9 | Novem
Kinabukasan, huli nanaman akong pumasok at nakasalubong ko iyong babaeng palaging natutulog sa klase. May suot siyang earphones. Nakapikit lang iyong mata niya habang nakatayo.
I raised my eyebrows. Sobrang hilig niya yata sa pagtulog at pati sa gitna ng hallway ay natutulog ito habang nakatayo.
"Hey," tawag ko sa kanya pero nanatili siyang nakapikit.
"Humaharang ka sa daanan." sabi ko sabay hawak sa balikat niya at napalundag naman siya at napamulat.
Gulat siyang napatingin sa akin. Napa-ikot naman ang tingin niya na parang may tinitignan sa paligid bago bumalik ang tingin sa akin. Tinanggal niya iyong earphones niya. "A..ano yun?"
"You're standing in my way."
"Ahm sorry." Agad naman siyang tumabi kaya dumiretso na ako sa paglakad. Sumunod naman siya.
Napakunot naman ako ng noo pagkapasok nang parang ang lugmok nilang tingnan. I was expecting them to greet me pero parang problemado yata sila.
"What's with the mood?"
Hindi nagsalita si Drake pero tinuro niya iyong pinto at doon ko napansin na may naka-spray paint na letrang B na kulay pula.
Napakunot ako ng noo. "Anong ibig sabihin niyan?" naguguluhan kong tanong.
"Yung lalaking tinalo mo kahapon, Noona..." sagot ni Drake.
"What about him, anong pinoproblema niyo? Tinalo ko na siya diba?"
"Pinsan niya si Baron Esquire, ika- pitong pwesto sa Elite. Malamang nagsumbong iyong hinayupak kahapon sa pinsan niya. Ang markang iyon ay palatandaan na simula ngayon ay pupuntiryahin niya ang class 3-6," paliwanag ni Sanrio.
"What the hell is the Elite, again?" tanong ko. Nakalimutan ko nanaman kasi.
"Iyon ang bansag sa sampung malalalakas na estudyante sa buong Hell High. May ranko ang paaralang ito sa kung sino ang pinakamalakas at Elite ang tawag sa kanila. Lahat ng estudyante sa Hell High ay kinatatakutan o kaya ay iniidolo sila lalo na ang mga nasa una hanggang ikalimang ranko," paliwanag ni Banri.
"That Baron guy, is he strong?"
"Ika-7 man siya sa ranko ay hindi siya ganoon magaling makipaglaban pero hindi niya nakuha ang pwesto niya sa Elite kung normal lang siya. Isa sila sa pinakamakapangyarihang pamilya sa buong lungsod. Naging miyembro siya ng Elite dahil sa kanyang koneksyon at salapi."
"Lahat ng biktima niya ay mamarkahan niya at magsisimula doon ang paghihirap nito," sabat naman ni Drake. "Lag---" naputol naman ang sasabihin ni Drake nang parang may humampas sa desk sa harap. It was Mon, naka tiim ang bagang nito habang mariin na nakakuyom ang kamay.
Tumayo ito at walang pasabing umalis palabas ng silid.
"Anong problema niya?" I uninterestingly asked. Anong nangyari sa kanya at ganoon nalang ang reaksyon niya?
Napabuntong-hininga si Drake. "Mas matindi ang sinapit niya sa pamilya ni Baron. Dalawang taon na ang nakalipas. Salbahe ang pamilya nun kaya walang dudang, salbahe din si Baron."
"Anong nangyari?" hindi ko maiwasang mapatanong.
Napalingon muna si Drake sa pinto na parang siniguradong wala si Mon." Wag mong sabihin kay Mon na ikwinento ko ito sa iyo pero dalawang taon nang makalipas ay magkasosyo ang pamilya nila Mon at Baron pero trinaydor ng kompanya nina Baron ang negosyo sa pamilya ni Baron kaya nalugi sina Mon at napilitang ibenta lahat ng pagmamay-ari nila hangang sa wala nang natira. Ngayon ay sobrang yaman na ng pamilya ni Baron na halos lahat ng negosyo sa siyudad ay hawak ng pamilya niya."
