CHAPTER 53: EYES, NOSE, LIPS (Part 2)
Chapter 53: Eyes, Nose, Lips (Part 2)
Makikita nila ako! And there's no other way to escape! I almost stop my breathe when he lean down upang pulutin ang panyo na nasa paanan ni Math!
I closed my eyes and waited for him to pick up the hankerchief ngunit napatigil siya nang may tumawag sa pangalan niya.
"Gray! Math!"
Napahinga ako nang malalim nang sa halip na pulutin ay tumayo si Gray. I was saved by the bell! Thanks to Jeremy!
"Jeremy! Saan ka ba galing?"
Bago pa man nila ako mahuli ay gumapang ako sa ilalim ng mga bakanteng upuan. Hindi pa ako handang makaharap sila— not now. Masakit makita na silang tatlo na lamang ang gumagawa ng mga dati'y ginagawa namin. Nagulat ang kabilang mesa nang bigla akong sumulpot mula sa paanan nila at agad akong humingi ng paumanhin at tumakbo papunta sa CR.
Nagkulong ako sa isang cubicle at nagsimulang umiyak. I felt so alone. Lahat na lamang sila ay naniniwala na naimpluwensyahan nga ako ng STX2. But I am very certain that I am not... Kahit pa sabihing isa sa epekto ng droga ay ang kawalan ng alaala. Hindi... Hindi ako ang gumawa niyon!
Kahit na ayaw ko kay Detective Adler, masakit pa ring isipin na maging siya ay naniniwala na ako nga ang responsable sa lahat ng nangyari. I felt so alone and it sucks to felt such when there are so many people around you. Sana pala ay nanatili na lamang ako sa bahay ni Victoria. I shouldn't have felt this way. I became sadder than I was the other day.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng CR. There were four cubicles inside at nasa pinakahuli ako. I know people wouldn't mind if I will stay here a little longer. I was about to open the door ngunit hindi iyon mabuksan. Tinulak ko iyon but it was stuck. Pagkatapos ay bigla na lamang namatay ang ilaw at nagkagulo ang mga tao. Mula sa banyo ay naririnig ko ang pagkamatay ng musika sa labas at ang sigawan ng mga tao.
I began to panic nang magsigawan ang mga nasa ibang cubicle at agad na lumabas. I tried pushing the door again ngunit gaya ng unang subok ko ay hindi ko ito mabuksan.
Napatigil ako sa pagtulak sa pinto nang makarinig ako ng umiiyak na boses. "Maawa ka sa akin Emily!"
The malapit lamang ang boses na iyon kaya marahil ay nasa loob pa rin ng CR ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakarinig ako ng mga yabag kaya nanatili akong tahimik.
"Naawa ba kayo ni Dwight kay Emily nang pinagtaksilan niyo siya?" Tanong ng isa pang boses.
Emily? Dwight? Iyon din ang mga pangalang binanggit nina Math at Gray kanina! Tama nga si Gray! It was not a curse but someone was staging the murder that way.
"I-ikaw? Akala ko..."
"Hindi ko na kailangang ipaliwanag sa'yo ang lahat. Susunod ka na rin kay Dwight!"
Nagmakaawa ang babae ngunit wala akong narinig na reaksyon mula sa kausap nito. Patuloy lamang ang pag-iyak nito. Napahigpit yata ang hawak ko sa doorknob at bahagya itong nabuksan. Great, ngayon pa talaga ito bumukas gayong kanina ko pa gustong lumabas!
Kahit madilim ay natanaw ko ang dalawang pigura mula sa 'di kalayuan. Mula sa maliit na siwang ng pinto ay nakita kong lumapit ang isang pigura sa umiiyak na babae sa pader. That someone was holding a device with a red baffling light at itinapat iyon sa babae! Mula sa pulang ilaw ay bahagya kong naaninag ang mukha ng salarin. The girl shouted for help at sa takot ko ay muli kong naisara ang pinto!
Her scream lasted only for a while at may narinig akong tunog ng tila katawang bumagsak sa sahig. Madilim pa rin ang paligid at malakas ang paghinga ko. The darkness and the murder I just witnessed weakend my knee kaya napaupo ako sa toilet bowl.
