CHAPTER 45: QUANDARY (Part 2)
Chapter 45: Quandary (Negotiation Chapter)
"Gray we need your help."
"Nasa labas na ang mga pulis na handang i-grant ang mga demand ng hostage taker upang mailigtas-" I cut him off.
"No. Not that. Sa tingin ko ay inosenti ang nanghostage sa amin. He's being set up," wika ko na nakatingin lamang kay Manong Ernesto. Ikinuwento ko ang kwento nito kay Gray.
"Ano ang maari kong gawin?" tanong niya. I repeated the question to the hostage taker at saglit itong nag-isip.
"Paano siya makakatulong sa atin? Abogado ba siya?"
"H-hindi po. Kaklase ko po siya-"
"Kaklase?" singit ni Pearl. "Paano tayo matutulungan ng kaklase mo?"
This time ay hindi ko na pinigilan ang pagtaas ng isang kilay ko sa kanya. "He can help us. He's good in finding the truth behind kaya posibleng matutulungan niya tayo."
"Detective ba yang kaklase mo?" tanong naman ng matabang lalaki.
"Yeah. Seems like that."
Tumingin ako kay Manong Ernesto upang hingin ang opinion niya. He looks so desperate kaya marahan itong tumango. "Sabihin mo sa kanya na huwag itong sabihin sa mga pulis. Mukhang isa kina Jerry at Marjun ang nagset up sa akin. Papuntahin mo siya sa bahay ko... nandoon ang mga pinag-inuman naming apat, baka makatulong iyon."
Sinabi ko kay Gray ang bilin ni Manong Ernesto. He was hesitant at first ngunit agad din namang sumunod. Pinatay niya ang tawag matapos maghabilin ulit na wag akong gumawa ng ano man na pwedeng magpahamak sa amin. Muli akong naupo sa sahig at naghintay na lamang na tumawag si Gray samantalang tumayo naman si Manong Ernesto sa pinto at bahagyang sinilip ang mga pulis sa labas. Dalawang patrol car ang nakapalibot sa convenience store but none of them did any action dahil baka may mapahamak sa mga hostage.
"Psst" mahinang tawag ng guard sa akin. Bahagya akong lumapit sa kinauupuan niya dahil mukhang may sasabihin siya. "Sigurado ka bang inosenti siya? Tingnan mo ang damit niya, may mga dugo. Yung balat niya, marami siyang tattoo. Hindi kaya siya naman talaga ang gumawa nun? Tattoo pa lang mukha na siyang ex-convict eh."
I bit my lower lip at sinulyapan si Manong Ernesto na balisa pa rin. Tama si Manong guard. There where considerable amount of blood in his clothes at balot nga ng tattoo ang katawan niya. But just because he was covered with tattoo doesn't mean that he really killed someone. Dalawa lamang ang maaring kinabibilangan ng sinabi niya sa amin. Kasinungalingan at katotohanan at sa ngayon ay nasa neutral side pa ako. I cannot say that he is lying or telling the truth.
"Sa tingin ko ay inosenti siya", opinion ni Lola. "Dahil kung hindi ay malamang humingi na siya ng sasakyan na maari niyang gamitin upang makalayo o kaya ay kalayaan niya kapalit ng kalayaan natin."
Tama rin naman si Lola. But instead of negotiating with the police outside, nandito lamang siya at balisang naglakad-lakad sa harapan namin.
My phone rang after almost fifteen minutes at dali-daling lumapit si Mang Ernesto sa akin. I answered Gray's call at naghintay ito ng update.
"Naka-on ba ang speaker ng phone mo?" tanong ni Gray.
"No, bakit?"
"Good. Do not let him hear this. I think he's lying to you", wika ni Gray. "Huwag kang magpahalata."
I remained my calm expression upang hindi nga nila mahalata iyon. "Bakit?"
"I went to check his house at naroon pa ang ilang kakilala kong pulis. He's lying when he said that he was with the police inspectors Jerry Cuevas and Marjun Orias. Sila lamang dalawa ng pulis na si Roy Cerna ang nasa bahay niya. There were only two glasses with his prints and the other was the victims. I also did a background check. Ang kasama mo ngayon ay si Ernesto Jardin, isang ex-convict na nakalabas tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas dahil sa parol. Murder charges at ang mga humuli sa kanya ay sina Inspector Jerry Cuevas at Inspector Marjun Orias at ang biktimang si Roy Cerna. No signs that he went to his garage. Posible daw na kahapon pa niya natapos kumpunihin ang sasakyan na naroon."
