5 | Quinque
(A/N: Ang kabanatang ito ay may temang SPG, may karahasan, lingwahe at droga, striktong patnubay ang kailangan. Read at your own risk.)
...
"Do you really want to stab me with that?" I asked in a low voice.
"Teritoryo ko to kaya kung may balak kang saktan ang mga tao dito, malalagot ka sa akin."
So this guy is kind of the superior here. Well...not anymore.
Hinarap ko siya. "If you're gonna stab me with that, you should've brought a sharper one." Ni hindi man lang ako kayang sugatan ng pipitsuging patalim na yan.
"Kung ako sayo lumipat ka nalang sa ibang klase." muli nitong sabi.
Nginisihan ko siya. "Mas lalo akong ginaganahang manatili pag lalo niyo akong tinataboy." I like seeing their pissed faces.
Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa may sumingit sa amin. It was the guy with the cap. "Teka, teka, chill lang tayo. Idaan nalang natin sa pustahan." Singit nito sabay baling sa akin. "Ako nga pala si Sanrio, prinsesa. Sanrio Alvarez," pakilala nito.
"Tama, idaan nalang natin sa pustahan." singit naman nung lalaking tinutukan ako ng kutsilyo. I still don't know his name.
Bigla namang nabuhayan ang loob ko. I love gambling.
"Deal." mabilis kong tugon at kita ko sa ekspresyon niya na parang nanalo na siya.
He must be confident he'll win. Too bad for him. In seventeen thousand years of my existence, not even once did I lose. In short, I. ALWAYS.WIN.
He twisted the knife on his hands then threw it on the desk at the center of the room.
"Simple lang ang laro, dapat mo lang akong matalo." he smugly stated.
Humawi naman ang mga tao at pinaligiran iyong mesa kung saan nakabaon iyong kutsilyo. He smirked and took a seat in front of the desk. Sumunod naman ako sa kanya at umupo kaharap sa kanya habang nasa pagitan namin iyong desk.
He placed his left hand on the desk. Each finger were an inch apart. He took the knife with his other hand then stabbed the spaces in between his fingers in a fast pace.
After five stabs he looked at me then smirked. "Ang unang masugatan ang talo. Kung mananalo ako, aalis ka sa klaseng ito, kung mananalo ka, gagawin namin lahat ng gusto mo." kampante niyang sabi at ngumisi na parang sigurado na siyang maipapanalo niya ito. "Kung takot kang masugatan prinsesa, maaari ka namang umalis na. Baka iiyak ka lang."
Pinatunog ko naman ang mga daliri ko. "Iyon din sana ang sasabihin ko sa iyo. It's okay if you cry, men can cry too."
Humalakhak naman siya. "Tignan natin ang tapang mo prinsesa." Bumaling naman siya sa kabilang direksyon at may tinawag na pangalan. "Mon." tawag nito at agad namang lumapit iyong lalaking binigyan ko ng pera kanina.
Dala niya iyong malaki niyang bag. He took out a bottle at inilagay iyon sa desk namin. He also took out two mini glasses.
"Di to libre ha. Isang daan ang isang bote, walang discount."
"Wag kang mag-alala, ang matatalo ang magbabayad sa alak," sabi nito sabay baling sa akin.
Napakunot naman ako ng noo habang mariing pinagmasdan ang bote sa harap ko. "What's this?"
Mas lalong lumawak iyong ngisi niya. "Masyado ka bang kinukulong sa palasyo mo at kahit alak wala kang alam?"
"Anong kinalaman nito sa laro?" kunot-noo kong tanong. I'm quite curious as to how it tastes.
"Nakalimutan kong sabihin, kailangan mong uminom ng isang shot bago sa isang round. Ang pinakaunang masugatan ang talo at ang natira ang panalo. Ganoon lang kasimple. "
No wonder he was so confident, there was a catch. He probably expected that since I haven't drank this before, I'm going to lose for sure.
That guy named Mon opened the bottle and poured each on our glass.
"Wala nang atrasan, prinsesa." He pushed the shot glass infront of me tsaka iyong kutsilyo. "Ladies first."
I raised the glass and began to inspect it. Inamoy ko pa ito and it sure have this interesting smell in it. Being in hell all my life, I've never really tasted or knew human things. Based on the knowledge I absorbed on that guy on the alley, I still have so much to learn especially on experience.
Narinig kong umingay ang paligid. Everyone gathered around us except for that girl in the corner who was still sleeping.
"Pusta ko kay Banri!"
Napatingin ako sa lalaking kaharap ko. So this mortal's name is Banri. Tch. It sounds like a loser's name.
"Ako rin kay Banri!"
"Tae sinong pupusta sa prinsesa? Walang mangyayaring pusta nito." rinig kong sabi ng isa.