Pinilit kong huwag gumawa ng ano mang ingay dahil baka makita ako ng killer at isunod! Nang marinig ko ang papalayong yabag nito ay naghahabol pa rin ako ng hininga. Bigla na lamang bumukas ang mga ilaw at naging maliwanag muli ang paligid. I calm myself bago ko binuksan ang pinto upang lumabas ngunit agad akong napabalik sa loob nang tumatakbong pumasok si Gray at lumapit sa nakahandusay na katawan sa sahig.
"Jeremy, call the police at Math, tell the management to seal the exits! Malamang ay nandito lamang sa loob ang gumawa nito!"
I bit my lower lip at napasandal ako sa pinto. Mukhang mamaya pa ako makakalabas dito dahil nandoon silang tatlo! Nakarinig ako ng mga boses kaya marahil ay marami na ang nakiusyuso.
"Ang sumpa ni Emily!" Wika ng isang boses. Nagsimulang magbulongan ang mga tao doon na marahil ay nakita daw ng biktima si Emily kaya ito namatay.
"Oo nga! Tingnan niyo ang mukha niya! Tila takot na takot! Ganyan din ang hitsura ng naunang biktima!"
"Oh my God, hindi na ako babalik sa club na ito!"
I rolled my eyes upon hearing them! Kung alam lang nila na hindi sumpa ng taong matagal na patay ang nangyari! It's revenge of living someone connected with the dead one.
Dumating na ang mga pulis at nanatili lamang ako sa loob. Nais ko ng makaalis doon ngunit hindi ko magawa. Naghintay ako hanggang sa matapos ang imbestigasyon ng mga pulis. Malapit sa pinto ng CR ang katawan ng biktima kaya marahil ay hindi na nag-abalang kumatok sa pintong kinaroroonan ko ang mga pulis. Or maybe they thought that the cubicle I was in is out of order.
From what I hear from inside, the police was able to get four people who were inside the CR before the blackout at nang bumalik ang ilaw ay nasa malapit lamang. I wish I can take a look at their faces dahil baka mamukhaan ko ang killer kahit na malamlam ang pulang ilaw na nanggagaling sa device na ginamit nito upang patayin ang biktima. Nagsimulang tanungin ng mga pulis ang apat at bagot na bagot na naupo lamang ako doon. Good thing I was on the last cubicle kaya hindi masyadong maghihinala ang mga pulis kung may tao man sa loob o wala.
"Detective, may nakuha kaming mga witness na maaring makakapagturo sa atin kung sino ang salarin," narinig kong wika ni Gray.
"Witnesses? Hindi niyo ba nakikitang biktima siya ng sumpa ni Emily?" Wika ng isang babae na kausap kanina ng mga pulis.
"That curse is not true."
"Ngunit paano ninyo maipapaliwanag ang tila matinding pagkagimbal sa mukha niya?"
"There's a logical explanation to that than that curse," narinig kong sagot ni Math.
"Here are the witnesses," wika naman ni Jeremy. Oh! How I wish I was with them outside and helping them solve the case! Ngunit sa sitwasyon ko ngayon, sa tingin ko ay mas mabuting manatili muna ako rito sa loob at maghintay na lamang na makaalis sila. Gaya ng sinabi ko, hindi pa ako handang makaharap sila. Not until they will clear their suspicion about me.
"Witnesses who will help us identify the victims through the help of the parts of their face. Una na lamang ay ang bouncer na ito. Eyes. He saw who are the people who enter the CR before the blackout. Sabihin mo sa kanila kung sino ang mga nakita mo", wika ni Gray. I leaned on the door upang lubusang marinig ang nangyayari sa labas.
"Ang apat na ito ang nakita kong pumasok sa CR. May pumasok din na babae kanina ngunit hindi ko yata namalayan kung nakalabas na ba siya", boses iyon ng lalaki. I bit my lower lip. He must be referring to me.
"Tama nga ang sinabi ng iba na kayong apat ang pumasok dito sa banyo."
"Ngunit hindi ibig sabihin niyon na kami ang pumatay!" Galit na wika ng isang boses ng lalaki. May lalaki?
"Nakapagtataka kung bakit pumasok ka sa CR ng mga babae gayong lalaki ka," wika ng boses ni Math.
"I told the police that I checked my girlfriend inside!"
"Our next witness, Nose. When everyone panicked because of the blackout, lahat ng tao ay tumakbo patungo sa ibaba but Yvonne bumped into someone running towards the opposite direction. Yvonne, sabihin mo sa kanila ang sinabi mo sa akin kanina."
