CHAPTER 52: EYES, NOSE, LIPS (Part 1)

Chapter 52: Eyes, Nose, Lips (Part 1)

Kahit nakuha ko na ang ilan sa mga gamit ko, my day is still so boring. I cannot access the internet using my phone or laptop dahil malamang mati-trace lamang ni Ryu o kaya ni Zywon ang IP address ko and eventually they will find my location. Hindi ko rin tinawagan sina Andi at Therese gamit ang cellphone ko dahil sa gayun ding dahilan so I called them using a payphone on the market.

At sa tingin ko ay ano mang sandali ngayon ay mamamatay na ako dahil sa pagkabagot. I stared at the law books at the bedside. Napabuntong-hininga ako at inabot ang libro at nagsimulang basahin ang mga iyon. Although hindi ko lubusang maintindihan ang mga nakasaad sa libro, I did my best to learn something.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Victoria. Unlike the previous nights, mas maaga siyang dumating ngayon. Gaya ng nakagawian niya, she would throw her backpack on the table and sat comfortably on the sofa. Tumayo ako mula sa kama at dinala ang mga libro sa harap niya.

She looked at me like she had no idea what I was up to. I had thought about this over and over at nagpasya akong tuturuan na lamang siya.

"Sabihin mo sa akin kung aling bahagi ng batas ang nais mong pagtuonan ng pansin. Criminal law, Civil law, business law o—"

"Akala ko ba ayaw kong maging accessory to the crime?" She gave me a look like she's saying what's the catch in my sudden change of heart.

"Of course I don't want to but since I feel so indebted to you, this is the least thing I can do. Basta kung masabit ka, don't you ever mention my name!"

"Hindi kami masasabit dito."

I rolled my eyes. Kahit kailan ay hindi mananalo ang kasamaan kaya kung hindi man sila masabit sa pagkakataong ito, there are still couple of times left. "Whatever. So, what's your game?"

"Magpapanggap akong abogado."

"Teka, hindi ka con-artist, magnanakaw ka. Then why are you—" I saw her cringed when I said 'magnanakaw.' "What?"

"Anong what?"

"You cringed. What was that suppose to mean?"

"Palagi mo na lang akong tinatawag na magnanakaw."

"Because you really are. At isa pa, ikaw ang nagsimula niyan. You said magnanakaw ka at hindi sinungaling so I presumed that it is fine to call you a thief."

She cringed again. "At tigilan mo nga ako sa kaka-ingles mo. Wala ka sa eskwelahan at walang English only policy dito sa bahay ko."

This time ay ako naman ang napangiwi. "Kung magpapanggap ka na abogado, you should as well sound like you really are. Sabihin mo nga sa akin, why are you posing as a lawyer now?"

"Hindi mo na kailangang malaman."

"Paano kita matutulungan kung hindi ko alam ang motibo mo? I mean, the law is broad at hindi ko kayang ipaliwanag sa'yo lahat."

"Isipin mo na lamang na may kinalaman sa negosyo at mga ari-arian."

I stared at her pretty face for a while na tila ba mababasa ko sa mukha niya ang tunay na dahilan. Why does she have to pose as a lawyer? Ano ang balak nilang nakawin? Sino ang balak nilang nakawan?

"Fine. Let's get started."

***


"AYOKO NA! MASUSUKA NA AKO DAHIL SA DAMI NG MGA TINURO MO!"


Victoria threw the pencil at nahulog iyon sa mesa. I picked it up and tossed it towards her. "Hindi pa tayo tapos, ni hindi pa nga tayo nangangalahati!"


"Ayoko na! Awat na muna."


"I thought you wanted to learn!"


Pinaikot niya ang mga mata. "Syempre naman MA'AM pero hindi naman kailangang ituro mo sa akin lahat sa loob ng isang gabi lang. Aapaw na ang lahat ng impormasyong tinuro mo at huwag mong kalilimutang lahat ng umaapaw ay nasasayang!" She massaged her temple kaya wala akong ibang nagawa kundi isara ang libro.


"May natatandaan ka ba sa mga tinuro ko sa'yo?"


"Meron at sa dami niyon, kailangan kong i-relax ang sarili ko. May naisip na akong paraan," she said and looked at her wristwatch and then looked at me with glittering eyes. Pagkatapos ay hinila niya ako patayo.


"Hey, where do you think you're taking me?"


"Sa club."


