8 | Octo
Hawak hawak ko ang isang panibago na namang chichirya na maanghang na potato chips. Abala akong kumakain habang naglalakad papunta sa silid.
Napapikit kong nilasap ang lasa nito habang ngumunguya at ikinukumpara ito sa mga nakain ko na. This one's definitely better than the last one.
I wondered why demons haven't waged war on the mortal realm, maybe this was the reason. It's really interesting what mortals can come up with. It's a pity they can't take it to Hell.
Kakapasok ko palang sa silid ay napatigil ako nang tila tumigil rin ang lahat sa kanilang ginagawa. Walang tunog akong narinig mula sa kanila kaya rinig na rinig ko iyong pagnguya ko.
Bigla namang napataas ang isang kilay ko dahil napansin kong ibang iba ang tingin nila ngayon saakin kumpara nung mga nakaraang araw na parang gusto nila akong naglaho na parang bula sa mga tingin nila. Kumpara sa tingin nila noon ay mas naging maamo iyong mga matang nakatutok sa akin.
"Boss Noona!" unang bumasag sa katahimikan si Drake na patakbong sumalubong sa akin na nakabuka ang dalawang braso na para bang yayakapin ako. Itinulak ko naman siya sa mukha palayo.
May mga gasgas at pasa sila mula sa away kahapon pero sa kabila noon ay parang walang nangyari dahil ang sigla sigla nila, lalo na si Drake.
"Salamat sa pagligtas sa amin kahit nung una ay ansama namin sa iyo," parang nahihiyang pahayag nung babaeng katabi ni Banri.
Tumayo naman si Banri at lumapit sa akin at sa di inaasahan ay bigla siyang yumuko.
"Tinatanaw ko bilang malaking utang na loob ang ginawa mo kahapon kaya mula ngayon..." May tinanggal siyang bagay na nakakabit sa breatpocket ng blazer niya at inabot niya sa akin. Sinuri ko ito at isa siyang pilak na badge na hugis kalasag na may naka-ukit na numerong '10' sa gitna. "Simula ngayon ay hindi na ako ang lider ng klase. Ang buong class 3-6 ay nasa ilalim ng pamamalakad mo na ngayon," dagdag pa niya nang tinanggap ko iyong bagay na binigay niya.
"Magandang umaga, Boss Noona!" sari-saring bati nila sa akin
Tumaas ang kilay ko. "What's this all about?"
"Mula ngayon, ikaw na ang aming Boss Noona, ang pinakamalakas sa section 3-6 at papalit kay Banri." sabi naman ni Sanrio.
"You're fine with this?" tanong ko kay Banri.
"Ako mismo ang nagdesisyon nito. Isa pa, iyon din ang kondisyon natin sa pustahan, tinupad ko lang ang napag-usapan." masaya niyang sabi.
Iginiya ako ni Drake papunta sa pwesto ko sa bandang likod at napataas nalang ang sulok ng labi ko nang may upuan nang nakalagay doon. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong upuang napulot ko kahapon. May nakalagay ding maliit na unan doon.
I was seated on my chair and was gonna relax when I noticed they were surrounding me and looking at me.
"What?" Para silang mga tutang nag-aabang sa susunod kong kilos.
"A..ano kasi, di kami nakapagpakilala sa iyo nung una kang dumating kaya magpapakilala kami ngayon." nahihiyang sabi nila.
"Kilala mo na si Banri at Sanrio dahil nagpakilala na sila noong bago mong dating. Boss Noona, ako nga pala si Drake Recto, at di mo pa natatanong pero isa akong anak ng mafia boss--hmmph," di na natuloy ni Drake ang sasabihin nang may dalawang kamay na tumakip sa bibig niya.
"Jack and Jill Paramedes, boss noona. Nice to meet you. " kinuha nila tig-iisa ang kamay ko at kinamayan ako.
"Samara Lopez, you can call me Sammy, thank you talaga kahapon." nahihiya nitong sabi.
"Ito namang lima ang 5-man na adik sa laro. Si Nyz, Kit, Mayu, Saph at Sui. Hindi sila nagshashabu, nasobrahan lang ng tira sa computer shop." pakilala ni Sanrio sa likang lalaking nagkumpulan sa tabi hawak ang cellphones nila.
Lumingon naman sila sandali at bumati sa akin pero muli ding binalik ang atensyon sa cellphones nila. "Taena KS amp, savage na sana. 1 v1 mamaya Kit, pupulbusin kita." rinig kong sabi nung isa.
"Si Mon ang resident tindero ng klase," pagtuloy ni Drake.
" Simon Flores, pero Mon nalang. Bili ka sa akin Noona." sabi nito sabay pakita nang laman ng bag niya.
