Chapter 17

The Truth

Cailey Point Of View

                     Flashback
Sa edad kong limang taon ay kaya ko nang umintindi ng mga bagay-bagay. Ang sabi ng mommy at kuya ko matured na daw ako mag-isip. Hindi lang sa pagiging matured ng pag-iisip ako hinahangaan pati narin sa mabilis kong makabasa daig ko pa ang mga batang nasa Grade 1 na nag sisimula palang matutong mag basa. Hindi lang tagalog ako magaling. Magaling na ko mag salita ng english, japanese, korean, french at iba pa. Ang sabi nila naman ko daw ito sa mama at papa ko. Si papa minsan lang namin sya makasama. Takot ako lumapit sa kanya dahil sa seryoso nyang ekspersyon at ang cold nyang aura.

Kaya mas close talaga ako sa mama ko. May kapatid ako ang kuya ko at ang nakakabata kong kapatid na lalake na si Angelo.

“Cailey!" rinig kong tawag sa akin. Tumakbo naman ako papunta sa babaeng tumawag ng pangalan ko. Ang nag-iisang mommy ko. Si mommy ang kasama ko simula palang. Close na close ako sa kanya.

“Mommy!" malakas na saad ko sa kanya ng salubungin nya ko. Niyakap ko agad sya pag karating ko sa kanya. Kinisan ko rin ang nakakabata kong kapatid na nakahawak sa mga binti ni mom.

Cailen Smith ang pangalan ng mama ko at napaka swerte ko na sya ang naging mama ko. Mapag mahal at maalagang ina ang mama ko. Syaka ang swerte ko rin dahil nag karoon ako ng kuya. Malayo ang edad nya sa akin. 13 years old na si kuya. Walong taon ang tanda nya sa akin.

Mag kaiba ang ama namin ni kuya pero kahit ganon ipinaramdam nya parin sa akin na buong mag kapatid kami. Ang kwento ni mom masyado pa syang bata ng mabuntis sya ng boyfriend nya nun. Mag papakasal sila at mahal na mahal nila ang isa't isa ngalang sa kasamaang palad na aksidente ang boyfriend ni mom.

Dinamdam ni mom yun muntik pa nga mapahamak si kuya nun nung nasa tiyan pa sya ni mom. Hindi kasi matanggap ni mom na wala na ang boyfriend nya. Hanggang sa manganak si mom at natapos nya ang pag-aaral at sa isang Graduation Party nya daw nakilala si Dad.

Nilapitan daw sya ni dad at naging mag kaibigan. Hanggang mag kaibigan lang daw talaga sila ni dad pero unti-unti na si mom nahulog kay Dad. Nung panahong naiinlove si mom ay inlove naman si dad sa ibang babae nun. Hindi na sinabi ni mom kung sino ang babaeng kinaiinloven ni dad.

Na heartbroken si dad ng hiwalayan sya nung girl kaya si mom ang naging sandalan niya. Hanggang sa nadala ng alak at may nang yari sa kanila. Simula nun hindi nag pakita si mom kay dad pero sapilitang makulit ang tadhana. Nasa mall si mom nun at namimili nang baby stuff dahil buntis na pala sya sa akin nun. Tuwang-tuwa nga daw ang kuya ko nun dahil mag kakaroon na sya ng babaeng kapatid.

Habang namimili ng mga pang baby na damit si mom ay may tumawag ng pangalan nya. Unang rining palang daw ni mommy alam nya sa sarili nyang kilala nya kung kaninong boses yun. Ayaw nya harapin si dad nun kaya aalis na sya dapat pero hinawakan sya sa braso ni dad para hindi sya maka alis. Limang buwan na akong pinag bubuntis ni mom nun.

Nang makita ni dad si mom nag taka sya dahil buntis na ito. Tinanong pa ni dad kung may asawa na si mom at bakit nung gumising sya ay wala na simom sa tabi nya. Parehong tanong na hindi sinagot ni mom. Nang marealize ni dad ay tinanong nya kung sya ba ang ama nang pinagbubuntis ni mom.