Bago pa niya ako tuluyang mahila palayo ay tinanggal ko na ang kamay niyang nakahila sa akin. Club. The last time I went to the club, it didn't turns out well. "I'm not going to the club."


"Bakit naman?"


"Ayaw ko lang." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko ay mababasa niya sa mga mata ko ang lahat. I've been doing good on my life right now at ayaw ko munang isipin ang lahat ng hinanakit ko.


"May nangyari ba?"


"It's none of your business," irap ko sa kanya. I thought she'll give up ngunit sa halip ay mas lalo lamang niya akong hinila.


"Kung gayon ay maigi ngang uminom tayo. Alak, sayaw... Lahat ng maari mong gawin upang pansamantalang makalimutan ang lahat."


I don't know what convincing power does Victoria has but I found myself walking inside a night club with her. The club was noisy and crowded. Most people were dancing the night away. When Victoria ordered a bucket of drinks ay hindi na ako promotesta pa. She placed it in front of us at nagbukas ng isang bote at inabot iyon sa akin. I don't really want to drink but I think I could loosen up by drinking a bottle or two.

Maingay ang musika sa paligid ngunit sa halip na sumayaw ay pinili namin na maupo muna at harapin ang mga inumin.

"Bakit mo naisipang maging magnanakaw?" Tanong ko kay Victoria. Bahagya siyang nagulat sa tanong ko ngunit saglit lamang iyon. She smiled widely at me — the kind of smile that you would make you think that she should be a beauty queen, not a thief.


"Dahil iyon ang kapalaran ko. Lumaki ako na nakatakda na ang kapalaran at iyan ay maging magnanakaw." Her demeanor was calm na para bang nag-uusap lamang kami ng simple at hindi tungkol sa isang criminal action.


"Oh come on. We both know that it is our choice which path to go. Hindi totoong nakatakda ka ng maging ganyan mula pa sa pagkabata. And if ever that's true, you can always depart from it." The bitter taste of the alcohol was slowly making its way through my system.


"Ngunit pinili kong sundin ito. Bakit ikaw? Bakit pinili mong pumanig sa kabutihan? May pagkakataon ka rin na maging magnanakaw sa halip na maging detective."


"I've chosen the right path. Tama ka, I have all the chance to do either good or bad things but I will choose the good side."


"Sa mundong ito ay mas nangingibabaw ang kasamaan."


"That's because you let it win. And it's a matter of mind-setting. Try to set your mind into something good. Kung sakaling manaig man ang kasamaan, in the end goodness shall prevail." That's what I am thinking right now. If I'll learn something for all I've been through, maybe it's about patiently waiting for the good things to come. If it's stormy right now, I always keep in mind that it doesn't rain forever.


"Kailan ka naging magnanakaw?" I asked. Naging hilig ko na yata ang pagtawag sa kanya na magnanakaw and everytime I do, she always cringe ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko iyon pinansin.


"Sinabi ko na sa'yo— mula pa sa pagkabata ko." Mapaklang tumawa siya dahil sa sinabi ko. Gaya ko ay unti-unti na din yatang kumakalat sa systema niya ang epekto ng alak.  I raised my brow and gave her a questioning look about her last statement. "Kahit ikaw— tayong lahat."


Saglit akong nalito sa sinabi niya.


"Ninakaw natin sa iba ang oportunidad na mabuhay." She commented.


"It's not called stealing. It's survival. Nangyayari lamang ang pagnanakaw kapag pag-aari ng isang tao ang bagay na kinuha mo sa kanya. Pag-aari ng lahat ang oppurtunidad na mabuhay and you just happened to be the strongest one to win against them." Muli akong tumungga sa bote ko.


Mukhang umeepekto na talaga ang alak dahil umabot na sa kung saan-saan ang pag-uusap namin. I can see how close minded Victoria is— pilit niyang iniisip na lumaki siyang magnanakaw kaya't iyon na ang magiging kapalaran niya habang buhay. That is not true. That will be your fate because you choose it.


"Tell me how are you connected to Jeremy?" My voice cracked a little when I said the name.


"Calvin." She laughed tactlessly. "Siya ang unang tao na ninakawan ko ng napakamahal na bagay. Naalala mo ba ang relo na kinuha ko sa ospital? Pag-aari niya ang relong iyon."


"That 3 million worth watch?" I asked and she nodded. I made a face when I remember Jeremy's question that time. 'Sinong tanga ang bibili ng relo na nagkakahalagang 3 milyon?' Well I have an answer for that. His parents.


