EPILOGUE
Epilogue
"She's a good friend" wika ng isang boses mula sa gilid ko. "Hindi man lamang kami nakapag-usap ng maayos. I never expected that she'll end up this way."
She wiped away the tears in her eyes habang nakatingin sa harap ng puntod. Her voice was full of sadness and longing as those blank and swollen eyes stared at her grave. Bahagyang tinapik ko siya sa balikat upang maibsan ang sakit na kanyang nadarama. I don't know if such helps her to feel better. Hindi ako sanay mang-alo ng tao but I guess I was doing a good job dahil pagkatapos ng ilang sandali ay yumakap siya sa akin at muling napaiyak.
We lost a friend-no, not just a friend but a dear one. She betrayed me but I know there's a reason. And I forgave her. I know, all that she showed to me before was real. Mula sa pag-aalala na hindi ako kumain o kaya ay hindi ako pumasok dahil nanatili lamang ako. She would scold me like a mother did to her stubborn child but it was of good intentions. Therese Lozano was a good friend, no doubt about it. At sa huling sandali ng buhay niya ay napatunayan ko na hindi pala nasayang ang pagkakaibigan namin dahil tinuring niya pa rin akong kaibigan.
Andi pulled herself from me. "I'm glad that it's all over, Amber," she said in between her sobs. "Pero mami-miss ko pa rin si Rese."
"Ako rin."
She gave me a sweet smile ngunit biglang napakunot ang noo niya nang makarinig kami ng ilang beses na pagbusina ng kotse. "I think you need to go. Naiinip na ang driver mo."
Sinulyapan ko ang itim na kotse sa di kalayuan. I mentally roll my eyes when I remembered that the most impatient person in the world was waiting inside the car. "Pabayaan mo 'yun. Madali talagang mainip ang devil na 'yun."
"Devil? He's the most gorgeous devil I've ever seen. If devils are like him, I think I'll be a bad girl and go to hell with them," nakangising wika ni Andi. Geez, she still haven't changed. Sa aming tatlo ay siya ang tipong mahilig sa tatlong bagay-lalaki, damit at sapatos. If Rese is here, paniguradong pinagalitan niya ulit ito dahil sa pinagsasabi nito. "You go ahead. Darating na rin si Ryan," wika niya, referring to her current boyfriend.
Nagpaalam na ako sa kanya at tinahak ang daan patungo sa kotse ni Ryu. Nakaabang siya sa akin sa harap ng kotse at nakasandal doon. As expected, his brows met at binabato niya ako ng masasamang tingin.
"Ang tagal-tagal mo," reklamo niya.
"Wala pang 30 minutes ay puro ka na busina," sabi ko sa kanya. "And why the hell you're the one to fetch me at Bridle?"
"Mom told me so," wika niya. "Get in. I think I'll kill your friends at the back kung hindi pa tayo aalis."
Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Why? What's wrong with Math and Jeremy?" tanong ko at bahagyang tumingin sa likuran ng kotse.
"Jeremy said he'll call the police."
"What?! Bakit naman?"
"Kasi marami raw na patay rito. And when he added his unending laughter, I need to get out of the car before I'll choke him to death," inis na sagot nito. Hindi ko na lamang siya sinagot at agad na pumasok sa loob ng kotse.
Nang pinaandar niya ang sasakyan ay hindi ko maiwasang balikan sa isipan ang lahat ng nangyari. There were moments when we want to escape life and wished to vanish like a sea foam but the more I think about it, it made me realize that life shouldn't be escaped but rather be faced. We should strive hard and live our life. My life is extraordinary. Our life is extraordinary. Life isn't something that you just have to go with the flow. You have to make actions to create your own path and flow on that chosen path.
There are a lot of memories-good and bad and those will never be forgotten. There were scars of all those hardships. We all have a scar which either bring good memories and bad one. But these scars isn't something that made us think how hard our life was. Instead, these scars are proof of our survival. Now that everything has ended, we have to make decisions.
One decision we have to make in life is to embrace inevitable endings and to welcome new beginnings. The ending that I chose is to be brave. I was brave not because I am fearless but because I chose to do the right thing. I recognize my fear, yes I was afraid. I was afraid that I might get killed in the process yet I still did it.
It was a very dangerous plan. At natatakot akong gawin iyon sa simula. But in times of fear, that's when courage arises. I succeeded in destroying the Genesis by entering the right kill code- thanks for Victoria's do or die plan. Nang natagpuan ko ang sarili kong nasa bahay ulit niya, I told her what happened and how Jeremy was held as a captive.
