CHAPTER 55: DRESSED TO KILL
Chapter 55: Dressed to Kill
"Anong gagawin natin diyan?" nagtatakang tanong niya nang makababa siya sa taxi. Nasa harap kami ng isang shop ng gumagawa ng women's clothes at gowns.
"Mamamalengke," sarkastikong sagot ko. May mga pagkakataon talaga na pantanga ang tanong ng mga tao. "Couture nga diba? Magsusukat ka ng damit."
Nauna akong naglakad papasok sa hindi kalakihang shop at sinalubong kami ng babae. Malawak ang ngiti nito at iginiya kami sa loob.
"Magandang araw sa inyo! Welcome to Ivy's Atelier! Anong kailangan nila? Traje ba? Sinong ikakasal?," lumapit ang babae kay Victoria at sinuri ito nang malapitan. "Ikaw ba? May damit kami na babagay sayo-"
"Naku hindi po!" Agad na iwinasiwas ni Victoria ang kanyang mga palad. Then a naughty smile escaped from her lips as she pointed at me. "Siya po."
"Ikaw? Naku, mukhang ang bata mo pa." Inayos ng babae ang kanyang suot na salamin sa mata. "Pero di bale, wala namang pinipiling oras ang pag-ibig eh. Siyanga pala , ako si Carly, assistant ni Ivy. She's inside at may kausap na kliyente."
"Naku, nagkakamali po kayo. Hindi po damit pangkasal ang hinahanap namin-" napatigil ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto sa loob ng shop at iniluwa doon ang nanggagalaiting babae.
"Maayos akong nakipag-usap sa inyo tapos ngayon ito?!" nakapameywang na singhal ng babae sa kasunod nito. May nakasabit na tape measure sa balikat nito, I figured out she was the designer.
Napatayo naman ang isa sa tatlong tao na nasa sofa at nagbabasa ng mga magazine. "Franz, honey? Anong nangyari?" tanong ng lalaki.
"Ano ba tong couture na ito? Sabi ko naman sa'yo na wag dito diba? Look, ang pangit ng ginawa niyang design, she even used substandard materials!"
"Ma'am-"
"At ang liit pa ng shop na ito! We should go somewhere kung saan walang ipis!" Tumingin ito sa isang babae na nasa sofa. Marahil ito ang ibig niyang sabihin sa sinasabi niyang "ipis."
"Kapag hindi malinis ang isang tao, malamang pinepeste talaga," sagot ng babae sa kanya. I saw the girl's companion pat her back at pinigilan na lamang itong pumatol sa babae.
"Kita mo na ang kabastusan ng ex mo Marc?!"
"Honey..."
"Bakit kasi dito pa eh!"
"Sa tingin ko ay masaya 'to," mahinang sambit ni Victoria. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tila wala lamang iyon sa kanya.
"Pasensya na kayo," paumanhin ni Miss Carly sa amin. "Medyo magulo talaga yan sila. This isn't the first time na nagkasagutan ang dalawang babaeng 'yan."
"Pasensya na po," wika ng lalaking tinawag na Marc. He looked apologetically at Miss Ivy.
"Bakit ka humihingi ng paumanhin sa kanila? Sila ang dapat na humingi ng paumanhin sa atin!"
Hinarap kami ng babaeng sumalubong sa amin kanina. "Pasensya na kayo, nandito ang mga catalogue namin para sa traje-"
"We're not looking for a wedding dress. May ready-made ba kayong corporate suit na para sa kanya?" Bahagya kong tinulak sa Victoria kaya tinapunan niya ako ng masamang tingin. Sa katunayan ay maari naman kaming magpunta sa ibang mall o boutique but after what happened, ayaw ko munang magpunta sa mga mall!
"Dito tayo Ma'am," nakangiting wika ng babae at iginiya si Victoria sa gilid kung saan may mga nakahanger na damit. Naupo naman ako sa sofa at pasimpleng nanuod sa mga nangyari.
"Honey, pumunta na lamang tayo sa iba. You see? Hindi na nga maganda ang designs nila, hindi pa timely!"