Sumang-ayon naman si Sanrio. "Dahil sa pamilya niya ay malaya siyang nakakagawa sa gusto niya. Namemersonal ang gagong iyon. One time, may isang humamon sa kanya para sa pwesto niya bilang Elite. Natalo nga siya nito pero kinabukasan ay nag-drop out din iyong lalaki. Nabalitaan nalang naming iyong maliit na negosyong pagmamay-ari ng pamilya nito ay nalugi. Hulaan mo kung sinong may pakana."
"That prick." I replied.
"Tama, hindi pantay lumaban ang gagong iyo-
Napatigil naman si Sanrio sa pagsasalita nang bumagsak pabukas iyong pinto ng silid namin. Pumasok ang isang lalaking kulay ginto ang buhok habang may tatlo pa ang nakasunod sa kanya.
Sila iyong gumawa ng gulo kahapon. May band-aid sa noo kung saan ko pinitik iyong lalaking unang pumasok.
Padabog itong lumapit sa akin at sinipa pa iyong upuan na nadaanan niya.
"Ikaw! Sino ka? Saan ang pamilya mo at magbabayad sila sa ginawa mo sa akin." diretso niyang bulyaw sa akin.
Humarang naman si Banri. "Natalo ka na Sy. Tanggapin mo nalang."
Humalakhak naman ito at nilapitan si Banri tsaka tinulak sa dibdib. "Hindi ka na miyembro ng Elite mula nang binigay mo sa kanya ang badge mo. At kung di ka naman tanga, sa babaeng ito pa na baguhan. Magaling ba siyang mang-akit para ibigay mo ang---"
"Wag mong insultuhin ang Noona namin!" sigaw ni Drake at binato siya ng papel. Sumunod na din ang iba at pinagbabato siya nito ng mga papel.
Wala itong nagawa kundi protektahan ang sarili. "Aray! Pagsisihan niyo to. Aray!"
Bigla nanamang pabagsak na bumukas iyong pinto nang may sumipa dito pabukas. Isang lalaki nanaman ang pumasok sa silid na nakapamulsa. Dahil dito ay napatigil sina Drake sa pagbato ng papel at tumahimik silang lahat.
Lumawak naman ang ngisi nung lalaking pinagbabato ng papel at lumapit doon sa bagong dating.
"Insan, tingnan mo ginawa nila sa akin!" Tinapunan niya kami ng nanunudyong tingin. "Sinabi ko diba, pagsisihan niyo ang ginawa niyo. Lagot kayo sa aki--"
Tinaas ng bagong dating na lalaki iyong kamay niya at tumahimik si Sy.
"Anyone who messes with him, messes with me," pahayag niya.
Humakbang naman palapit si Banri.
"Alam mo ang patakaran, Baron. Bawal manggulo ang miyembro ng Elite sa kapwa Elite kung ayaw mong maalis sa ranko mo," sabi nito kay Baron.
"Pero nasa patakaran din na maaari ito hanggat may makatwirang dahilan. Ginalaw ninyo ang tauhan ko, gumaganti lang ako." bumigisngis ito.
Hindi ko alam na may mga patakaran pala sa pagiging Elite.
"Alam nating pakana mo lang ito para maghanap ng gulo." inis na turan ni Banri.
Humalakhak lang ito. "Totoo man o hindi, ano namang magagawa mo? Sa sandaling binigay mo sa babaeng iyon ang pwesto mo, hindi ka na miyembro ng Elite. Isa pa, hindi ikaw ang pakay ko." Liningon niya ako. "Isuko mo saakin ang Elite badge ng ika-sampung pwesto at ibigay mo sa akin."
"Nasa ika-pitong pwesto ka na Baron, ano pa bang gusto mo," muling sabat ni Banri.
"Siyempre, ibibigay niya sa akin, diba insan," sali ni Sy sa usapan.
"Papalitan ko ang buong Elite ng mga tauhan ko at ako ang mamumuno sa buong Hell High, ngayon ibibigay mo sa akin ang pwesto mo o hindi?" untag ni Baron sa akin.
"What if I don't."