Walang nagawa si mom kung hindi ang sabihin kay dad ang lahat. Bago pa ako mailuwal ni mom nag pakasal sila ni dad kahit ang kuya ko ay tinaggap ni dad kaya ang apelyido ng kuya ko ay apelyido ni dad. Ang sabi sa akin ni mom nang isilang nya daw ako ay sobra ang tuwa ni dad ng makita nya ako.

“Mukhang ang lalim naman ng iniisip mo Cailey" napatingin ako sa nag sabi nun. Napangiti ako nang makilala ko kung sino sya.

“Kuya!" niyakap ko sya kaya napatawa naman si mom sa inasal ko niyakap naman ako pabalik ni kuya.

++++++++++++++++++++++++

Isang araw nag lalaro ako sa may living room ng mansion namin. Wala kasi si kuya nasa school sya kaya wala akong kalaro. Si mom naman nag luluto ng meryenda ko. Ayaw nya kasi inaasa sa mga maid ang pag aalaga sa akin. Ang nakakabata ko namang kapatid ay tulog sa kwarto nya. Nilaro ko kasi ayon napagod.

Nagulat ako ng pumasok si dad. Naka business suit pa sya. Padabog nyang inilapag ang bag na hawak nya. Natakot naman ako kaya napakapit ako ng mahigpit sa mga laruan na nilalaro ko.

“Damn you Markxus! Mababawi ko rin lahat ng kinuha mo sa akin!" Galit na saad ni dad. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Kinuha ni dad ang vase at binasag iyo sa harapan nya. Nagulat ang mga maids pati si mom napalabas ng kusina dahil dun.

“Cailo what happen?" nag aalalang tanong ni mom at lumapit sa pwesto ni dad. Napalingon naman si mom sa akin. Shock at natatakot parin ako dahil sa nakita kong ginawa ni dad.

“Cailey Are you okay?" nag aalalang saad ni mom at nilapitan ako.

“My god nilalamig ka. Mukhang natakot sya sayo Cailo" saad ni mom at binuhat ako. Nawalan ako ng ganang mag laro dahil kay Dad.

“What ever Cailen" saad ni dad at umakyat ng kwarto nila ni mom. Ibinaba nya ako sa sofa at inayos ang buhok ko.

"Maids paki linis na nito" saad ni mom at tinuro ang vase na binasag ni dad kanina.

“Wag mo na pansinin ang dad mo siguro pagod lang sya sa work nya. Gusto mo ng cupcake nag bake ako" saad ni mom sa akin kaya tumango ako.

Binuhat ako ni mom papunta sa kusina para tignan ang cupcakes na binake nya. Nasa oven pa ang mga iyon. Ilang minuto nalang bago maluto ng maayos ang cupcakes. Nang tumunog ang  oven ay kinuha na ni mom ang cupcake.

Pinaupo ako ni mom sa lamesa. Nilapag nya ang cupcake sa tabi ko. Kinuha nya yung mga toppings at icing na ginawa rin ni mom. Isa kasing chef ang natapos na kurso ni mom. Nang matapos lagyan ni mom ng icing at toppings ang cupcake pinatikim nya sa akin ito.

“Masarap ba mag bake si mommy?" nakangiting tanong sa akin ni mom. Tumango naman ako at sumubo pa ng cupcake na ginawa ni mom. Tumalon ako pababa ng lamesa na inupuan ko. Kumuha ako ng maliit na pinggan at kumuha ako ng cupcakes.

“Saan mo dadalhin yan Cailey?" tanong sa akin ni mom. I smiled at her.

“I want to give to daddy this three cupcakes" i said at lumabas ng kusina. Dahan dahan akong nag lakad ng hagdanan baka kasi matapon ang cupcake sayang naman.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto nila mom at dad. Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok ng tatlong beses sa pintuan. Narinig ko na ang mga hakbang nya palapit sa pintuan at ilang segundo lang ay bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si dad na seryosong nakatingin sa akin.