Tumayo ang isang babae na nasa couch. She must be the ex that the other girl was referring. "Maari ko na bang isukat ang damit ko?," tanong niya. She passed the couple but I saw her glared at them.
"Sure, halika sa loob", Miss Ivy said and guided her towards the door beside the office. Apat ang pintong nakikita ko sa loob, probably fitting rooms and the office of the designer. Naiwan naman ang kasama nito at maging ang magnobyo.
"Honey, I can't stand your ex! Nakakainis siya!" reklamo ni Franz. Inirapan niya ang babaeng kasama ng isa at maarteng naupo sa couch, across me.
"Hon, itigil mo na ang pagseselos mo okay? Everything between me and Anya was over for a year. Ikaw na ang mahal ko, ikaw ang pakakasalan ko diba?" paglalambing ng lalaki.
"Talaga? Ako lang ang mahal mo?"
"Of course, ikaw lang ang mahal ko. I cannot live without you Honey, I love you so much." The guy planted a kiss on the girl's nose samantalang pinigilan ko naman ang sarili kong mapangiwi.
I can't live without you?! Pfft! Anong akala niya sa girlfriend niya, oxygen?
Tumunog ang cellphone ng babaeng nasa couch kaya agad itong lumabas at sinagot iyon. Bumukas naman ang pintong pinasukan ni Anya at lumabas si Miss Ivy. Agad siyang lumapit sa magnobyo.
"Pasensya na talaga, kung gusto niyo ay bibigyan ko kayo ng discount. Hindi ko natapos ang design sa tamang oras kaya-"
"Huwag ka nang magpaliwanag. Pag-iisipan pa namin kung dito ba talaga kami magpapagawa," maarteng wika ni Franz.
Lumabas naman si Victoria sa isang fitting room at suot niya ang itim na slacks at asul na polo. She positioned herself in front of me. Iwinasiwas ko ang kamay, tanda na hindi ko gusto ang napili niya. Hindi siya mukhang abogada sa suot kundi nagmukha siyang konduktor ng isang bus line. She frowned at me before she went back to the fitting room.
"May banyo ba kayo?," tanong ni Marc at tumayo.
Tinuro ni Miss Ivy ang isang pinto. "Iyan ang CR."
Marc excused himself at agad na tinungo ang pinto. Nagpaalam naman si Miss Ivy kay Franz.
"Kukunin ko muna sa opisina ko ang mga bagong designs Ma'am."
Franz just rolled her eyes at her bago ito pumasok sa kanyang opisina. I scanned some magazines habang hinihintay si Victoria. Nang lumabas siya ay suot-suot niya ang kulay maroon na polo at itim na palda.
"Choose something simple," wika ko sa kanya. Masyado kasing overrated ang burda ng blouse. Napasimangot ulit siya at padabog na pumasok ulit sa pinto.
Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik ang kasama ni Anya. Even Marc who went to the comfort room at maging si Miss Ivy na nagpaalam na may kukunin sa opisina niya.
"Siguro naman okay na'to?" tanong ni Victoria nang pangatlong beses na paglabas niya sa fitting room. Suot niya ang itim na coat na nakapatong sa puting ruffled blouse at itim din na palda. It was simple yet elegant. Mukhang naiinis na rin siya sa ginagawa naming dress up.
"I think that will do," wika ko and she sighed in relief. Bumaling ako kay Miss Carly. "Kukunin po namin ang damit."
She smiled at me habang hinihintay si Victoria na makapagbihis ulit. I saw Franz glance at her watch at tila at nababagot na sumandal. She must be bored waiting for her fiancee.
Lumabas si Victoria na may hawak na cord. Nilalaro niya iyon sa kamay sa pamamagitan ng paggawa ng knot.
"You're good in making knots," komento ko at sinuri ang ginawa niyang shoelace knot.
"Kahit elementary ay alam 'yan", wika niya at binawi ang iyon sa akin. "Tinuturo daw 'yan sa scouting sabi ni Calvin." She made another knot which is a cat's paw knot.