"Hahaha ako nalang. Kawawa naman." sabi naman nung lalaking baliktad ang pagkakasuot ng sumbrero na nagpakilalang Sanrio.
"Walang sisihan pagnatalo ah." sambit ng isang lalaki sa kanya.
"Ano prinsesa, natatakot ka na?" untag sakin ni Banri kaya muling nabaling ang atensyon ko mula sa paligid.
I examined the weird liquid one more time and finally poured it down my throat. Agad akong natigilan at hindi ko mapigilang mapapikit.
It's cold yet when it slides down your throat, it has this acidity that burns your throat and it felt so damn good. Nag-iinit iyong katawan ko. I could feel fire flowing down my throat to my stomach at wala sa isip akong napalunok muli upang maranasan muli ang sensasyon.
I can finally relate to Cerberus, no wonder kumakain siya ng mga pagkaing mortal kahit ipinagbabawal iyon sa impyerno. Who knew humans can create such wonderful things.
"Ano hahaha, wag mong sabihin, unang baso palang nahihilo ka na?" tukso nito.
I was pulled back to sanity at the noise. Nagtawanan naman sila.
I licked the corner of my lips as a smile began to sprout from it. I ignored them and grabbed the knife.
Looking at their reaction, parang nabigla yata sila sa ikinilos ko. Were they creeped out by my smile?
Pinaikot ko muna iyong kutsilyo sa kamay ko para masanay ako sa paghahawak nito then stabbed it in the space between my fingers at a speed two times faster than he did earlier.
Pagkatapos noon ay itinutok ko sa kanya ang kutsilyo ilang sentimetro mula sa ilong niya kaya gulat siyang napalayo.
I leaned in closer to him at ibinaliktad iyong pagkahawak sa punyal kaya ang hawakan na ang nakatutok sa kanya.
"Your turn."
Tumahimik iyong paligid sa pagkabigla. That Banri scum eyed me sharply at padabog na hinablot sa kamay ko ang kutsilyo. "Tch. Mauubos din ang chamba mo prinsesa."
..
Isang oras ang nakalipas ay halos sampung bote na ang naubos namin and I'm damn craving for more. I can't count anymore ilang shots na ang nainom namin pero kanina pa tumahimik ang paligid. Tension was dominating the place, malayo sa kanina na kampanteng-kampante ang mga reaksyon nila.
To be honest, I got bored already. I just kept playing because I like drinking it. I found out that the drink had a side effect to humans. Pagnapasobrahan sila ay magsisimula silang mahilo. Psh, humans are indeed weak. Although, I'm quite amazed how he managed to remain sober.
"Mukhang hindi pa nauubos ang chamba ko. Gusto mong bigyan kita?" I laughed at my own statement but no one seems to be having fun except me. Tutok na tutok sila sa amin habang pinapalakas ang loob ng pambato nila.
I love to see their hopeful faces only to see it disappear from their faces later on. I'll make sure to savor every bit of it.
Naiinis niya namang hinablot ang kutsilyo mula sa akin at tumungga ng isang shot. Nagsisimula nang mamula iyong mukha niya. His moves were starting to get sluggish since three rounds ago.
I'm really enjoying how he's now struggling to control his hand movements. I can even do this with my eyes closed.
Nagsimula na niyang isaksak ang kutsilyo sa pagitan ng mga daliri niya. He was down on his last stab nang napamura siya. The rusty smell of blood wafted my nose.
"Putcha!" Unti-unting tumulo iyong dugo mula sa gilid ng hintuturo niya.
"Baby!" sigaw naman nang babaeng nasa tabi niya na agad kinuha ang daliri nito at binalutan ng panyo. I guess they're in a relationship.
Everyone was dead silent as the fact that they lost was still trying to sink in their minds.
Muli na namang sumilay sa labi ko ang isang ngisi. "Hell yeah."
I grabbed my shot glass and drank from it which was supposed to be intended for the next round. Agad kong pinunasan ang labi ko at ibinagsak ang baso sa desk kaya napalingon lahat sa akin. "I'm taking over this class."
Natalo sila at ayon sa pustahan, pag nanalo ako ay susundin nila ang lahat ng gusto ko. I'm gonna make them regret making a bet with me.
I could hear some complaints. I turned towards the girl beside Banri who was in the middle of talking
"Wait, sino ka ba sa tingin mo? Do you think susunod kami---kyaaah!" she shrieked.
I threw the knife at her, cutting her off. It passed a few centimeters from the crook of her neck, cutting a few strands of her hair. The knife flew past her at bumaon sa pisara sa likod niya.
Kita ko ang pagkabigla sa kanilang mukha na siyang ikinatahimik ng paligid. Muli ko namang nilagyan ng alak ang baso. I can't seem to get enough of this.
I took one sip from the glass and crossed my legs before looking at them smugly. "This is my hell now, bitch. I make the rules."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top