"Simple lang naman, idadamay ko ang pamilya mo at sisiguraduhin kong mawawalan ng habap-buhay ang mga magulang mo." nakangisi niyang sabi.
"I'd like to see you try." I said in amusement. This insignificant little mortal thinks he can mess with me. Tahimik akong napahalakhak. Ang ama ko, kukunan niya ng trabaho? The ruler of Hell and punisher of soul?
The more he talks, the more he resembles a monkey in a clown costume.
"Sa tingin mo di ko kaya? Ilang sandali nalang ay darating na ang tauhan kong galing sa school records room dala ang student data mo at malalaman ko rin lahat ng tungkol sa iyo."
Muli siyang napatingin sa akin mula ulo hanggang paa at bumungisngis. Kumpara sa simple kong uniporme at sapatos ay nakakabulag iyong mga palamuti niya sa katawan. May mukhang ginto itong suot na relo pati singsing at kwintas. Halatang pinaglalantaran nito ang yaman niya.
"Mukhang wala pa sa kalingkingan ang kinikita ng pamilya mo sa pamilya ko. Kung ayaw mong isuko sa akin ang badge at ang ikasampung pwesto ng Elite, sasapilitin kong kunin iyon mula sa iyo."
Mas lumawak ang ngisi niya nang may pumasok na lalaki na may hawak ng isang piraso ng papel.
Napansin ko naman ang tingin ng Class 3-6 sa akin na parang nag-aalala.
"Boss, may problema." agad na sabi nung kakarating na lalaki nang inabot nito kay Baron ang papel. Kumunot naman ang noo nito.
"This is bullshit!" pahayag niya ng mabasa iyong papel.
Devi, female-- iyon lang ang tanging laman ng enrollment form ko at bukod doon ay wala ng ibang impormasyon na nakalagay sa papel kahit apilyedo.
A demon's name is his prestige. It's only ever said during binding of contracts or by beings of higher ranks than them. In short, these little good for nothing scums doesn't have the right to speak or much less know my full name.
Apple must've just bribed the school to accept my profile data just as it is.
Kumawala sa bibig ko ang isang halakhak na siyang ikinapula ng mukha niya. Kitang kita ko ang ugat niya sa sentido dahil sa galit.
"Ikaw! Malalaman ko rin ang pagkatao mo at pagnalaman ko iyon, sisiguraduhin kong pati ang malalayo mong kamag-anak ay gagapang sa putikan! Maling tao ang kinalaban mo. Kung ayaw mong sabihin ang pagkatao mo ay idadamay ko ang buong klase na to. Hindi niyo naman siguro nakalimutan diba kung anong kaya kong gawin lalo na si Simon Flores," Nilibot nito ang tingin niya na parang may hinahanap. "Nasan na siya, wag niyong sabihin nabahag na ang buntot nun at----"
Di pa natatapos iyong sinasabi niya nang may paang sumipa sa mukha niya kaya bumagsak siya sa sahig.
"Mon!" sigaw ni Banri.
"Hindi ka pa nakuntento, bakit ka pa nanggugulo dito?" galit na sabi ni Mon sa kanya.
"Hayop!" Bumangon si Baron mula sa pagkakatumba at agad ginantihan ng suntok sa sikmura si Mon. Hinawakan naman siya sa magkabilang braso ng kasama ni Baron.
"Nakalimutan mo yatang nasa klase ka namin, Baron." sabi ni Banri at nagsitayuan ang lahat ng Class 3-6 upang tulungan si Mon pero biglang naglabas si Baron ng isang cutter at tinutok iyon sa sikmura ni Mon.
"Lumapit kayo at butas ang tiyan nito," banta niya.
Napatigil naman silang lahat at nabalot ng tensyon ang buong klase.
Sa kabila ng banta ni Baron ay humakbang ako papalapit sa kanya kaya napunta ang lahat ng atensiyon sa akin.
"You came for me right? Why don't we talk?" kalma kong untag.
"N-noona!" pahayag ni Banri nang may pag-alala.
"You said I should protect this class. I will," I assured him.
"Let's talk," baling ko kay Baron.
