kong pinihit ang door knob. Pakiramdam ko nandito sya sa loob ng kwarto. Binuksan ko na ang pinto at tama nga ang pakiramdam ko nandito sya.
“Bastard! Mabuti at nakita rin kita!” saad ko habang nakangiti. Wala syang buhay na tinapunan ako ng tingin. Nakaupo pa sya sa swivel chair nya at pinapaikot ang kanyang ballpen sa kaliwang kamay nya.
“Ohh... My son” saad nya habang unti-unting ngumingiti ng nakakaloko. Mas lalo akong nainis sa pinapakita nya. Napakuyom ako ng kamay dahil dun.
“You will pay for what you've done! Madami kang pinatay na mga inosenteng estudyante.” nang gigil kong saad sa kanya habang masama ang tingin ko sa kanila.
“Hahahaha if you can...” saad nya pa habang chill lang na nakaupo sa upuan nya.
“I will” saad ko at hinawakan na ng maayos ang katana at akma nang susugod sa kinaroroonan nya. Humakbang ako palapit sa kanya pero parang wala parin sa kanya ang paglapit ko sa kanya.
Nag taka ako dahil sa pag pitik nya. Napalingon ako sa likod ko ng bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang lalake na may hawak-hawak na babae na walang malay.
Nakaharang ang kanyang mahabang buhok sa kanyang mukha kaya hindi mo makilala kung sino sya. Pero ang mahabang buhok at ang suot nyang damit ay kilalang-kilala ko. Hindi ako pwedeng magkamali.
“Cailey...” mahinang bulong ko habang nakatingin sa kanya ng walang malay. Napalingon ako na galit na galit kay Markxus at itinutok ko sa kanya ang katana na hawak ko.
Nginitian nya lang ako na parang sayang-saya pa sya sa nakikita nya.
“What do you want?!” Sigaw ko pa habang nakatutok parin sa kanya ang katana na hawak ko. Tumawa lang sya at tumayo sa kinauupuan nya.
“I want? I want you— Ohh... The lovely girl was awake.” saad nya kaya napatingin ako kay Cailey na dahan-dahang minumulat ang kanyang mga mata.
“Cailey! Are you okay?” nag aalang tanong ko sa kanya. Napalingon sya sa dalawang kalalakihan na nakahawak sa kanya. Pilit nyang nilalaban ang pag kahawak ng mga ito sa kanya perk mas malaki at mas malakas sa kanya ang mga ito kaya hindi nya magawang makatakas sa mga kamay nito.
“Son... Put down you're Katana” napalingon naman ako sa aking ama na tuwang-tuwa pa sa eksenang kanyang nakikita ngayon. Imbes na ibaba ko ito ay mas nilapit ko pa sa kanya ang katana.
“What do you want?! Do you want me to die? Sige ibibigay ko pakawalan mo lang si Cailey” saad ko sa kanya habang dahan-dahan kong binababa ang katana ko na nakatutok sa kanya.
“Hahaha ... Son are you joking? You want to die just to save this girl? ” tumatawang saad nito na akala mo na isang nakakatawang joke ang sinabi ko sa kanya.
“Pakawalan mo sya at hinding-hindi ako lalaban kapag sinumulan mo na akong pahirapan o patayin...” mahinahong saad ko sa kanya para maramdaman nya na seryoso ako.
“Are you in love of her?” saad nya habang lumalapit kay Cailey. Hinawakan nya ang panga nito at hinarap nya sa akin. Gusto kong lapitan sya ngunit hindi ko magawa dahil sa oras na gawin ko iyon maaring paputukin ng isang black in man ang baril na nakatutok sa ulo ni Cailey.
“Deil wag mo na akong isipin! Gawin mo ang dapat mong gawin patayin mo sya!” saad nya sa akin ng bitawan nang aking ama ang panga nya. Tinitigan nya ako sa mata... Umiling ako para iparating sa kanya na di ko kayang gawin ang gusto nyang ipagawa sa akin.
“Di ko kaya! Kapag ginawa ko yun mamatay ka! I don't want to lose you Cailey” saad ko sa kanya. Umiling sya aa sinabi ko at unti-unti nang tumulo ang luha nya.
“Gawin mo ang dapat mong gawin Deil! Patayin mo sya kahit na ang kapalit ay ang buhay ko...” saad nya habang umiiyak. “ Basta mawala ang katulad nitong Demonyo na to!” saad nya habang masamang nakatingin kay Markxus na wala namang buhay na nakatingin lang sa kanya.
“Cailey hindi ko kaya! Kung mamatay ka mas gugustuhin ko nalang na mamatay rin!” saad ko habang nakatingin din sa kanya. Napalingon ako sa pwesto ni Markxus na may hawak narin na baril.
“Is that you want Son...” saad nito habang nakatingin sa akin at tinutok ang baril nya sa akin. Nakangiti pa sya habang ginagawa yun.