I keep my face calm. Kung gayon ay responsible nga si Manong Ernesto sa pagpatay ngunit pinipilit niyang i-frame ang dalawang pulis na humuli sa kanya dati. He must be holding grudges against them.
"Anong sabi niya?", tanong ni Manong Ernesto at hindi agad ako nakasagot. Hinablot niya ang cellphone mula sa akin at pinatay ang tawag. Kapagkuway itinutok niya sa akin ang baril kaya bigla akong napaatras.
"Ano ang sabi ng kaklase mo!?"
"S-sabi niya na kayo lamang dalawa ng biktima ang nag-iinuman." Screw me for being honest. Marahil ay dahil sa matinding pangangamba kaya hindi ko magawang magsinungaling. I thought he would pull the trigger or hit me using the gun that he was holding ngunit sa halip ay desperadong ipinahid nito ang palad sa mukha.
"Sinet-up nga nila ako! Kaming apat ang naroon!"
"Alam ko din na ang tatlong pulis na sinasabi mong kainuman mo ay ang humuli sa iyo dati. May galit ka ba sa kanila? Wala ring kahit ano na makapagsasabing nagpunta ka nga sa garahe mo."
"Wala! Wala akong galit sa kanila! Sa katunayan ay magkaibigan na kami!"
"Magkaibigan? Imposible naman yata," wika ni Pearl.
"Magkaibigan kami o baka ako lamang ang nag-iisip na kaibigan nga nila ako. Alam nila na dati pa man ay mali na ang suspect na hinuli nila. Kahit convicted ako, hindi ko ginawa ang kasalanang pinagbayaran ko dati kaya nang nakalabas ako dahil sa parol, binisita nila ako upang humingi ng tawad."
"At pinatawad mo sila kahit dahil sa kanila ay nakulong ka? Imposible talaga!" dagdag ng matabang lalaki.
Saglit na natigilan si Manong Ernesto bago muling kinuha ang cellphone ko at ibinigay iyon sa akin. "Tawagan mo ang kaklase mo. Sabihin mo sa kanya na muli niyang suriin ang bahay ko. Baka may naiwan na doon na maaring makapagsasabi na inosenti ako! May kape akong naiwan sa garahe! Nangangalahati pa lamang iyon!"
Tinanggap ko iyon at tumawag kay Gray. He answered it after the second ring. "I was about to call you Amber. Nalilito na rin ako. How do you describe your hostage taker?"
Sinulyapan ko si Manong Ernesto. "May bahid ng dugo sa damit niya at may grasa ang mga kamay niya. He claims that he was doing his work two hours at his garage at the back of his house before he went back to his house."
"Sa tingin ko ay nagsasabi siya ng totoo. Ask him how he found out about the body."
Sinunod ko ang sinabi ni Gray at agad na tinanong si Manong Ernesto. I pressed the loudspeaker button at bahagyang lumapit sa kanya.
"Halos dalawang oras ako sa garahe na nasa likod lamang ng bahay. Nang matapos ako ay bumalik ako sa loob. Sarado ang pinto at tahimik kaya nagtaka ako. Nang buksan ko ang pinto ay yun na ang nakita ko. Duguan na si Marjun at ang boteng iniinom naming ay nakasaksak na sa dibdib niya. Nataranta ako kaya at tiningnan kung buhay pa ba siya kaya nagkaroon ng dugo ang damit ko. Nang wala na siyang malay ay nagpanic na ako lalo na nang narinig ko na ang sirena ng mga sasakyan ng pulis kaya nagmamadaling nilisan ko ang bahay ko at -"
Pinutol siya ni Gray. "Sandali. Nang pumasok ka sa bahay mula sa garahe, sinara mo ba ang pinto?"
"Hindi. Nakabukas lamang iyon at maging nang umalis ako ay hinayaan ko iyong nakabukas."
"Amber, sa tingin ko ay wala nga siyang kasalanan", wika ni Gray. Pinatay ko ang loudspeaker at itinapat ang cellphone sa tenga ko.
"Paano mo nasabi iyan?"
