JUNO Operation 1.0
A/N: This chapter contains harsh words and theme that may not be suitable for young readers.
Just a friendly reminder, the author has no intention to embarass boys and uplift the reputation of girls. It was just purely for literary purposes.
JUNO
* * *
Burning in Desperate Way
I am still astonished by the fact that everything that my clients think comes true whenever they enter my club. Hindi ko pa rin alam kung sa paanong paraan ito nangyayari pero magmula noong may pumasok na kliyenteng humihiling na sana makalimutan niya na ang boyfriend niya na walang ibang ginagawa kundi ang lokohin siya ay nagsimula nang mangyari ang mga ganitong senaryo.
‹‹‹
It was November 3, 2017 when a girl named Chedessa entered my club and asked for my help.
"Juno, please help me," she said as she wiped her tears.
"Help you with what?" I asked.
"I really wanted to forget my boyfriend and I am too desperate to get over him. I don't care what method you will use as long as I ended up forgetting him then, it's fine with me. I hope you have a special power to do so."
What the--- special powers? There's no such thing as that.
"I don't need to use any special powers just to help you get over him. All I need is for you to cooperate. Susundin mo ba lahat ng sasabihin ko?" I asked her and she nodded as a sign of yes. I want to ensure if she'll be able to do the things that I ask her to do.
"Sure. I'll probably will," she said probably wanting me to trust her.
"Okay, so let start with the first step that you have to do. First, I need you to tell me everything that happened between you and your boyfriend."
"We had sex every weekends, he's a fucking expert when it comes to----"
"No no no. Scratch that. It's fucking gross, I mean I need you to tell me the things that he did kaya mo naisipang kalimutan siya agad-agad."
Ngayon ko lang nalaman na delikado pala ang pagtatanong ng mga tanong na hindi specific. May nalaman pa tuloy akong hindi ko dapat malaman.
"Oh sorry. Ilang beses ko na kasi siyang nakita na nambababae. Hindi ko na nga mabilang eh. At ako naman si tanga, forgive lang ng forgive. Go lang ng go, mahal ko eh."
Lagi namang ganyan ang rason ng mga babaeng dumudulog sa club ko. 'Mahal ko eh.' I'm so sick of that reason.
"At bakit ngayon mo lang naisipang kalimutan siya? At bakit hindi mo na lang siya hiwalayan? Magpakalayo-layo ka. Magpakabusy ka," I suggested but she just gave me a puzzled look.
"Minsan kasi akala natin mahirap ang lahat, na hindi natin kaya na wala sila. Pero sa totoo lang, hindi naman na natin kailangan pa ng advices. We can always think of a way on how to surpass our own problems. Alam na natin mismo sa sarili natin kung ano ang dapat nating gawin at hindi dapat. The only thing that makes it hard is that--- we're not ready yet. Hindi pa tayo handa sa maaaring kahinatnan nito. Na umaasa pa tayo na baka maisalba pa. Baka maibalik pa. At higit sa lahat, baka may ibang paraan pa."
"Maybe you're right. Alam ko na ang dapat kong gawin pero hindi ko magawa kasi nga sabi mo, baka hindi pa ko handa sa magiging kahihinatnan nito. Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya maiwan-iwan noon pa. Pero ngayon, alam ko sa sarili ko na desidido na ko na hiwalayan siya at tuluyan siyang kalimutan."
"What makes you think that way? Bakit ngayon kung kailan hulog na hulog kana?"
"Ewan ko ba, bigla na lang akong nagising na pagod na pagod na sa kakaintindi sa kanya. Knowing him, siya 'yong taong hindi basta-basta nagpapaiwan. He's treating me like a toy. He's controlling me. He even--- he even..."
"Shh. It's okay. You don't need to tell me everything if you're not ready yet." Nahalata ko na rin kasi na sinasaktan siya ng boyfriend niya not only emotionally but physically too. Base pa lang sa mga pasa niya sa braso niya. Pansin ko rin na naka-turtleneck siya para na rin maitago 'yong dapat itago. Sadista siguro ang nobyo nito.
"Alam mo, gusto man kitang tulungan pero wala akong powers na basta-basta nagagawang magkaamnesia ang tao. All I can do is to protect you."
"Protect me? H-how?" tanong nito habang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak niya.
"I need you to transfer school immediately. Huwag mong hayaang saktan at abusuhin ka. Magpakalayo-layo ka. Ika nga nila, time heals all the wounds. Hayaan mong ang oras na lang ang gumamot sa mga sugat mo. Pasasaan ba't makakalimutan mo rin siya."
