CHAPTER 44: QUANDARY (Part 1)
Chapter 44: Quandary (Dilemma Chapter)
I sat on the cafeteria at bahagyang minasahe ang braso ko. Halos buong araw akong naglinis at siguradong hindi na kaaya-aya ang amoy ko ngayon! Problema na sa mga nakaupo sa katabi kong mesa kung umaabot ba sa kanila ang amoy ko. I smelt like a pig. Pinaghalong pawis at amoy ng banyo ang katawan ko. I also smelt like bleach and detergent- masakit sa ilong kapag nagsama ang mga iyon.
After all I did today, I think I deserve some pizza and ice cream. Iyon ang nagpapasaya sa akin. Mabuti na lamang at nabasa ng mga estudyante sa mukha ko ang imaginary sign na nagsasabing "Don't Mess With Me" kaya habang naglilinis ako ay naghahanap na lamang sila ng ibang CR. Tumayo ako upang umorder ng pagkain. Hindi ko na kailangang pumila pa dahil iilan lang naman ang kumakain doon.
"Bestie, ano ang mga uri ng alipin?"
Napalingon ako kay Jeremy na nasa likuran ko pala. Ano ba naman 'to, bigla-bigla na lamang sumusulpot! I darted a glare at him bago kinuha ang tray na naglalaman ng mga pagkaing inorder ko at dinala iyon sa kalapit na mesa.
"Hoy Bestie!"
"Ano?" tanong ko sa kanya. I took a bite from my food at hindi na nag-abalang yayain siyang kumain. I'm too hungry to offer him some.
"Masarap ba?," he said and grin. I rolled my eyes at him at mahinang tinulak sa direksyon niya ang tray ko.
"Please yourself."
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Anu-ano ang uri ng mga alipin? Hindi pa ako nakapagmove on sa history eh. Sige na."
"Ewan."
"Bestie!"
"Fine. Aliping namamahay at aliping sagigilid. Happy?" Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagkain. It's either the food gotten delicious or I'm just too hungry.
"May kulang," he said with a pout.
"Dalawa lamang ang uri ng alipin Jeremy."
He took a bite from my pizza at ibinagsak ang kamay sa mesa. "Eenk! Mali! Maliban sa aliping namamahay at aliping sagigilid, meron ding Alipin mo kahit 'di mo batid at Alipin ako na umiibig sa'yo. HAHAHAHAHAHA!"
I should have known that it's a pun. Bakit nagpauto na naman ba ako? Sinamaan ko siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.
"Then there's you," dagdag pa niya. "Alipin ng Bridle. How's the comfort rooms?"
"Ah. Better than before I cleaned it."
"Siyanga pala Bestie, anong ginagawa ni Ryu doon sa club na pinuntahan natin?" tanong niya. Halos mabilaukan ako dahil sa tanong niya. Meh, why remind me of that devil! Actually, kaninang naglilinis ako sa mga CR, siya ang laman ng utak ko. Him and that damn kiss! Kahit ano pa ang rason niya sa panghahalik, it's not acceptable!
"Hindi ko alam."
"Baka sinusundan ka niya," wala sa sarili na sambit ni Jeremy. I stopped eating at napatingin sa kanya. Why would Ryu follow me? Ah no. Like he said he was chilling with his bitches. I cannot make assumptions like he's following me.
And right now, I should think about the Genesis and not him. Pareho silang malademonyo pero mukhang mas malala ang Genesis. Tinapos ko ang pagkain at agad na tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jeremy.
Inilabas ko mula sa bulsa ang mahabang listahan ng mga dapat kong bilhin na cleaning supply. Unfortunately, the punishment didn't end with cleaning all of Bridle's CR but it also includes purchasing items for the supply office. The officer in-charged in doing the purchases got sick kaya ang trabaho nito na mag-canvass ng mga bilihin at maging ang pagbili ay nakatoka sa akin. Great, right?
"I need to buy all these for the supply office," wika ko bago tinago ang listahan kasama ang pera sa bulsa ko. Hindi ko na hinintay na sumagot ito at agad akong bumalik ng dorm upang magbihis. Hindi pa rin naman ako ganoon kababoy na pumunta ng convenience store na hindi man lamang nagbibihis.
