Chapter 10

Cailey Point Of View
Asar akong naupo sa isang upuan kung saan katabi ko ang isang babar. Tumingin sya sa akin na gulat. Napalakas yata ang pag bagsak ko ng bag ko sa tabi ng inuupuan ko.

"Is there any problem?" tanong mo rito ng makitang nakatingin parin sya sa akin. Ngumiti lang sya sa akin.

"Mukha po yatang may problema po kayo." saad nito sa akin. Umiwas lang ako ng tingin. Mukha syang high school. Bakit sinong nagsabi sa inyo na high school parin ako. Uy pre college nako.

Mukhang mag kaedad sila ni Angelo. 4th year high school na yung batang yun. Namiss ko narin yun kamusta na kaya yun sa America.

"I don't have" malamig na saad ko sa kanya. She smiled at me pero parang may galit ang mga mata nyang nakatingin sa akin.

"Ako nga pala si Zandra ate" saad nito sa akin at iniharap ang kamay nya sa kamay ko. I just look at her hand.

"Cailey" walang ganang saad ko at tumingin na sa unahan. May biglang nag patong ng bag ko sa lap ko kaya naptingin ako sa gumawa nun.

Ah! Bweset sya na naman. Asar na asar na ko sa mokong na ito. Asar kong niyakap ang bag ko. Naupo naman ito sa tabi ko. Pati ba naman dito katabi ko sya.

"Boyfriend mo ate?" tanong sa akin nitong Zandra na katabi ko. Nakaturo pa sya kay Deil na seryosong nakatingin sa harapan. Galit at inis ang tingin na pinupukol nya sa matandang lalakeng nakangiti naman na nakatingin sa kanya.

"No. Never..." inis kong saad sa kanya. Hinding-hindi ko magiging boyfriend ang lalakeng ito itaga ko pa sa bato.

"Sabi mo po eh. Pero gwapo naman po si Kuya King" saad nito sa akin napatingin ako sa kanya. Kanina ko pa kasi naririnig na tinatawag syang King.

"Bakit King ang tawag sa kanya?" tanong ko rito. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti bago sumagot.

"Hindi pa po ba sya kilala?" tanong nito sa akin. Malamang kung alam ko at kilala ko sya mag tatanong pa ba ako sa kanya.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" inis na taong ko parin dito. Hanggang ngayon kasi naaasar parin ako kay Deil. Bweset naalala ko na naman ang nangyare kanina bago kami pumasok dito sa Auditorium.

"Sorry ate. Ang lalake po kasing iyon" saad nya at tinuro ang lalakeng nakangiting nakatingin kay Deil kanina.

"Sya po ang may ari nitong University anak po nya si King. Syempre po bilang anak sya ay ginagalang sya ng mga estudyante kaya King ang tawag sa kanya" napatango naman ako. Kung sya si Mr. Mondragon. Anak nya si Deil. Isang Mondragon si Deil.

Napatingin ako kay Deil na ang sama ng tingin sa kanyang ama na ngayon ay nakikipag usap sa isang teacher dito sa University. Base narin sa uniform na suot nito. Syempre hindi ko pa alam transferee lang kaya ako tol.

"He making my world miserable" rinig kong bulong ni Deil. Unti-unti itong yumuko.

"Mom..." rinig kong saad nito. Hindi ko alam na parang naawa ako sa kanya. Kahit naman na di ko alam ang nangyare sa kanya eh pakiramdam ko na sobra ang pag hihirap nya.

"Good Morning my students" napatingin ako sa lalaking nasa stage hawak nito ang mic. Nakangiti itong lahat sa amin.

"I just want you to all know that the Devil Week would come" ngisi nitong saad. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya Devil Week?

"Anong Devil Week?" saad ko. Tumingin naman ako kay Zandra na seryosong nakatingin kay Mr. Mondragon. Biglang nag ingay ang mga lalake sa likod pati mga babae.

"I know... All of you are excited. The Devil Week would start tomorrow. Please bring your things for one week" saad pa ni Mr. Mondragon sa mic na mas lalong nag pataka sa akin.