Just like me, she was furious. But the best thing about her is that she didn't stare in the space for hours like I did. Umalis siya nang gabing iyon at nang bumalik siya kinabukasan ay may dala siyang blueprint. It was the blueprint of the mansion owned by Tross.
Nang tinanong ko siya ay kung saan niya iyon nakuha ay hindi niya ako sinagot. Sa halip ay sinabi niya sa akin kung saan ako pwedeng pumasok. She told me to stay at the sewer system and wait for anyone from the Genesis to see me. She also handed me a knife which I hid on my foot just like she instructed. Ayon sa kanya ay iyon ang gagamitin ko upang kalagan si Jeremy. She gave me considerable time before the explosives she planted around will explode.
Noong una ay hindi ako sang-ayon sa ideya ng C4 which GOD knows from where she got those. Alam kong hindi pareho ang hangad namin. I wanted to destroy the Genesis and save Jeremy samantalang siya naman ay upang iligtas lamang ang dating kaibigan.
But in the end I conceded in the idea using C4. I conceded because I cannot do anything about it. I was desperate to save Jeremy-kahit iyon na lang sana ang magawa ko. The hell with that code! Ang importante ay si Jeremy. Ngunit nang mangyari ang mga hindi inaasahang bagay. The mafia intervened and as well as the police. Ang inaakala kong pagsabog na galing kay Victoria ay galing pala sa mafia.
There were few casualties but Tross escaped. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikalungkot iyon but the thought of defeating them by shutting down their system is a big fulfillment to me. Moments before the explosion, I was able to get to the exit plan that Victoria told me to take. Iyon ay ang daan na madalas gamitin ng mga magnanakaw, sa air vent ng mansyon.
It's been three weeks since it all happened at katatapos lamang ng completion ceremony sa Bridle. Mom invited me to Vander Mansion para sa salo-salong hinanda nila para sa aming tatlo nina Gray at Zywon.
Nang makarating kami doon ay agad akong sinolo ni Mommy. Math and Jeremy were left at Gray's company samantalang dinala ako ni Mommy sa isang silid at sumunod doon si Ryu at Zywon.
"Congratulations, Sweetie, I'm so proud of you," bati ni Mommy sa akin. Mula nang dumating kami ay hindi na ako iniwan ni Mommy. She sat with me all the while and she keeps on hugging me for completing my high school. Masamang tingin naman ang natatanggap ko mula sa magkapatid.
"Thanks, Mom," nakangiting wika ko sa kanya. Napalingon ako nang makarinig ako ng pagtikhim.
"Magka-college na rin ako," wika ni Zywon at nginitian siya ni Mommy.
"Congratulations, baby!" wika sa kanya ni Mommy bago muling ibinaling ang paningin sa akin. "Oh, by the way, Sweetie, I have a gift for you. Just wait here."
Nang makaalis ito ay ibinaling ko ang tingin kay Ryu at Zywon. "What?" I mouthed at them.
"Ano'ng pinakain mo kay Mommy?" Ryu asked.
I rolled my eyes at him. "Are you jealous? Because if you are, e 'di bumalik ka nang senior high."
"Huh! Ang lakas na ng loob mong magsalita ng ganyan sa akin. Let me remind you that you were supposed to die if it weren't because of me. I chose not to kill you right away!" Naiinis na wika niya. When he said it, all the memories of our first meeting flashed in my mind. The masquerade, the firearms smuggling, his cold gun, his scent inside the car, and his fingernails that buried on my arms as he brought me here.
"Devil!" I shouted at him at mas lalo lamang napakunot ang kanyang noo. Maybe he hates it even if it really suits him well.
"I completed my high school!" wika naman ni Zywon. Like his brother, he was jealous of me because of Mom.
"Ano ba'ng ikinapuputok ng butse ninyong dalawa? Anak din ako ni Mommy at mas matagal kaming nagkasama," I said, stucking my tongue out to them. And I successfully pissed them out.
"Nakasama ko naman ang Tita mo," sagot ni Zywon sa pang-aasar ko. Just then Ryu looked at him with a wrinkled brows na ikinagulat ng huli. "What?"