"Pierce, magpakilala ka," sabi ni Sanrio.
"Tss." busangot nitong tugon.
Agad naman siya sinakal ng braso ng matabang lalaki katabi niya at hinarap ako. Nasa harap lang kasi iyong upuan nila sa akin. "Ako pala si Troy, Noona, wag mong pansinin si Pierce, natural na mainit talaga ang ulo nito." sabi nito
"Ackkk, Troy, ang laki ng braso mo, bwisit!" tinawanan lang ito ni Troy.
"At ang huli si Val. Si Val na walang malay." sabi ni Drake at lumingon sa likuran.
"Huy, Valkyrie magpakilala ka rin." gising nito sa babaeng naka-ubob sa desk niya habang may nakasaksak na earphones sa tenga at may tumutulong laway sa bibig.
"Sibuyas...wag mong patakbuhin...hmm...onion rings" Niyugyog siya ni Drake dahilan para magising ito. Agad siyang umupo ng maayos habang may laway parin sa gilid labi niya. Parang hindi pa siya gising dahil kalahating nakabukas oa iyong mga mata niya. "Present ma'a---Huh? kala ko attendance, bat niyo ko ginising, hindi pa uwian." Muli naman itong bumalik sa tulog niya.
Napakamot nalang nang batok si Banri. "Welcome to Class 3-6, Boss Noona"
...
Pagkalunch break ay kinausap ako ni Banri sa dulo ng corridor sa may emergency stairs.
"Bilang dating lider ng Class 3-6 gusto ko lang hilingin na sana protektahan mo ang mga kaklase natin. Gaya ng sa nangyari kahapon, hindi lahat sa klase ay marunong makipaglaban, ang iba nahihirapan ding pumapasok dahil sa personal o pinansyal na problema, kaya rin sila nandito. Kahit mga gago ang iba sa klase, pamilya kami at kasali ka na doon."
Lumalabas lang sa kabilang tenga ang sinasabi niya pero di ko maiwasang mapahanga. It's the first time I see someone genuinely care for others.
"Ikaw na ang nagmamay-ari ng pwesto ko. Sa nangyari kahapon, may posibilidad na babalik ang mga iyon para maghigante. Ikaw na ngayon ang bagong pinuno ng klase, mas marami pa ang maghahamon sa iyo. Isa pa, iyong badge na binigay ko, simbolo iyong nga ranko sa Hell High at marami ang magbabalak na kunin ito sa iyo. Kargado mo ang buong klase kaya mangako ka Noona, wag mong biguin ang class 3-6. Mag kang magpapatalo dahil pagtalo ka, damay kaming lahat," patuloy niya.
I tossed a piece of gum in my mouth.
"Skipping the boring details, it means I protect the whole class. It's natural I take care of my pack, it's not like mamamatay ka, if I lose which will never happen, the class still have you." sabi ko habang ngumunguya nang bubble gum at sinusubukang palobohin, tulad nang napanood ko sa patalastas sa telebisyon. Nakahawak ako ng isang garapon na puno nang iba't ibang kulay ng gumballs.
"Binabalaan lang kita, Noona. Hindi madali ang pinasukan mo. May sistema ang Hell High na iba sa normal na eskwelahan. May ranking ang Hell High base sa pinakamalakas. Sa eskwelahang ito, may dalawa lang na klase ng estudyante, ang mahihina at malalakas. Ang pinakamalakas ay tinawag na Elite na binubuo ng sampung tao at sila ang wag na wag mong babanggain. Iyong kalaban kahapon, wala pa iyon sa kalingkingan nila kaya mas maiging iwasan mo sila," babala nito.
Tumango tango lang ako sabay nguya ng bubble gum ko tsaka nilunok.
Napakunot naman ng noo si Banri. "Noona...hindi ko alam kung may nagsabi na sayo nito pero...di nulunok iyong bubble gum---"
Kakatapos lang ni Banri magsalita nang biglang bumukas ng malakas iyong pinto ng rooftop at iniluwa si Drake na humihingal. It feels like deja vu. Nangyari na din ito noon.
"Boss Noona! Banri!" naaalarmang tawag nito sa amin habang naghahabol ng hininga. "Ang Class 3-7, nanggugulo!"
"Ano?" untag ni Banri.
"Si Ulysses Sy, diba matagal nang mainit ang mata niya sa atin, sumugod siya sa room kasama ng tatlo niyang sunod- sunuran. Pag-alis ko ay kaalitan nila si Pierce, ewan ko nalang kung anong nangyayari ngayon."
Nagmadali namang bumaba sina Banri at Drake pero kalma lang akong sumunod kaya nauna sila.