"Je taught you to tie knots?"
Bahagyang kumislap ang mga mata niya. "Oo, ano man ang natututunan niya sa paaralan dati ay tinuturo niya sa akin." I sensed longing in her voice. She must have missed him.
Kinuha ko ang cord sa kamay niya at tinanggal iyon. "I am knowledgeable with knots but I find it hard to make one." Itinaas ko ang ginawa ko, it was just a simple knot.
Bumukas ang pinto at pumasok ang kasama ni Anya. She looked around to see if her company is done trying the wedding dress ngunit nang hindi nito mahagilap ang hinahanap ay lumapit ito kay Miss Carly.
"Miss Carly, hindi pa ba lumalabas si Anya?"
"Hindi pa yata Sybil eh. "
The girl named Sybil walked towards the door where Anya is at kumatok doon. "Anya, hindi ka pa ba tapos?" She waited for a while ngunit walang tugon mula sa taong nasa loob. "Anya?"
Come to think of it, she's been inside for a little while now. Hindi naman siguro aabot ng halos trenta minutos ang pagsusukat ng damit diba?
"Baka naman namatay na siya sa inggit sa loob," maarteng wika ni Franz at bigla na lamang akong kinabahan. Namatay? Uh, that was not a good joke.
"Pwede ba, magmove on ka na!" Sybil said to Franz at maarteng inirapan lamang siya ng huli. Muli niyang kinatok ang pinto. "Anya? Anya? Anya, buksan mo nga tong pinto." Unti-unti nang nataranta si Sybil dahil kahit anong katok niya ay hindi sumasagot si Anya. Bumukas naman ang pinto ng opisina ni Miss Ivy at lumabas ito na pawisan.
"Anong nangyari?"
"Si Anya po kasi hindi sumasagot!"
Nataranta si Miss Ivy. "Carly, kunin mo ang susi!"
I rose from my seat at lumapit na rin sa pinto. Sakto namang lumabas din ng banyo si Marc.
"Sorry Honey, medyo sumakit ang tiyan ko..." He stopped and looked at us. "What's going on?"
"Si Anya, hindi sumasagot sa loob!"
I saw his face became worried at susugod na rin sana sa pinto ngunit hinawakan ito ng fiancee niya. She raised her brow at him while holding the hem of his shirt. Wala naman itong nagawa at naupo na lamang sa tabi ng nobya.
Dumating naman si Miss Carly na dala-dala ang susi. Agad niyang binuksan ang pinto at napasigaw si Sybil nang tumambad sa amin ang loob ng silid!
Anya was hanging on the ceiling wearing a wedding dress!
Halos walang ni isa man sa amin ang makapagsalita habang nakatingin sa katawan. She was hanged from the wall ngunit hindi iyon masyadong kataasan. Si Sybil ang unang nakabawi sa pagkabigla.
"A-anyaaa!" tumakbo siya papasok sa fitting room at umiiyak na tinanaw ang katawan. Saka lamang din kami nagmadaling pumasok sa loob. I tried to check her pulse ngunit binawian na ito ng buhay.
"Tumawag kayo ng pulis," wika ko sa kanila. Natatarantang tumakbo si Miss Carly at tinungo ang telepono. The other people with me including Victoria was too shocked to say something. Ilang segundo pa ang lumipas bago nakapagsalita si Marc.
"A-anya..."
Hindi ko maiwasang paghinalaan ang lahat ng nandirito. Hindi kataasan ang pagkakasabit sa katawan ng biktima ngunit imposibleng nagpakamatay ito. Whoever killed her must be someone from inside the area. Come to think of it! Sybil, Miss Ivy and Marc all disappeared back then. The time they were not here is enough to kill the victim.
"Ano sa tingin mo ang nangyari detective?" wika ni Victoria. I scowled at her for saying detective ngunit pinalampas lamang niya iyon. "Sa tingin ko ay makakatulong ito sa pag-iimbestiga mo."
