In a palace, somewhere in hell...
"Hey Barbaros, it's boring," sambit ng isang babae habang lumalambitin sa chandelier na nakasabit sa mataas na kisame ng palasyong walang kabuhay buhay.
"Mistress, that's the 13th time you said that in an hour," walang ganang sambit ng butler niya habang nililinis ang malaking bintanang tumatanaw sa malawak na lupain ng walang hangganang apoy at ladiliman.
"Then have you realized why I've been saying that for an hour now?"
"It's because it's boring mistress," the butler stated while still paying attention to the window he was cleaning.
Napaikot nalang ng mata ang babae. "And here I thought angels are the only ones that's boring." Naagaw ng atensiyon niya ang ingay sa labas kaya napalinis siya ng tenga. "For Devi's sake! Please close the windows, Barbaros. I can hear screams of pathetic souls from here. I'm sick of hearing it."
Agad naman sumunod si Barbaros at sinara ang bintana. Napatingin naman ito sa kanya.
"Angels are boring? Where in hell have you heard that from, mistress?" tanong nito habang nakakunot ng noo.
"Who else, from Daddy of course. That's why he left heaven. It's boring there," sambit ng babae.
"Uhhh..."
Napansin niya namang nag-iba ang reaksyon sa mukha ni Barbaros. "You've got something to say, Barbaros?"
Agad naman itong umiling. "Nothing mistress."
She just clicked her tongue. She teleported from the chandelier to the couch below it.
"What's daddy doing right now?" tanong niya habang humihikab. Inilibot niya ang tingin sa paligid upang maghanap ng pwedeng pagkaabalahan pero wala ni isang bagay ang nakakuha sa atensyon niya.
Walang laman ang palasyo niya kundi mga muwebles at mga armas na kinakalawang sa isang tabi. Humiga siya sa sopa habang nakataas ang isang paa sa sandalan.
"He's tormenting souls at the 40th floor in Tartarus, mistress, do you want to go there?" tanong ni Barbaros na ngayo'y nagsisimula nang magwalis sa malawak na silid.
"Naah, he won't even let me torture atleast one soul in there. He'll just let me watch, what's the point?" Itinaas niya ang kamay niya at lumipad mula sa sulok ang punyal papunta sa kanyang palad. Pagkatapos ay walang gana niya itong pinapa-ikot sa mga daliri niya.
"Then how about playing with the toys his Majesty gave you?" suhestiyon muli ni Barbaros na muling ikina-ikot ng mata niya.
"Do you think I'm still 500 years old, Barbaros? I don't want to play with toys anymore. I'm not a baby. I don't find stitching mouths and eyes entertaining anymore. Beheading corpse over and over again makes me bored." Napabuntong hininga siya. Sa loob ay gusto niya nang magwala dahil wala siyang masayang magawa. Sa isanglibo at anim na daang taon niyang nabubuhay sa impyerno ay nagawa niya na ang lahat ng pwedeng libangan at makailang ulit na niya itong nagawa na sawang sawa na siya.
Wala siyang pwedeng makalaro o maka-usap maliban kay Barbaros na siyang alipin niya na ibinigay sa kanya ng ama niya. Wala rin siyang mga demonyong makalaro dahil walang gustong lumapit sa kanya dahil din sa ama niya.
"Why don't you travel---"
"I live in hell for 1, 600 years of my life now, Barbaros. I know every nook and cranny of this wretched---" agad siyang napatigil at mistulang may bombilyang umilaw sa itaas ng ulo niya, "Barbaros! You're a fucking genius!"
Naguguluhan naman itong napatingin sa kanya. "Thank you Mistress...?" sabi nito na di sigurado sa isinagot.
Sinamaan naman siya nito ng tingin. "You dumb demon, how dare you not compliment your mistress back. Cut an inch of your left horn as a punishment," matigas nitong utos.
Agad namang nanlumo si Barbaros. "But mistress, I just grew them back for the last 100 years--"
Tila di niya nagustuhan ang tugon nito kaya nag-init ang ulo niya. "Cut an inch from your right too."
"Yes mistress," parang naiiyak nitong tugon tsaka binitawan ang walis. Mula sa isang kabinet ay kumuha si Barbaros ng isang lagari at nag-umpisang putulin ang sungay niya. Para sa isang demonyo ay kalakip ng sungay nila ang kanilang puri.
"Aren't you gonna ask why I'm such a genius?" tanong niya dito na ngayo'y humupa na ang init ng ulo.
"Why is that mistress?" tugon muli ni Barbaros habang nilalagari ang kabilang sungay.
"I'm going to the middle ground," masiglang sabi niya.
Agad namang nabitawan ni Barbaros ang lagaring hawak niya. "What?"
"The mortal realm dummy. Where those weak squishy humans live," paliwanag niya.
"Will that be possible, mistress?"