"Speaking of her Tita... Why the hell did you ask for Zywon's birthday?" tila naghihinalang tanong nito. Does that mean..." Sinadya niyang huwag tapusin ang tanong at bahagyang sinulyapan ang kapatid.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Zywon sa akin at kay Ryu. Nang ibinuka ko ang bibig ko upang magsalita ay bigla na lamang napatalon tungo sa akin si Zywon at tinakpan ang bibig ko.
"It means nothing! Coincidence lang na may kinalaman sa birthday ko, hindi ba, Just Amber?" wika niya at pinanlakihan ako ng mata.
"Is that so?"
"Yeah," wika ko at bahagyang nag-iwas ng tingin.
"You two are hiding something," pagdududa ni Ryu. Humalukipkip siya at tiningnan ako. "You'll die if you will not tell me."
"My lips are sealed, devil!"
"And I think I know a way to unseal those," he gritted through his teeth at nakipagsukatan ng tingin sa akin.
Bigla na lamang pumasok sa utak ko ang eksenang hinalikan ako ni Ryu sa bar. What the! I felt my cheeks became red kaya bigla akong napaatras at umalis doon.
"I'm leaving!" I ran towards the door upang makaalis doon. Ilang beses kong sinapak ang sarili ko dahil sa pag-iisip ng ganoon. Nadaanan ko ang nakabukas na silid kung nasaan si Mommy kaya pumasok ako roon.
"Mom..."
She smiled and told me to sit on the bed. Nang makaupo ako ay umupo siya sa harapan ko. She showed me a gold heart locket at inilagay iyon sa palad ko. "Open it, Sweetie."
I looked at her for a while bago sinunod ang sinabi niya. Nang mabuksan ko iyon ay tumambad sa akin ang dalawang larawan na nasa loob ng locket. It was Dad when he was younger and on the other side was a beautiful woman who looks like her. I don't know why but my tears raced to fall from my eyes.
"That's your biological mother," kumpirma ni Mommy sa iniisip ko. "She's Amethyst."
Hindi ko napigilan ang sarili kong humikbi habang nakatingin sa larawan ng mga magulang ko. "S-she's pretty like you."
"She's a great woman, too," wika niya. "Sa huling pag-uusap namin ni Bernard, he told me how good she is. Alam mo bang mas pinili niyang i-sakripisyo ang pagmamahal niya sa Daddy mo upang piliin ang kabutihan? I think you got such trait from her. That's hers."
My hands were shaking as I stared at the locket. "Sana ay nakita ko man lang siya..."
"I'm sorry, Sweetie. Everything was complicated."
Ngumiti ako sa kanya at yumakap. "Thank you for this, Mom."
"I wish I can tell her how you grew up like her. Pretty, brave and righteous. Sigurado akong ipagmamalaki ka rin niya." Mom caressed my hair and it helps to lessen my sadness.
"You think so?"
"Of course, Sweetie. The best thing in a woman's life is motherhood. And I'm happy to have you as my daughter, not by blood but by heart."
Mas lalo lamang akong naiyak sa sinabi ni Mommy. We remained in such position for few minutes until she pulled me. "Huwag kang umiyak. Baka isipin ng mga kaibigan mo, inaway kita," wika niya at pinahid ang mga luha ko. Kinuha niya ang locket sa kamay ko at isinuot iyon sa leeg ko.
Magkahawak ang kamay na bumaba kami kung saan nagtipon sina Gray, Math at Jeremy. Naroon na rin sina Cooler, Zywon at Ryu. Nagpaalam si Mommy na pupunta muna sa kusina upang i-monitor ang paghahanda. When she left, I sat beside Math who was intently listening at Jeremy at nasa paanan naman namin ang aso kong si Filter.
"May apat na kwento ako, makinig kayong mabuti at sabihin niyo sa akin kung ano ang pagkakatulad nila, okay?" panimula nito.
"Go ahead," wika ni Cooler. Maliban kay Math, siya lang yata ang tila interesado sa mga pinagsasabi ni Jeremy.
"Unang kwento, may isang bata. Bumili siya ng tatlong kilong bigas na 50 pesos per kilo. 200 yung pera niya so dahil 150 ang pinamili niya, 50 nalang dapat yung sukli niya. Pero sinuklian siya ng tindera ng 100!"
"Ang bobo ng tindera," tila naaasar na wika ni Ryu.
"Yun na nga eh, so sabi ng bata dapat 50 lang ang sukli-"
"If it's me, I will not tell the vendor. Sa akin na lang yung sobra," sabat din ni Zywon. Geez, can't they wait for Jeremy to finish? Magkapatid nga talaga sila, walang duda.
