1| Unus
Dedicated to this lovely lady: Mixxy_18. Thank you so much sa support :)
....
'Ugh'
Halos mapaduwal si Devi sa lupa nang bigla nalang siyang maitapon mula sa kawalan. Nanatili siyang nakapikit dahil umiikot parin ang kanyang pakiramdam.
'Fuck...ugh...I'm gonna kill that mutt,' mura niya sa kabila ng pagkahilo habang minamasahe ang sentido niya. 'Why didn't he warn me that the transport would be terrible?' reklamo niya habang iniisip kung paano paparusahan si Cerby pagbalik niya.
Nanatili siyang nakasalampak sa lupa habang nakapikit. Biglang humangin kaya bigla siyang napanginig sa lamig.
'Damn it, I told him to put me on a place somewhere hot,' she groaned while still keeping her eyes closed. 'Where in the world did that damn hound put me? I'll really cut his head off,' dagdag pa niya. She specifically said to put her in a place somewhere warm, why isn't it warm?
Muli na namang humangin at nagulat naman siya nang may mapuntang kung ano sa mukha niya. "Who dares--" Agad siyang napabalikwas at sa wakas ay iminulat ang kanyang mata.
It was dark but her eyes could see through the surrounding. She looked at the piece of human trash that dared touch her face.
It was some piece of paper with symbols written on it.
'It's more fun in the Philippines' basa niya.
She squinted her eyes on the piece of paper. "Burn."
She wished to burn it but it never set aflame. Agad siyang nagtaka, why isn't her powers working?
Nagdugtong ang mga kilay niya at inilibot ang tingin sa paligid. Mabaho at madumi ang lugar pero di niya naman alintana ito, sanay na siya sa masangsang na amoy ng naagnas na bangkay sa impyerno pero hindi rin iyon nangangahulugang gusto niya ang amoy na iyon. If she ever finds out who made it smell like this, she'll kill it.
Habang pinagmamasdan ang paligid ay pansin niyang nasa pagitan siya ng dalawang gusali. She felt a shiver run through her spine again. Ngayon lang siya nakaramdam nang ganitong temperatura. Nasanay na siya sa impyerno na sobrang init at dahil sa layo ng agwat ng temperatura sa daigdig at impyerno ay di niya maiwasang mapanginig. Nakasuot siya ng itim na bestida na walang manggas. Ilang libong taon na rin niya itong suot.
Pumikit siya at pinakiramdaman ang paligid. Malamig ang simoy nang hangin. Tahimik ang paligid at wala kang maririnig na iyak o sigaw. Kumpara sa impyerno ay madalas siyang makarinig ng sigaw at alulong.
'This is still boring,' isip niya. She wants something fun and right now, all she's getting is plain old silence.
Napatingala nalang siya sa langit at nakita ang buwan. It was round and big and shining. Kumorte namang bilog ang bibig niya. 'Woah, that Creator sure is something, why don't we have that in hell?' tanong niya sa kawalan. Talagang napahanga siya sa kalangitan. The sky was black but what made it brighten was that big shining circle. Napatitig siya dito ng ilang minuto na tila nilalasap lang ang tanawin ng unti-unti itong natatabunan ng ulap kaya muling nagdilim ang kalangitan.
She clicked her tongue. Muli siyang napapikit upang magpahinga ngunit agad ding napadilat nang may narinig siyang mga yapak malapit lang sa kanya.
"Ah, it's a worthless mortal." pagtukoy niya dito. Tumayo siya at pinagmasdan ang kilos ng lalaki. Hindi siya nito napansin kaya tinitigan lang niya ang bawat galaw nito.
Nakita niyang tumapat ito sa pader at binuksan ang pantalon nito at umihi sa pader.
Ngayon ay nalaman niya kung bakit mabaho ang lugar na ito.
Her jaw clenched. "This filthy sack of blood bears the sin of insulting me with his filthiness in my presence, he must die," sambit niya sa sarili.
Gagamitin niya na sana ang kapangyarihan niya upang mapunta sa likod ng lalaki pero hindi man lang siya naalis sa kinatatayuan niya.
"Why can't I teleport as well?" Muli niyang sinubukan at inisip na mapunta mismong likod ng lalaki pero ni isang pulgada ay hindi man lang siya nagalaw.
Agad siyang napakunot ng noo. She couldn't use the powers she often used. Tinutukan niya ang bato sa paanan niya at sinubukang palutangin ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi niya ito magalaw.
Agad siyang nagtaka, dahil ba wala siya sa impyerno kaya nawala ang mga kapangyarihan niya?
Sinuntok niya ang pader sa inis. Agad namang nagkabitak iyong pader. Napakunot siya ng noo, her strength is still there but most of her powers aren't. Nagsisisi siyang hindi niya tinanong si Cerby sa mga dapat asahan pag pumunta sa mundo ng mortal. Still, it's that damn hound's fault for not warning her.
Dahil sa tunog gawa ng pagsuntok niya sa pader ay napalingon ang lalake sa gawi niya.
"Shinoh...yhan huh?" tanong nang lalaki habang pagewang gewang na naglakad palapit sa kanya.
Marahil ay lango sa alak ang lalaki kaya hindi nito ramdam ang panganib na nakaambang.
