Chapter 11
Cailey Point Of View
Pumasok kaming apat sa kwarto na itinuro ni Deil. Naupo ako sa kama dalawa ang kama dito siguro mag share nalang kami. Binuksan ni Syndra ang cabinet at nakita nya ang mga pistol dito.
"Bakit di manlang kayo nag paalam sa mga boyfriend nyo?" tanong ko sa kanila. Tumingin naman sila sa akin. Tinanggal ko ang sapatos na suot ko at nahiga sa kama.
"Hindi naman namin sila bf eh" saad naman ni Mia na ikinagulat ko. Bakit sasabihin ng mga iyon kanina na girlfriend nila ang mga kaibigan ko kung hindi naman pala.
"Bakit sabi nila kanina? Yung sa room" saad ko naman sa kanila.
"Nakiusap kasi sila na mag panggap kami na may relasyon para makausap ka ni Deil tungkol sa Devil Week" saad ni Mia at hinawakan ang mga throwing knife. Sa mag kabilaang kamay nya hawak ito at pinaiikot.
"So wala kahit isa sa inyo ang may relasyon sa kanila?" tanong ko. Nag sitanguan naman silang tatlo. Naupo ako at tinignan sila.
"Oh!" saad ni Adriana at binato sa pwesto ko ang katana. Hinawakan ko ito at binuksan. Tinignan ko ang katana na hawak ko. Sinisiwalat ko kung gaano ito katalim.
"May throwing needle din dito" saad ni Mia. Sakto may lason akong dala. Belladonna ito. Isang mabilis na uri ng lason ito.
"May dala akong lason" saad ko naman sa kanila. Nag ngitian sila. Kaya nilabas ko na ang lason sa bag ko. Inilapag ko ito sa lamesita sa tabi. Itinabi naman ni Mia ang throwing needle sa lason na nakapatong sa lamesa.
"Gutom nako" reklamo ni Mia at hinawakan ang kanyang tiyan. Napatawa nalang ang dalawa kay Mia.
"Bili tayo sa Canteen" yaya naman ni Adriana kay Mia. Natatawa pa sya habang inaalok si Mia. Nako pinag titripan nya na naman si Mia. Si Mia kasi ang mahilig sa mga pag kain.
Nakarinig kami ng tatlong sunod-sunod na katok. Pinag buksan naman ito Mia sya kasj ang pinakamalapit sa pintuan kaya sya na ang nag bukas.
Tumambad naman sa harapan nami yung lalaking naging kunyaring karelasyon ni Adriana.
"Gusto nyo kumain? May pag kain kasi sa labas. Niyaya kayo ni Deil na makisalo sa amin" saad nito. Agad naman na lumabas si Mia. Napailing nalang si Syndra. Sumunod naman silang dalawa palabas.
Naiwan ako sa loob tinignan ko ang belladonna at ang throwing needle na gagamitin namin para bukas. Sa laro nang walang kwenrang ama ni Deil. Paano namin maiiligtas ang lahat ng estudyante dito aa D.U
"Ayaw mo ba kumain Cailey?" napalingon ako sa boses na iyon at nakita ko si Deil na nakasandal sa pintuan. Tumayo naman ako at nag lakad papunta sa pwesto nya.
"Kakain" mahinang saad ko at ipinag patuloy ulit ang pag lalakad palabas ng kwarto.
Nang nasa sala na ako ay nakita ko silang kumakain na may hawak na pizza si Syndra. May platito na may laman na Cake si Adriana.
Si Mia naman ay dalawa-dalawang chicken joy ang hawak nito. Napatawa nalang ako sa katakawan ni Mia. Wala talagang makakatalo sa kanya.
"Kumain kana" hindi ko nalansin na nalatagal pala ang pag tayo ko sa harapan nila habang pinag mamasdan sila. Nakita ko sa harapan ko ang hawak na platito ni Deil may laman itong pizza.
Kinuha ko naman ito sa kanya.
