Chapter 19
Evening Fight
Cailey Point Of View
Hawak-hawak ko parin ang letter na bigay ni Kuya Dark na nagmula kay Kuya. Si kuya... Makikita ko narin sya... Makakasama ko narin sya sa wakas...
Napatayo ako dahil sa naisip ko. Hindi... Hindi ko na aantayin pa na matapos ang Devil Week at sumunod sa mga laro nya. Ngayong gabi tatapusin ko na ang lahat-lahat.
Pangako kuya... Magkikita parin tayong muli. Kinuha ko ang bag ko na may laman ng baril. Maagang natapos ang labanan sa Color Game. Ngunit kinalungkot ko rin ito dahil sa 80 na natira sa amin ay naging 30 nalang kami.
31 to be exact kasi nadagdagan kami si Kuya Dark. Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Naupo naman sa tabi ko si Deil.
“Let's do the plan Deil... Tonight" saad ko sa mahinang boses pero sapat na iyon para marinig nya.
“Pero masyado pang maaga..." saad nya sa akin.
“Kailangan na nating gawin ito Deil kakaunti nalang tayo. 31 nalang tayong natitira. Hindi na natin kakayanin ang pwersa ng ama mo kung hinhintayin pa natin na matapos ang Devil Week. Limang araw pa yun Deil" mahabang paliwanag ko.
Natahimik naman sya mukhang napag isipan nya ang sinabi ko. Kung papatagalin namin siguradong wala nang matitirang buhay sa amin.
“Pag planuhan natin mamayang gabi Cailey..." Seryoso nyang saad sa akin. Mabuti nalang at naintindihan nya kong ano ang gusto kong mangyare.
“Pero Cailey..." saad nya at hinawakan ang kamay ko. Medyo naiilang parin ako. Alam ko naman na may nararamdaman na ako sa kanya pero hindi parin ako nasasanay sa pag hawak nya ng kamay ko.
“Ipangako mo na magiging ligtas ka... Na sabay natin haharapin ang mundo sa labas ng D.U" saad nya habang nakatitig sa mga mata ko. Napangiti naman ako at dahan-dahang tumango sa kanya para iparating na gagawin ko ang sinabi nya.
“I promised..." saad ko at humilig sa kanya. Sinandal ko ang sarili ko. Hindi pa kinaklaro sa akin ni Deil kung may nararamdaman na nga ba sya sa akin pero hindi ako manhid para hindi agad malaman kong ano ang ibig sabihin ng pinapakita nya sa akin.
Pero ayoko mag assume... Baka ginagawa nya lang ito dahil narin sa inutos sa kanya ni kuya... Baka ang nararamdaman nya lang sa akin ay pag mamahal ng isang kapatid mukhang hindi ko kakayanin kung ganon nga ang nararamdaman nya sa akin.
“Ehem! Can i borrow Cailey for a second?" saad ng boses sa likuran namin ni Deil. Inalis ko naman ang pag kasandal ko sa kanya at tumingin sa likuran ko.
“Ahmm... Deil i will just talk to her for a minute" saad ko kay Deil bago tuluyang umalis sa pwesto naming dalawa. Medyo lumayo kami ni Adriana sa pwesto namin ni Deil kanina.
“Gustong-gusto ko na itanong sayo kung may relasyon na nga ba kayo ni Deil pero hindi pa ito ang tamang oras. Narinig ko ang usapan nyo ni Deil kanina tungkol sa gusto mong mangyare... Sigurado ka ba?" saad sa akin ni Adriana.
Mukhang nakikinig sya sa usapan namin ni Deil kanina. Unti-unti akong tumango sa kanya.
“Hindi na ko papayag pa na may mamatay pa. Iilan nalang tayo gusto ko nang tapusin to... Naiintindihan mo naman siguro ako Adriana" saad ko at hinawakan ang kamay nya.
“I understand you Cailey..." saad nya sa akin. Ngumiti sya kaya sinuklian ko rin sya ng isang ngiti.
“At syaka may isang taong gusto ko pang makapiling at mag paliwanag kong bakit nya ako iniwan... Kung bakit nya kami ni Angelo." saad ko at inabot kay Adriana ang letter na natanggap ko galing kay Kuya.
Binuksan nya ito. Gulat na gulat sya sa pangalan na nabasa nya. Gulat syang tumingin sa akin.
“K-kuya Cl—" pinutol ko ang sasabihin nya gamit ang isang tango.
“Kaya mo na syang kausapin. Hindi ka na ba galit sa kanya?" tanong nya sa akin.
“Kaya ko na meron akong kaunting galit sa kanya na natitira pero alan ko na mawawala ito sa oras na mapapaliwanag na nya sa akin ng maayos ang mga nangyare at ang dahilan nya" saad ko at muling kinuha ang lettet at nilagay sa loob ng bulsa ng pantalon na suot ko.