"Hindi ko alam ang tunay na halaga niyon hanggang sa kinuha iyon sa akin ng kasama ko. Napakaimportante ng relong iyon sa akin..."


"That's why you did everything to retrieve that?" She nodded again at my question. Pagkatapos ay bigla na lamang siyang tumayo.


"Sumayaw tayo."


"I don't dance," sagot ko sa kanya. She ignored my decline at hinila ako patayo. Maybe it was the alcohol that pushed me to go with her. Nasa masikip na dancefloor kami kasama ang mga estranghero na gaya namin— they are dancing the night away. The music was good and I feel good too. Tama si Victoria, ang alak at sayaw ay nakakatulong upang bahagyang malimutan ko ang lahat. My body was numb and my mind wasn't thinking about it. Parehas kaming pawisan mula sa pagsasayaw nang magyaya siyang maupo na kami. Pagdating namin sa upuan ay naubos na pala namin ang lahat ng inumin namin so I volunteered to get a drink at tinungo ang counter.


Malawak ang club at may second floor iyon. In the stairs were people making out. Lumapit ako sa counter at umorder ng maiinom nang marinig ko ang usapan ng dalawang babae.


"Naku, ayaw ko ngang pumunta doon sa second floor. Hindi ba't noong nakaraang taon ay may nagsuicide doon sa CR? Ngayon may usap-usapan na may nagmumulto ang nagpakamatay noon."


"Anong usap-usapan? Totoo yun! Marami ang nakakita! At hindi mo ba alam yumg tungkol sa inatake dahil sa takot kaya namatay?"


Nagmumulto? Oh come on. Hindi ko lubos maisip na may magmumulto sa isang club.


"Oo nga ano! Yung lalaking inatake noong nagdaang linggo! Nakakatakot!"


Dumating na ang order ko kaya't bumalik na ako sa mesa namin ngunit wala doon si Victoria. I tried looking around ngunit wala pa rin ito. Nalibot ko na yata ang buong palapag ngunit hindi ko pa rin ito nakikita. I took a deep breathe and stared at the stairs. Ang second floor na lamang ang hindi ko pa napupuntahan.


I walked towards the stairs not minding the couples making out on the side. Nang makalampas ako doon ay nilibot ko din ang second floor upang hanapin si Victoria. Unlike below, hindi masyadong maingay at magulo doon gaya ng nasa baba kung nasaan ang dancefloor. Napansin ko ang isang lalaki na tila balisa nang pumasok sa CR. I didn't mind him dahil baka nasobrahan lamang ito sa kanyang nainom.


I looked on the tables if Victoria was there ngunit wala ito. Masikip din doon gaya sa baba. I was feeling dizzy probably because of the alcohol. Napangiwi ako nang maalalang isa o dalawang bote lang dapat ang iinumin ko ngunit umabot na pala ako ng lima. I felt like throwing up kaya naghanap ako ng bakanteng mesa upang maupo saglit. When I found one ay agad akong naupo. The table was occupied but it was empty that time at tanging ang mga pinag-inuman lamang na hindi pa nangangalahati ang naiwan doon. Maybe the occupants of this table went for a dance downstairs. Malaya kong pinaupo ang sarili ko upuan at sumandal. I closed my eyes to gain some senses when the music shifted from pop into something slow.


It somehow soothes my mind dahil bahagyang tumahimik ang paligid ngunit nang makarinig ako ng pamilyar na boses ay bigla ko na lamang nabuksan ang mga mata ko at nagulo ang sistema ko.


"Gray, nakita mo ba si Jeremy?"


Kahit bahagyang nahihilo ay sigurado akong boses iyon ni Math. And it would be too much coincidence to hear her voice calling out familiar names. Sumandal ako sa upuan at bahagyang binaba ang sarili ko. I slowly looked back, keeping myself hidden by the chair at lumingon sa pinanggalingan ng boses. It was indeed Math— with Gray!


Anong ginagawa nila dito sa club?! Okay, I don't own this club but... What are they doing here? I felt the turmoil when I notice that they're heading towards my direction at dahil hindi pa ako handang makaharap sila, the only way I found to escape is by hiding under the table! Nagtago ako roon at hinintay na makadaan sila but to my surprise, naupo sila roon! Sa mismong pwesto kung saan ako nagtatago sa ilalim!