Hinila niya ako papasok sa silid kung saan siya nagsukat kanina. There was a door and when she opened it, it was an adjoining door towards the next room, kung saan natagpuan ang katawan ng biktima.
Napatingin ako sa isa pang pinto. Agad ko iyong binuksan at gaya ng inaasahan ko, it leads towards the office of Miss Ivy. Ibig sabihin, she could have slipped from her office, kill the victim and then went back to her office. Ngunit teorya lamang iyon dahil wala naman akong kahit anong ebidensya. Napansin ko ang nakabukas na bintana. Malaki iyon at kasya ang isang tao. Isa pang teorya ay posibleng dumaan doon si Sybil, who was pretending to take a call and went outside but actually slipped in this room and hanged the victim.
Hindi naman nagtagal ay dumating ang mga pulis. I was glad to know that Detective Adler wasn't one of them. Habang nag-iimbestiga sila ay gumagawa din ako ng sariling imbestigasyon. Nagpunta ako sa banyo, kung saan bahagyang nagtagal si Marc. Maliit lamang ang banyo at may maliit din na bintana doon na maaring magkasya ang tao.
Lumapit ako sa medical examiner na sumusuri sa katawan.
"If she's hanged, hindi ba't masyado naman yatang mababa ang pagkakabitay sa kanya? She could resist or ask for help if she wants to", komento ko. Hindi pa rin nawawala ang posibilidad na marahil ay nagpakamatay ito sa kadahilanang wala man lamang kaming narinig na sigaw o anuman.
Napangiti sa akin ang ME. "Dahil hindi naman ang pagkakabitay sa kanya ang ikinamatay niya. Looks like she's strangled using a scarf before she was killed." Kinuha niya ang cord na nasa gilid. It was tied into a knot. "Pagkatapos ay saka lamang siya binitin ng salarin."
Napatigil ako at napatingin sa hawak niyang cord. Katulad iyon ng cord na nasa graduation cap, but it was bigger and thicker than it. Kinuha ko ang cord mula sa kanya at tinitigan iyon nang maayos.
"Interesado ka sa cord?" tanong ni Victoria na nakatayo sa gilid ko.
"It wasn't the cord, it's the knot." I let out a victorious smile. "I think I know who the killer is, all I need is a proof." It was just a simple knot with a fixed loop at the end of the rope. Madali lamang iyong tanggalin but basing on how it was tied, matibay at siniguro ng kung sino mang gumawa niyon na maayos ang pagkakatali.
Nagpaalam ako sa medical examiner at lumabas doon. Some police already took the body at nagpatuloy naman sa pag-iimbestiga ang iba, while the others are asking us few questions. I joined them at isa-isang tiningnan ang lahat ng naroon.
"So lahat kayo na nandito ay walang narinig na sigaw mula sa biktima?"
"Kanina mo pa yan inuulit-ulit eh!", maarteng wika ni Franz. "I already told you na wala nga diba?"
"Kilala niyo bang lahat ang biktima?"
"I am friends with her at sinamahan ko siyang magsukat ng damit dito," sagot ni Sybil. "Ex niya si Marc samantalang fiancée naman ni Marc si Franz. Kilala naming sina Miss Carly at Miss Ivy while these two girls are new customers, I guess."
"Ex? At ito ang bagong fiancée?"
Inis na napatayo si Franz. "Ano namang ibig mong sabihin diyan? Huwag niyong sabihin na pinaghihinalaan ninyo ako? Wala akong motibong gawin iyon!"
"Walang motibo?" singit ni Miss Carly. "Sa ilang beses na pagpunta ninyo dito ay ilang beses na rin kayong nagkasagutan ni Anya."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng pulis.
"Magpapakasal na sana dati sina Anya at Marc ngunit mas pinili na Marc na magtrabaho bilang seafarer kaya nagkahiwalay silang dalawa. Nang bumaba siya ng barko, nabuntis ka niya kaya kailangan ka niyang panagutan ngunit ang totoo ay si Anya ang mahal ni Marc!", wika ni Sybil.