I heard a girl spoke. "Nang magkagulo na sa gitna ng kadiliman ay may nakabangga ako. Dahil madilim ay hindi ko nakita ang mukha niya ngunit nakapagtatakang papunta siya sa direksyon ng CR. Kahit hindi ko siya nakikilala, sigurado akong may naamoy akong kakaiba sa kanya. Parang amoy bawang."
"And based on her statement, sa inyong apat ay kayong dalawa lamang ang amoy bawang," wika ni Gray. Uh, I really want to join them kaysa sa nandito lang ako at nakikinig lamang.
"Dahil kumain ako ng pagkain na maraming bawang!" Sagot ng isang babae.
"Ako din! Kumain din ako ngunit hindi naman ibig sabihin na ako nga ang may gawa nito!"
“Sa pamamagitan ng sinabi niya, we can narrow down our suspects from four to three kaya kayong dalawa na lamang ang naiwan. Ang huling witness ay siyang magpapatunay kung sino sa inyong dalawa. Lips, because she will tell us who among you did it”, Gray said. Nakarinig ako ng mga papalapit na yabag at muntikan na akong napatalon nang may kumatok sa pintong sinasandalan ko.
“Alam kong nakita mo ang mga nangyari, tell us everything.”
He knew all along that I was here? Ngunit paano?
“May tao diyan?” tanong ng isang pulis.
“Hinihintay namin ang testimonya mo,” wika ulit ni Gray.
I took a deep breathe bago nagsalita. Hindi ako nag-abalang buksan ang pinto at nanatili lamang sa loob. “Hindi ko masyadong nakita ang salarin ngunit kilala ko ang boses. Nakita kong may dala siyang bagay…”
“Anong bagay?”
“Hindi ko alam. But it emits red light at nang itinapat niya iyon sa biktima, agad itong nawalan ng malay,” sagot ko. I never thought that he knows I was here all along.
“It must be a taser, an improved one,” narinig kong wika ni Math. Someone from the crowd asked what a taser is. "It’s used for a gun with electrified shafts that can immobilize people. She electrocuted the victims using it that’s why their heart stops beating. It must be amplified to a high voltage na maaring maging sanhi ng pagtigil ng pagtibok ng puso. Maybe that can explain the muscle contraction on the victim’s faces.”
“Sino sa kanilang dalawa ang killer?”
Inalala ko ang boses ng salarin. It’s very clear that it’s the first one who said she ate a garlic-flavoured food. “Maari bang ituro ko na lamang sa pamamagitan ng pakikinig sa boses nila? Hindi ko rin naman masyadong naaninag ang mukha niya dahil sa blackout.”
“Ayaw mo bang lumabas diyan?” someone asked.
“I-I can’t…” what I mean is I don’t want to.
“Pabayaan na lang natin siya. Tama naman na madilim at hindi niya naaninag ang mukha ng salarin,” wika ni Gray. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga sandaling ito. Una ay alam niyang nandito ako sa loob ng cubicle na to. Pangalawa, pinabayaan niya akong magsalita bilang witness kahit nandito lamang ako sa loob.
Pinagsalita nila ang dalawa at tinuro ko ang pamilyar na boses. It was the same voice who was nside this comfort room during the blackout. “May sinabi siya tungkol kay Dwight at Emily.”
"Maari ba naming tingnan ang bag na dala mo?"
"Bakit ba kayo naniniwala sa sinasabi ng kung sino mang nasa likod ng pinto na iyan? Paano kung siya naman talaga ang tunay na salarin at pinagbibintantangan niya lang ako?"
"This is a taser!" Narinig kong wika ni Math. Argh! How I wish I could see everything! "Ngayon hindi ka pa ba aamin sa ginawa mo?"
"That girl and Dwight cheated to Emily..." Nabasag ang boses. "Sila ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay dito! Kasalanan nila ang lahat!" Base sa tono ng pananalita nito, inaamin na niya ang ginawa.
***
The case was closed ngunit wala pa rin akong balak na lumabas hangga’t naroon pa silang lahat sa labas. I silently wished na sana ay magkaroon ako ng teleportation power upang makaalis ako dito nang hindi dumadaan sa pinto o kaya ay maging invisible na kapag dumaan ako ay hindi nila ako makikita. Unti-unti ng umalis ang mga nakiusyoso doon at maging ang mga pulis. Hinintay ko na makaalis silang lahat doon ngunit mukhang imposible yata iyon.