"Ahmm... Dad this is for you" saad ko at tinaas ang dala ko. Tinignan nya yun ilang segundo bago nya kunin sa akin iyon. Umupo sya para magkapantay kaming dalawa. Hinawi nya ang buhok kong nakasabagal sa mukha ko.

“Thankyou" mahinang saad nya sa akin at hinalikan ako sa noo. Napangiti ako kasi ito ang unang beses na hinalikan ako sa noo ni dad. Dahil noon kahit na anong ipakita ko kay dad ay binabalewala nya lahat ng efforts ko.

Unti-unti na akong napalapit kay dad akala ko okay na ang lahat pero lahat ng respeto at pag habga ko sa kanya bigla iyong nawala ng isang iglap lang.

++++++++++++++++++++++++++

Nakaupo kami ni mom sa sofa at nanonood ng t.v dito sa kwarto ko. Sa edad na limang taon nasa akin na lahat ng kakailanganin ko. Pero lahat iyon hindi ko naman kailangan iisa lang ang hangad ko ang mag karoon ng maganda at masayang pamilya. Yung buo. Andyan nga si dad pero hindi ko maramdaman yung pag mamahal at atensyon nya.

Nag pa alam ako kay mom na may titignan lang sa labas. Sumilip ako sa may pintuan ng may marinig akong nag uusap isang lalake ang kausap ni dad. May baril yung guy. Mom said bad daw ang nay baril. Oh my god! Bakit kinakausap ni dad yung bad guy.

“Da—" tatawagin ko dapat si dad ng biglang may nag takip ng bibig ko.

“Shhh... Si mom to" saad ng nag takip ng bibig ko. Binuhat ako ni mom at dinala sa kama ko. Pilit nya akong pinapatulog kahit na ayaw ko pero ipinikit ko na rin ang mga mata ko. Naramdaman ko na tumayo si mom para umalis ng kwarto ko. Sa sobrang panonood namin ni mom kanina ay nakatulog na ako.

“Cailo please nag mamakaawa ako sayo wag mo tong gawin!" nagising ako dahil sa boses na iyon. Unti-unti akong bumangon ng kama para silipin kung sino ang nag aaway sa labas ng kwarto.

“Alam mo ang katotohan Cailen hindi kita pinakasalan dahil mahal kita. Kilala mo at alam kung sino ang nag iisang babaeng minahal ko" saad ng lalakeng boses. Unti-unti ako sumilip sa pintuan at nakita kong nakaluhod habang umiiyak si mom.

Nakayakap sya sa mga binti ni dad na walang buhay at seryoso lang na nakatingin sa kanya.

“Alam ko... Alam ko na si Dhiela parin hanggang ngayon... Alam kong sya parin... Alam kong hindi ko sya mapapalitan sa puso mo pero sana wag mong gawin ito Cailo kahit para sa mga anak natin sa anak mo" umiiyak na saad ni mom.

Sinong Dhiela? Hindi mahal ni Dad si mom? Napahawak ako sa pisnge ko. Doon ko napag tanto na umiiyak na pala ako dahil sa mga naririnig ko.

“Alam mo ba na dahil sa batang iyon kaya hindi ko na nagawang ipag laban pa si Dhiela kung hindi kita nabuntis edi sana kami parin ni Dhiela hanggang ngayon! Sya sana ang asawa ko at hindi ikaw!" sigaw ni dad kay mom.

Ako ang may kasalanan? Kung hindi dahil sa akin makakasama pa dapat ni dad ang tunay na minamahal nya? Ako ang may kasalanan?

