CHAPTER 48: ONE MURDER, FOUR KILLERS (Part 2)

Chapter 48: One Murder, Four Killers (Part 2)

Agad kaming tumakbo patungo sa guard's quarter. May room doon na maaring gamitin ng mga guard kapag nagbibihis sila o kaya ay nagpapalit sila ng shift. Nakatayo doon ang ilang staff ng Bridle samantalang nasa sahig naman ang isang guard. May tama ito ng baril sa noo at nakabukas pa ang mga mata nito.

"T-tumawag na kami ng pulis," wika ng isang staff na naroon. "S-sino ang gumawa nito kay Jordan? Anong nangyari sa kanya?"

"Sa labas ko hihintayin ang mga pulis..." wika ng isang guard at sumama naman sa kanya ang staff na naroon kaya kami na lamang apat ang naiwan.

Bahagyang inilapit ni Gray ang sarili sa biktima. "Single shot on the forehead at close range." He looked around the area. "What do you think happened?"

Math checked the door. "No sign of forced entry kaya marahil ay may access sa susi nitong quarters ang gumawa nito o kaya naman ay siya na mismo ang pinapasok ng biktima. He was changing his clothes nang dumating ang salarin." Tinuro ang damit ng guard na nasa sahig, di kalayuan mula sa kanyang bangkay. "His belt's buckle was slightly open too."

"He's shot at ginamit ng killer ang unan na ito to suppress the sound of the gun. The killer used the guard's gun" dagdag ko at itinuro ang unan na nakalagay sa mesa na nasa gilid ng double deck na kama. May butas iyon na dulot ng baril. Good thing it wasn't feathers.

Nanlaki ang mga mata ni Jeremy. He covered his mouth in surprised as he looked at us. "Akmang maghuhubad ang guard!? Gumamit ng unan ang killer? Sa tingin ko ay alam ko na ang killer!"

We all turned to him. "Sino?"

Inisa-isa niya kaming tatlo ng tingin. Bahagya siyang lumapit at hininaan ang kanyang boses kasabay ng napakaseryosong ekspresyon ng kanyang mukha. "A stripteaser."

Eh? Can anyone tell us how to knock Jeremy into his right senses? Sripteaser? At pagkatapos ay ano? Magpapangalan na naman siya ng isang pornst- uh. Never mind.

"Your theory is so wack Puns," nakangiwing wika ni Gray sa kanya. "The killer is someone whom the guard knows o kaya ay malayang nakakapasok dito. No strip teasing involved here."

Biglang lumawak ang ngiti ni Jeremy. "But it makes sense! Nasa sahig ang damit ng guard kaya malamang ay paunti-unti niyang-"

Itinaas ni Gray ang kanyang palad sa harap ni Jeremy. "Puns please. Let's think of a more sensible story than a... a stripteaser."

"Pero ano ang motibo ng killer?"

"They don't need a motive, if it's the Genesis," wika ko nang tiningnan ang cellphone ko. I just receive a message from a restricted number asking me about "that thing". I know this is from Tross.

At bakit tila nagkataong nagtext siya habang nandito kami? May kinalaman ba siya sa pagkamatay ng guard? Hindi talaga ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang kanyang pakay. And how did he know that I already found out about this murder? Norman, the SC senator secretly told us about this. Walang mga estudyante na nakiusyoso sa labas kaya imposibleng alam na ito ng karamihan- unless his pawn is always keeping an eye on me! His eyes and ears in Bridle! May kasabwat siya na maaring nasa paligid lamang at nagbabalatkayong kaibigan ko. I carefully looked at my three companions. Sana lamang ay wala sa kanila ang iniisip ko.

"Gaya ng inaasahan ko. You're already here, poking around the area," wika ng kadarating na si Detective Adler. Kahit mahaba-habang panahon na ang lumipas ay hindi ko pa rin napilit ang sarili na

Inirapan ko Detective Adler at bahagyang binangga siya nang palabas kami ng guard's quarter. Just like how he always does, his presence really irks me.