"Pero sabi ng tindera, 'Wag ka ngang makialam! Bumibili ka lang naman ah!"
"Rude vendor. Baka hindi niya alam ang 'customers are always right'," wika ulit ni Ryu.
"Pangalawang kwento," dugtong ni Jeremy. "May mag-asawang um-order ng pasta sa isang restaurant ngunit nang dumating ang order nila, hindi iyon pasta kundi beefsteak. Kaya ni-reklamo nila na hindi iyon sa kanila-"
"I prefer steak than pasta," sabat naman ni Cooler. Mukhang nahahawa na ito sa mga pinsan niya.
"Sabi nila: 'Waiter! Pasta ang in-order namin! Hindi steak!' tapos sagot naman ng waiter 'Wag nga kayong makialam! Kakain lang naman kayo ah!'"
"Huh! I'll make sure to shut down their establishment if I'll be treated that way," sabi ni Ryu.
"Pang-apat na kwento-"
"Pangatlo pa lang!" magkasabay na wika nina Ryu, Cooler, Zywon at Math.
Sinamaan sila ng tingin ni Jeremy. "Wag nga kayong makialam! Nakikinig lang naman kayo ah!" he shouted at them and when they realized that Jeremy got them, he bursts out laughing. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"I'm out of here!" wika ni Ryu at padabog na tumayo at umalis. Tumunog naman ang cellphone ni Cooler kaya umalis ito roon.
Naiwan naman kaming apat. A maid arrived at naglagay ng pizza sa harapan namin.
"Anong flavor po ito?"
"Pepperoni, Ma'am," sagot ng katulong at bumalik sa kusina.
"I like this one!" masiglang wika ko at kumuha ng isang slice.
"Me, too," Gray said at nagsimula na ring kumain.
"Me three!" masiglang sigaw ni Jeremy. Napatingin kaming tatlo sa kanya. Three? "Ano? Sabi mo Bestie, you like this one, sabi naman ni Abo, me too. Akala ko nagbibilang kayo eh! HAHAHAHAHAHA!" He shoved a slice to his mouth at muling tumawa.
"He's gotten worse," bulong ni Gray. Napansin niyang hindi kumukain si Math kaya nag-abot siya ng isang slice dito ngunit umiling lang si Math.
"Hala, ayaw mo talaga, Maya?" paninigurado ni Je. He picked up a slice at inabot iyon kay Math, but just like what she did a while ago, she just turn her head alternately from left to right. "Okay, akin na lang ang share mo."
"I'm doing an exercise right now," wika ni Math. Napatigil si Je sa pagsubo at tumitig saglit kay Math.
"Ah! That exercise! Mabuti naman at nang hindi ka tumaba."
"Jeremy..."
"Hmmm?"
Math looked at us and slightly blushed. "You said that if I'll do that exercise..." She stopped for a while and took a deep sigh.
"What?"
"You said you'll ask me out," nakayukong wika ni Math.
Je stopped eating and looked at her. "Ah, 'yun ba? You want it now?" Math nodded her head as reply.
"Yes. I want it now."
"Okay, get out," simpleng wika ni Jeremy. Tila nagulat naman ito nang marinig ang sinabi ni Je.
"What?!"
"Sabi mo gusto mong ngayon na. So I'm asking you out now. Get out," pag-uulit ni Jeremy na nagpapula ng husto sa mukha ni Math. Not because she blushed but because she's furious.
"I hate you!" Padabog na tumayo siya at agad na lumabas.
Tinanaw ito ni Jeremy habang papalayo. He picked a slice and shoved it to his mouth. "Hala, galit si Maya." Nagtatakang tumingin siya sa aming dalawa ni Gray. "Should I ask her in now?"
We both puffed air when he said those. Pinaikot ko ang eyeballs ko nang binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin. Tila naintindihan naman niya iyon kaya agad siyang napasimangot at tumayo. "Oo na, I'll ask her in! You two don't have to look at me that way."
Nagsimula siyang humakbang palayo ngunit nakatatlong hakbang pa lamang siya ay huminto siya at bumalik sa mesa upang kumuha ng pagkain bago tumakbo palabas.
Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinagot iyon nang makita ang pangalan ni Khael.