"Ate ang Devil Week ay ang isang linggo kung saan pag haharap-harapin kayo. Bubunutin ang lalaban. Sa isang araw ay anim ang mag lalaban laban. Kailangan mong manalo kung gusto mo pang tumagal ang buhay mo. At sa huling araw ng Devil Week ay pag haharap-harapin ang mga taong nanalo at dalawa lang ang kailangan manatiling buhay." saad nito sa akin na ikinagulat ko.

Oo, kaya komg pumatay pero hindi ko alam na may ganong palang eskwelahan. Isang eskwelahan na kung saan may ganitong Activity na isinasagawa. Nagulat talaga ako.

"Ganon kademonyo ang taong yan" saad nya at palihim na tinuro si Mr. Mondragon na masayang nakikitang nag hihiyawan ang mga lalakeng estudyante. Naptingin ako kay Deil na nakayukom na ang mga kamao nya.

"Deil" tawag ko rito. Tumingin naman sya sa akin.

"Pasensya na hindi ko agad nasabi sayo kanina. Iyon dapat talaga ang sasabihin ko sayo kaya kita dinala kanina sa gilid ng Auditorium. Ngalang dahil sa akwardness hindi ko nasabi sayo. Alam ko na ito ang sasabihin ng matandang yan simula na iannounce kanina na pinapapunta ang lahat ng estudyante" tumango naman ako ng marinig ko lahat ng sinabi nya.

"You can go back in you're class. Students" saad ni Mr. Mondragon at bumaba ng stage at nag lakad na palabas ng Auditorium.

"Cailey lets talk please" saad sa akin ni Deil. Nag taka naman ako pero mas pinili ko nalang tumango. Malay mo mahalaga
Hindi pa talaga namin alam ito dahil transferee lang kami kaya kailangan ko ng taong mag papaliwanag sa amin kung ano ang mangyayare sa Devil Week

Nagulat ako ng hilain nya ako palabas ng Auditorium eto na naman sya hinihila na naman nya ako. Pero kahit na gusto kong maasar ay pinabayaan ko nalang. Nang nag simula sya tumakbo ay napatakbo nalang rin ako.

"Deil saan ba tayo pupunta?!" sigaw ko rito. Seryoso lang ang mukha nito habang tumatakbo kami. Napapatingin narin sa aming dalawa ang mga estudyanteng nadadaanan namin.

Nang tumigil sya sa harap ng isang pintuan. Niligid ko ang mga mata ko. Malayo na mami sa Auditorium at medyo liblib narin ang lugar na ito. Malayo-layo pala ang tinakbo namin. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Napahawak ako sa mga tuhod ko at huminga. Mabilis ang pag hinga ko. Binuksan ng pabigla ni Deil ang pintuan at hinila ulit ako papasok ng kwartong ito.

Pag pasok namin ay binalibag na sinara ni Deil ang pintuan sa likuran ko. Nakita ki sila Syndra, Adriana at Mia na nakaupo sa iisang sofa. Kaharap naman nito ang tatlong lalake na boyfriend nila hindi ko parin kasi alam ang mga pangalan nila

Pero ang ikinatataka ko ay bakit hindi sila mag kakatabi. Bakit hindi katabi nila Syndra ang mga bf nila.

"Maupo ka Devil" saad sa akin ni Deil. Naupo naman ako sa isang sofa nasa harapan ko naman nakaupo si Deil. Sa kaliwa ko ay ang tatlong lalake at ang nasa kanan ko ay ang mga kaibigan at ka grupo ko.

"Bakit nyo ba kami gustong kausapin?" asar na saad ni Syndra. Nakatingin sya ng masama sa tatlong lalakeng nasa harapan nila. Mas lalong sumama ang tingin nya ng dumako ito kay Deil.

"We want you're help" malamig na tugon ni Deil. Napatingin naman ako sa kanya.

"Hihingi kayo ng—" pinutol ko ang sasabihin dapat ni Adriana.

"What kind of help?" tanong ko kaya gulat na gulat na tumingin sa akin ang tatlong kaibigan ko. Nakatingin ako kay Deil para malaman kung ano ang tulong na hihingiin nya.

"Tungkol sa Devil Week" saad naman ni Deil. Nag tatakang tumingin ang mga kaibigan ko sa akin at kay Deil. Pabalik balik ang tingin nila.