"Hello Detective" masiglang bati ni Math at matamis na ngumiti. Whenever she smiles like that, you will think she's the kindest person on Earth.

"Math", pansin sa kanya ni Detective Adler. "Kailangan niyo ng lisanin ang lugar na ito dahil sisimulan na namin ang imbestigasyon."

Ah, so they're friends. Ito siguro ang sinasabi nilang birds with the same feathers flock together.

"Areglado Detective pero may hihilingin sana ako", malambing na wika ni Math. "This case really interest me just like all the other cases . If you don't mind, can you tell me the details of the case?" Sinadya niyang hinaan ang boses upang hindi siya marinig ng ibang mga pulis.

Nabuntong-hininga si Detective Adler. "I will try." He looked at me and gave me a friendly yet unfriendly for me smile na agad kong sinagot ng smirk.

Hinawakan ako ni Jeremy sa braso. "Friendship goals sila." Sinagot ko siya ng irap at nilisan namin ang quater at dumeretso sa cafeteria ng Bridle. Nagpaalam ako sa kanila na hindi muna sasama dahil babalik ako ng dorm at magpapahinga saglit.

When I reached the dormitory, I pressed my body on my soft bed. Napakarami pa rin ng mga gumugulo sa isipan ko. Victoria, those weird gestures of the three as they looked on some files, the will and the key, the Genesis at sa ngayon ay ang pagkamatay ng isang guard ng Bridle.

Inilabas ko ang binigay ni Attorney Rose na susi. Kung para saan man ito, sigurado akong ito ang susi na magbubukas sa bagay na maaring magpabagsak sa Genesis. That algorithm, program or whatever is is very important. Kung hindi ba naman kasi ako tanga, edi sana ay nasa akin pa rin ang notebook ni Phobie. It could have been my ticket to win against Genesis.

The real Trojan, Zywon's adoptive Mom is a known tech geek. Siya ang gumawa sa database ng Genesis at siya lang din ang maaring makatulong upang mapabagsak iyon. Ngunit ngayon ay matagal na itong patay at kahit nandiyan si Zywon at Ryu, the real Trojan who was strengthened with time and experience must have designed the database of the Genesis as solid as rock.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. If it really bothers me, I guess I have to do a quick visit to Zywon. I slipped off Bridle and hailed a cab at agad na nagpahatid sa Athena. Nang makarating ako doon ay hinanap ko agad si Zywon. He places he likes the most ay ang mga lugar na tahimik kung saan malaya siyang natutulog o kaya ay kasama ang kanyang mga "entertainers". He is a sleep monster as much as he is a chocolate monster.

I checked first on the rooftop where I saw him the last time ngunit wala siya roon. I checked on the gym and on the library ngunit wala din ito. Mabuti na lamang at class hours dahil kung hindi ay malamang ako ulit ang pinagtutuonan ng atensyon ng mga estudyante dito. I texted Khael at tinanong ito kung pumasok ba si Zywon and he replied a crying emoticon. Uh, Khael is sometimes weird. I asked him again at sinabi niyang malamang nagcut na naman ito dahil nawala ito sa klase.

The last place I checked was the botanical garden at naroon nga si Zywon. He sat on the grassy ground at nakapikit ang mga mata na sumandal sa malaking puno na naroon.

Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang kanyang numero. I waited from a distance for him to answer my call. Nakita kong nakabusangot ang mukha nito nang tiningnan ang tawag at agad na pinatay iyon.

What the hell? Bakit ayaw niyang sagutin ang tawag ko?! I dialled his mumber again at sa pagkakataong ito ay nakapikit ang mata na sinagot niya ang tawag.

"Just Amber, I am in the middle of my quiz right now, call me later," wika niya. Quiz, my foot! Liar! Kailan pa siya nagkaroon ng quiz sa botanical garden ng Athena?