“Mauna na ako... Bumalik kana kay Deil ang sweet nyo eh... Pag usapan nalang natin mamaya ang plano" saad sa akin ni Adriana at pilit akong pinag tutulakan palapit kay Deil.
“Deil binabalik ko na sayo si Cailey. Take care of her okay" saad ni Adriana at nag lakad papunta sa pwesto ni Andy at Harold ang lalakeng tinulungan nya. Nakilala ko na sya kanina.
“Nalaman nya?" tanong sa akin ni Deil. “Kanina ko pa kasi napapansin ang kaibigan mo na nakikinig sa usapan natin kanina" saad nya at sinenyasan ako na lumapit sa kanya na sya namang ginawa ko.
Time Passed...
Nakapalibot ang lahat ng estudyante. Nasa gitna kaming dalawa ni Deil para ipaliwanag sa kanila ang gusto naming mangyare at humingi narin ng tulong galing sa kanila.
“Alam namin na natatakot kayong gawin ito pero kung hindi natin gagawin ito mamatay parin tayo sa mga laro nya. Mas magandang may gawin tayo pinaglaban natin ang karapatan natin. Mamatay tayo nang may nagawa man lang" paliwanag ni Deil sa kanila.
“Gawin natin to para mabigyan natin ng hustisya ang mga kaibigan at kaklase natin na namatay nang dahil sa kawalanghiyaan nang Markxus na yan" dugtong ko pa sa sinabi ni Deil.
“Sasama ba kayo?" sabay naming tanong ni Deil sa kanila. Pinalibot ko ang mga mata ko. Walang nag sasalita sa kanila pero nakita ko ang mga estudyanteng naguusap gamit ang mga mata nila.
“Sasama kami. Hindi namin hahayaan na mag isang lalaban ang pinuno namin. Nangako tayong walang iwanan hindi ba?" saad ni Syndra. Tumayo rin sila Mia at Adriana at sabay-sabay silang lumapit sa amin ni Deil.
“Walang iwanan. Lalaban tayo hanggang huli Cailey... Hindi ka namin iiwanan" saad ni Mia habang nakangiti sa akin. Sinuklian ko naman sya ng isang ngiti.
“Kami rin. Hindi dapat mabuwag ang Aces! Sama-sama tayo hanggang huli!" saad ni Andy. Nag sitayo naman sila at lumapit narin sa amin. Napa ngiti naman si Deil dahil sa sinabi ng kanyang mga kaibigan.
" Kami rin!"
“Ako rin!"
“Tama kayo sige sasama na kami!"
“Kami din!"
Rining naming saad ng mga estudyante at nag sitayuan sa pwesto nila. Nag katinginan kaming walo at napangiti. Agad kaming bumuo ng plano para sa labang ito.
Nasa pinaka main na building ang kinaroroonan ni Markxus. Maswerte kami ng buksan ang pangagjawang laro ay inalis ang mga bakal na syang nag kulong sa amin nung unang laro dito sa field.
Susugod kami at sinisigurado ko pagsapit ng umaga bukas nasa amin na ang panalo. Sinisigurado ko yan dahil ako mismo ang mag papabagsak sa kanya.
Bumuo kami ng grupo. 31 kaming lahat kaya hinati hati namin ito. Sa grupo ang bawat bilang ng myembro ay may isang siyaw, walo at dalawang tag pito. Eto ang listahan para hindi kayo maguluhan.
Sa grupo naming dalawa ni Deil ay ito ang mga kasama namin. Siyam kami dahil narin sa kagustuhan nila Syndra. Gusto ko sanang tumutol nung una pero wala rin naman akong nagawa.
List #1: Me and Deil Group
Me
Deil
Haidee
Kuya Dark
at limang estudyante na natitira hindi ko nama kasi alam ang mga pangalan nila at wala nakong balak alamin pa sayang oras kapag ginawa ko pa iyon.
List #2 : Adriana and Andy Group
Adriana
Andy
Harold
At lima ring estudyante katulad sa amin hindi ko rin sila kilala. Katulad ng dahilan ko kanina masasayang lang ang oras ko kung tatanungin ko pa kung ano ang mga pangalan nila.
List #3: Syndra And Matthew Group
Syndra
Matthew
At lima ring estudyante na hindi ko rin kilala.
List #4: Mia and Clarex Group
Mia
Clarex
Zandra
At apat na estudyante na hindi ko kilala.
Ayan ang mga grupo namin at napag usapan namin na sila Mia at Clarex ang syang bahala na pipigil sa mga kalaban sa pag pasok namin sa loob ng main building.
