11 | Undecim
Sa loob ng Class 3-1
"Insan, relax." kalma ni Sy sa nagpupuyos sa galit na Baron. Parang dinaanan ng bagyo iyong loob ng silid dahil sa pagwawala nito.
"Papatayin ko ang babaeng iyon. Walang hiya siya! Gaganti ako kahit anong mangyari." halos mamula ang mata nito sa galit.
"Pero insan, totoo ba iyon sinabi niya kani---" hindi na nito natapos ng kwinelyuhan siya ni Baron.
"Isa pang banggit sa bagay na iyon, may paglalagyan ka talaga sa akin. Tumahimik ka, naiintindihan mo ba ako?" wala namang nagawa si Sy kundi tumango nalang.
"I hear you have a problem with some unknown bitch joining the Elite. Hindi mo na kailangan pang maistress. Baka nakalimutan mo ang sistema ng Elite." isang tinig ang narinig nila mula sa pintuan ng silid dahilan para mapumta ang atensyon ng dalawa dito.
"Roxanne." pagtukoy nila sa babae. Ang ika-walong ranko sa Elite.
Pumasok ito at umupo sa isang upuan malapit sa kanila at dumekwatro pa.
"Hindi pa ganap na miyembro ng Elite ang babaeng iyon hanggang di pa niya nakukuha ang approval ng higit sa kalahati ng siyam pang miyembro," sabi nito.
"Malamang papayag ang mga iyon. Wala naman silang pake kung sino man ang mapabilang ng Elite." iritang sabi ni Baron.
"Exactly, that's why it's up to us to filter those unworthy rats," she said and flipped her hair. "We'll assemble the members later." dagdag pa nito.
"Sigurado akong hindi pupunta si Raziel at Suzune." sambit ni Baron.
"Dummy, kahit hindi makapunta ang una at ikalawang pwesto ng Elite basta hindi sang-ayon ang limang miyembro ng Elite ay maaalis din iyong babaeng iyon."
"Tama! Kung makukumbinsi natin si Shu ay susunod din iyong sunud sunuran niya. Ang ikaapat na rankong si Laiden ay sasang-ayon sa desisyon ng nakararami at si Chaos..."
"Sisiraan natin siya kina Chaos at tiyak na hahamunin siya nito. Likas na mainit ang ulo nun kaya siguradong bugbog sarado ang babaeng iyon sa kanya. Maliban kay Suzune at Raziel, si Chaos ang sunod na pinakamalakas kaya kampante akong matatalo niya ang babaeng iyon. At kapag tapos na ito sa kanya, ipapabugbog rin natin siya sa mga tauhan mo," pahayag ng babae.
"Tama. Sigurado akong kinabukasan ay lilipat na ang babaeng iyon sa kung saang impyerno mapalayo lang dito." sang-ayon ni Baron.
Nagtawanan sila. "Humanda iyong babaeng iyon."
...
DEVI
"Pano ba to bubuksan." I muttered to myself while struggling to open another jar of sweets. Gusto kong basagin iyong garapon pero nagtitimpi lang ako.
I heard a sigh and the sound of a book being closed. Walang iba kundi ang lalaking palagi kong kasamang tumambay sa rooftop ng building.
Hinablot niya iyong garapon ng Stick-O na hindi ko mabuksan-buksan.
"I wasn't asking bu--"
Nabuksan niya ito pero bago isauli sa akin ay kumuha siya ng tatlong stick tsaka umalis na sa rooftop.
Normally, I'd be insulted. Instead, it intrigued me. Para siyang pusa. He normally stays quiet and read his book at kung guguluhin ko ay aalis siya. This is the first time he approached me. I'm making progress.
Napangisi ako sabay subo ng stick-o. Come to think of it, I still don't know his name.
Wala pang isang minuto na umalis ito ay iniluwa naman ng pinto si Drake. Sumunod naman si Sanrio.
"Boss Noona!"