It's their table! My God! What am I into now?! I just hope that they will look under the table! Pang-apat ang mesa at parihaba iyon kaya pumwesto ako sa kabilang dako kung saan hindi ako matatamaan ng mga paa nila.


"Bigla na lamang nawala si Je!" Maktol ni Math. "Saan na naman ba nagsusuot yung lalaking iyon?"

"Nasa paligid lang 'yon. Sigurado ka bang ito ang club na sinasabi ng kaibigan mo?" I heard Gray asked.


"Oo. This is exactly the club. Sandali, she emailed me the picture of the victim last week— here. My friend Almarie wanted Emily's curse to stop. Pinsan niya si Dwight, ang biktima last week."


Ah, so they're here for a case and not to chill. I wish I could take a look at the picture that Math showed Gray. At pinag-uusapan nila ang biktima last week? Iyon ba ang sinasabi ng dalawang babae na narinig ko kanina?


"He really looked like he died of great terror dahil nagkaroon siya ng muscle contraction sa mukha," wika ni Gray. "Ano ang sabi ng lab report?"


"Heart failure."


"Heart failure?"


"Oo. His heart stopped beating dahil sa sobrang takot at ayon sa sabi-sabi, dahil iyon nakita niya ang babaeng nagpakamatay sa CR ng club na ito, isang taon na ang nakalilipas."


Confirmed. They were really talking about that incident.


"Hmmm. Interesting."


"Yup. It really is and what makes it more interesting is that Dwight, the last week's victim doesn't have any heart problem. Ngunit ayon naman sa mga kakilala niya, medyo balisa siya ilang araw bago siya mamatay," wika ni Math. "Dinalaw daw niya umano ang puntod ni Emily Reyes, the one who committed suicide here a year ago."


"So he's acting weird then he visited the grave of this Emily and then ended up dead due to heart failure in the same place where Emily died?"


"Ganoon nga."

"Whoever did this wants us to think that this Emily rose up from the dead and scared Dwight kaya namatay din ito," konklusyon ni Gray. I keep myself hidden under the table. Sana lang ay hindi nila maisipang tumingin sa ilalim.

"Ngunit ano ang koneksyon ni Dwight kay Emily? Base sa pagsisiyasat ko, hindi sila magkaibigan. Wala sa pamilya ni Dwight ang nakakakilala kay Emily at wala rin sa pamilya at mga kaibigan ni Emily ang nakakakilala kay Dwight."

"Something must be going on here. At Biyernes ng gabi nang namatay si Emily, Friday last week when Dwight died, you think may mamamatay ulit ngayon?"

Napabuntong-hininga si Math. "Parang ganoon nga. Ito nga pala ang nakuha kong report tungkol sa pagkamatay ni Emily."

I wish I can take a look at the files that she showed Gray. The best about Math is whatever she wants, she gets through her means.

"May balita ka na ba kay Amber?"

"Hindi rin alam ng mga roommate niya kung nasaan siya."

"I hope she will talk to us", wika ni Gray.

"Let's give her time hangga't hindi natin nasisiguro ang lahat. She could still be under the influence of the drug," wika ni Math.

Bitch, I wasn't drugged! Iyon ang nais kong sabihin sa harap ni Math ngunit pinigilan ko ang sarili kong lumabas mula sa ilalim ng mesa. Hanggang ngayon ba talaga ay iniisip nilang ako iyon? Hindi ba man lang nila inisip na baka sinadyang ginaya lang ako upang isipin nila na ako iyon? Come on, technology advantage nowadays can alter or manipulate CCTV footage! Kung hindi man ay maaring isang tao na kasingkatawan ko ang gumawa niyon!

"Wala pa rin ang resulta ng pag-aaral nila sa STX2. Detective Adler is monitoring the research at naghihintay na lamang ng resulta."

Napakuyom ang kamao ko mula sa ilalim ng mesa. Kahit si Detective Adler ay kakampi na nila! No one really believe me! Fine! If they don't believe the truth about me, let them eat fiction!

Nagulat na lamang ako nang mahulog ang panyo ni Math. My eyes widened when Math tried to pick it ngunit pinigilan siya ni Gray.

"Ako na," he said and I panicked!

Makikita nila ako! And there's no other way to escape! I almost stop my breathe when he lean down upang pulutin ang panyo na nasa paanan ni Math sa ilalim ng mesa!

#

ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top