“At alam mo ba Cailen? Kung kanino napunta ang babaeng pinakamamahal ko? Ngayon na kay Markxus sya sa lalakeng kinamumuhian at kaaway ko simula palang nung una" saad pa ni dad. Grabe na ang mga nalalaman ko. Hindi mabsorb ng utak ko na hindi kami mahal ni dad kaya ba sya cold at walang pakielam sa akin?

“At kasalanan mo lahat yun Cailen" saad ni dad at iniwang luhaan si mom. Unti-unti kong sinarado ang pintuan at bumalik sa kama ko. Hindi na ako pinatahimik ng mga narinig ko. Hindi na ulit ako nakatulog dahil sa mga narinig ko. Bakit nag titiis si mom kay dad kong hindi naman pala sya mahal nito? At ako na sinisisi nya kung bakit hindi na nya kasama ang babaeng minamahal nya si Dhiela.

Sumikat ang araw at pinatawag na ako ni mom para mag breakfast. Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko si mom na nag aayos ng breakfast namin. Bakit? Bakit nakangiti sya? Bakit nakaya nya pang ngumiti pag katapos ng mga nangyare kagabi?

“Oh Cailey andyan kana pala. Halikana para makakain kana alam kong nagugutom kana" saad nya sa akin at binuhat ako para iupo sa isang silya. Tahimik ko lang na pinagmamasdan si mom.

“Bakit ganyan ka makatingin anak? May problema ba? May masakit ba sayo? May sakit ka ba?" tanong sa akin ni mom at umupo sa tabi ko. Umiling lang ako at nag pilit ng ngiti kay mom.

Months Passed...

Hindi ko na ulit narinig na nag away si mom at dad. Pero minsan nalang umuwi si dad dito. Once or twice a month nalang sya kung umuwi kaya minsan ko nalang talaga sya makita. Simula nang hindi na masyado umuwi si dad dito minsan nalang ngumiti si mom. Kahit si kuya hindi narin sya mapangiti.

Isa lang ang napatunayan ko. Mahal na mahal ni mom si dad ngalang hindi iyon magawang makita ni dad. Napaka swerte nya kasi may nag mamahal sa kanya na katulad ni mom. Pero sa ibang babae parin nakafocus ang puso at mga mata nya.

Nandito ako sa sofa yakap-yakap ko ang teddy bear na bigay ni kuya nung minsang umuwi sya. Napa daan daw kasi sila ng mga barkada nya sa amusement park at may booth syang pinag laruan at ang prize itong teddy bear kaya binigay nalang nya sa akin.

Titig na titig ako kay mom na malungkot na namang nakatingin sa litrato ni dad. Palagi nya yang ginagawa namimiss na daw kasi nya si dad. Ako? Nag bago na lahat ng tingin ko kay dad simula nang narinig ko ang mga salitang yun kay dad.

Hindi nya kami mahal... Napilitan lang syang pakasalan si mom dahil nabuntis nya ito at ayaw nyang mapahiya sya sa mga magulang nya kaya nya pinakasalan si mom.

“Cailo?" napalingon ako sa tinitignan ni mom... Ngiting-ngiti si mom nang makita nya ang dad na kakapasok lang ng pintuan.

“Bumalik ka..." ngiting saad ni mom at humakbang palapit kay dad pero bigla rin syang napatigil nang may babaeng biglang tumabi kay dad. Who is this girl?

“Sino sya Cailo?" nagtatakang tanong ni mom habang nakaturo dun sa babaeng nakahawak pa sa braso ni dad. Isa lang ang nasa isip ko... Kabit sya ni dad halata naman kasi kung paano sya maka hawak sa braso ni dad. Unang tingin palang malandi na. Alam kong bata pa ako para malaman ang mga salitang yan... Sa mga drama ko lang yan nakuha...

“Sino ka ba?" malditang saad nito kay mom. “Maid ka ba dito?" tumaas ang kilay ko sa sinabi ng babaeng iyon.

“How there you to said that to my mom" saad ko at lumapit kay mom. Napatingin naman sa akin yung babaeng iyon.