Franz was too shocked to say something ngunit nakabawi ito. "Hindi ko siya pinatay! I was here all the time!"
Tama si Franz. Imposibleng siya ang gumawa niyon dahil nandito lamang siya sa couch at hindi umalis. If there are three people who disappeared suspiciously for a considerable time, it's Sybil, Marc and Miss Ivy. But something that Sybil said caught my attention. When I stared at that person, may isang bagay akong napansin. It was not something that can be easily notice but small details are essential.
"Ikaw Miss Ivy? Ano ang koneksyon mo sa biktima?"
"Kliyente ko siya-"
"Kliyenteng kinaiinisan," sabat ni Franz. "You told me that she's not really here to fit a dress dahil hindi naman siya ikakasal. She only comes here to annoy me."
Lalo lamang akong naguluhan sa mga pinagsasabi nila. Anyone of them has an opportunity to kill Anya except Franz at may mga motibo din sila upang patayin ito. Ngunit base sa narinig ko, one theory in my mind could be supported by that statement. I went somewhere to check something at nang bumalik ako sa receiving area ng shop ay may nabuo na akong teorya na suportado ng ebidensya.
"Officer, sa tingin ko ay alam ko na kung sino ang gumawa nito," deklara ko kaya lahat sila ay napatingin sa akin. Franz and Sybil both wrinkled their brows, marahil ay iniisip nila na nakikialam na naman ako.
"Pakinggan niyo siya mamang pulis, isa siyang detective," pilyang wika ni Victoria at ngumisi. Calling me a detective is really annoying. She's probably getting her revenge to me for calling her a thief.
Humarap sa akin ang mga pulis at tinanong ako. "Sigurado ka na diyan? Isa ba itong suicide?"
"Bakit hindi natin itanong sa salarin kung tama nga ba ang teoryang nabuo ko?" Isa-isang tiningnan ko ang mga naroon. "This is a basic murder which involves strangulation."
"Ngunit hindi man lamang sumigaw ang biktima?"
"Dahil iyon ayaw niyang malaman ng iba na kasama niya sa loob ng silid ang salarin which is her ex," wika ko. It was like a bomb dropped in front of Marc. Bahagyang nawala ang kulay sa mukha nito. He was like frozen because of surprise.
"Ano ba ang pinagsasabi mo? That accusation is a grave one!"
"Paano mo naman nasabi iyan?"
Kinuha ko ang cord na ginamit upang ibitin ang biktima. "Look at this knot. Maayos ang pagkakagawa ng loop na ito. I know that even cub scouts knew how to tie this knot ngunit kung babasehan sa pagkakagawa, it is made by someone who knows how to make this knot very well. This knot is a bowtie, and one of the basic maritime knots. As a seafarer, ikaw ang taong posibleng magaling dito."
Bigla na lamang itong humgalpak ng tawa. "Ikaw na mismo ang nagsabi na kahit cubscout ay kayang gawin ang knot na iyan. Hindi ibig sabihin na porke't maayos ang pagkakagawa ay ako na agad, wala kang ibang ebidensya."
"Actually I do. I checked the windows in the restroom. May mga dumi na maaring mula sa sapatos mo."
"It doesn't prove anything. Hindi ako lumapit kay Anya! Hindi ko siya pinuntahan at pinatay!"
"Yup it doesn't prove anything but this little detail will do." Lumapit ako sa kanya at kinuha mula sa damit niya ang isang maliit na bagay. It was a tiny sequin. Probably it got into his shirt when the victim struggled during the strangulation.
"T-that's... that's from the gown that Anya is wearing!" Miss Ivy exclaimed. Natigilan si Marc at napatingin sa kanya fiancée na bahagyang natigilan din. "Kung hindi ka nakalapit sa kanya, bakit nasa damit mo ito?"
"Honey... I can explain..."
Nagulat na lamang kami nang dumapo ang palad ni Franz sa pisngi ng nobyo. "I cannot marry a murderer! Bakit Marc? Bakit?" she started weeping as she waited for his explanation. Wala namang nagawa ang nobyo niya kundi aminin ang krimen.