Pagkarating ko ay napansin ko si Pierce sa tabi na may bagong pasa na naman sa pisngi.
Naabutan kong kinakausap ni Banri ang isang lalaki. Kulay ginto iyong buhok niya at may isang hikaw sa kanang tenga niya. Hula ko ay siya ang tinutukoy ni Drake na Ulysses Sy na nanggugulo sa klase.
"Hindi na ako ang bagong pinuno ng klase." rinig kong sabi ni Banri dito.
"Sino?" tanong nito kaya di ko maiwasang makisali sa usapan.
"Me."
Napatingin naman ito sa direksyon ko partikular sa badge na naka-pin sa breastpocket ng blazer ng uniporme ko.
"Ikaw ang bagong kasapi ng Elite?" untag nito na parang di makapaniwala.
"How did he know?" tanong ko kay Drake na nasa tabi ko lang.
"Iyong badge na suot mo, Boss Noona, lahat nang Elite ay may ganoon."
"Since when was I a part of this Elite?" naguguluhan kong tanong.
Banri apologetically smiled at me. Napakamot siya nang batok. "Nakalimutan kong sabihin, Boss Noona, ako pala ang ika-sampung miyembro ng Elite. Dahil ikaw na ang bagong pinuno ng klaseng ito, sayo rin ang pwestong iyon," paliwanag nito.
"Taena, nagbibiro ba kayo?" sabat nung Ulysses Sy. "Sa likod ng building mamaya, hinahamon kita sa ika-sampung pwesto sa Elite." pahayag nito at tumalikod na.
"Lame. "
Dumukot ako ng isang gumball sa garapon at ibinato iyon sa direksyon niya. Saktong tumama naman ito sa likod ng ulo niya.
"How bout fighting me right here right now, unless you're afraid I'd beat your sorry ass infront of everybody." sabi ko kaya humarap siya sa akin.
Nagsilabasan ang mga tao sa hallway at ang iba ay nakasilip sa bintana dahil sa namumuong gulo.
"Teka, Noona! Wag mong ka--"
Pinasukan ko ng bubble gum iyong bibig ni Banri."Just shut up."
Pinatunog ko ang leeg ko at pinasa kay Drake iyong garapon na puno ng bubble gum kaya di rin siya nakaangal.
"Who should I fight?" tanong ko habang naglakad palapit sa kanila.
"Wag kang maangas di no naman kaya---"
May nakita akong lamok na dumapo sa noo niya kaya pinitik ko ito.
Nagulat naman ako ng biglang nawalan siya ng malay at bumagsak paatras.
'Oh right . Damn weak humans' I slapped forehead, nakalimutan kong babasagin pala ang mga mortal.
"Mukhang nakalimutan niya yatang mag-almusal." palusot ko habang nagpakawala ng pekeng halakhak.
A red spot was forming on his forehead where I flicked it. Tinanggal ko iyong bubble gum na nginunguya ko at dinikit sa noo niya.
Nadismaya naman ako. Ang angas angas niyang naghamon, I thought he was gonna give me a bit of a fight.
"Look at this scrawny arms. He hasn't been eating right." I raised his arms at niyugyog tsaka binitawan. Bumagsak naman iyon sa mukha niya.
Napabaling naman ako sa mga kasama niya. "Sino sunod kong makakalaban?"
Nagtinginan sila at nagtulakan. Their boss got knocked out, para silang manok na pinugutan ng ulo.
Napabuntong-hininga nalang ako at muling binalingan iyong lalaking walang malay. Mahina ko siyang tinampal sa pisngi. "Hey wake up, don't tell me that was it?"
Every student on the corridor was looking at me, sa kanilang mga klase na nasa harap ng silid nila, mga nakasilip sa pinto at bintana ay nakatingin sa akin.
"What are they looking at me for?"
"Diba sinabi kong may sistema ng pagkaka-uri ang Hell High na nahahati sa mga mahihina at malalakas?" untag ni Banri.
"Yeah," tugon ko naman.
"Nasa ilalim ni Sy ang mga klase ng east wing ng ikatlong palapag dahil tinalo niya ang mga lider ng bawat klase dito at ngayon ay natalo mo si Sy..."
"So?"
"Noona, ikaw na ang namumuno ng buong east wing ng 3rd floor. Hawak mo na ang Class 3-6 hanggan Class 3-10."
Tinignan ko ang hallway kung nasaan nakatingin sa akin ang mga estudyanteng mula sa Class 3-7 hanggang 3-10 na siyang kalapit lang namin ng silid.
Bahagyang napataas ang isang sulok ng labi ko.
Interesting.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top