"May mga grasa sa damit ng biktima na marahil ay mula kay Mang Ernesto nang hinawakan niya ito pagpasok niya. May bakas din ng grasa ang door knob mula sa labas ngunit wala mula sa loob. He cannot commit the murder with the door open kaya marahil ay nagsasabi siya ng totoo nang sinabi niya na pagpasok niya ay patay na ito kaya walang bakas ng grasa sa door knob mula sa loob."
"Great Gray, then it means that you can go and tell the police that he's innocent. Check the garage again dahil umiinom daw siya ng kape doon at nangangalahati pa lamang iyon. Sabihin mo rin na baka sinet up lamang siya nina Inspector Marjun at Jerry upang-"
"But we have a problem Amber. May alibi sina Inspector Orias at Cuevas. The victim was dead about an hour ago at nang mga oras na iyan ay nasa HQ na si Inspector Cuevas samantalang nakunan naman sa isang CCTV si Inspector Cuevas na nasa isang Department Store at inaayos ang gusot ng isang customer at saleslady doon. Inamin nila na nasa bahay sila ni Mang Ernesto but they left two hours before dahil binisita lamang nila ito. They didn't stay to have some drinks kaya sila lamang dalawa ni Inspector Roy angg naroon and he had all the chance to commit the crime."
"Ano ang sinabi niya?" tanong ulit ni Manong Ernesto sa akin. sa pagkakataong ito ay nagdadalawang isip na ako kung maniniwala ba ako sa kanya. Hindi kaya't sobrang lasing na niya kaya hindi niya maalala na napatay niya si Inspector Roy?
"Hindi nagtagal doon sina Inspector Marjun at Inspector Jerry. Umalis din agad sila at-"
"Bakit ba kayo naniniwala sa kanila? Siguro may isa sa kanila na nauna nang umuwi- basta sigurado ako na nang nagpunta ako sa likod ay naroon pa sila at buhay pa si Roy!"
Narinig kong nagsalita si Gray mula sa kabilang linya. "Sa tingin ko ay baka may hindi pa kami nakikita dito sa crime scene. Tatawagan ulit kita- be safe."
Nang namatay ang tawag ay nakatunghay lamang sila sa akin. Tumunog ang telepono ng convenience store at kinakabahang sinagot naman iyon ni Manong Ernesto.
"Hindi ako susuko!" wika niya sa kausap sa telepono. It must be from the police outside. "Subukan ninyong gumawa ng kahit na ano ay hindi ako mangingiming pasabugin ang ulo ng isa sa mga hostage ko!"
Napasinghap sa takot ang mga kasama ko. Mukhang hindi nagbibiro si Manong Ernesto. Kapag gumawa ng kahit na anong hakbang ang mga pulis ay tiyak na dadanak ang dugo.
Right now my mind is puzzled. Hindi ko pa rin alam kung nagsasabi ba ng katotohanan si Manong Ernesto nang sinabi niya na wala siyang kasalanan. Kung may alibi nga ang mga kasama niyang pulis, marahil ay siya ang nagsisinungaling.
"Wala! Wala akong kasalanan kaya iyon ang kailangan ko! Hindi ko kailangan ng sasakyan upang makatakas! Kailangan ko ay ang kalayaan ko dahil wala akong kasalanan!"
Ibinagsak niya ang telepono at pawis na pawis na naupo. Kahit ang mga kasama ko ay takot na takot dahil sa nangyayari ngayon. My phone rang again at rumehistro ang pangalan ni Jeremy. Tinapunan ko ng tingin si Manong Ernesto na para bang hinihingi ko ang opinyon niya kung pwede bang sagutin ko ang tawag o hindi. Sa ngayon ay tila nababahala ito sa mga pangyayari, so I took the liberty to answer the phone.
"Je..."
"Amber, okay ka lang ba?" It was Math and she sounded like she's- concern? Gusto kong paikutin ang mga mata ko. Hello, she doesn't have to pretend like she cares. Right now, malamang ay iniisip niyang kasalanan ko na naman kung bakit napasok ako sa ganitong sitwasyon.
"Oo.
"Sinaktan ba kayo ng hostage taker o kaya ay-" hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil bigla na lamang napahawak sa kanyang dibdib ang kasama naming matanda. Mabilis ang ginagawa nitong paghinga at panay ang hawak nito sa batok. Napansin iyon ni Millet at agad na tinanong ang matanda.