"Liar. You're in the botanical garden."

"Yeah, I'm sleeping," he said lazily.

"Gising ka na kaya mo nga sinagot ang tawag ko!"

"I'm sleep talking. Bye Just Amber," wika niya at bago pa ako makasagot ay bigla na lamang niyang pinatay ang tawag. Naniningkit ang mga matang nilapitan ko siya. Marahil hindi niya napansin ang paglapit ko dahil nakasuot siya ng earphones. Dali-daling tinanggal ko iyon mula sa tenga niya at agad naman siyang napabalikwas ng bangon. He scowled at me kasabay ng kanyang pagngiwi.

"Quiz! Liar!"

Umayos siya ng upo at inayos ang medyo nagulong buhok. "Ano na naman ang ipinunta mo dito?"

Umupo ako sa tapat niya. "Tell me about the things that you found about your Mom- I mean the real Trojan."

Tinitigan niya ako ng ilang segundo na walang kahit ano mang ekpresyon. "You're up to something stupid again."

Kung ibang pagkakataon ay baka sinapak ko na si Zywon. How could something like crashing this diabolical organization be stupid for him? Huminga ako nang malalim at pilit na inamo ang sarili. Kailangan kong maging mabait kay Zywon upang pagbigyan niya ang nais ko.

"Your Mom- I mean Trojan created the database of the organization. That data is secured and coded in which the different hackers or cryptographers cannot break-"

"No code is unbreakable," putol ni Zywon sa akin.

"Or at least it takes more time to break than other codes," wika ko. "So if Trojan secured that database, she must also made a-"

Pinutol ulit ni Zywon ang sasabihin ko. "Yeah, of course there's a kill code to that."

"Alam mo ang kill code?"

"Did I say that?"

"Look Zywon, alam kong wala ka nang pakialam sa Genesis. But if you assume the identity of Trojan, hindi ba sila magtataka na bigla ka na lamang mawawala?"

"Nothing new. Trojan is mysterious, basta-basta na lamang siyang sumusulpot and the organization is used to that," sagot niya.

Alam kong hindi ko mapipilit si Zywon. He connected with the Genesis for his personal reasons at mahihirapan akong kumbinsihin siya na tulungan akong hanapin ang kill code upang mabigyan ng hustisya ang lahat ng biktima ng Genesis at kasali na doon si Daddy.

"If you can't help me, just tell me about that kill code," wika ko sa mababang boses. I want all of these to end. Sawa na ako sa kasamaang inihahasik ng Genesis. I know I cannot stop all evil deeds in the world but I think I can lessen it.

"Zywon, ikaw lamang ang makakatulong sa akin."

Nagulat na lamang ako nang pinitik niya ang ilong ko. "Stop it."

"Stop what?"

"That tone," he said and looked away.

"What tone?"

"Yang tono mong pabebe. Hindi bagay sa iyo. You sound so sweet yet we both now that Amber and sweetness don't go together. Mas sanay ka sa singhal at sigaw," wika niya at sa pagkakataong ito ay pinitik niya ang noo ko. Napapikit ako dahil sa gulat. Sino ba ang gustong magulat? Definitely not me. At hindi rin ako nagpapa- what did he say? Pabebe? Argh! I am not. I'm just trying to sound kind! Para akong nabuhosan ng tubig dahil sa sinabi niya. He thinks I am not capable of being sweet?

"Cut the prejudice," irap ko sa kanya.

"Prejudice on what?"

"About what you said," naiinis na wika ko. Hello, tao lang din ako at kay kakayahan din akong maging sweet! Napatingin siya sa akin at malamang ay naramdaman niya ang pagkainis ko.

"What now Just Amber? Wag mong sabihing galit ka dahil sa sinabi ko?"

"I'm pissed." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at iniwan siya.

