2| Duo
Dedicated to this wonderful woman: @Nyaanyag. Again, thank youuu!
...
Devi's Point of View
'Not bad,' I muttered to myself as I wore the piece of human clothing that coincidentally fell at my feet. It's a lot warmer than what I wore previously.
Napatingin ako sa bangkay na nakahandusay sa harap ko. "Burn." I commanded and this time, fire engulfed the lifeless mortal. I stared at it until it incinerated into ashes. As the flames were extinguished turning the body to ashes, I felt a sluggish feeling again, that similar feeling right after I arrived here.
Sinubukan kong magpalabas ng apoy sa kamay ko pero walang lumabas. Tinitigan ko iyong bato sa paanan ko at sinubukang palutangin pero hindi ito nagalaw.
I got pissed off and kicked the stone away instead. It landed a hundred meters away from me.
Hindi ko parin maintindihan kung anong nangyari pero sigurado akong hindi tuluyang nawala ang mga kapangyarihan ko. Parang may kung anong limitasyon lang sa paggamit ng kapangyarihan ko sa mundo ng mortal.
I shook my head and walked towards the end of the alley. Wala man akong kapangyarihan, ay mas mahihina parin ang mga mortal.
Muli akong napatingala sa kalangitan.
Hmmm...what do I do next? I don't really know how this world works so I'll just have to explore it.
Nagsimula akong maglakad nang walang direksyon sa pupuntahan.
Ilang mga minuto ang nagdaan ay pawang katahimikan at mapayapang buwan ang tangi kong kasama. It was getting boring and I was starting to question if escaping from hell was worth it.
Bigla akong napahinto nang may narinig ako. Nabuhayan ang dugo ko nang may maamoy at marinig ako. Parang pamilyar sa akin iyon, ang mga hiyawan, murahan at mga dain ng sakit. Mula doon ay nakakaramdam ako ng galit, sama ng loob at takot. Higit sa lahat ay langhap na langhap ko ang amoy ng dugo. Parang nanginginig ang kalamnan ko, not because of the cold but excitement.
May nangayaring away mula sa di kalayuan.
Dinala ako ng paa ko sa pinangyarihan ng mga ingay na iyon. When I saw the scene, my heart immediately fluttered.
Halos sila lahat ay duguan at may galos. Nagpapalitan sila ng mga suntok at sipa at may iba na nakahandusay na sa lupa.
'Interesting.' pipi kong usal nang maobserbahan ang nagyayaring away.
Parang hindi patas iyong laban dahil apat laban sa higit sa sampo ang naglalalaban-laban pero gayunpaman ay napapatumba pa nung apat ang mga kalabang lumalapit sa kanila. There were more than five people littered on the ground at hula ko ay pawang mga kalaban iyon ng apat dahil pare-pareho silang naka-itim na jacket na pareho ang disenyo.
Sumandal lang ako sa pader malapit sa akin kung saan malaya kong napapanood ang nagaganap na laban. Tumagal din ang laban nang ilan pang mga minuto at wala pang sumusuko hanggang ngayon.
I sighed in disappointment. To be honest, it was getting kinda boring. Hindi ito ang inaasahan kong away. They lack brutality compared to demons I see fighting in hell, pero ano pa bang asahan ko sa mga mahihinang mortal na ito.
Though I have to give those four people credit. I was amazed on how long those four people held. Unlike their enemies, their attacks were on point lalo na iyong isa sa kanila. Maayos at malinis iyong mga atake nila pero habang tumatagal ay parang humihina na sila. Mukhang malapit na sila sa hangganan nila. Mula rito ay naririnig ko na ang mga hingal nila.
Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang nagdaan pero isa nalang ang natira mula sa apat na lalaki at may anim pa sa kabila. Iyong mga kasamahan niya ay nakahiga na sa lupa at walang malay. They lasted longer than I initially expected.
Sinubaybayan ko ang bawat galaw nung lalaking natira because I like underdogs. Hinihingal na siya tsaka halos hindi niya na maimulat ang kaliwang mata niya dahil namamaga na ito.
He ran towards the one that was nearest to him and attacked him. Napatumba naman niya ito pero bago pa man siya makakilos muli ay biglang may humampas sa kanya ng kahoy mula sa likod dahilan para mapaluhod siya. Tatayo pa sana siya nang sinipa siya sa likod at pinagtulungan na ng limang natirang kalaban niya.