"Lola, okay ka lang ba?"
Patuloy lamang ito sa ginagawang paghinga ng mabilis at bigla akong kinabahan. Mukhang inaatake ito ng altapresyon.
"Math hang on, something happened," wika ko kay Math at inilapag ang tawag matapos pinindot ang speaker button. Napalapit kaming lahat sa matanda at pinaypayan ito.
"Lola..."
"Lola ayos ka lang po ba?"
"Lola!"
May kumuha ng tubig mula sa mga nakadisplay na bottled water at pinainom iyon sa matanda. Maging si Manong Ernesto ay nabahala na sa nangyayari.
"Amber! Amber what's going on?!" Math asked. Marahil ay naririnig niya kami mula sa kabilang linya.
"Kuya Hosty! Inaatake yata si Lola, kailangan mo na kaming palayain!" wika ng matabang lalaki.
"Hindi pwede! Makukuha ako ng mga pulis! Ibabalik ulit nila ako sa kulungan kahit wala akong kasalanan!"
Lahat kami ay nag-alala para sa matanda. Walang balak si Mang Ernesto na pakawalan kami kahit pa inaatake na ang isa sa kasama namin. Ni hindi pa nga kami sigurado kung wala nga na talaga siyang kasalanan! I cannot bear to see the old woman struggling for her life! Pagsasabihan ko na sana ang hostage taker nang naunang magsalita si Math mula sa cellphone na nakaloudspeaker.
"Manong, palabasin mo si Lola and take me instead!"
What the hell?! Ano ang nakain niya at nagvolunteer siya na maging hostage kapalit ng matanda? Alright, alam kong mapapel siya at sobrang pabida ngunit hindi ko lubusang maisip na pati sa ganitong sitwasyon ay magiging pabida siya!
"Shut up Math, nababaliw ka na ba?" singhal ko sa kanya at kinuha ang cellphone.
"Seryoso ako Amber. Let me talk to the hostage taker!"
"No!"
"Akin na yan!" wika ni Manong Ernesto sabay hablot sa cellphone mula sa akin. "Hello, paano ako makakasiguro na hindi ito patibong upang makapasok ang mga pulis?" He paused for a while at pinakinggan ang sagot ni Math. "Sige papayag ako pero kapag may ginawa ka, hindi lamang kaibigan mo ang mamamatay kundi pati ang ibang hostage. Nagkakaintindihan ba tayo?" He paused again at saka pinatay ang tawag.
Sinulyapan kami ni Manong Ernesto. "Ikaw guard, kapag dumating na ang isang babae mamaya, lumabas na kayong dalawa ni Lola."
Nagpasalamat sa kanya ang guard samantalang mas napaisip naman ako. Why did he choose the guard? Pwede namang isa sa mga babae ang utusan niya na lumabas kasama ang matanda, but why the guard? Takot ba siya na baka manlaban ito? What exactly does he want?
Ilang saglit lamang ay may kumatok na sa pinto. Sinilip iyon ni Manong Ernesto mula sa glass door na walang nakatakip na poster. "Ano ang hitsura ng kaibigan mo?"
Kaibigan? Hindi kami magkaibigan ni Math. Duh.
"Maganda." Fine, she's pretty. "Lagpas balikat ang buhok, probably nakaponytail."
"Mukhang ito na nga", tumingin siya sa guard at sa matanda. "Tumayo na kayo diyan!"
Binuksan niya ng konti ang pinto at hinila papasok si Math. Tinutok niya ang baril sa amin habang hinihintay na makalabas ang matanda at guard, in case the police will do something. Nang tuluyan itong makalabas ay muli niyang sinara ang pinto at pinaupo si Math katabi namin.
"Nababaliw ka na ba? Alam kong masyadong kang pampam but I never thought you will go this far," naiinis na wika ko sa kanya. Hinawakan ko siya nang mahigpit sa braso. I felt my nails buried in her skin at napangiwi siya dahil sa sakit.
"So ano? Hahayaan mo na lamang na mamatay ang matanda dito?"
"That's not the point! Makakaisip ako ng paraan! Hindi mo naman kailangang magpakabayani eh!"
Nagsukatan kami ni Math ng tingin at natigil lamang iyon nang magsalita si Pearl.