Napakunot naman ako ng noo.
"Anong problema?"
Nasanay na ako kay Drake na basta basta nalang sumusulpot sa rooftop na may dalang masamang balita.
"Wala naman, gusto ka lang namin bumalik sa class room."
"Ilang araw ka na ring hindi pumapasok sa klase. Sabi ng ibang teachers, pag di ka pa pumasok ay ibabagsak ka na." ani Sanrio.
Napabuntong-hininga nalang ako.
"Fine." Tumayo ako at lumabas na sa rooftop kasama nila. I've got nothing to do besides eating anyways.
Ilang metro nalang at silid na namin ng may humarang sa aming dalawang lalaki.
"Sumabay ka sa amin sa gymnasium." sabi ng isa.
I shrugged. "Okay."
Nagulat naman sila dahil sa bilis kong pagsang-ayon.
"Noona!" bulalas nina Sanrio at Drake.
"Oh right I can't." bawi ko.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki.
"There's more chocolates in the gym if you go there." sabi ng isa kaya napakunot naman ang noo ko.
"Chocolates?"
I don't know what that is but I feel like it's good.
I weighed my choices. Chocolates or class?
Pumagitna si Drake at Sanrio. "Nagbibiro ka ba? Sinong kakagat sa halatang patibong mo. Kahit bata di niyo malilinlang. Malamang hindi sasama si noona---"
"Let's go. Which way to the gym again?" I interjected.
"Noona!" di makapaniwala nilang bulalas.
"I'll catch up later, una nalang kayo," sabi ko.
"Pero---"
Sinamaan ko sila ng tingin at nadala naman ang mga ito.
...
Ilang minuto pa ay narating ko na ang gym at pumasok na ako. Bukod sa pitong tao na nandoon ay wala nang iba pa ang nasa loob.
Habang papalapit ay sinuri ko ang mga tao.
There was a boy playing something on his gadget while sitting on the tall guy's lap. Parang kilala ko ang dalawang ito. Sila iyong nakasalubong ko kaninang umaga. Shu and the tall guy.
May dalawa ring lalaki na nag-uusap habang nakasandal sa pader. Iyong isa ay kulay pula ang buhok. Pamilyar din sa akin iyong lalaking kausap niya.
Sa sulok namang bahagi ng gym ay may lalaking nakahiga habang may nakatabon sa mata at may yakap yakap na unan. Mukhang natutulog ito.
Nakita ko din si Baron habang may kasamang babae na may mahaba at tuwid na buhok tsaka may mahahabang kuko na kulay pink. I've got a feeling that Baron has something to do with this.
"Where's the chocolate?" pahayag ko ng presensya ko.
Napalingon lahat sa akin ng magsalita ako, maliban nalang sa lalaking natutulog sa tabi.
Lumapit naman sa akin si Baron at iyong kasama niyang babae.
"Welcome to the Elite Initiation. I'm Roxanne Salazar, the eighth seat of the Elite," bati nung babae sa akin na may pekeng ngisi sa labi na halatang may hindi magandang binabalak.
"Normally, if an elite hands over their position, the others would give their permission immediately pero ininsulto mo ang imahe ng elite. Kaya dadaan ka muna sa butas ng karayom bago maging elite." saad ni Baron.
"When did I do that?" taka kong untag.
Nagtaas ng kilay iyong babae. "Don't bother lying, you think you can challenge an elite's authority? You do not belong with us. Let us teach you a lesso---
"Shut the chitchat, let's fight. I only came here for that. " putol nung isang lalaking nakasandal kanina sa pader na kulay pula ang buhok.
Bigla itong sumugod sa akin at binati ako ng isang sipa. Bahagya naman akong umilag dahil kung hindi ay matatamaan ang mukha ko.
I reminded myself that humans are weak creatures kaya sa halip na atakihin siya ng diretso ay sinalag ko nalang iyong sunod niyang atake. I'll end it maybe after a minute or two by giving him a soft blow to the back of the head.