"But I can't. He has a video of our love making and he's blackmailing me. Sabi niya ikakalat niya raw ang video namin kapag sinubukan kong tumakas sa kanya," wika nito at dahil dito, hindi niya na napigilang mapahagulgol.
"I guess, I have to use my Plan B now. My Deleterious Plan," nakangising sagot ko. "Now, I need you to show me the picture of your boyfriend, his schedules, his habbits, everything."
"S-sure but--" sagot niya na parang naghehessitate pa.
"Yes? Any problem with that?"
"Make sure that you're not going to hurt him. I still love him though."
"Hmm. I think I have to reconsider that."
Sinabi niya naman lahat ng kailangan kong malaman. And after an hour ay isinagawa ko na ang plano ko. Sinundan ko si Kiel ang boyriend ni Ched. Infairness, he's handsome as hell but an assh*le, I guess?
Sinundan ko siya habang naghahanap ng mauupuan sa cafeteria. Napili niya namang umupo sa table ng grupo ng mga babaeng pangdisplay ang datingan. Oops--- sorry to say that pero may mga babae talagang pampalamuti lang.
Maybe you're wondering why I said those harsh words despite na alam n'yo nang ako ang tagapagtanggol ng mga kababaihan. God knows how much I love to help girls but He also knows how much I hate b*tches. Sila kasi 'yong mga taong sumisira ng reputasyon naming mga babae kaya may mga lalaking nanloloko. Wala naman kasing manloloko kung walang magpapaloko. At walang lalaking maiisip na manloko kung hindi ito naloko. Well, I know there are still cases na likas na mga manloloko na talaga sila kahit wala namang rason kung bakit.
√ Playboy
Sinulat ko ang salitang 'playboy' sa notebook at patuloy na nagmasid sa kanilang direksyon. Minsan nagtataka talaga ako kung bakit nagagawa pa ng mga kalalakihan na magsaya sa kabila ng pagdadalamhati ng kabiyak nila.
"Maiwan ko muna kayo ladies," wika nito bago tuluyang umalis. Hmm. I smell something fishy.
Sinasabi ko nga ba may bahong itinatago 'tong lalaking 'to. Finally, hindi na ko mahihirapan pang mag-isip ng paraan kung paano ko tutulungan si Ched.
Patuloy ko lang siyang sinundan as he went upstairs. Mukhang papunta siya sa rooftop ng canteen which is bibihirang puntahan ng mga estudyante lalo na kung ganitong oras kung saan tirik na tirik ang araw.
"Hi Jenny," bati nito sa isang babaeng kita na ang kalahati ng dibdib. Dito pa talaga nila naisipang gumawa ng milagro.
"Hi Kiel, kanina pa kita hinihintay dito. Kanina pa ko nasasabik sa'yo," sagot naman ng babae sabay sunggab ng halik sa lalaki.
"Masyado ka namang mapusok babe. Hindi na ba yan makapaghihintay hanggang mamayang uwian?"
"Babe, wala namang ibang tao ngayon dito kaya okay lang 'yan. Miss na miss na kasi talaga kita eh."
Nagsimula na kong kunan sila ng video. Don't get me wrong wala akong balak ipagkalat 'to sa buong campus. Ibabalik ko lang sa kanya kung anong feeling ng binablackmail.
"B-babe--- harder pls! Ahh!"
"I'm cumming! Ugh!"
Matapos akong makakuha ng sapat na panlaban sa kanya ay kaagad akong umalis. Hindi ko na kasi masikmura 'yong mga ginagawa nila.
"Oh, Juno! Sa'n ka galing at mukhang pinagpapawisan ka?" tanong sa'kin ni Hera pagpasok na pagpasok ko sa clubroom.
"Ah, wala 'to. May inasikaso lang akong kliyente," sagot ko. Totoo naman, may inasikaso lang talaga akong kliyente. Ang masaklap nga lang, mukhang mapapasubo ako sa ganitong klaseng kaso.
"Gano'n ba? 'Yan ba 'yong kaso na idinulog sa'yo ni Chedessa Corpuz?"
"Oo 'yon nga. Ang hirap-hirap nga ng kaso niya. Masyadong hayok sa pambabae ang boyfriend niya."
"Kanina pa kasi 'yon nandito. Pinaalis ko lang kasi mahigit isang oras na siyang nakaupo diyan sa couch. Ni hindi pa nga yata 'yon nanananghalian. Kaya sinabi ko na tatawagan ko na lang siya kapag nandito ka na."
Mabilis na tinawagan ni Hera si Ched at wala pang sampung minuto ay nandito na siya. Masyado naman yatang nagmamadali sa paglutas 'tong babaeng 'to sa kaso nila ng boyfriend niya.