“Hon... Anong sabi ng batang yan?" rinig kong bulong nya kay dad. Napa smirk naman ako... Hindi naman pala sya marunong mag intindi ng english.

“Stupid..." saad ko at hinila si mom. Nang makarating kami ni mom sa kwarto unti-unting tumulo ang mga luha nya.

“Mom..." saad ko at niyakap sya. Niyakap nya rin ako pabalik.

“Mom umalis na tayo dito... Iwan na natin si dad" saad ko habang hinahawakan ang pisnge nya at pilit pinupunasan ang mga luhang bumabagsak sa mga mata nya.

“Hindi pwede anak... Mahal ko ang dad mo at isa pa kasal kaming dalawa" saad nya sa akin. “Mag pahinga ka nalang muna pupuntahan ko lang ang little brother mo" saad nya at hinalikan ako sa noo bago nya lisanin ang kwarto ko.

Nag simula ako magalit kay dad. Nagawa nya pang dalhin dito ang kabit nya. Lumakad ako palabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Angelo. Nakita ko si mom na umiiyak pero karga nya si Angelo at pinapatahan ito sa pag-iyak.

Ang hirap makita na nasasaktan si mom. Dahan-dahan kong sinarado ang pintuan at nag lakad pabalik sa kwarto ko. Pag pasok ko ay nakita ko ang babaeng kasama ni dad kanina na nililibot ang buong kwarto ko.

“Anong ginagawa mo dito sa loob ng kwarto ko?" tanong ko na ikinagulat nya. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti.

“Hi little girl... Ako ang tita Amanda mo ang girlfriend ng dad mo" saad nya sa akin at hinawi ang buhok ko at nilagay nya sa likod ng tainga ko. Tinapik ko ang kamay nya.

“Wag mo akong hawakan... Ayaw ko sayo!" saad ko sa kanya. Ngumiti naman sya at tinignan ang mga litrato sa side table ko.

“Alam mo ako na ang magiging mommy mo kasi konting panahon nalang ay papalayasin na ng dad mo ang mom mo" saad nya habang nilalapag ang mga litratong kinuha nya.

“Hindi yan totoo!" sigaw ko sa kanya. Malokong ngiti nya akong tinignan.

“Totoo iyon. Dahil hindi naman minahal ng dad mo ang mom mo at ako ? Ako na ang magiging donya dito sa bahay na ito" saad nya na syang ikinaluha ko.

“No! That's not true! You're bad! I don't want you! You are such a liar!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak. Nilapitan nya ako at hinawakan ang panga ko. Diniinan nya ito.

“Let go! You're hurting me!" sigaw ko pero mas natuwa pa sya kaya mas diniinan nya ang paghawak dito. Iyak at sigaw nalang ang nagawa ko. Nakawala ako sa kanya ng may tumapik ng mga kamay nya palayo sa akin.

“What are you doing! You're hurting my daughter! Are you okay Cailey?" napayakap ako kay mom dahil dun. Iyak lang ako ng iyak.

“Mom she's hurting me..." i said to mom. Hinigpitan pa ni mom ang yakap nya sa akin. Biglang bumukas nang malakas ang pintuan at doon ko nakita si dad.

“Whats happening here?" saad nya. Lumapit naman ang babaeng iyon kay dad. Kumapit pa sya sa braso nito.

“She's hurting my daughter. She's hurting our daughter" saad ni mom. Napatingin naman si dad sa babaeng iyon.

“Its that true?" tanong ni dad sa babaeng nakahawak sa kanya. Umiling-iling naman ito at nag paawa ng mukha kay dad.

“Hindi iyon totoo... Tignan mo Hon sinampal ako ng babaeng yan oh" saad nya at pinakita ang pisnge nya wala namang pula doon pero mukhang napaniwala nya si Dad sa kaartehan nya.

“Ginawa mo iyon Cailen?!" pagalit na sigaw ni dad at nilapitan kami ni mom. Bigla nyang hinila ang buhok ni mom. Walang nagawa si mom kundi ang bitawan ako.