“Amber…” it was Gray’s voice behind the door. Napakagat ako sa pang-ibabang labi at pinigilan ang sarili kong sumagot. Nanatili akong tahimik ngunit naririnig ko ang tibok ng puso ko. There’s also a familiar pain in my chest that suddenly emerged.
“Alam kong nandiyan ka. Kung nagtataka ka kung bakit alam kong nadito ka, I can use the same procedure a while ago. Eyes, nose, lips Amber. Eyes because I’m sure that it was you I saw. Just by looking at you, alam kong ikaw o hindi ang nakita ko at sigurado akong ikaw nga iyon. Nose, because I know your scent. I can identify you by your scent. I know na nasa ilalim ka ng mesa namin kanina, that’s why I volunteered to pick Math’s hankie. You see? Kahit na piringan ako, I know if you are nearby because I know your scent. Lips because it was all confirmed by the first witness. Sinabi niya sa akin kung sinu-sino ang mga pumasok and when he described you, everything was confirmed.” His voice was sad, at iniisip ko talagang malungkot ito. He even sounded worried ngunit hindi ako magpapadala. Nanatili akong tahimik sa loob. I felt my cheeks become wet at nang kapain ko ang mukha ko, umiiyak na pala ako.
“Alam kong galit ka,” pagpapatuloy ni Gray. “You hate right now at naiintindihan ka namin—"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumagot. “Yes, I hate you. Lahat kayo! At sa dami ninyo, I don't know who to hate so I hated myself more. Kasalanan ko naman eh! I trusted all of you ngunit… ito! This is all I’ve got after everything.” Unti-unting lumabas ang mga hikbi ko. “Akala ko ba kilala mo ako? You just said by mere sight you know all along if it’s me or not… bakit hindi mo alam na hindi ako ang mga nasa larawan na mula sa footage?”
“When I said we look on every angle, I mean it. Nabulag ka sa galit and you jumped into conclusions. Nang mangyari ang insidente sa dorm, Math and Jeremy followed you, I mean someone trying to be you ngunit hindi nila iyon naabutan and that’s when the suspicion aroused. Aaminin kong minsan ay naisip din namin na possible nga na may epekto nga ang droga sa’yo but that suspicion lasted only for a while. Mula pa lamang nang nalipat ka sa Athena, malaki ang posiblidad na na-exposed ka sa droga na under experimentation pa lamang, then during Phobie’s disappearance, then the sleeping gas, at maraming beses pa Amber. But we disposed all those ideas. You’ve been with us all the time…”
“Sinasabi mo lang ba ‘yan upang gumaan ang loob ko?” Diyan naman siya magaling eh. He's good in making me feel better but he's also the one who can cause me great miseries.
“Of course not. Sinasabi ko ito dahil iyon ang totoo. If you think that we doubted you that’s why we secluded you in our investigation, nagkakamali ka. We only did it to protect you. The less you know about it, mas magiging madali. Tross monitored you at kapag nalaman niya ang tungkol sa ginagawa namin, masisira ang lahat. It’s a house of card and you are our foundation. We let the Genesis thinks that we suspected you to let their guard down. When the foundation is disturbed, so as the rest.”
It was all for me? “Ibig sabihin ay ngayong alam ko na ang lahat, all your plans were wasted?”
“No. Detective Adler got a contingency plan. Hindi nila alam na under research ang STX2 samples na nakuha namin. That’s all I can say for now. Patawarin mo kami."
Kahit para sa akin ang lahat, pakiramdam ko ay pinagkaisahan pa rin nila ako. Why do I always have the role of a damsel in distress? Bakit kailangang ako na lang palagi ang inililigtas nila? Lahat na lamang ay para sa akin! Hindi ko ba kayang iligtas ang sarili ko?
"Pinapatawad ko ka kayo..."
"Thank God—"
"But that doesn't mean sang-ayon ako sa ginagawa ninyo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nariyan kayo. Ayaw kong sanayin ang sarili na iasa sa inyo ang kaligtasan ko. Let me do things on my own Gray. Salamat sa pag-aalala ninyo sa akin." I already made up my mind.
"But—"
"Please. Iwan mo na ako. Hindi ako aalis dito hangga't nandiyan ka."
"Amber..."
"Gray, please."
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. "You know how to contact us when you need us," wika niya at narinig ko ang kanyang mga papalayong yabag.
#
—ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top