Napahikab ako. Aalis na sana ako pero napagpasyahan kong manatili muna.
Pinagtitripan na nila iyong lalaki habang nanatili itong nakaluhod sa lupa.
One guy with numerous piercings on his face kicked him on the stomach at napasuka ito ng dugo pero nanatili parin itong nakaluhod.
I squinted my eyes. Malakas ba iyong pagkakasipa niya? Parang hindi naman pero bakit napasuka ito ng dugo. Do humans really have such fragile bodies or was there some secret technique in the kick?
Naglakad ako palapit sa kanila habang tinatago ang presensya ko kaya di man lang nila ako napansin.
Narinig kong tumawa iyong lalaking sumipa. "Ano ka ngayon? Hahaha... akalain mo nga naman, diba miyembro ka ng Elite sa Hell High? Wala ka palang binatbat eh," aniya at tumawa pa. Tahimik naman iyong kinakausap niya at nakayuko pa.
I wondered what they're talking about but I didn't really care that much.
Bumwelo iyong lalaking may mga hikaw sa mukha at akmang sisipain sa mukha iyong lalaki kaya mabilis kong sinalag iyong sipa niya na ilang pulgada lang ang layo mula sa ulo nito.
Nakarinig naman ako ng mga singap mula sa paligid. Wala ni isa ang nakapansin sa akin bago ko salagin ang sipa nung lalaki kaya mukhang nabigla sila sa biglaang pagsulpot ko.
I was still holding the guy's foot. Napakunot ako ng noo habang pinakiramdaman iyong sipa ng lalaki. It wasn't that strong. My hands felt like it's been hit by a baby.
Ibinaling ko ang tingin sa duguan lalaking sisipain sana. He was bloody as hell at punit din iyong kilay at labi niya. Namamaga na din ang mata niya.
He was badly beaten by this kind of impact? Hmmm. I guess humans are just weak. My strength despite having restrictions of my powers is far more superior than them.
"Sino ka? Pano ka napunta dito? Bitawan mo ako!" He tried to pull his leg away and I found it offensive. How dare he move without my permission.
Bahagya kong pinisil iyong paa niya at may narinig akong parang tumunog. Napahiyaw naman siya. Nagulat naman ako sa lambot ng mga buto nila.
I scrunched my nose.
"Your feet smells," usal ko sabay bitaw sa paa niya. Bumagsak siya sa lupa habang hawak hawak ang paa niya. I think it's broken.
"Tsk." Ipinahid ko sa damit ng lalaking nakaluhod ang kamay ko. My hand got dirty when I grabbed that guy's foot.
"Gago ka!" sigaw nito habang sinasamaan ako ng tingin. Ramdam kong tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at dumilim ang tingin niya sa akin. "Hell High uniform?"
Naramdaman ko namang nagtaas ng tingin iyong lalaking nakaluhod. Parang nagulat at nuguguluhan siya habang tinitignan ako.
"Hoy Kaiden. Hindi mo sinabing nagdala ka din pala ng kasama, baliw pa," sambit nito, I think he was talking to the guy kneeling beside me. "Suot niya ang uniporme ng Hell High eh Sabado ngayon, mga baliw talaga ang nag-aaral sa eskwelahan niyo!"
Bumuhat ako ng dalawang taong nagkalat sa lupa at ipinagpatong sila tsaka inupuan. Hindi sila makapalag dahil wala naman silang malay.
"Masyado kang madaldal para sa isang taong malapit nang mamatay," simple kong sambit at dumekwatro.
I saw that guy clenched his jaw at nagpumilit tumayo. I saw him flinch in pain. He can still stand? It seems like, I didn't squeeze his foot hard enough after all. Good for him. "Tang-inang Hell High, ang yayabang ng mga ungas porket may mga konteng malalakas na nag-aaral sa kanila." galit niyang sabi.
"W-wag mo siyang idamay, gago. L...labas siya dito..." pakiusap nung lalaki, whose name I think was Kaiden. Nakakapagsalita parin pala ito.
"Malas lang niya nakialam siya." tugon nito sakanya. Tinignan naman nito iyong kanyang mga kasamahan at sinenyasan. " Bugbugin din tong putang to, pakialamera eh."