I took a cab towards the nearest convenience store at nagsimulang ilagay sa cart ang mga bibilhin ko. Glass cleaner, muriatic acid. Detergents at kung anu-ano pang gamit sa panlilinis ng banyo at mga opisina. As much as possible ay ayaw kong abutan ng dilim kaya binilisan ko ang ginagawa. Matapos malagay ang lahat ng kailangan sa cart ay dumeretso na ako sa counter. Dalawa lamang ang nakapila sa counter at iilan lang din ang binili nila kaya hindi ako magtatagal na nakapila doon.
I was staring at the glass door kung saan nakatayo ang isang guard na nanghihikab, probably because of boredom. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko and it was Jeremy. Napagpasyahan kong sagutin iyon.
"Je."
"Where art thou?"
"May bibilhin nga ako diba?" wika ko kasabay nang pagpaikot ko sa eyeballs ko kahit hindi naman niya iyon nakikita.
"Hindi ko ba chineck ang cellphone mo? Gray said he texted you. Nasa tabi ko siya at nakabusangot- ah! Aray ano-"
Bigla na lamang nawala ang boses ni Jeremy mula sa kabilang linya at napalitan iyon ng boses ni Gray.
"Amber, sinadya mo bang iwan ako?" he asked at napakunot ang noo ko. Iwan?
"Ano?"
"When Jeremy said that you're going to buy some stuff, itinext kita na hintayin mo ako dahil sasama ako", he said with a voice that sounded a little irritated.
"Hindi ako nagbasa ng text. Hold on, nasa counter ako and it's my turn already," inilabas ko ang mga gamit mula sa cart at inilapag iyon sa counter. Nasa tenga ko pa rin ang cellphone ko at sinusuportaan lamang iyon ng balikat ko.
Just then, a man came rushing towards the door. Bigla na lamang nitong hinigit ang baril mula sa gilid ng guard at pumasok sa pinto. Nagulat ang guard sa ginawa nito at tinangkang habulin ito ngunit agad niyang itinutok sa guard ang baril.
"Wag kang kikilos!" the man shouted. Humarap siya sa amin at itinutok ang hawak na baril. "Wag kayong kikilos. Guard, isara mo ang pinto at ilock mo!"
Bahagyang nag-atubili ang guard ngunit mukhang desidido talaga ang lalaki sa ginawa niyang pangho-hostage. Napasigaw ang cashier nang lumapit sa amin ang lalaki at itinutok ang baril. Una niyang binaril ang nag-iisang CCTV camera na naka-install doon.
"Amber! Anong nangyayari diyan?" tanong ni Gray at nabitawan ko ang hawak kong detergent. "Amber!"
"I think- we're being held as hostages," I keep my voice low habang nakatingin sa lalaki na tinitingnan ang guard habang nagsasara ng pinto. Kahit glass door iyon ay may lock ito at pinalagyan pa iyon ng lalaki ng metal na tubo upang hindi mabuksan.
"Akin na yang natitirang mga bala!" sigaw niya sa guard. Nanginginig naman na tinanggal ng guard ang nakakabit sa beywang niya at inihagis iyon sa lalaki.
"Amber nasaan kayo? Marami ba kayo diyan?" tanong ni Gray mula sa kabilang linya. I sat on the floor and crawled at the back of the counter.
Sinabi ko ang pangalan ng convenience store. Unlike other convenience stores in the city, iisa lamang ang CCTV camera dito at hindi matao. Maliit lang din ang convenience store at hindi kami matatanaw ng mga nasa labas kung ano ang nangyayari sa loob dahil hindi glass ang lahat ng dingding, maliban na lamang ng nasa harap but it was covered mostly with tarpaulins and other promotion posters. Tumingin ako sa paligid at binilang kung ilan kami. "Gray, pito kami kasali ang hostage taker."
Tatlo kaming customer. One was an old woman and the other was a fat guy na mukhang college student. May dalawang babae din, one was the cashier and the other was the one who do the packing, ang guard at ang lalaking nanghostage.