"Thankyou" saad ko sa kanya. Tumango naman sya sa akin at umalis na sa harapan ko. Naupo ako sa tabi ni Syndra at sinimulan kainin ang Pizza na ibinigay sa akin ni Deil.
"Talagang hinintay mo pa naabutan ka ng pagkain ni Deil" mapang asar na saad sa akin ni Syndra habang kumukuha ulit ng pizza sa kahon. Napailing nalang ako hindi ko naman alam na napatagal na pala ang pag titig ko sa kanila.
"Gusto mo na ba sya?" nagulat ako sa sinabi ni Syndra kaya muntik ko na mailuwa ang pizzang nginunguya ko. Bweset anong klaseng tanong ang sinasabi nya.
"Never" asar kong saad sa kanya at inirapan sya. Tinawanan nya lang ako at itinuloy ang pag kain nya ng Pizza. Itinuloy ko nalang din ang pag kain ko. Napatingin ako kay Adriana na nakangiti habang nakatingin sa Cellphone nya.
Tinutusok tusok nya ang cake na nasa platito nya. Durog durog na ang cake sa platito nya. Kinalabit ko si Syndra at nginuso si Adriana. Napailing naman si Syndra sa nakita.
"Kinikilig lang yan" bulong sa akin ni Syndra. Kinikilig? Saan naman sya kinikilig? Sino ang nag papakilig sa kanya?
"Kanino?" pabulong ko ring saad sa kanya. Nag kibat balikat lang sya. Kay hindi ko tinanong pa.
"Adriana yung cake kawawa na" saad ko kay Adriana napatingin naman sya sa akin pati sa cake na nasa platito nya. Gulat na Gulat naman sya ng makita nya ang naging kahinatnatan ng Cake.
"Shit" saad nya at ibinaba ang cellphone nya at kinuha ang platito. Sinubo nya ang Cake kahit na parang durog na durog na ito. Sino ba kasi ang tinitignan nya sa cellphone nya at nag kakagon sya.
"Hay kinikilig ka na naman no?" tanong sa kanya ni Syndra. Napatingin naman sya kay Syndra ng banggitin nya ito. Sinamaan nya ng tingin si Syndra pero tinawanan lang sya nito.
"Tigilan mo ko Syndra" saad ni Adriana kay Syndra. Tawa lang ng tawa si Syndra. Hindi ko nalang sila pinansin at nag focus ako sa pag kain na nasa harapan ko nagugutom narin kasi ako.
Napatigil sa pagtawa si Syndra nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko eto at ang pangalan ng aking ama ang nakita ko sa cellphone. Tumatawag sya.
"You're father?" tanong sa akin ni Adriana. Tumango naman ako sa kanya. Tumayo ako at lumayo muna saglit sa kanila para sagutin ang tawag ng aking kinasusuklamang ama.
Pinindot ko ang green. Inilaga ko sa tapat ng tenga ko ang cellphone. Hinintay ko namag salita ang nasa kabilang linya.
[" Ano na namang ginawa mo kay Amara? Cailey! Tapos nalaman ko pa na nag transfer kayo ng mga kaibigan mo sa D.U hindi mo ba talaga iniisip na kalaban ko ang may ari ng eskwelahang iyan!"] sigaw ng nasa kabilang linya.
Tulad ng inaasahan nag sumbong na nga sa kanya si Amara. Pero hindi na galit ang nararamdaman ko para kay Amara. Nag papanggap sya hindi nya gustong saktan kami pero ginawa nya parin dahil sa plano nilang pabag sakin ang ama ko at ang ama ni Deil.
"So what? Kung sinampal ko sya? I have right to slap her because she's the reason why you kill my mother! So what we transfer?" saad ko rito. Sinabi ko parin ang mga katagang iyon para hindi mag hinala si papa kay Amara.
["Youre a bullsh*t g—"] hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at pinatay ko na ang tawag nya. Inoff ko narin ang phone ko para hindi na nya ako matawagan ulit.
++++++++++++++++++++++++++++
A/N: Please support this story. I hope you vote or comment. Thanks! Muah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top