Lumingon siya kay Barbaros. "Tell me who I am again?" lakas loob na tanong niya.
"You're Devious Apocrypha, princess of hell, mistress."
Tumango siya. "And?"
"The only daughter of His Majesty, Lucifer."
"Who is?"
"The ruler of hell." Pagkatapos nitong masabi iyon ay may lumipad na punyal patungo sa direksyon nito at bumaon sa pader na ilang hibla lang ang layo sa ulo nito.
"Bingo! And I can do anything I want because of it," bungisngis na sambit niya dito.
Nagdugtong naman ang kilay ni Barbaros. "I don't think the Master would approve of that, Mistress."
"Let me ask you again. How many years has it been since he last visited me, Barbaros?"
Napatingala ito habang nagbibilang. "Uhh, 100 years ago, mistress."
"See? He won't even notice I'm gone."
"This won't end up good, mistress."
"I'm the daughter of Lucifer, Barbaros, of course it won't end up good, " kampante niyang saad tsaka tumayo na sa inuupuan at nag-inat.
"This is terrible," nanlulumong pahayag ni Barbaros.
Sa isang iglap ay nasa tabi na siya ni Barbaros at inakbayan ito. "Not for me. Now tell me where the hell is the portal to the middle ground."
Barbaros just sighed in defeat. He thinks he won't be having horns for the next thousand years and it's all because of this little princess of evil.
...
"Cerby, what's up!" bati ng prinsesa habang naglalakad patungo sa lagusan papunta sa mundo ng mga mortal. Nakatayo naman doon ang demonyong inatasan ng kanyang amang magbantay sa lagusan.
"You are not allowed here, princess," matigas na sabi nito habang nakatingin ng diretso.
"And why is that?" nagmamaang-maangang untag nito.
"As you know, this is the gateway to the other realm, no one can just leave and go as they please except for the king and other authorized beings," diretso nitong sabi habang matiim na nakatayo sa harap ng lagusan.
"Not even me?" napalabi niyang sabi.
"Yes, princess," tugon naman nito.
"I got Daddy's permission though. He said I can go wherever I like even in the middle ground. Now, are you going to let me in or are you going to let me in?" kumurap-kurap pa siya dito at baka sakaling makumbinsi ang bantay.
Sa wakas ay nilingon naman siya nito.
"Nice try princess but you still need a few millenniums to be able to lie me. Why don't you go home and work on lying. I recommend to add some details to make it more believable."
Muli siyang napalabi. Tatalikod na sana siya upang mag-isip ng paraan upang makalusot nang may naamoy siyang kakaiba. Isang halimuyak na hindi pa niya naaamoy sa saan mang sulok sa impyerno.
Isiningkit niya ang mata niya at may nakitang may maliit na butil ng kung ano sa ibaba ng labi ni Cerberus.
Pinalutang naman niya ito papunta sa kanya, mas lalo siyang nagtaka dahil sa reaksyon nito na pilit itinatago ang taranta.
Sinuri niya ito ng malapitan.
"Oh Cerby, it's from the middle ground, is it? Are these what those inferior pests are eating?"
"No," diretso nitong tugon.
"I'm pretty sure they are. You can't lie anymore Cerby, I may not be able to lie but like you, I can tell if you're lying or not, especially now that you're all caught," bungisngis na sabi niya habang pinapalutang sa ere iyong butil na sinasabing pagkain na nagmula sa mundo ng mga mortal.
"Let me through Cerby, I swear I won't tell you on Daddy. I'll keep it a secret if you send me across the middle ground," kumbinsi nito.
"Your Dad is gonna kill me."
Humalakhak naman siya. "You're already dead, Cerby."
Napahilot ng sentido ang demonyo. "That's even terrible. He can kill me as many times as he wants."
"Look on the darker side, if you won't let me pass, you're surely dead. If you let me pass, there's a huge chance that he won't find out. So do we have ourselves a deal?" inilahad niya ang kamay niya dito. Ilang segundo pa ay tinanggap naman nito.
"Good choice."
"It's a bad choice, considering I don't have one," bulong nito sa sarili. Alam nitong walang makakatalo sa nag-iisang tagapagmana ng impyerno maliban sa ama nito lamang.
Muling siyang humalakhak. "Okay, Cerby. Send me to the most toxic place on earth. It has to be hot too because I'm not used to cold places. It has to be somewhere where I can kill whoever I want and no one would make a fuss. Where people are mostly undisciplined. Who easily believes everything they read and basically badmouths everything they see different. "
Hinawakan ni Cerberus ang isang parte ng pader katabi ng lagusan at may lumitaw na maliit na globo sa palad niya. "I got the perfect place, princess."
"Already?"
Tumango si Cerberus sa kanya sabay pindot sa isang parte ng globo.
Pumasok na ang prinsesa sa lagusan na may malawak na ngiti sa labi.
'Oh, this is going to be fun~~'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top