"Amber, you need to relax. Wag kang gagawa ng kahit na ano. Is the man armed?" tanong ni Gray. I can sense his worries on the line at naririnig ko rin ang nag-aalalang tinig ni Jeremy sa background. Even Math's.
"I won't. Kinakabahan ako-"
"Don't worry, we will call the police immediately at-" Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi nito dahil bigla na lamang may humablot sa cellphone ko. I cringed when a strand of my hair was pulled when the man grabbed my phone.
"Sino ang tinatawagan mo? Pulis? Hindi ka pwedeng tumawag ng pulis!" wika ng lalaki at agad na pinatay ang tawag. Tinago niya ang cellphone ko sa loob ng bulsa niya at tinutok ang baril sa akin. "Tumayo ka diyan, tumabi ka sa iba!"
"H-hindi siya pulis. I-it's my classmate at kausap ko na siya bago ka pa dumating..." I know it's stupid to talk back ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Tinuro niya ang iba pang mga naroon na nakaupo sa sahig, malapit sa freezer ng ice cream. Sumunod naman ako sa sinabi niya at dahan-dahang naglakad. Tiningnan ko ang lalaki. He was sweating all over and he's shaking. Basang-basa ng pawis ang suot nitong abuhin na Tshirt. He must be running before he come here dahil pagdating niya kanina ay basang-basa na siya ng pawis.
Tumabi ako sa matandang babae na nanginginig din sa takot. Hinawakan ko ang kamay nito at binigyan siya ng ngiti na tila ba nagsasabing magiging maayos din ang lahat.
"Huwag po kayong mag-alala Lola, makakaligtas po tayo."
"Sana nga 'neng."
Inirapan ng isang cashier ang guard na nakaupo kasama namin. "Bakit ba nakapasok ang lalaking 'yan? Ano ba kasi ang ginagawa mo Kuya? Hindi ba't guard ka? Bakit hindi mo ginagampanan nang maayos ang trabaho mo."
"Pearl!" saway ng isa pang babae sa kanya.
"Pasensya na Ma'am, hindi ko kasi inaasahan na ganoon pala ang mangyayari-"
"Tatanga-tanga ka kasi!"
I can't help but roll my eyes at the girl. "Walang magagawa ang paninisi mo sa kanya Miss."
"Tama siya", pagsang-ayon ng matabang lalaki. "Sa ngayon ay dapat tayong mag-isip ng paraan kung papaano makalabas ng ligtas dito." Kinuha niya ang supot na hawak-hawak at inilabas ang pack ng gummy worms. He opened it and offered us.
"No thanks", I refused. Kahit paborito ko iyon, I cannot eat at this situation. Hindi ako matutunawan kapag kakain ako.
"Anong gagawin natin ngayon?"
Napatingin ako sa lalaking nanghostage. He walked back and forth in front of us na para bang may iniisip. Nanginginig pa rin siya at pawis na pawis kahit na air conditioned ang loob ng convenience store. Maiitim din ang kuko nito marahil ay dahil iyon sa grasa. His gray shirt has remnants of grease and... blood?
"Kuya..."
Hindi ako narinig ng lalaki dahil mukhang malalim ang iniisip nito. Mahigpit ang hawak niya sa baril kaya hindi ako maaring gumawa ng kung ano man, just like what I told Gray.
"Kuya!" tawag ko ulit and this time ay nakuha ko ang atensyon niya. Nanlilisik ang mata na napatingin siya sa akin.
"Ano?!"
"May problema po ba kayo?"
Bigla na lamang niyang itinutok ang baril sa amin at napapapiksi ang mga kasamahan. "Manahimik kayo diyan!"
I shut my mouth when he continued walking back and at nag-isip ng malalim. Isang matalim na tingin naman ang natanggap ko mula sa babaeng tinawag na Pearl.
"What the hell? Balak mo bang ipapatay tayong lahat?"
I prevented myself from throwing a glare at him. I should be water if she's the fire. Walang patutunguhan kung mag-aaway pa kami gayong nasa ganitong sitwasyon kami.
