Chapter 15

End Of Ist Day

Cailey Point Of View
Lulubog na ang araw ng maubos namin ni Haidee at Deil ang mga lalakeng nakaitim na balak kaming patayin. Palubog na ang araw hindi parin namin makita ang mga kaibigan namin.

Puno na rin ng mga dugo ang aming mga damit. May mga estudyante narin na kasama kami. Mga nakaligtas at natauhan na kailangan nilang lumaban para sa mga buhay nila.

Naintindihan nila na ang mga nawalang buhay nang kanilang mga kaibigan ay gawin nilang lakas. Kailangan nilang mabuhay para mabigyan nila ng hustisya ang mga kaibigan nila.

“Kapag tumunog ang speaker maari narin tayong makapag pahinga at mapag handaan ang magiging sunod na laro" mahabang paliwanag ni Deil sa mga estudyante na sya nilang ikinatango.

Napatingin ako sa langit at makikita ko ang mga bituin. Malaki ang field at uunti nalang kami kaya hindi namin makita ni Deil ang mga kaibigan namin. Sana nasa maayos silang kalagayan.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may isa sa kanila na napahamak na hindi ko man lang sila nailigtas. Ito ang unang laban namin na hindi kami mag kakasamang apat.

Napatingin ako kay Deil. Ang kauna unahang taong mabilis kong pinag katiwalaan. Magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko nga sya nagawang patayin nung una naming pag kikita.

Siguro talagang pinag tagpo kami ng tadhana upang mag kasama namin na matapos ang Devil Week at mabigyan namin ng hustisya ang mga ina naming namatay dahil sa kasamaan ng mga ama namin.

“Good evening students. The blind game is now over! Congratulation to those students survive this game. Tomorrow the 2nd Game will start 6:00 at the morning. Sleep tight i sure you nothing will die tonight." saad sa speaker na ikinangiti mg ibang estudyante.

Sa wakas ay makakapag pahinga na sila. Pinag masdan ko ang mga estudyanteng umupo sa halamanan upang mag pahinga. Nakita ko si Haidee na lumapit sa akin.

"Haidee pakilabas yung isang bag. Ipamigay mo sa kanila yung mga pag kain at tubig alam kong nagugutom at nauuhaw sila. Kailangan nila ng lakas para bukas" saad ko sa kanya na syang ikinatango nya at umalis na sa tabi ko upang kuhain ang inutos ko sa kanya.

Muli akong tumingin sa langit. Asaan sila? Ngayon lang ako hihiling sayo. Sa taong sinasabi nila na nasa langit. Ngayon lang ako hihiling na sana wag nyo silang pabayaan. Hayaan nyo silang ligtas.

Gusto ko pa pong makita sila na buong buo at sabay sabay namin makamtam ang hustisya at ang pag kapanalo naming ito sa laban na ito.

"Cailey..." isang boses mula sa likod ko ang nangaling. Napalingon naman ako sa kanya.

“Pinamigay mo ang mga pag kain sa mga estudyante. Ikaw rin dapat ay kumain para sa laban natin bukas. Napakabait mo" saad sa akin ni Deil.

Napakabait ko? Kailan pa ako naging mabait sa dami kong napatay. Ngayon ko lang narealize na dahil sa galit ko sa ama ko ay marami akong buhay na kinuha. Marami akong buhay na pinatay.

“Mabait Deil? Marami na akong napatay hindi pa tayo mag kakilala paano mo nasabi na mabait ako?" malungkot na saad ko sa kanya at tumalikod ako. Malungkot kong tinignan ang langit.

“Nabulag kalang nang galit noon Cailey naiintindihan kita. Alam kong hindi na natin maibabalik ang nga buhay na kinuha natin. Parehas tayo... Kilala tayo sa tawag na Devil." saad nya. Hinila nya ako para umupo. Umupo naman ako sa Bermuda grass. Tumabi naman sya sa akin.

“Sa maling dereksyon na tinahak natin noon ay unti-unti nating tinatama ngayon. Sa pag tulong natin sa kanila..." turo nya sa mga estudyanteng masayang nag sasalo sa pag kain na binigay nya.

“Sa pag sagip natin sa mga inosenteng buhay... Wag mo nang isipin ang nakaraan. Past is past... Sabay nating harapin ang ngayon. Ang pag ligtas sa kanila at ang hustisya para sa mga magulang natin." saad nya at hinawakan ang kamay ko. Medyo nailang ako pero pinabayaan ko nalang sya.

“Nangako ako sa kanya Cailey hinding-hindi kita pababayaan at hinding-hindi ako papayag na masaktan ka" saad nya pa sa akin na nakatitig sa aking mga mata.

“Deil..." mahinang tugon ko sa kanya. Nginitian nya lang ako. Paano ko sasabihin sayo na ako ang nag papatay sa isa sa mga tauhan mo. Mapapatawad mo ba ako?

“Deil... Mapapatawad mo ba ako kung may mabigat akong naging kasalanan sayo?" tanong ko sa kanya. Nagulat naman sya sa tinanong ko pero ngumiti ulit sya.

“Kahit ano pa yan Cailey. Mapapatawad kita. Matagal na kitang hinahanap at ngayong nasa tabi na kita hinding-hindi na ako papayag na mawala ka pa sa akin... Sa tabi ko... Sa buhay ko..." saad nya. Nagulat ako ng yakapin nya ako.

"Deil.." Gulat kong saad. Napangiti nalang ako at niyakap sya pabalik. Salamat at nagtagpo ang mga landas natin Deil. Salamat at dumating ka sa buhay ko.

“Kung hindi kayo mag hihiwalay dyang dalawa patuloy akong lalangamin dito. Kumain mo na kayo. Kanina pa kami nanonood ng palabas nyo eh..." isang mapang asar na boses sa likod namin ni Deil ang nag salita.