He lowered his guard. "Mabuti at natauhan ka na. Ngayon, isuko mo sa akin ang ika-sampung pwesto---"
Sa sandaling inalis niya ang pagkakatutok ng cutter kay Mon, mabilis kong tinawid ang distansya at pinilipit iyong kamay niyang nakahawak sa cutter dahilan para mabitawan niya iyon.
"I wasn't finished. I said let's talk with my fist." Nagpakawala ako ng suntok sa pisngi niya. Sinadya kong hinaan ang pagkakasuntok ko para hindi siya mawalan nang malay pero napalakas ko pa rin dahil may dalawang ngipin na nahulog mula sa bunganga niya.
Hindi ako nakontento at tinuhod ko siya sa sikmura.
Napayuko siya habang napahawak siya sa sikmura niya.
"Kneel," sinipa ko siya sa tuhod kaya napaluhod siya sa sahig habang nakatukod rin ang dalawang kamay sa sahig. A few drops of blood escaped from his mouth.
"I-insan!" tawag nung Sy sa kanya at binitiwan nila si Mon para daluhan si Baron.
Nag-angat nang tingin si Baron sa akin na puno ng galit. "Ikaw! Dahil baguhan ka pa lang, sasabihin ko bilang babala sa iyo, hampas lupa. Pagmamay-ari ng pamilya ko ang SkyTechCompany, isa sa pinakamakapangyarihang kompanya sa buong lungsod, itatak mo sa isipan iyan, kayang kaya kitang pataubin ng wala sa oras. Pagsisisihan mo to, " tumayo siya sa tulong nung dalawang lalaking umakay sa kanya at tinuro ako at ang mga tao sa klase. "Makikita mo, makikita niyong lahat! Wala ni isa makakaligtas sa inyo hanggang hindi lumuluhod sa akin ang babaeng iyan habang nagmamakaawa at dinidilaan ang mga sapatos ko!" galit na galit niyang pahayag.
Humalakhak lang ako. Linapitan ko siya at pinisil ang panga niya. Napangiwi naman siya sa sakit. "It's a waste of time talking to you so I'll just repeat what you said to me. Maling. tao. ang kinalaban. mo." sabi ko at sa bawat salita ay humihigpit ang hawak hanggang may marinig akong parang nabasag sa panga niya.
Napahiyaw naman siya kaya binitiwan ko na siya sa panga pero bago iyon ay kinuha ko muna iyong dulo ng kurbata niya at pinunasan ang mga daliri ko.
Lumayo na ako sa kanya na may malawak na ngisi.
I saw fear in his eyes but there was also anger.
"Mashbwabwayash ka! (Magbabayad ka!)," sigaw nito habang ang talim nang tingin niya sa akin na parang gusto niya akong patayin.
"You can't even pronounce your words right."
Mas lalo siyang nagalit.
"Mashbwabwayash ka Mashbwabwayash ka! Mashbabawayatsh ka!" paulit-ulit niyang pahayag sa kabila ng basag niyang panga at putok na labi.
Binalingan ko naman ang mga lalaking umaakay sa kanya. "Get out of my turf." I said with much pressure at natakot naman sila. Mabilis nilang inakay si Baron palabas ng silid at tuluyang tumahimik ang paligid.
Ilang segundo pa ang lumipas ay nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob silid.
"Noona, ang galing mo-" basag ng katahimikan ni Sanrio pero sinapawan naman siya ni Pierce.
"Taena, tapos na tayo! Siguradong papahirapan tayo ng gagong iyon. Baka nakakalimutan niyong may kaya parin siyang gawing impyerno---"
"Shut up." Napaikot nalang ako ng mata.
Dinukot ko iyong cellphone ko at tinawagan si Apple. Wala pang sampung segundo ay sumagot na siya. "Hey Apple."
"Yes, mistress," magalang nitong tugon.
"In a company, who holds the most power?" untag ko.
"That would be the CEO, mistress," agad niyang sagot.
"Hmmm, I want to be one."
Rinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya. "What do you have in mind, mistress?"
I grinned. "SkyTech Company, I'll give you five days."
....
[A/N: Still no clear updates po, matatagalan na naman siguro. Next update will probably take weeks or months don't know. ]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top