"She wanted us to be together ngunit ikaw na ang mahal ko. Something happened between us last week and she threatened to tell it to you kaya nag-usap kami sa loob after I pretended to use the bathroom. Maayos kaming nag-usap ngunit nang sinabi niya na gagawin niya ang lahat upang maghiwalay tayo, doon na nagdilim ang paningin ko. Alam kong gagawin niya iyon dahil hindi niya ako tinitigilan! She even pretended to be buying a dress para lamang masabi niya iyon sa'yo. Then I grab a cloth and strangle her at alam niyo na ang kasunod. I'm sorry Honey, I just don't want to lose you." Napatingin siya sa umiiyak na nobya at ngumiti nang mapait nang pinosasan ito ng mga pulis.
Habang tinatanaw ang mga papalayong pulis, hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari. He said it's because he love her. Love is really something. Sabi nga nila, ang pag-ibig ay hahamakin ang lahat masunod lamang. Kapag sinabing lahat, it really means all- including murder. It is something that makes people do vicious acts. The case was closed and we finally got a dress for Victoria.
***
I know what I am into is very dangerous. Ano mang oras ay maari na akong bumagsak sa kulungan o saan man kung sakaling mabulilyaso ang plano ko.
Out of boredom sa bahay ni Victoria, I found myself heading towards the bank that Attorney Rose told me. Ilang beses akong napabuntong-hininga nang nasa labas ako ng bangko at nakikipaglaro ng tug-of-war sa sarili ko kung papasok ba ako o hindi. Dad's estates does not say anything about a safe deposit box. Gaya din ng sabi ni Attorney, walang account si Daddy sa bankong ito- or atleast none of his assumed name known to us.
Tinanaw ko ang building mula sa labas. This bank is a huge financial institution and equipped with proper security surveillance. What I am about to do is very risky. Hindi ko rin sinabi kay Attorney Rose ang plano ko dahil malamang ay hindi ito papayag. This may be a very stupid act but I want to try risking. I can do this! Pumasok ako sa loob at ngumiti pa ang guard sa akin nang pinagbuksan ako.
My heart was pounding heavily and my mind was thinking about so many things like I shouldn't be here in the first place if I should have taken care of Phobie's notebook. Imposible rin na mahanap ko pa ito dahil gaya ng huling sinabi niya, she must be somewhere far at nabubuhay ng tahimik at malayo sa organisasyon. Marahan kong kinuyom ang kamao na nakahawak sa susi sa loob ng dala kong bag. I thought about how beneficial it would be if I can do this right ngunit hindi ko pa rin maiwasang isipin na hindi madali ang gagawin ko.
If I am to access a dead man's safe deposit box, I need account info and other necessary things. In fact I can provide those things, if it is really Dad's safe deposit box. I cannot just walk in and ask the bank to let me access safe deposit box number 97.
Napakalakas pa rin ng kabog ng dibdib ko at isang hakbang na lamang ay maari kong pagsisisihan ang gagawin ko. I saw the bank manager and it only makes me feel guiltier. Sa tingin ko ay hindi ko ito kaya. I turned to my heels and was about to head towards the door nang makita ko si Zywon. He was a bit surprised to see me at tila may kalungkutan ang mga mata niya. Naalala kong siya pala ang nagsabi sa akin ng lahat kaya hindi ko maiwasang mapasimangot sa kanya. Lalagpasan ko na sana siya nang hinawakan niya ako sa braso at hinila sa isang tabi.
"What?" I tried removing my hand from his grip but it was no use.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bawal ba ako dito?" sarkastikong wika ko sa kanya. I saw him smirk a little but he let my sarcasm pass.
"I've been looking for you to have the key but you're nowhere to be found," wika niya.
Of course, I purposely hid myself. Ni hindi nga ako nagbukas ng mga account na maari nilang magamit upang matrace ang location ko. And only Gray knew about Victoria's place at mabuti na rin na hindi niya iyon pinagsabi sa kanila if ever they come to ask.