Napahiwalay naman kami ni Deil sa isa't isa. Tumingin ako sa likod at doon ko nakita ang isang babaeng nakangisi na nakaharap sa aming dalawa ni Deil.

“Oh... Kain na kayo" saad ni Haidee at inabot sa amin ang pagkain. Tumingin naman ako sa pwesto ng mga estudyante mapang asar silang nakatingin sa amin. Iba na ang iniisip nila.

”Salamat" saad ko kay Haidee at humarap ulit sa harapan. Malokong nakangiti si Deil.

“Iba na ang iniisip nila sa atin Cailey" natatawang saad nya sa akin. Napangiti nalang din ako. Alam ko sa sarili ko hindi lang basta kaibigan ang nararamdaman ko sayo alam kong higit pa dun.

Adriana Point Of View
Akay-akay ni Andy si Harold nang marinig namin ang sinabi sa speaker sa wakas makakapag pahinga na kami. Kanina pa kami nakikipag laban. Hindi naman naging pabigat sa amin si Harold kahit na may tama sya ng baril ay nagawa nya parin kaming tulungan na patayin ang mga nag tangkang patayin kami.

Hindi lang naman kaming tatlo may mga kasama naman kami. Mga estudyanteng nailigtas namin pag labas namin ng old building kung saan ko nakita si Harold.

"Masakit pa ba ang sugat mo?" tanong ko kay Harold ng iupo sya ni Andy isa sa mga puno kung saan kami pwedeng makapag tago at pan samantalang makapag pahinga.

“Okay na pasensya kung naging pabigat pa ako sa inyo." saad nya sa amin habang napapapikit pa siguro medyo kumikirot ang sugat nya.

“Hindi ka pabigat Harold. Nakatulong ka pa nga sa amin. Mahalaga ang buhay ng bawat isang naiiligtas namin" nakangiti kong paliwanag sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin.

“Mga kasama kung may mga pag kain at tubig kayo dyan .Kumain na kayo at sinong handang sumama sa amin upang mag bantay nang makasiguro na walang mapapahamak isa sa atin. Alas-kwatro palang dapat bukas ay gising na tayo upang mapag handaan at mapag planuhan natin ang susunod na laro" mahaba kong paliwanag. Nag sitanguan naman ang iba at ang ibang lalake ay nag taas ng kamay.

“Ang mga lalakeng handang sumama sa akin ay halina kayo. Gagawa pa tayo ng trap sa mga taong gagawa ng masama sa atin." nag sitayuan naman sila at lumapit sa akin. Susunod dapat si Andy sa amin pero pinigilan ko sya.

“Andy dito ka nalang at bantayaan sila. Mas makakasiguro ako habang wala kami dito ay may isang makakapag tanggol sa kanila habang wala ako. May tiwala ako sayo Andy" saad ko bago ko sya talikuran upang umalis.

Tatlong lalake at isang babae ang kasama ko. Nasa isa kaming gubat dito sa gilid ng field. Maraming mapupuntahan sa field na ito. Hindi lang ito basta-basta field. Habang nag lalakad ay may isang lubid akong nakita.

“Jerome kunin mo ang lubid at ikaw Cherry kunin mo ang mga dry leaves na iyon at kayong dalawa humanap kayo ng mga lata na maaari nating magamit." paliwanag ko sa kanila.

Pumwesto ako sa gitna ng dalawang puno. Lumapit na sa akin ang mga inutusan ko. Kinuha ko kay Jerome ang lubid. Mahaba haba ito at sakto sa pag gagamitan ko. Inilagay ko ang lubid sa may madadaanan.

Kinuha ko ang isang lata at tinali sa lubid at sinabit sa isang sanga ng puno. Mag kabilaan ko iyong nilagyan. At ang mga lubid sa baba ay nilagyan ko ng mga dry leaves na pinakuha ko kay Cherry. Upang kung may mag bakasakali na saktan kami ay dito palang ay matutugunan na namin.

Tutunog ang mga lata na ito sa oras na matapakan ang lubid na nakatago sa mga tuyong dahon at maririnig namin yun. Pag narinig namin iyon ay makakapag handa kami sa panganib na pwedeng mangyari sa amin.

“Sapat na ito para ngaying gabi. Bumalik na tayo dun" saad ko sa kanilang apat at naunang mag lakad pabalik kung nasaan ang nga kasamahan namin.

Deil Point Of View
Pinakatitigan ko si Cailey na nakatulog na sa mga binti ko. Nag aalinglangan naman sya kanina pero pinilit ko sya na matulog sa mga binti ko.

“You're like a angel" saad ko habang hinihimas himas ang mahaba nyang buhok. Itim na itim ang mga ito. Bumalik ang tingin ko sa mukha nya.

Ang mga pisnge nya na mala rosas ang kulay. Ang ilong nya na matangos ang mga pilik mata nyang mahahaba na bumabagay sa hugis ng kanyang mga mata. Ang kilay nya na manipis lang ngunit bumagay naman ito sa kanya.

Napatingin ako sa labi nya. Mala rosas ang kulay nito. Kissable lips ang meron sya at isa lang ang masasabi ko. She's perfect at all the woman i see.

Dug... Dug...

Napahawak ako sa dibdib ko ng tumibok ito. Is this love? Mahal na nga ba kita Cailey? Kung mag tapat ba ako ng pag ibig ko sayo tatanggapin mo ako?

Na alala ko yung hindi ko sinasadyang pag tumba na syang dahilan na pag tama ng labi nya sa labi ko. And that kiss i treasure it the most.

++++++++++++++++++++++++++++
A/N: Please support this story. 10 chapters to go...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top