Chapter 13

Devil Week

Cailey Point Of View
Handa na kaming lahat para sa labanan na mang yayare ngayong araw. Nandito kami sa sala lahat hawak ang mga sandata na gagamitin namin.

"Handa na ba kayo? Ilang oras nalang at mag sisimula na ang laro." saad ni Deil habang hinahawakan ang mga kutsilyo.

"Para sa mga estudyante at sa hustisya para sa mga ina natin." saad ko habang kinukuha ang pistol at inilagay sa gilid ng hita ko.

"For all the students please come here right now in field..." rinig namin na nag mumula sa speaker.

"Its time" saad namin ni Deil at sabay-sabay na lumabas ng HQ nila. Dumeretso kami sa Field.
Marami-rami narin ang mga estudyante na nasa field.

"Ate!" napalingon ako sa boses na iyon. Nakita ko si Zandra.

"Bakit kapa bumalik? Dapat hindi ka na bumalik rito mapapahamak kalang dito Zandra." saad ko at hinawakan ang braso nya.

Napatingin sya sa kamay ko na nakahawak sa kanya. Malungkot nya itong inalis.

"May gusto akong pag hingantihan ate at ito ang tamang oras at panahon para mapatay ko sya. Matagal ko narin itong hinintay" saad nya at tumalikod sa akin.

Pinanood ko lang sya humakbang palayo sa akin. Nagulat ako ng may humawak sa braso ko.

"Are you okay?" nag aalalang tanong sa akin ni Deil ng lingunin ko sya para tingnan.

"Yes" saad ko rito

"Good Morning Students. Ilang minuto nalang at mag sisimula na ang Devil Week" napalingon kami at hinanap kong saan nagmumula ang boses na iyon.

"Isang linggong labanan at ang matitira ay ang makakakuha ng pinakamataas na ranko sa D.U" saad nito at nag sigawan ang nga estudyante.

Iisa lang ang nalaman ko ngayon mga gutom sila sa kapangyarihan gusto nila na mataas na rangko at kapangyarihan sa D.U

Inilibot ko ang mga mata ko at nakita ang ibang estudyante na hindi ito gusto napasama lang sa mga kasama nila at ang mga taong nag mamatapang lang.

"We all know na ang Devil Week noon ay binubunot kung sino-sino ang mag lalaban but now babaguhin natin..."

Nag bulungan ang mga tao at namutla parang pinagsisisihan nila ang pagbalik dito sa D.U

"May mga taong nakasunod sa inyo ang kailangan nyo lang gawin ay ang unahan ito. Unahan kayo sa pag patay ang mahirap lang ay hindi nyo kilala kong sino ang papatayin nyo pero sila kilalang kilala kayo... 5 seconds the game is now start"

Biglang namatay ang speaker. Nabahala ang lahat dahil sa larong ito. Walang may alam kong sino ang papatay sayo kaya kakailanganin mong bantayan ang sarili mo kahit anong oras.

"Blind Game will start in..."

Napahawak ako sa katana ko ng marinig ko ang tunog na ito na nagmula sa speaker ganon rin ang mga kaibigan ko at sila Deil.

"5..."

"4..."

"3..."

"2..."

"1..."

"Goodluck"

Huling salita na narinig namin sa speaker. Nag sitakbuhan ang mga estudyante sa pwesto namin kaya bigla nalang nawala sa paningin ko ang mga kasama ko.

Sumabay nalang ako sa agos ng mga estudyanteng nag tatakbuhan. Nakita ko ang isang babaeng umiiyak habang inaalog ang isa pang babaeng nakahandusay at naliligo sa sarili nyang dugo.

"Tumayo kana wala na tayong magagawa. Kailangan mong lumaban para sa buhay mo" saad ko sa kanya at hinila sya. Habang tumatakbo ay may naramdaman ako na nakatigin sa amin.

Huminto naman ako at inikot ang mga mata ko sa paligid para hanapin kong saan sya nagtatago alam ko na ang babaeng kasama ko ang pakay nya para patayin. Hindi ako papayag kahit na hindi ko sya kilala ay mapahamak sya ng wala akong nagawa.