Sila Syndra at Matthew ang magiging back up nila Mia kung sa kaling mahirapan sila sa pag patay sa mga tauhan ni Markxus.
Sila Adriana at Andy naman ang pupwesto sa mga rooftop ng building para masigurado na walang mga kalaban na titira ng baril mula sa mataas na lugar papunta sa amin.
At kami ni Deil ang naka assign na pumasok sa loob ng building kasama ang grupo namin. Kami ang haharap kay Markxus at kami rin ang gagawa ng paraan para mamatay sya para matapos na ang kasamaan nya.
Handa na kami sa gagawin namin. Hinanda namin ang lahat ng armas na gagamitin. Unang sumugod ang grupo nila Mia at Clarex. Kinuha ko lahat ng armas na mag kakasya sa katawan ko ganun din si Deil.
Hindi basta-basta ang taong kakalabanin namin kay kailangan naming maging handa sa kahit anong oras. Dahil palaging nasa pahamak ang mga buhay namin.
“Mauna na kami kailangan na namin pumunta sa taas ng mga buildings para masure na ligtas ang pag pasok nyo sa main building. Mag iingat ka Cailey... May tiwala ako sayo Deil na hindi mo papabayaan si Cailey." saad ni Adriana bago tuluyang umalis kasama ang mga ka grupo nya pati narin si Andy.
Sabay sabay namin nilisan nila Syndra ang lugar na kinaroroonan namin. Nag makarating kami sa tapat ng main building ay nag kakagulo na at nag umpisa na ang gera.
Sumugod na rin kami. Lahat ng humaharang sa daan ko ay walang pag dodobleng isip ko na pinatay gamit ang katana ko. Kahit si Deil ganon narin ang ginawa para makapasok kamo agad sa main building.
Nag sisitalsikan lang sa mukha at damit ko ang mga dugo ng mga taong ito. Nang makarating kami sa bukana ng main building ay sinalubong kami ng nag raramihang tauhan ni Markxus Mondragon. Kahit ilang libo pa kayo gagawa parin ako ng paraan para mapatumba kayo.
Nag tinginan muna kami ni Deil bago sumugod sa napakaraming tauhan ng kanyang ama. Akala namin hindi na kami makakalis sa pwesto namin. Nasuhatan at nahiwa narin ako ng kutsiyo sa balikat pero hindi ito ang oras para indahin ko iyon.
“Cailey! Deil! Pumasok na kayo ng main building kami nang bahala dito!" sigaw ni Kuya Dark alam kong nahihirapan na sya. Tatakbo dapat ako palapit sa kanya para tulungan sya pero umiling sya at sinigaw na pumasok na kaming dalawa ni Deil sa loob ng main building at hanapin kung nasaan man si Markxus.
“Sige na Cailey! Tutulungan ko si Dark" sigaw ni Haidee habang nakikipag laban. Wala akong nagawa kong hindi ang tumakbo papasok ng main building. Sabay naming hinarap ni Deil ang mga lalakeng nag tangkang pigilan kami.
“Cailey mauna kana sa taas susunod nalang ako!" sigaw ni Deil habang pilit nilalaban ang mga lalakeng humaharang sa amin. Hindi Deil nangako tayo sa isa't isa na sabay nating haharapin ang lahat.
Lumapit ako ulit sa kanya at nag simulang barilin ang mga lalakeng gustong saktan si Deil. May mga sugat na kaming dalawa ni Deil. Pero hindi lang namin ito pinapansin. Pinababayaan lang namin ito dahil hindi pa tapos ang laban na kinahaharapan namin.
Nang maubos ang mga lalakeng pumipigil sa ain ni Deil ay nilapitan nya agad ako at hinawakan sa braso.
“Diba sinabi ko sayo na mauna ka sa taas at susunod nalang ako!" asar na saad sa akin ni Deil pero tinignan ko sya sa mata bago ulit mag salita.
“Nangako tayo sa isa't isa na hindi natin papabayaan ang isa't isa at sabay nating haharapin ang lahat! Hindi kita kayang iwanan dito Deil! Sabay tayong haharap sa papa mo at tayong dalawa ang mag papabagsak sa kanya ng sabay!" sigaw ko sa kanya na syang ikinagulat nya.
Nagulat ako ng kabigin nya ko palapit sa kanya at yakapin. Napatahimik naman ako dahil sa isang yakap na ginawad nya sa akin.
“Salamat Cailey... Tapusin na natin ito ng sabay" saad nya at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming tumakbo paakyat ng hagdanan para makaharap ang kanyang ama. Handa na laming pabagsakin sya gamit ang sarili naming kamay.
+++++++++++++++++++++++++++
A/N: Konti nalang guys malapit na tayo sa Ending. Please support and please vote and comment. 6 chapter to go...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top