“Wala ka bang talagang nararamdaman na pag mamahal kahit konti sa akin? Kay Deila?” saad ko na naging dahilan nang pag baba nya ng baril nyang nakatutok sa akin.
“Hindi mo ba minahal si mom kahit kaunti? Bakit ko ba tinatanong pa to... Pinatay mo nga sya diba kasama ang mama ni Cailey... Dahil sa walang kwentang negosyo at plano nyo ni Mr. Cailo. Pera? Pera ang mas mahalaga sayo kesa sa Pamilya” saad ko pa dito. Natahimik sya dahil sa sinabi ko.
“I do love you're mom...” napatingin ako ng masama dahil sa sinabi nya. Minahal nya si mom? What a joke?
“Are you serious?! You kill her! Tapos sasabihin mo sa akin na mahal mo sya? Dahil sa illegal na negosyo at plano nyo nang dad ni Cailey pinatay nyo ang mga ina namin! Tapos sasabihin mo na minahal mo ang ina ko!” sigaw ko sa kanya. Nag hahalo na sa mukha ko ang dugo at luha ko.
“Minahal ko ang mom mo pinakita ko yun ko sa kanya pinaramdam ko pa but... Si Cailo parin... Si Cailo parin ang mahal nya...” saad nito at biglang tumulo ang mga luha nito.
“Akala ko nang mag asawa si Cailo dahil nabuntis nya si Cailen mag kakaroon na ako nang pag asa na mamahalin din ako ng mom mo! But i wrong she still love Cailo! Kahit na nag dadalang tao sya sayo! Now tell me kung nararamdaman mo kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ng panahon na iyon!?” sumbat pa nya sa akin.
“Kaya ginawa ko lahat Deil! Ginawa ko lahat para mapa bagsak si Cailo at marealize ng mom mo na mas nakakataas ako kay Cailo but Cailo still the man who inside her heart! Hanggang sa umabot na kalimutan ko na ang pag mamahal ko sa mom mo.” saad nya habang nakatingin parin sa akin. Hindi na ko nagsalita pinabayaan ko lang na ipaliwanag nya ang side nya.
“Pinabayaan ko sya at ikaw! Masakit sa akin na hindi ka magawang lapitan at yakapin pero kailangan kong gawin yun para kamuhian mo ako! I live my life own but dumilim ang mga mata ko dahil sa ginawa ng mom mo ninanakaw nya ang pera sa kompanya! That the day when you see me hurting you're mother. The day you sue me!” sigaw nya sa akin. Tama sya yung araw na nakita kong sinasaktan nya si mom yung araw na sinabi ko sa sarili ko na kapag nasa tamang edad na ako ay ipag hihiganti ko si mom.
“You hurt her for money?... Inalisan mo kami ni Deila ng ina... When our mom died... Galit na galit ako sayo pero hinintay kita na damayan kami ni Deila but you treat us like a trash! Yung pera na kinuha ni mom para sa amin yun pag mamay ari nya yun! She have a right to do that! ” sigaw ko pa sa kanya para maramdaman at maisip nya ang kagaguhang ginawa nya.
“When you mother know our illegal business... Pinakiusapan ko si Cailo na wag nang patayin si Dheila but he said kailangan ng mamatay ng mom mo! I'm not the one who kill her Deil! Cailo did that... The time you see me na hawak ang baril habang wala nang buhay ang mommy mo ay nag kataon lang. Cailo give me the gun pinahawak nya... Then you see the moment and you told to you're self that i'm the one who kill you're mother. ” he explained... I don't want to believe him but his eyes told me that he saying the truth.
“Bakit hindi mo sinabi... Bat di mo pinaliwanag?” asar na saad ko sa kanya. Kung sinabi nya may pag kakataon pa sana na naliwanagan ako. Pero kahit ganon sangkot parin sya dahil nandun siya nung binaril ni Cailo si mom hindi nya pinigilan.
“I don't want to... I don't want you to know that... Pinabayaan ko lang yun and i didn't explain myself para kamuhian mo ako at ikaw ang tumapos ng lahat. I wait this time pinabayaan ko na malaman mo ang plano ko sa Devil Week because i want you... I want you to kill me” napalunok ako dahil sa huling sinabi nya..
“Gusto ko na tapusin mo ang kasamaan na inumpisahan namin ni Cailo kasama si Cailey... Bitawan nyo na sya at iwan kami...” saad nito. Binitawan ng dalawang lalake si Cailey kaya agad akong lumapit sa kanya at inalalayan sya.
Hingal syang napahawak sa akin. Niyakap ko sya at naramdaman ko ang pag yakap nya rin sa akin.
“I thought i will lose you...” mahinang bulong ko sa kanya.
“Cailey... Son i need you're help. I promise kapag natapos ito... Susuko ako sa mga pulis o kaya ipapaubaya ko sa inyo ang kamatayan ko...”
+++++++++++++++++++++++++++++++
A/N: I hope you like.... 5 chapters to go...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top