"Stay at my back" saad ko sa kanya. Kinuha ko ang baril sa likod ko at palihim na inilagay sa pagitan ng kamay ng babaeng kasama ko. Nagulat sya sa ginawa ko pero sinenyasan ko sya na tumahimik.

"Bang!" Nakita ko ang lalakeng natumba na naka itim. Puro nalang putok ng baril ang naririnig ko sa paligid. Hinila ko ito.

Nang makarating kami sa gitna ng field ay nagulat ang lahat ng may isang tunog ng bakal. Napahinto lahat sa pag putok ng baril. Ikinulong nila kami dito.

May mga electric wires sa bawat bakal. Talagang pinag planuhan nila ito upang hindi na kami makatakas. Sa tuluyang pag sara ng field ay lumabas ang mga lalakeng nakaitim.

"Si-sino sila?" naiiyak na saad sa akin ng babaeng kasama ko. Nag simula akong paputukan ang mga lalakeng nagtatangkang lumapit sa aming dalawa.

"Bakit pa kasi kayo bumalik dito alam nyo naman na mapanganib ang Devil Week!" sigaw ko sa babaeng ito. Nag tago muna kami sa may halamanan. Nilagyan ko ng bala ang pistol na dala ko.

Inabot ko sa kanya ang baril. Nakatingin lang sya rito. Kinuha ko ang kamay nya at inilagay sa kamay nya.

"Kung hindi ka papatay miss ikaw ang papatayin nila." saad ko at nilabas ang katana ko.

"Walang nakatakas dito. Wala naman talaga kaming balak na bumalik pa rito ngunit talagang tuso si Mr. Mondragon lahat ng estudyante ng D.U ay pinasundo nya at sapilitang dalhin dito. Wala kaming magawa dahil buhay ng mga mahal namin sa buhay ang mawawala kong hindi kami sasama." malungkot na saad nya sa akin.

Napahinto ako sa pag ayos ng katana ko dahil sa narinig ko sa kanya. Tuso nga si Mr. Mondragon katulad na katulad sya ng aking ama.

"Kailangan mong mabuhay kong gusto mong makapiling paang mga magulang mo. Lumaban ka" saad ko sa kanya. Tumango sya sa akin kaya sabay kaming lumabas ng kinatataguan namin.

Lahat ng mga nakabonet na itim at naka itim lahat ay pinapaputukan namin. Marami naring mga nakahandusay ang wala nang hininga pa.

"Salamat sa pag papalakas ng loob. Ako nga pala si Haidee" saad nito at pinutukan ang lalakeng babarilin sana ang isa pang estudyante.

"Cailey" saad ko at ikinatango nya . Maraming nakakulay itim ang sumugod sa pwesto naming dalawa. Pinaputukan nila kami ng baril kaya iwinasiwas at pinaikot ko ang katana ko.

Tumama ang mga bala nila sa katana ko at bumalik lang ang mga ito sa kanila na syang ikinasugat nila. Patakbo akong sumugod sa kanila at iwinasiwas ang katana.

Sugat-sugat silang napahiga sa field. Ilang saglit ay nawalan na sila ng hininga. Tumakbo kami ni Haidee para matulungan ang ibang estudyante na patuloy paring lumalaban para sa kanilang mga buhay.

Syndra Point Of View
Nang tumakbo ang mga estudyante kanina sa pwesto namin ay nag kahiwalay hiwalay kami nila Cailey at isang unggoy ang nakasama ko.

"Ikaw! Unggoy tulungan mo ako dito!" sigaw ko kay Matthew na isa sa mga ka grupo at kaibigan ni Deil.

Puro putok nalang ng mga baril ang maririnig mo sa buong paligid. Marami naring mga bangkay sa paligid namin.

Napatigil ako sa pagputok ng baril nang may rehas na bakal ang pumaligid sa buong field. Ikinulong nila kami rito. Mga demonyo talaga sila.

"Unggoy may bala ka pa dyan!" Sigaw ko ulit sa kanya. Naubusan na ako ng bala dahil sa rami ng binaril ko kanina. Marami na kasi ang mga nakaitim na lalake ang nag tatangkang patayin kami at ang mga inosenteng estudyante.