"Kha-"
"Congratulations Special A!" masiglang bati niya. "And because you completed your high school, I will treat you to the latest movies, newly opened sweetshop, unlimited arcade, books and of course, a date with the awesome Khael Alonzo! How do you like that?"
I can imagine his grinning face right now. "I'll take the first four except the last one."
Tumawa siya mula sa kabilang linya. "But that's the best among the five."
"Nah, I don't think so."
Muli siyang tumawa. "Mom's throwing a party right now. I wish you're here," puno ng sinseridad na sabi niya.
"That will be great but I can't. We're having a celebration here, too," wika ko sa kanya. Napakunot ng noo ni Gray habang nakatingin sa akin at nakikinig.
Narinig ko mula sa background ang pagtawag ng mommy ni Khael sa kanya kaya nagpaalam na ito. "Special A, I need to hang up now. Congratulations ulit."
"Thanks, Khael."
"Don't forget my treat okay? Bye, Special A," wika niya at agad na pinatay ang tawag.
"Is that Alonzo?" Gray asked nang inilapag ko sa mesa ang cellphone ko. Tumango ako bilang sagot sa kanya. "What did he say?"
"Nothing. Just giving me some freebies from him," sagot ko.
I don't know why, but I saw him cringed. He mumbled something in between his breath at siya lang yata ang nakakaalam ng sinabi niya.
He took a deep sigh bago humarap sa akin. "I have something for you."
Inabot niya ang box na nasa tabi niya. It was a blue box with a ribbon on its lid. "Para sa akin 'to?" I asked habang unti-unting binuksan ang box. I was smiling widely ngunit unti-unting napalis ang ngiting iyon nang mabuksan ko ang regalo.
"Actually, it's not for you," wika niya habang napakamot sa kanyang ulo.
"Yeah, I figured it out," I replied at inilabas ang bagay na iyon mula sa kahon. It was a dog's collar and a leash.
"It's for Filter," wika niya at kapagkuwa'y tinawag si Filter. Agad namang lumapit sa kanya ang aso, wagging its tail. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at tumabi sa akin. I was still astounded by the sight of the leash and collar kaya kinuha niya iyon mula sa kamay ko at ikinabit sa aso.
"When I first gave Filter to you, he was just this small puppy," nakangiting wika niya. He made a gesture with his hands to show how small Filter was before. "Bakit nga pala Filter ang pangalan niya?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. I named the dog after him but I'm too shy to admit it! At bakit ba tinatanong pa niya, hindi ba obvious kung bakit?
"G-gusto ko lang."
Tumayo siya habang hawak-hawak ang tali ni Filter. "Let's take him for a walk at the park."
Sumunod ako sa kanya palabas at nagpunta kami sa pinakamalapit na parke.
"What are your plans?" Gray asked habang naglalakad kami. Marami-rami rin ang tao doon and mostly were lovers.
"Mag-aaral."
"Pagkatapos mong mag-aral?" tanong niya ulit.
"Maghahanap ng trabaho."
He made a face at hindi ko pinansin iyon. "Pagkatapos mong maghanap ng trabaho?"
"Magta-trabaho na since nakahanap na ako," sagot ko at nalaglag ang balikat niya. "Why?"
His eyes met mine for a while. He opened his mouth na tila ba may sasabihin ngunit agad ding napatikom. I saw him punched himself and cursed silently.
"May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya.
"No. I mean.. Yes-uh." He looked tense at panay kuyom din ang kamao niya. He didn't dare to look at me in the eyes this time at panay iwas siya ng tingin.
"Ano 'yun?"
"A-ano..." Napakamot siya sa kanyang ulo at panay kagat sa kanyang labi. "Gusto k-ko sanang..." Nakayuko lamang siya at nakatitig sa kanyang sapatos.
"Gusto mo sanang?"
He took a deep breath and lift his head. This time his eyes met my gazes and all I can see was his seriousness. "Gusto ko sanang sabihin na...." He paused and continue to battle with himself. He closed his eyes and said it loudly.
"GUSTO KO SANANG SABIHIN SA 'YO NA MAG-ARAL KANG MABUTI!" he said at tinakpan ang bibig. I looked at him with a puzzled expression bago ngumiti.
"I will." Tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ako ng mensahe mula kay Mommy. "Bumalik na tayo, hinahanap na nila tayo."
When I turned to my back, I heard him cursed all the way at nang nilingon ko siya ay tila naiinis na pinagsusuntok niya ang sarili. Eh? What's wrong with him?