"Hey, you're mad?" Narinig king sigaw niya habang papalayo ako. I fought the urge to look back and I gladly won. Naririnig ko pa rin ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Mabuti na rin at hindi niya ako sinundan dahil mas lalong maiinis lamang ako sa kanya.

Palabas na ako ng gate nang matanaw ko ang parking lot ng Athena. Nakatayo doon ang isang pamilyar na motorsiklo. I let out a naughty smile at tinahak ang direksyon ng parking lot sa halip na patungo sa gate.

***


Hapon na nang makabalik ako sa Bridle. Dumeretso ako sa dorm upang magbihis at nadatnan ko doon sina Andi at Rese.

"Hey," bati ni Therese sa akin.

"Hey." Dumeretso ako patungo sa locker ko at nagbihis.

"Hindi kita nakita sa SC office kanina nang mapadaan ako. Are you working on some case? Mukhang abala sina Gray sa isang kaso. The case seems serious dahil seryosong-seryoso sila habang nakatingin sa whiteboard na may mga nakadikit na larawan," wika ni Andi. My roommates are always supportive in my passion with cases. Madalas silang mag-alala but they never prevent me from doing what I wanted to.

"Yeah. One of the guard was dead."

"So totoo nga ang sabi-sabi na may namatay nga na guard?" gulat na wika ni Therese. I nodded my head to answer her question.

"And who are the other victims?" tanong ulit ni Andi.

"There are no other victims." Or at least not yet. Kung gawa man ito ng Genesis, dapat na naming asahan na may isusunod pa ito. Kailangan din namin na maging maingat at iwasang magkaroon ulit ng biktima. After the series of deaths of the students dahil ginawa silang drug mule ng Genesis, the school is slowly standing from that nightmare.

"Wala? Pero maraming larawan ang nakita ko na nakadikit sa white board na ginamit nila."

Napatigil ako mula sa pagtatali ng buhok ko at napatingin sa kanila. Maraming larawan? Mukhang imposible naman yata ang sinasabi ni Andi. Sa ngayon ay ang guard pa lamang ang biktima or if something happened while I was at Athena, marahil ay nadagdagan na iyon. At kailan pa kami gumamit ng white board upang gawing case board? Wait, are those three working on a case without my knowledge?

Bumalik sa isipan ko ang inasal nilang tatlo kanina. They're looking on some files and when I arrived, nagmamadaling iniligpit nila iyon. But why?

I have some theories what are those. Pwedeng tungkol iyon sa Genesis. Knowing how impulsive I am, baka gumawa sila ng mga imbestigasyon na lihis sa kaalaman ko upang malayo ako sa panganib. I am very aware of how stupid I am kaya ilang beses ko nang muntikang naipahamak ang sarili ko at ang mga taong nag-aalala sa akin.

Maari din naman na tungkol iyon sa pagkamatay ni Daddy. Palagi nilang sinasabi sa akin na nagbago ako nang mawala si Daddy. Maybe that is there way to bring back the old me.

Ngumiti ako ng matamis sa kanilang dalawa at nagpaalam. "If you say that the case is something serious, siguro ay kailangan kong pumunta doon at tulungan sila." Nagpaalam ako sa kanila at tinahak ang daan patungo sa Student Council office.

Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko. Kailangang mapabilis ang kasong ito. And hopefully, Detective Adler give Math the details of the case kahit na bawal iyon or even if he didn't, sana ay ginamit ni Math ang kanyang bug. We need to know more about this case in any way possible.

Napatigil ako sa paglalakad nang isang babae ang lumapit sa akin. Nanginginig ito at medyo maluha-luha nang salubungin niya ako.

"A-amber? Amber Sison?"

I stopped and looked at her. "Yes?"

"I have a confession to make..." wika niya at hinawakan ako sa kamay. Eh? Confession? What confession does she wants to make? And why all of a sudden?

"Confession?"

Bigla na lamang tumulo ang luha mula sa mga mata nito. "A-ako ang pumatay sa guard."

#

-ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top