Habang sinasalag ang mga atake niya ay may naramdaman akong pamilyar na aura mula sa kanya pero hindi ko ito matukoy kung kanino o ano.
Para kumpirmahin, sinadya kong kalmutin kaunti ang braso niya gamit ng kuko ko. May kaunti namang dugo na tumulo doon. Hindi niya ito napansin at patuloy lang sa pag-aatake sa akin.
"Parati mo nalang ba iiwasan ang mga atake ko?" inis niyang untag habang patuloy sa pag sipa at suntok.
Nabuhayan ang dugo ko nang maamoy ang dugo niya. Kung hindi ako nagkakamali, he had a little bit of trace of demon on his blood, I just can't figure out the rest pero sigurado ako, he's not ordinary. I feel like this will be a good fight.
I decided to have fun and let loose.
When his left arm was about to punch me, umilag ako at nagpakawala ng kamao sa sikmura niya.
Nagtaka naman ako nang tumalsik siya ng ilang metro at natumba. I thought he was gonna put up a decent fight.
Napakunot ako ng noo. Nagkamali ba ako? I thought, he was gonna last longer. Well, I was too foolish to expect. May bahid parin ng mortal ang pagkatao nito kaya kahit may nananalaytay mang kung ano sa dugo niya ay mahina parin ito. What do you expect from puny humans?
"Yun lang yun?" dismaya kong tanong.
"Hindi pa...tayo....tapos." I saw him struggle to stand up as blood dripped from his mouth. Agad niya naman itong pinunasan gamit ng braso niya. Sumibol sa labi niya ang isang ngisi. Kahit bugbog sarado ay mukhang nag-eenjoy pa ito sa laban.
He really isn't a normal human. If any other human received my punch they would've been knocked unconscious or possibly dead from internal injuries.
Nagsimula nanaman siyang tumakbo papunta sa akin at muli akong inatake. Mukhang mas bumilis ang kilos nito.
I evaded his attacks and gave him kick that sent him flying again pero muli na naman siyang bumangon na parang zombie at umatake.
"This is just pitiful, tatapusin ko na." I went to his back before he could even notice me and dealt a decent blow to the back of his head.
Sa wakas ay natumba na siya at nawalan ng malay.
Kita ko ang di makapaniwalang ekspresyon sa mukha ni Baron at nung babaeng kasama niya. Pakiramdam ko ay kampante silang matatalo ako but I proved them otherwise.
Lumapit sa akin iyong lalaking kausap kanina nung lalaking pula ang buhok. Akala ko ay aatakihin niya ako pero inilahad niya lang ang kamay niya sa akin.
"Nice to finally meet you, thanks for saving our faces last week. My name is Kaiden Villanueva," sambit niya at tinanggap ko naman ang kamay niya.
No wonder, he looked familiar to me. He was that guy who was almost beaten to death on the park.
"Bilang ika-anim na pwesto ng Elite, binibigay ko ang permisong maging parte siya ng Elite." nakangiting sabi ni Kaiden.
"Hindi maaari! Di niyo dapat pahintulutan ang babaeng iyan! Hindi siya nababagay sa Elite!" kontra ni Baron.
"Siya ang nagligtas sa amin noong nakaraang linggo ng tambangan kami ng taga ibang grupo. Nakita ko kung paano siya makipaglaban at ayokong kalabanin siya. Besides, he easily defeated Chaos, the 3rd rank, it's a losing battle for me," Tumingin siya sa cellphone niya tsaka ibinulsa. "Malapit nang unang klase sa hapon at dadlhin ko pa si Chaos sa clinic. See you next time, Miss." huling sabi nito bago hinila ang walang malay na lalaki palabas.
Nakita ko namang palapit si Shu saakin. "Nice to meet you again, noon--"
"Hey you, brat! You're the 5th rank, you don't want some newbie transferee on the Elite, right?" harang nang babae sa kanya.