Nang lulan na kami ng kotse pabalik sa mansyon ay hiniling kong tumigil muna siya sa harap ng bahay ni Victoria. I told him to wait for me in the car at bumaba ako upang puntahan si Victoria. I took the usual way ngunit nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay bakante na ang loob ng bahay.
There was still that queen size bed ngunit wala na ang mga malalambot na unan at mabangong bedsheets. The table was empty. Gone were the beautiful painting and antique collections that scattered around the room. I don't know how to feel upon seeing the room empty. Tumakbo ako patungo sa closet ngunit gaya ng inaasahan ay wala rin iyong laman.
"Victoria...." I said to myself.
"Oh, ano?"
I almost jump in surprise nang marinig ko ang boses niya. It was coming from the ceiling. Nang tumingala ako ay nakita ko si Victoria na pababa mula roon.
"Victoria!"
Bumaba siya at tumayo sa harap ko. She gave me a very sweet smile. "Congratulations."
"For what?" nakakunot ang noong tanong ko. "Wait, you're following me?"
"Bakit ko naman gagawin iyon?"
"Ewan ko sa 'yo. Wow, you're really following me." I said which made her cringe.
"Mangarap ka. Hindi ikaw ang sinusundan ko. Si Cal-basta. Wag ka nang pumunta rito. Aalis na ako," wika niya at bahagyang tumalikod sa akin.
"Where are you going?"
"Hindi ko sasabihin." She pulled something from her pocket and handed it to me. Nanlaki ang mga mata ko nang makita iyon. It was the celestial timepiece with the opaline front dial. Iyon ang relo na ninakaw niya dati sa ospital.
"You want me to return this?" tanong ko. "Kanino? Kay Jeremy o dun sa lalaki sa ospital?"
Napasimangot siya sa akin at kinuha iyon. She held my wrist at ikinabit ang relo doon. "Tanga, para sa 'yo yan."
"But this isn't yours in the first place?"
"Sinong may sabi? Lahat ng nakukuha ko ay sa akin na."
"But I thought this is very valuable to you..."
Ngumiti siya nang hindi umabot sa mata. "Oo ngunit may mga bagay na kailangan nating pakawalan. Hindi naman porke't binigay ko ito sa 'yo, ibig sabihin ay kinalimutan ko na ang halaga nito. Binibigay ko 'to sa 'yo dahil sa tingin ko ay maaalagaan mo ang pagkakaibigan na halaga nito." I can feel the sincerity in her voice. Ngumiti ako sa kanya at binigyan siya ng tinging nagsasabing 'I will value this thing as well as the friendship.'
Tumalikod siya sa akin upang umalis ngunit mahigpit na hinawakan ko ang kamay niya. "Stop stealing Victoria. Start new. Live a new life with me. I think I have enough to support our studies. We can live an average life."
Tinanggal niya ang nakahawak kong kamay at tumingin sa akin. "Maraming salamat, Amber ngunit hindi ko iyan magagawa. Pulis lang ang nagreretiro, hindi ang magnanakaw."
She stepped on the table and jumped to take the way she used a while ago. Nang nasa taas na siya ay tinawag niya ang pangalan ko at muntik na akong mapasigaw nang hinagis niya sa akin ang isang bagay. It was my cellphone. The first cellphone she stole from me.
"What the hell?!"
Sunod niyang inihagis ay isang napakaliit na bagay which was-my simcard?! Kinapa ko ang bulsa ko at napamura nang mapagtantong wala na roon ang cellphone ko.
I heard her laughed. "Ibinabalik ko na sa 'yo ang dating cellphone mo ngunit kukunin ko itong bago. Hindi mo na kailangang magbago ulit ng number dahil nasa sa 'yo na rin ang simcard mo. Paalam, Amber!"
"VICTORIAAAAAAA!" I shouted furiously as I watched her disappeared from above.
#
~END OF DETECTIVE FILES~
Thank you for being with me all throughout the trilogy. Thank you for giving me so many reasons to write. Let's spread love! God bless us all.
OTHER BOOKS
• Detective Files Untold - DF Scenes which didn't make it in the trilogy.
• Catch Me If You Can
•VANDER SERIES
Vander #1 - Dealing with the Devil (RYU Vander Morisson story)
Vander #2 - Under No Illusion (COOLER Vander)
-ShinichiLaaaabs/Tammii♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top