“Hindi... Hindi ko iyon ginawa... Hindi ko sya sinampal... Sinasaktan nya si Cailey pinagtanggol ko lang yung anak natin!" sigaw ni mom at pilit na tinatanggal ang kamay ni dad na nasa buhok nya.

“Mom!" iyak ko habang nakatingin kay mom na nahihirapan na sa ginagawa ni dad sa kanya. Napangiti naman ang Amandang iyon dahil sa nakikita nyang ginagawa ni dad kay Mom.

“Dad please stop! Hindi ginawa ni mom iyon! Hindi nya sinakatan ang babeng iyan!" sigaw ko kay dad pero wala paring pinakinggan si dad at naka abot pa kami sa labas ng kwarto ko.

“Dad! Anong ginagawa mo kay mom?!" sigaw ni kuya ng maabutan nyang sinasaktan ni dad si mom.

“Wag kang makialam dito ! Sampid kalang dito!" saad ni dad kay kuya. Pilit inaawat ni kuya si mom pero hindi nya magawang pigilan si dad. Binitawan ni dad saglit si mom at nilapitan nya si kuya. Sinutok nya si kuya sa sikmura.

“Kuya!" lapit ko kay kuya habang umiiyak. Nag aalala namang nakatingin sa amin si mom.

“Pakielamero ka kasi!" sumbat ni Amanda kay Kuya.

“K-kuya okay kalang ba" umiiyak kong saad. Hindi makasagot si kuya dahil sa pang hihina nya. Binalikan ni dad si mom na nakaupo na sa sahig.

“Mom! Dad please stop!" sigaw ko pero walang pinakinggan si dad. Napasigaw ako ng malakas dahil sa sunod na ginaw ni dad.

“No! Mom!" parehas naming sigaw ni kuya ng iuntog sya ni dad sa pader at tinulak papuntang hagdanan. Gumulong-gulong si mom hanggang pababa.

“H-hon b-bakit mo g-ginawa yun?" nanginginig na saad nung Amanda kay Dad. Tumingin ako kay dad na gulat na gulat din sa ginawa nya. Tumayo si kuya kahit na nahihirapan sya. Parehas kaming tumakbo pababa para tignan si mom.

“Mom.. Please wake up.. Please don't leave us... Hindi namin kakayanin.. Mom" saad ni kuya habang tintapik ang pisnge ni mom para magising.

“Mom wake up... Hindi na to nakakatawa mom... Mom! Please wake up! Di ko kayang mawala ka!" sigaw ko habang niyayakap si mom.

“Kuya Dark please help us! Please help us bring mommy to the nearest hospital" i said to him gulat na gulat syang nakatingin kay mom at sa taas kung nasaan si Dad at ang babaeng iyon.

Agad-agad namang lumapit sa amin si Kuya Dark at tinulungan kaming buhatin si mom. Isinakay niya si mom sa kotse ni kuya. Parehas kaming nasa back seat ni kuya. Pinatong ni kuya ang ulo ni mom sa lap nya. Si kuya Dark ang nag mamaneho papuntang hospital.

“Please Kuya Dark Faster!" sigaw ko kay kuya Dark habang wala paring humpay ang pag iyak ko.

“Mom... Lumaban ka... Hindi namin kakayanin ni Cailey kung mawawala ka sa buhay namin." saad ni Kuya. Pinarada naman agad ni Kuya Dark ang sasakyan. Agad syang lumabas ng kotse at huminga ng tulong sa mga nurses.

Kinuha nila si mom at nilagay sa stretcher at pinasok agad sa loob ng hospital. Sumunod naman agad kaming tatlo. Ipinasok nila sa E.R si mom.

“We're sorry pero hanggang dito lang kayo" sabi sa amin ng nurse at pinigilan kaming pumasok sa loob ng E.R

Hindi kami mapakaling dalawa ni Kuya. Si kuya Dark naman ay nakaupo sa mga upuan.