"Akin na ang susi."
Napatingin ako nang masama sa kanya. He asked for the key like it was never important to me. I cannot hand it to him unless I know whatever this key opens up. "Ano ka sinuswerte?"
Hindi pa rin niya pinansin ang sinabi ko. "You need to give me that key."
"I won't! Kailangan kong malaman kung para saan ito. This key might open my ticket to get rid of the organization!" I keep my voice low dahil pinagtinginan na kami ng iilang naroon.
"Exactly! So give it to me. You cannot access the safe deposit box with that key dahil hindi naman iyan pag-aari ng Daddy mo," Zywon said.
Naigilan ako dahil sa sinabi niya. Yes, Attorney Rose said that Dad has no account in this bank ngunit paano iyon nalaman ni Zywon? I gave him a questioning look at agad naman niyang naintindihan iyon.
"That's because my Mom - I mean my other Mom owns the box, Emerald Deltran, the real Trojan."
***
Everything now makes sense. Hindi pala gumamit ng ibang pangalan si Daddy kundi ang safe deposit box ay hindi niya pag-aari kaya wala account o safe deposit box rentals na nakapangalan sa kanya sa bangkong ito. Ayon kay Zywon, nalaman niya ang tungkol doon sa paghahalungkat niya sa mga bagay tungkol kay Trojan. And this is better than my plan to walk-in inside the safe deposit box room, rent a box and then open box 97. We decided to talk to the bank's manager to get access to the file. Dala ni Zywon ang death certificate ng kinilalang ina at ilang mga bagay na magpapatunay na pag-aari ni Emerald Deltran ang box along with the rental agreement.
Hindi ko pa rin maiwasang kabahan habang hinihintay namin ni Zywon na matapos ang sa amin. I know he was feeling nervous too dahil panay ang hila niya sa suot na T-shirt. He was also nervously tapping his foot on the floor.
"Good day, how may I help you, Ma'am, Sir?" magiliw na bati ng manager sa amin. Tila may bikig sa lalamunan ko kaya si Zywon ang sumagot sa kanya.
"Good morning, we want to access a safe deposit box of my deceased mother."
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha ng manager. "Sure thing. Nasaan ang mga legal requirements, dala niyo ba?"
Agad na inabot ni Zywon sa kanya ang isang folder. "Death certificate and other forms to prove that I have legal rights."
Binuksan iyon ng manager at tiningnan. "The testament?"
"Testament?"
"We need the executor's testament na maari mo ngang ma-access ang safe deposit box na sinasabi inyo. If it is not stated in the testament, atleast present me an appropriate person, halimbawa ay ang abogado, who can provide me the appropriate information to access the box."
"The lawyer's pretty busy now. Maari ba kaming humingi na lamang ng power of attorney sa kanya?"
"I'm sorry but a mere power of the attorney is not enough," sagot ng manager.
"But-" Zywon's protest was cut-off by a voice coming from the lie of people from behind us.
"What seems to be the problem here?"
Ang boses na iyon ay lalo lamang nagpakaba sa akin. Agad akong napalingon sa pinaggalingan ng boses na iyon at kahit inaasahan ko na kung kaninong boses iyon ay hindi ko pa rin maiwasang magulat.
"Excuse me?" tanong ng manager. "Maari po ba kayong maghintay hanggang sa pagkakataon niyo na? You cannot just barge in our conversation here."
"I'm sorry about it but it's just that I hear you talking about me with these two."
"Sino ka?"
Inilahad niya ang kanyang palad. "Attorney Nathalie Enriquez," wika niya at kinuha ang death certificate na nasa harap ng manager. "The Deltran's lawyer."
Kung hindi ako nakahawak sa counter ay malamang napaupo na ako. It was surprising to my ears to hear that person talk that way. Hindi siya ang tipong nag-iingles at madalas ay naiirita siya sa pag-iingles ko. But hearing her now spit every word like it was her mother tongue. Yup, it's Victoria and she just nailed it.
#
-ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top