"Ano ba ang inaarte mo diyan Miss? Buti nga na niligtas ng kaibigan mo yung matanda kaysa naman mamatay pa siya dito, edi kargo de konsensya pa natin!" she hissed. See? Math just did something stupid yet people always favor her.
I glared at them bago hinila sa tabi si Math. "Ano ang nangyayari sa labas?"
"You've been here for almost two hours kaya may naiisip na hakbang na ang hostage negotiation unit ng mga pulis. Ano mang oras ngayon ay makakalabas na tayo dito," she said, keeping her voice low.
"What's your plan?"
"What plan?"
"Wala kang plano?" Hindi ko maiwasang taasan siya ng kilay. So she let herself be a substitute hostage yet she doesn't have any plan in mind? Wow.
"Ang plano ko lamang ay iligtas ang matanda. We'll let Gray do the rest at sa ngayon ay kailangan na lamang natin na magpakabait para buhay pa tayo sakaling makapasok na ang mga pulis. That man refused to give some demands and I find it too odd."
Kahit si Math ay nagtataka din. By that, we can have a conclusion that he's innocent just like what he claims. Pero pwede din namang isa siyang psycho na pumatay talaga sa kainumang pulis but framing the two others whom he hold grudges with.
"Ano ang ibinubulong ninyong dalawa diyan?!" sigaw ni Manong Ernesto. "Bumalik kayo dito!"
Nagkatinginan lamang kami ni Math at agad na sinunod ang utos nito. Tahimik kaming naupo doon at naghihintay sa mga posibleng mangyari. Makikita mula sa loob ang isang pula at asul na ilaw kaya posibleng nasa labas pa rin ang mga pulis at gumagawa ng mga hakbang.
Hindi nagtagal ay tumunog ang cellphone ko at inutusan ako ni Manong Ernesto na lumapit sa kanya at pindutin ang lousdpeaker ng cellphone. Tumayo ako at sinunod ang mga sinabi niya.
"Gray..."
"I'm on my way to ask the two other police. Sa tingin ko ay nasa garahe nga siya. Wala roon ang tasang may kape but I found spilled coffee on the ground. Binuhusan iyon ng grasa upang hindi mahalata. And then there's a broken fragment of the cup. Maaring nabitawan iyon ng kung sino mang bumura sa mga ebidensya na naparoon nga si Mang Ernesto but unfortunately, he dropped the cup, natapon ang kape at nabasag ang tasa. He kept the broken pieces ngunit marahil ay dahil sa kakamadali ay may naiwan siya. Isa lamang ang sigurado ako. Whoever did this knows enough how to incriminate someone. Alam din niya kung ano ang mga bagay na tinitingnan ng mga pulis at-"
Hindi na namin narinig ang iba pang sinabi ni Gray dahil bigla na lamang kaming nakarinig ng pagsabog mula sa labas. The explosion wasn't strong but it was enough to make the concrete wall crumble.
Bigla na lamang pumasok ang mga pulis na nakasuot ng vest at pinaligiran kami. Tumayo ang dalawang cashier ng convenient store at nagsisigaw na tumakbo. Bigla na lamang akong hinawakan ni Manong Ernesto sa leeg at itinutok ang baril sa akin. Math and the fat guy gasped at hindi agad nakagalaw.
"Ernesto Jardin! Sumuko ka na! Napapaligiran ka na namin!"
"Hindi!" sigaw niya at hinigpitan ang hawak sa leeg ko. "Wala akong kasalanan! Alam mo yan Marjun!"
"Pakawalan mo ang batang iyan!"
"Hindi hangga't hindi napapatunayang wala akong kasalanan! Alam niyong dalawa Marjun... Jerry na wala akong kasalanan! Sinet-up niyo lang ako! Wala akong kasalanan!"
The next thing was a blur. Bigla na lamang may sumampa sa likuran ni Manong Ernest. He struggled to get him off him but he was still holding me tight. Sumugod naman sa direksyon namin si Math at ang matabang lalaki. Pilit niya akong hinihila mula kay Manong Ernesto samantalang inihampas naman ng matabang lalaki ang hawa na pack ng gummy worms sa pulis na nakasampa sa likuran.
Nagsigawan ang lahat habang pilit na kumakawala ako sa pagkakahawak ng hostage taker. Ang sumunod na narinig namin ay ang malakas na putok ng baril.
#
-ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top