Nalaman ko rin kanina na wala talagang mapag pipilian ang mga estudyante dito dahil sapilitan silang pinapapunta dito sa D.U at sa oras na hindi sila tumupad sa pinag usapan ay ang pamilya nila ang papatayin.

Demonyo talaga ang gagong yun. Walang puso at nang dahil sa plano nila namatay ang ina ni Cailey. Namatay si Tita at hindi nakamtam ang hustisya para sa kanya dahil pinalabas lang na isa iyong aksidente.

Nabuhay ang galit ko dahil dun asar kong itinapon ang baril kong wala nang bala. Tumalon ako at binunot ang swiss knife sa secret pocket ko at winasiwas sa mga nakaharang sa daan ko.

Sinipa ko ang isa sa ulo at sinaksak agad ito sa tagiliran. Hinawakan ko ang ulo ng isa at sinaksak ang leeg nito para malagutan ng hininga. Ang isa naman ay pinaputukan ako ng baril pero agad ko naman itong iniwasan.

Kahit kailan hindi ako matatamaan ng balang yan. Hindi nako takot dyan dahil bata palang sinanay na kaming makipaglaro kay kamatayan at mag talon-talon at iwasan ang mga bala ng baril.

Patalon talon akong umiwas sa putok ng baril na papunta sa dereksyon ko. Nang nakakuha ako ng tsansa na makarsting sa pwesto ng gagong nag papaputok ng baril sa akin.

Isang flying kick ang iginawad ko sa kanya. Pag ikot ng katawan nito ay isa pang malakas na sipa ang binigay ko sa kanya. Kinuha ko ang baril nya at pinutok iyon sa ulo nya.

Karapat dapat lang iyon sa kanya dahil sa kawalanghiyan na ginawa nya.

"Syndra!" napalingon ako sa sigaw na iyon nakita ko si Matthee na patakbo palapit sa akin nagulat ako nang may lalakeng nakaitim sa likuran nito at balak syang bariliin.

Agad agad kong tinaas ang baril ko at pinaputok sa likod nya. Ganon din ang ginawa nya pinaputukan nya ang taong nasa likod ko na hindi ko manlang napansin kanina.

"Are you okay?" nag aalalamg saad nito sa akin pag lapit nya. Hinawakan nya pa ang braso ko. Ilang ko naman itong inalis.

"I'm okay. Salamat" saad ko rito at ikinasa ang baril na nakuha ko sa isang lalakeng nakaitim kanina binalik ko naman ang swiss knife ko sa secret pocket ko.

"Salamat rin" saad nya sa akin. Nginitian ko sya ng makita nya iyon ay binawi ko agad upang hindi na nya ko kulitin pa.

"Kailangan pa natin mag ligtas ng iba" saad ko sa kanya. Sabay kaming tumakbo para sumalobong sa mga lalakeng naka itim.

Adriana Point Of View
Asar kong hinarap ang kasama ko at binato sa kanya ang pistol na hawak ko. Nakaya nya pang biruin ako sa gitna ng labanan na ito.

"Tumigil ka na Andy! Kailangan nating mahanap sila Deil pero kailangan din natin mailigtas ang mga nangangailangan ng tulong natin!" asar na saad ko sa kanya.

"Kung hindi ka titigil dyan ako mismo ang papatay sayo" saad ko sa kanya at itinutok ko ang baril ko sa kanya.

"Okay. I'm sorry. Titigil nako" saad sa akin ni Andy. Nandito kami sa likod ng isang old building. Inaayos namin ang mga bomba at ibang gadgets na naimbento ko at ng gagong ito.

"Ano magagamit ba natin ang mga yan!?" Asar na tanong ko sa kanya. Ewan ba at sya pa ang nakasama ko nang mag kahiwalay-hiwalay kami kanina.

"Oo saglit lang." saad nito sa akin. Asar ko namang pinulot ang pistol at ang mga kutsilyo. Iniwan ko sya sa pwesto na iyon babalikan ko naman sya don may sisilipin lang ako.

