Chapter 12
Deil Point Of View
Pumasok ako sa kwarto na para sa amin. Inilabas ko ang baril ko at pinunasan ito. Inilapag ko ang baril sa lamesa at inubos ang natitirang pizza na dinala ko rito sa kwarto.
Napatingin ako sa side table nang may tumunog na galing doon. Walang iba kundi ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag nya.
"Nasa panig na namin sya" saad ko rito agad. Alam kong magiging masaya sya sa ibinalita ko.
[" Just protect her kahit anong mangyare Deil. Pinagkakatiwalaan kita"] saad nito sa akin.
"Oo kahit alam ko na sya ang namumuno sa Devil Ground. Poprotektahan ko parin sya sa abot ng aking makakaya. Ano na bang balita kay Amara?" tanong ko rito.
["Hindi pa nya nakukuha ang mga files pero wag kang mag alala magagawa nya rin iyon. Mag hintay lang tayo. At sa tamang oras maisasagawa natin ang plano"] napatango tango ako sa mga sinabi nya. Kahit naman na alam kong magagawa namin ang plano natatakot parin ako para sa mga buhay ng mga estudyante na manganganib bukas.
"Okay ibaba ko na" saad ko at pinatay ang tawag. Kinuha ko ulit ang baril ko. Magagamit narin kita para bukas. Ipag lalaban at poprotektahan ko ang mga estudyante lalo na si Cailey.
Tutuparin ko ang pangako ko sa kanya. Poprotektahan ko si Cailey kahit na ang kapalit ay ang sarili kong buhay.
++++++++++++++++++++++++++++
Cailey Point Of View
Pag katapos ko patayin ang tawag ay bumalik na ako sa pwesto namin nila Syndra.
"Nangyare ba ang inaasahan natin?" tanong sa akin Adriana. Salamat naman at focus na sya ngayon sa cake hindi na sa cellphone nya. Tumango naman ako sa tanong nya.
"Kailangan natin mag handa para bukas" saad ko sa kanila. Agad nilang binitawan ang mga pagkain nila. Pinag pag nila ang mga damit nila at tumayo na sa mga kinauupuan nila.
"Dito? Sigurado ka Cailey?" ilang na tanong sa akin ni Syndra. Ipinalibot ko naman ang tingin ko para makahanap ng ibang space. Maswerte sa isang gilid ay may malaking space at walang kagamit-gamit ang lugar.
Nag lakad ako papunta doon. Sumunod naman sa akin si Syndra at Adriana. Nakita nalang namin na nakatulog na sa sofa si Mia. Siguro sa sobrang kabusugan.
"Katulad dati" huling saad ko at tumingin sa kanilang dalawa. Nag iikutan kami. Hindi na ako nagulat ng unang sumugos sa akin si Syndra.
Itinaas nya ang paa nya para sipain ako. Sinalag ko lang ito. Sinundan nya ng dalawang suntok iyon ngunit naiwasan ko lang din ito.
Napa talon ako sa kanan ng sumugod bigla si Adriana. Itinaas ni Adriana ang paa nya para sa isang sipa agad ko itong naiwasan at tumama ang sipa nya na dapat para sa akin kay Syndra.
"Shit! Umaayos ka nga Adriana matatalo na naman tayo nito!" inis na saad ni Syndra at hinawakan ang pisnge nya kung san tumama ang paa ni Adriana. Gumulong ako at biglang sinipa ang hita ni Syndra.
Napaupo sya at hinawakan ang hita nya. Agad naman akong napa backtibe ng mabilis na isinipa ni Adriana ang kaliwang paa nya sa akin. Natamaan ako ng sipa nya sa braso.
Tumayo naman si Syndra mukhang naka recover na sya sa pag sipa ko sa hita nya. Inilabas ni Adriana ang swiss knife na dala nya. Ibinato naman nya kay Syndra ang pocket knife nya.
Wala akong inilabas na armas dahil wala naman akong ilalabas. Wala akong dalang kahit na ano hindi naman ako kumuha ng armas sa kwarto kanina.
"You don't have one?" asat na tanong sa akin ni Syndra. I just smirk at her. Sinugod nya ako at iniwasiwas sa akin ang pocket knife na hawak nya. Iwas lang ako ng iwas. Nang makita ko na susugod n si Adriana at nakakita ako ng pagkakataon ay agad kong sinipa ang kamay ni Syndra.
Tumalon ako sa ere umikot ako habang nasa hangin at sinipa ang pocket knife na nahagis ni Syndra ng sipain ko ang kamay nya. Pumunta naman ito aa dereksyon ni Adriana.
"Ahh!" usal nito at hinawakan ang pocket knife na tumama sa braso nya. Tinanggal nya ito at binato sa pwesto ko. Iniwas ko naman ang ulo ko para hindi matamaan.
Hinawakan ni Adriana ang braso nyang dumudugo. Agad na sumugod silang dalawa sa pwesto ko. Tumalon ako nang mataas para mapunta sa likuran nya. Mabuti at na train ko nang mabuti ang technique na iyon. Na perfect ko rin.