"Anong meron sa Devil Week" saad ko rito. Lalaban lang naman eh ngalang may mga taong mamatay dahil sa labanan na iyon. Dahil kung hindi ka papatay ay ikaw ang mamatay.

"Eto ang huling Devil Week Cailey. Alam ko ang utak ng aking ama. Nabasa ko na ang iniisip nya. Gagamitin nya ang larong ginawa nya. Pero ang plano nya ay patayin lahat ng estudyante ng D.U dahil bawat isang estudyante ng D.U ay may alam na lihim ng eskwelahang ito at lihim nya. Gusto nyang ibaon ang mga lihim nya. At ang gusto ko ay ang cooperation nyo para iligtas ang mga estudyante at makabalik pa sa bahay nila sa pamilya nila. Ma swerte ang mga estudyanteng lalabas sa mga oras na ito. Dahil kapag sumakto ang orasan sa alas dose isasara na ang gate ng school at magsisimula na ang laro o pag patay bukas. " mahabang paliwanag ni Deil.

Pero lahat yun ay nagets at naintindihan ko. Oo demonyo ako marami na akong naparay sa Devil Ground pero ang idamay at patayin ang estudyante ng D.U dahil sa lihim ay hinding hindi ko papayagan.

"Maaasahan mo kami" saad ko rito. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na seryosong nag iisip sigurado akong nagulat sila hindi lamang nila iyon pinapahalata.

"Ngunit gusto ko malaman ang lihim na kinaiingatan ng iyong Ama kaya ayaw nya itong makalabas." saad ko rito. Tumingin sa akin si Deil na may pag aalala. Ayoko ng nararamdaman ko. Mukhang hindi maganda ang lihim na iyon.

"Gusto mo ba talagang malaman Cailey?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako dahan-dahan. Gusto ko malaman ang dahilan. Gusto ko malaman kung para saan ang ipinaglalaban ko.

"Ang alam nating dalawa ay mag kaaway ang turingan ng ating mga ama hindi ba?" tanong sa akin nito nag pangunot ng noo ko. Oo mag kaaway ang turingan ng mga ama namin.

"Hindi Cailey. Mag kakampi sila. Sila ang nag plano na patayin ang mga ina natin dahil alam nilang sasabagal ang mga ito sa plano nila. Ipinalabas nilang isang aksidente ang pag kamatay nila." saad nito sa akin. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko ng mabanggit na naman ang tungkol kay mama.

Oo alam ko ang tungkol sa pag kamatay ng ina ko. Alam ko ang nangyare doon. Pero ang dahilan ay iba. Ang alam ko ay pinatay ng ama ko ang ina ko para kay Amara. Pero plano? Ng mga ama namin?

"Paano? Si Amara ang dahilan kung bakit pinatay ng ama ko ang ina ko"saad ko rito at pinunasan ko ang mga luha ko.

"Hindi. Si Amara ang mata namin sa pamilya mo. Nung mga panahon na nag paplano na ang mga ama natin ay doon pumasok si Amara. Ipinalabas nang ama mo na si Amara ang dahilan pero hindi. Hindi sya ang dahilan. Talagang inutos kay Amara na saktan kayo para mapalabas sa iyong ama na mag kakampi sila na hindi isang espiya si Amara pero isa nga syang espiya" nakakagulo inutos sa kanya na saktan kami para mapalabas sa ama ko na mag kakampi kami.

Ang tanong sino ang nag utos dahil imposibleng si Deil dahil bata lang din sya nun at wala pa kaming ka alam-alam.

"Makikilala mo naman ang taong nag utos nun Cailey pero hindi pa ngayon. Ang lihim nila ay ang ang pag patay sa mga ina natin at ang mga ilegal nilang gawain." napayuko ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Salamat sa pag sasabi sa akin ng katotohanan" saad ko kay Deil. "Makakaasa ka sa amin para sa laban bukas. But may mga baril ba kayo o mga armas dyan? Hindi namin alam ito kaya hindi namin nakapag dala ng armas."

"Wag kayong mag alala may armas dito. Dito narin kayo matulog magagamit nyo ang isang kwarto. May mga armas na diyan sa loob para maka pili kayo" saad sa akin ni Deil at tumango naman ako.

++++++++++++++++++++++++++++
A/N: Please Support. Please Vote and Comment. Thanks! Muah!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top