Kanina ko pa kasi naririnig ang mga kaluskos dito sa lumang building. Pag pasok ko ay madilim. Sira-sira narin ang mga gamit dito. Halatang pinag lipasan na ito ng panahon.

"May tao ba dito?" mahina kong tanong. May bukas na pinto kaya pumasok ako dito. Walang kaingay-ingay akong naririnig. Nang biglang...

"Crack!" tunog ng isang bagay na natapakan. Umupo ako at tinignan kong ano ang natapakan ko. Isang glasses? Eye glasses to be exact pero wait ano to? Blood? Dugo?!

"Help!" isang boses ang narinig ko kaya dali-dali ko itong pinuntahan. Isang lalake ang nakasandal sa pader ang nakita ko. May tama ito ng baril sa tagiliran nya.

"Anong nang yare sayo?" tanong ko dito at tinigna sya ng maayos. Sinag mula sa araw na nag mumula sa bintana ang nag iisang liwanag namin.

"Adriana asan kana?!" isang boses ang tumatawag sa akin. Napatigil tuloy ako sa pagtingin ng sugat ng lalakeng ito dahil sa boses na iyon.

"Andy! Nandito ako may nangangailangan ng tulong! Bilisan mo puntahan mo ko dito." sigaw ko kahit hindi ko alam kong nasaan ba si Andy pero sigurado ako na narinig nya ang boses ko.

"Kailangan matanggal ng bala sa tagiliran mo kung hindi mauubusan ka ng dugo" saad ko at nag hanap ng pwedeng gamitin. Isang gunting ang nakita ko.

Wala akong magagawa kundi punitin ang isang gilid ng damit ko. Tinanggal ko ang suot nyang damit at tinignan kong hanggang saan ang tama ng bala sa katawan nya.

Expert na ako pag dating dito pero kailangan nya parin nang totoong doctor pero sa kalagayan namin kailangan kong sumugal. Ayaw ko naman na manood lang habang nawawalan na sya ng hininga.

"Adriana!" isang nag mamadali at nag aalalang boses ang narinig ko at lumapit sa likod ko. Alam ko na agad ma si Andy iyon. Alam ko agad dahil kami kami lang naman ang nandito.

"Tulungan mo ako!" saad ko kay Andy. Kinuha ko ang gunting at iyon ang ginamit ko pantangal ng bala sa tagiliran nito.

"Ouch... Aw!!!" sigaw at ungol nito sa unti-unti kong pag hila ng bala mula sa tagiliran nya.

"Gunting talaga?" ngiwing tanong sa akin ni Andy napaka tanga talaga ng lalakeng ito. Syempre iyon lang ang nakita ko na pwedeng gamitin para matulungan ang lalakeng ito.

Nang matanggal ko ang bala ay pinulupot ko agad ang pinunit kong damit sa parteng tinanggalan ko ng bala. Kailangan lang nito ng kaunting pahinga.

"You are so... Amazing" saad ni Andy ng umupo ako sa isang tabi ng magawa ko ng maayos ang pag tanggal ng bala sa katawan ng lalake. Ipinunas ko ang kamay ko sa gilid ng damit ko. Sira-sira na ang damit ko.

"Ayos na ba ang mga kakailanganin natin Andy?" mahinang tanong ko rito at pinunasan ko gamit ang braso ko ang noo kong napupuno ng pawis.

"Oo" saad nya sa akin habang nakatingin parin sa lalakeng tinulungan namin.

"Aw..." mahinang ungol ng lalake. Napalapit naman agad kami ni Andy sa kanya.

"Kamusta ang lagay mo? Okay kana ba?" tanong ko agad sa kanya.

"Salamat sayo. Utang ko ang buhay ko sayo kung hindi dahil sayo wala na sana ako dito" saad nya sa akin at nginitian nya ako.

"Wala iyon kung sino ang nangangailangan ng tulong ko ay handa akong tumulong." saad ko sa kanya.

"Ako nga pala si Harold" saad nya sa akin.

"Adriana at ang lalakeng ito ay si Andy" saad ko.

++++++++++++++++++++++++++++
A/N: Please support malapit na po tayo sa Ending. Please vote and comment. Muah!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top