"I love Noona. She's fun and by the way you're not. I only came here because I want to see Noona again. I approve of her position in the Elite, Ji-hoon says so too." irita nitong sabi sa babae.
Lumapit naman iyong lalaking matangkad sa amin. "Nakalimutan kong magpakilala, Shin Ji-hoon pala ang pangalan ko, noona. Ika-siyam na pwesto ng Elite." pakilala nito sa akin.
"Nooo! Hindi ito maaari!" sigaw ng babae.
Napahagod si Shu sa sikmura niya.
"We're done here. Hey Hoon, I'm hungry, let's go to the cafeteria. Carry me on your back." Lumuhod naman sa harap ni Shu si Ji-hoon at sumampa na ito sa likod niya.
"Oh and clown face, next time don't make up lies. Noona never said anything bad about the Elite. Liars go to hell and don't you think people there has got enough torture? Wag kanang dumagdag," wika ni Shu.
I chuckled a bit.
"You brat!" Sinamaan siya ng tingin ng babae ito pero wala itong nagawa dahil naglakad na sila palabas ng gym.
Nagmartsa naman ito papunta sa lalaking natutulog sa sulok. "Hey you! Lyrus, wake up!"
Napatanggal naman ito ng sleeping mask niya. "The fuck are you doing waking me up?" iritang sabi nito at tumayo sabay nag-inat .
"Tell me you don't approve of that bitch, right?"
"Tss." iyon lang ang nakuha nitong tugon. Hindi ito nagsalita at kinuha ang unan nito at nag-umpisang maglakad palabas ng gym.
"Saan ka pupunta?"
"This is was supposed to be my quiet napping place, I was here before all of you even came. And your annoying voice is ruining my nap. It's noisy here, I'm going to find somewhere else to sleep." sabi nito tsaka humikab.
"You don't consent right?" kulit nito sa kanya.
"I was gonna say whatever but because your annoying voice pisses me, I'm gonna give my permission. " huli nitong sabi at umalis rin palabas ng gym.
Nagsalita si Baron. "It's still not over, apat lang ang sumang-ayon--"
"Actually it's now 6 out of 5 majority votes. I just came back to deliver Raziel's decision. He said he gives his permission to Miss Devi. And Chaos gave his permission by default dahil natalo siya nito." biglang sulpot ni Kaiden.
"Hindi pwede!" pagtutol ni Baron.
Although I couldn't care less about the position in Elite, it's fun to see them get frustrated over me winning, at wala pa akong ginagawa sa lagay na iyan. Pumunta lang ako dito para sa sinasabi nilang chocolate pero hindi ko inaasahang may ganitong mangyayari.
"Are you questioning the Elite 1's decision? If anyone here does not belong in the Elite, it's you two. The only reason why you got your position is because nobody besides you two is that obsessed with the Elite position and we just let you join," malamig na sabi ni Kaiden sa kanila.
"Welcome to the Elite, Miss." baling ni Kaiden sa akin sabay ngiti ng matamis tsaka umalis na.
Suddenly, the woman screamed at me like a banshee at inatake ako. Totoo nga iyong sinabi nung lalaking may dalang unan kanina. Her voice is annoying.
"I don't know who you are so you better shut up." Bago pa man niya ako mahawakan ay sinampal ko siya gamit ng likod ng kamay ko. Tumalsik naman siya at nawalan ng malay.
I clicked my tongue. Considering that she witnessed our fight with that red haired guy, Chaos, akala ko may ibubuga siya para magkaroon ng lakas na atakihin ako. It turns out it was just a brainless action.
Binalingan ko si Baron na siya nalang natira. Naglakad ako palapit sa kanya at napaatras naman siya. Looks like he finally learned fear.
Habang paatras siya ay di niya namalayang may humarang sa paa niya dahilan para siya'y matumba.
I cracked my fist as I gave him a wide grin.
"Now...where's my chocolate?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top