"Sisiw." rinig kong sambit ng isang lalaki kasama niya at naunang sumugod sa akin.
How dare this worthless sack of shit look down on me!
I effortlessly evaded his attack.
Tumayo ako at nag-inat habang iniiwasan ang mga atake niya.
"My turn."
Itinaas ko iyong paa ko. I was about to deliver a killing blow to his neck but I stopped just an inch before I hit him. Agad din naman silang napatigil sa pagsugod sa akin.
The impact was so strong that his hair moved. Ibinaba ko ang paa ko at kasabay noon ay napasalampak din iyong lalaking sumugod sa akin na parang tinakasan ng kaluluwa dahil sa putla ng mukha niya.
I think that gave him a shock. Tahimik parin ang paligid.
'Yeah, humans are fragile.' paalala ko sa sarili ko. If it was a normal demon, the kick would've just knocked it out for three days tops. But since it's a human, I might've beheaded him already if I continued that kick.
'I'm pretty sure separating the head from the body will kill you.' I realized na napalakas ko pala ang pagkasabi non. They looked at me weirdly.
I sighed. I would love to kill them but I'm pretty sure it will complicate things unlike that guy in the alley. I'll just have to adjust my strength from now on. I looked down on the guy who dared attack me. " Let's see how far you can fly."
Naguguluhan siyang napatitig sa akin. I just smiled at him and kicked his stomach. Bumagsak naman siya ng ilang metro mula sa akin.
Napalabi ako. Two meters is a bit short and he already lost consciousness. Hininaan ko na iyong lakas ng sipa ko doon.
"Putang-ina mo!" sigaw nung kasamahan nila. Mukhang nakahuma na sila sa pagkabigla.
Liningon ko naman sila. "I may not know about my mother but that is really offending. I'm kinda pissed so can you let me beat you up already?" pang-iinis ko sa kanila at mukhang tumalab naman.
All of them ran and attacked me. Napahikab naman ako at mukhang mas nainis pa sila sa akin.
I can't help but laugh. Humans are imperfect creations of the Creator. They are self-centered, they are prideful and sinful. I wonder how something so vain came from someone so pure. They love violence to assert their dominance.
Habang iniiwasan ang mga atake nila ay nag-inat ako. "I had my fun already. Pwede na kayong magpahinga," sabi ko. I smiled at them and this time, instead of evading their attacks, I was the one who attacked.
Wala pang isang minuto ay napatumba na silang lahat. The strongest among them was the guy whose foot I injured.
He was still conscious despite lying on the ground, face down. I crouched down infront of him.
"Oy." tawag ko pero hindi siya sumagot. Either he's pretending to be unconscious or he's too beaten up to move. Hinila ko ang buhok niya para maangat ang mukha niya sa akin. Kita ko naman siyang napangiwi. " Don't pretend like you didn't hear me, scum. It's rightful for the winner to take its prize. Naturally, I would take your life, but that would be a problem. What can you offer me?" usal ko.
"I...hmdkd..mfgh." Nanubig na iyong mga mata niya. I think he's just begging me to spare him. I may or may not have broken his jaw.
Tsk. Binitiwan ko na iyong mukha niya and he face-planted into the ground
"Useless trash."
Napaisip ako. Base sa kaalamang nakuha ko mula doon sa lasing doon sa eskinita, isang bagay lang ang pinapahalagahan niya sa buhay...
"Money." I muttered to myself. It's money, it's what most people value in life. Napahalakhak ako. Hindi na ako nagtaka kung bakit maraming pumapasok sa impyerno ngayon.
"Alright, napagdesisyunan ko na ang kukunin ko." kausap ko sakanya kahit wala siyang tugon.
Dumukot ako sa bulsa niya at wala man lang siyang kibo. Mukhang napasobrahan ko yata ang pagbugbog sa kanila kaya di na sila makakilos.
One by one, I reached down their pockets and took their money.
The last one I approached was that guy who was kneeling before, that Kaiden guy. Nakasalampak na siya sa lupa.
"S-sino ka?" tanong niya habang nagtaas ng tingin sa akin.
"A loser does not have the right to know." I gave him a grin.
Napabuntong hininga siya at kusang ibinigay ang wallet niya.
I smirked as I took his money. "Not bad, lowlife."
Seeing that they're starting to slowly gain their consciousness back, I decided to leave.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top