“Cliff is that you?" napaharap si  kuya sa nag banggit ng pangalan nya. May kasama yung babae na batang babae na kasing edad siguro ni Angelo.

“Tita Dhiela" saad ni kuya. Dhiela? Where did i heard that name before?

“What happen to you? Bakit ang dami mong dugo. Eto na ba si Cailey? " saad nito kay kuya at humarap sa akin. Hindi ko sya kilala pero ako kilalang kilala nya. Alam nya pa ang pangalan ko.

“Tita... Si mom..." napaiyak si kuya dahil sa sinabi nya. Medyo natulala naman yung babaeng tinawag ni kuya na Tita Dhiela.

“Si Cailen? Anong nangyare kay Cailen?!" sigaw nya pero umiiyak lang na umiiling si kuya sa kanya.“Mag salita ka Cliff anong nangyare sa mom mo!" sigaw nito na namumuo narin ang mga luha sa mata nya.

“Dad hurt her... Inuntog nya si mom sa pader at tinulak sa hagdanan... She hurt are mom..." naiiyak kong saad . Napatingin naman sya sa akin. Hindi sya mapakaniwala.

“Cailo did that?" naiiyak na saad nya. Napatingin kami sa doctor na lumabas ng E.R.

“Who are the relative of the patient?" saad nito kaya lumapit agad sa kanya si kuya at si Tita Dhiela.

“Me i'm her son. Is she okay Doc?" tanong ni kuya sa kanya. Malungkot na umiling ang doctor kay kuya. Isa lang ang ibig sabihin nun... No! Hindi pwede hindi pa pwedeng mawala si mom!

“I'm sorry... The patient have a serious damage at her head and it's cause bleeding were very sorry she's gone" saad ng doctor at umalis sa harap namin.

“No!" saad ni kuya at napaupo sa sahig. Napatingin sya sa akin at sinenyasan na lumapit sa kanya kaya lumapit ako sa kanya at umiyak ako ng umiyak.

“Kuya... Dad kill our mother" saad ko habang umiiyak sa bisig nya.

“He kill my bestfriend... I will never forgive him to what he done to Cailen" saad nya habang umiiyak narin. Nag tatakang nakatingin sa amin ang batang kasama nya.

++++++++++++++++++++++++++

Tita Dhiela file a case to my father. Nag hanap sya ng pinakamagaling na abogado bara mapabulok sa bilangguan ang tatay namin. Umasa kami kay Kuya Dark dahil nakita nya lahat sya lang ang nag iisang witness nung oras na iyon. Pero lahat iyon ay binaliktad ni Kuya Dark.

Nung araw nang hearing iba ang sinabi ni Kuya Dark at hinding hindi ko makakalimutan ang bawat salitang lumabas sa bibig nya...

Aksidente po ang nangyare... Nadulas po si Mrs. Cailen kay sya nahulog sa hagdanan. Hindi po totoong inuntog sya ng asawa nya at tinulak sa hagdanan. Mali po ang mga paratang ng mga anak nila. Aksidente po lahat hindi po pinapatay ni Mr. Smith ang asawa nya. That's all my honor"

Bumaliktad sya at hindi ko nakamtam ang hustisya na para kay mom dahil nakalaya at nakapag piyansa ang lalakeng iyon. Ako at si Kuya ay sobra ang galit kay Kuya Dark nangako sya sa amin na sasabihin nya ang totoo pero anong ginawa nya binaliktad nya lang ang lahat hindi sya tumupad sa pangako nya. Himding-hindi ko sya mapapatawad kahit anong gawin at sabihin nya pa... Mag hihiganti ako... Ipag hihiganti ko si mom... Ipinapangako ko iyon! Ibabagsak kita gamit ang mga kamay ko.

++++++++++++++++++++++++++

A/N: Lets back to a present time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top