Saktong huminto ito sa mismong harap ni Devi na nakakubli parin sa kadiliman. Agad niyang hinawakan ang lalaki sa leeg at itinaas ng ilang pulgada mula sa lupa.
"Ack." Pilit kinakalas ng lalaki ang pagkakahawak sa leeg niya ngunit mas bumaon pa ang kuko nito sa leeg niya. Hindi ito makasigaw dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa leeg nito.
Saktong hindi na natatabunan ng ulap ang buwan. At kahit papaano ay lumiwanag ang gabi. The moonlight struck her eyes and it shined in the darkness.
Nagliwanag ang kanyang mga mata nang tinutukan siya ng lalaki sa mata. Nakita niya kung paano nag-iba ang ekspresyon nito mula sa pagkagulat papunta sa pagkatakot.
Sa malapitan ay kitang kita ng lalaki ang kanyang anyo. Apat na sungay na nagmumukhang korona na tila pumapalamuti sa maitim niyang buhok, matutulis na tenga at mga matang kulay itim na may balintataw na pulang pula na tila sumasalamin sa lagusan papuntang impyerno.
Bakas sa mata ng lalaki ang sobrang takot at habang tinititigan niya ang lalaki sa mata nito ay ramdam niyang lumalakas siya. Hindi niya alam kung bakit siya lumakas pero di niya ito pinag-tuunan ng isip. Ramdam niyang parang bumabalik ang kapangyarihan niya at gumagaan iyong katawan niya.
Mas lumawak pa ang ngisi ni Devi sa labi nang makitang umiiyak at nanginginig na ang lalaki sa takot.
Pilit ibinuka ng lalaki ang kanyang bibig ngunit walang boses ang lumabas doon. "Ha...li...m..maw."
Napatawa si Devi na siyang ikinataas ng balahibo ng lalaki. She isn't the daughter of the devil for nothing.
Itinaas niya ang hintuturo at itinutok sa noo nito at ibinanaon ang kuko dito. "W-wag.." Ilang segundong nagpupumiglas ang lalaki bago ito tumigil na tila nawalan na ng ulirat. Tumulo ang dugo mula sa noo nito.
Ipinikit naman ni Devi ang mga mata niya at naramdamang dumadaloy ang mga kaalaman mula sa lalaki papunta sa kanya.
"Filipino is the language here huh." kausap niya sa sarili. Madali niyang naintindihan ang linggwahe base sa kaalamang dumadaloy sa kanya. Nanatili parin siyang nakapikit habang pilit inoorganisa ang bagong kaalaman na pumasok sa kanyang utak.
Makalipas ng halos isang minuto ay tinanggal niya na ang hintuturo na nakabaon sa noo ng lalaki at iminulat ang mata niya. Pinunas niya naman ang duguang daliri sa damit nito.
Nakipagtitigan siya sa ngayong walang buhay nang lalaki na nakadilat parin ang mata. Her appearance was reflected in his eyes.
Binitiwan niya na ang lalaki at humandusay ito sa lupa na parang isang batong walang kabuhay-buhay.
Napaisip si Devi. Kung gusto niyang malayang makapaglakwatsya sa mundo ng mortal ay kailangan niyang makibagay sa kanilang anyo. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa sariling iniisip. Hindi naman iyon naging problema sa kanya. She can change her appearance without the use of her powers. Iwinala niya ang kanyang mga sungay, pinalitan ang kulay ng mata sa karaniwang kulay ng mga mortal at ang mga matutulis niyang tenga ay napalitan din ng tulad sa mga mortal. Ngayon, ang kulang nalang sa kanya ay damit. Upang makibagay sa kanila ay kailan din niya ng damit na kapareho sa karaniwang sinusuot nila.
Nag-iisip pa siya ng paraan kung saan makakuha ng damit nang may kung anong bagay ang nahulog mismo sa ibabaw ng ulo niya.
Agad siyang nagtaka kung saan iyon nanggaling nang may marinig siyang ingay mula sa taas.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Napatingala siya at nakitang nanggaling ang ingay sa ikalimang palapag ng gusali katabi niya. Bukas ang bintana nito at rinig na rinig niya ang mga boses nila.
"Itinapon ko ang uniform ko! Ayoko nang pumasok sa eskwelahang iyon! Ayoko na doon! Alam mo ba iyong sabi ng iba sa eskwelahang iyon? Basurahan! Tapunan ng mga walang kwentang tao!"
"Naku! Ikaw talagang bata ka, problema ka eh! Diba ikaw lang din naman ang nagsabing doon mo balak pumasok?"
"Nagsisisi na ako! Ayaw ko doon. Impyerno ang iskwelahang iyon! Kahit pilitin niyo pa ako, hinding-hindi na ako papasok sa Hell High!"
A pair of shoes and socks also fell at muli itong nahulog sa mismong harap ni Devi.
Agad napantig ang tenga niya sa narinig. Tinignan niya ang unipormeng hawak-hawak niya.
Red flashed in her eyes then back again to black.
'Hell High,' sabik niyang bulong sa sarili.
....
A/N:
P.S. I welcome critiques in my story, and I would really appreciate it if you would. Thankssss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top