"You did" Syndra mouth at me. Kinuha ko ang pocket knife na binato ni Adriana. Tumarak ito sa pader. Unang sumugod sa akin si Syndra. Iwas lang ako ng iwas sa mga suntok na pinakakawalan nya. Hinila ko ang braso nya napatalikod naman sya sa akin at sinaksak ko ang likod nya at sinipa ang likod ng hita nya.
Napasubsob naman sya sa paanan ni Adriana. Tumalon ako ng tumalon pabalik balik sa nga pader. Nang marating ko ang pinakamalapit na pwesto kay Adriana ay sinipa ko sya ng malakas na naging sanhi ng pag kawala nang malay nya.
Napahiga sya sa likod ni Syndra na nawalan narin ng malay. Wala parin talaga ang dalawang ito. Natalo ko na naman sila. Kailangan pa ng practice ang dalawang ito pero alam ko bukas ibibigay nila ang lahat ng lakas at makakaya nila para ipagtanggol ang mga inosenteng estudyante ng D.U
"Anong nangyare?!" gulat na sigaw ni Mia ng imulat nya ang mga mata nya. Huminga ako ng ilang beses dahil sa pagod na ngayon ko lang naramdaman dahil sa practice na ito. Ganito ang practice namin.
"Anong nangyare sa kanila?!" gulat na gulat na saad ni Matthew nang makalabas sya ng silid nila. Nakilala ko sila dahil sa mga pictures na nakita ko kanina may mga pangalan naman kasi doon na nakalagay kaya nakilala ko sila.
"Just call a doctor. We just have our practice and they lost against me. They lost for a hundred times." saad ko at umiling iling. Agad naman na kinuha ni Matthew ang phone nya at may kinausap dito.
"Ang kaliwang braso mo Cailey" saad ni Mia sa akin at lumapit agad sa akin. Tinignan ko ang kaliwang braso ko at dumudugo nga ito. Mukhang nadaplisan ako kanina.
"Gamutin natin yan" saad ng boses ko sa likod. Hindi pa ako nakahrap sa kanya ng hilain nya ang kamay ko at iniupo sa sofa na nasa tabi. Hila palang kilala ko na sya lang naman ang mahilig hilain ako.
Binuksan nito ang box na hawak nya. Teka betadine at alcohol . No! Masakit yan. Ayoko nyan!
"No! Don't try to put that thing on me!" saad ko ng makitang nilalagyan na nya ng betadine ang bulak na hawak nya.
"Gamot ito kailangan ilagay dyan sa hiwa sa braso mo" saad nito sa akin pero iniwas ko lang ang braso ko sa kanya para hindi nya ako malagyan ng betadine.
May dalawang naka doctor coat ang pumasok sa kwarto. May dala itong mga nurse na may dala ng mga gamit nila. Binuhat nila Matthew at Andy sila Syndra at Adriana.
"Aray!" asar na sigaw ko. Ang sakit! Hindi ko napansin na sa sobrang titig ko kanila Syndra ay nalagyan na ako ni Deil ng betadine.
"Masakit!" singhal ko pa pero hinawakan nya ang braso ko para hindi na ito mailayo pa sa kanya.
Napapikit ako sa hapdi ng betadine na nilalagay nya sa hiwa sa braso ko. Sa swiss knife ni Adriana ko ito nakuha mukhang nahiwa nya ako kanina.
Hindi ko alam na may inaalala na pala ako habang nakapikit. Mga ala-ala na sana hindi ko na naisip at naalalang muli. Dahil unti-unti na naman akong bumabalik sa nakaraan.
Flashback
Masakit ang tuhod ko dahil sa hindi ko inaasahan na matumba ako habang tumatakbo.
Iniuwi agad ako ng katulong nang may maitang sugat sa mag kabilang tuhod ko. Limang taong gulang na ako pero kung mag salita dinaig ko pa ang mas matanda s Akin. Matured na daw ang utak ko sabi ng iba
"Cailey ang sabi ko diba mag ingat ka" Saad sa akin ni Kuya. May kinuha syang betadine at bulak. Ibinuhos nya ang Betadine na hawak nya sa bulak na hawak nya rin.
"Kuya okay na ako mayltutulog na ho ako" saad ko pero nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko kaya nanatili lang akong nakaupo
"Aray!" saad ko na maluha-luha ng ipahid na nya ang bulak na may betadine sa sugat na nasa braso ko.
End Of Flashback
"Masakit ba talaga aag ka nang umiyak. Tapos na oh" rinig kong saad ng kaharap ko sa akin. Umiling ako rito at pinunasan ang pisnge ko.
"Bakit ka umiiyak?" angungulut nito s Akin.
"Wala may naalala lang." saad ko at nagyan nya ng band aid ang sugat ko
++++++++++++++++++++++++++++
A/N: Please support and vote, comment. Thanks! Muah! Love love!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top