"Kumusta Juno? Nakita mo ba siya? Ano may naisip ka na bang solusyon? Makakalimutan ko na ba siya agad?"
"Pwede ba isa-isa lang muna?"
"O-okay. Sorry, masyado na yata akong nagmamadali."
"Nakita ko nga si Kiel, ang boyfriend mo. At kasalukuyan pa rin silang gumagawa ng milagro ng kasama niyang haliparot sa rooftop ng canteen," pagsisimula ko kaya naman hindi niya naiwasang maging hysterical.
"Ano?! Pati ba naman sa loob ng campus pinapangalandakan niya pa rin ang pagiging playboy niya?! Teka lang muna at makikita niya ang hinahanap niya," wika nito. Mabuti na lamang at mabilis siyang nahawakan ni Hera dahil kung hindi ay baka nagtatakbo na 'to papuntang canteen.
"Pwede ba huminahon ka muna, walang mabuting mangyayari kung papairalin mo 'yang galit mo. Hayaan mong kami na ang mag-isip ng paraan kung paano ka namin matutulungan."
"Tama si Hera, ang mabuti pa gumawa ka ng paraan kung paano namin makakausap 'yang babaero mong boyfriend."
"Sige, magkita tayo mamayang alas singko sa tapat ng gate 4 ng school. Doon sa SeredipiTEA Cafe. At sana may naisip na kayong solusyon kung paano ko siya makakalimutan," wika nito at bago niya pa man tuluyang pihitin ang pinto palabas ay bigla siyang tinanong ng awang-awa na si Hera.
"Gusto mo ba talagang makalimutan na 'yang manloloko mong boyfriend?"
"Syempre naman. I want to be my old self again. 'Yong ako na hindi pa siya nakikilala. 'Yong masayang ako," sagot nito habang nagbabadyang tumulo ang mga luha niya.
"Sigurado ka bang 'yan talaga ang gusto mo? O gusto mo siyang magbago dahil nagbabakasakali ka na maibabalik n'yo pa 'yong dati ninyong pagsasama?"
"Inaamin ko, malaking parte pa rin sa puso ko ang nagsasabing gusto ko pa. Na umaasa pa rin akong may magbabago pa. Na ako ang pipiliin niya. Na ako lang, walang iba. Pero sa tuwing binibigyan ko siya ng pagkakataong patunayan ang sarili niya, ako naman 'yong nadudurog. Hindi ko na nga kilala ang sarili ko eh, masyado na kong nagpadala sa t•ng•n•ng pag-ibig na 'to. Mahal ko siya, pero ayoko na," pagpapaliwanag nito habang nagpipigil na umiyak. Maaaring sa ngayon ay hindi ko pa ramdam kung anong klaseng sakit ang nararamdaman niya, dahil bukod sa wala akong boyfriend, ay isa rin akong NBBSB. 'No Babaerong Boyfriend Since Birth'. Gano'n pa man ay gustong-gusto ko na siyang tulungan.
"If then, I need you to sign on this paper." she said as she give her a pen and a record book and the rest is history.
I don't know how we manage to blackmail Kiel to finally give her up but instead of giving him up indefinitely, he change. Hanggang ngayon ay isa pa ring malaking milagro ang biglaang pagbabago niya. Seeing him so inlove and happy with Ched whenever we bumped each other in the campus is weird. Maybe the tables have turned and this time, siya naman ang inalababo kay Ched. Well, she deserved to be love.
But, wait---
"Hera," I said after reminiscing the past. "I think I know the reason why our clients ended up having what they really want," I continued but she just gave me a stoic look.
"I think it's because of this pen and this record book." Napansin ko kasi na sa t'wing isusulat nila ang pangalan at pirma nila ay nagkakatotoo ang mga hiling ng puso nila.
"May sakit ka ba? Anong rason ang pinagsasabi mo?" Oh I guess, I was right. Wala pa nga pala siyang alam sa kababalaghan na nangyayari sa loob ng club.
"Never mind," I said as I continue sorting papers needed for the university's accreditation.
Maybe my guess was right and I am looking for our next client to confirm it.
* * * * *
A/N: Happy New Year everyone! I hope you'll support this story just like how you supported Immure Academy. Besides, patapos na naman ang journey ni Bliss so why not you support Juno! I assure you that it's a helpful book to those who have love issues. I guess we all have. Sino ba namang walang problema sa mga lalaki 'di ba? HAHA. Just kidding! :')
Do you have love issues?
I-comment na 'yan! Malay mo, love issue mo na ang susunod na update. <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top