"Sorry," I uttered. Sinulyapan ko ang hostage taker. Mukha siyang balisa at tila malalim ang iniisip. Did he really mean to hostage us? Looking at him now, he is not making any demands or calls to the authority to do some negotiation.
"Kuya Hosty..."
Napalingon kaming lahat sa matabang lalaki. His mouth was full of gummy worms habang nakatingala siya sa lalaki. Kuya Hosty? He knows the guy?
"Sinong Kuya Hosty?" singhal ng lalaki sa kanya.
"Ikaw po. Kuya Hosty as Kuyang Hostage taker. Ayos lang po ba kayo?" tanong ulit nito at gaya ng nangyari sa akin kanina, he received glares from the cashier at maging mula sa isang babae na kasama nito.
"Mukha ba akong okay?!"
"Hindi po. Gummy worms po gusto mo?" Geez. This guy is unbelievable and I wanna roll my eyes. Akala ko ay magagalit ito at pagbabantaan kami ngunit sa halip ay pasalampak na umupo ito sa sahig at hinila ang buhok. He looks so frustrated.
"Ano ba ang nagawa ko", bulong ng lalaki sa kanyang sarili. Nanginginig na nakatitig siya sa kanyang mga kamay nang nakarinig kami ng mga sirena ng pulis. "Nandiyan na sila!"
Tumayo siya at muling naglakad nang pabalik-balik. It seems to me that he is not up for a simple hostage taking dahil mukhang hindi niya alam ang ginagawa niya.
"ERNESTO JARDIN! SUMUKO KA NA!" sigaw ng isang pulis sa labas na gumamit ng megaphone. Ang sigaw nito ay mas lalong nagpabalisa lamang sa lalaki.
"P*tang ina!" he cursed and looked around- probably looking for any exit but couldn't't find any. "Wala akong kasalanan! Wala!"
"Yan ang sinasabi ng lahat ng kriminal" bulong ng cashier ngunit halatang nilakasan niya iyon upang marinig namin.
"Tumahimik ka!"
Maaring tama ang babae ngunit may pakiramdam ako na nagsasabi ng totoo si Kuya Ernesto. Pero hindi rin naman pwedeng basta-basta na lamang kami maniniwala sa kanya.
"Wala akong kasalanan... Wala akong kasalanan..." bulong niya sa sarili.
"ERNESTO JARDIN! PAKAWALAN MO ANG MGA HOSTAGE MO!"
"Anak ng teteng! P*tang inang mga pulis yan. Sinabi nang wala akong kasalanan! Naset-up lang ako!" wika niya at nanghihinang napaupo ulit. He looks like a child who lost a game at mukhang ano mang oras ay iiyak na ito.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanya. Pinigilan ako ng mga kasama ko ngunit makahulugang-tiningnan ko lamang sila.
"Mang Ernesto."
Mula sa pagkakayuko sa sahig ay napatingin siya sa akin. Saglit na may galit na bumakas sa mukha nito ngunit agad ding nawala dahil muli itong napayuko.
"A-ano po bang nangyari, baka po gusto niyong pag-usapan..." Sa katunayan ay nanginginig ako sa takot ngayon pero kinontrol ko ang sarili ko. I think something happened that's why this man did this thing now.
"Wala akong kasalanan... Inosenti ako..."
"Ikuwento niyo po mula sa simula," wika ko.
Bigla na lamang itong napatingin sa akin na nanlilisik ang mga mata at itinutok sa akin ang baril. I winced in surprise at napasinghap naman ang ibang naroon.
"Hindi kayo maniniwala sa akin!"
"Malay niyo po, maniwala kami sa iyo Kuya Hosty," wika ng lalaking mataba. Napakamot sa ulo niyang si Manong Ernesto at napasandal sa isang shelf.
"Sinet-up lamang ako... Nag-iinuman kami ng kaibigan kong pulis sa bahay ko... May dumating na dalawang pulis kaya apat na kami... Tapos nagpaalam ako upang ayusin ang kotse na nasa garahe. Sabi kasi ng may-ari kukunin niya iyon bukas nang umaga kaya ginawa ko kahit nakainom ako. Halos dalawang oras din ako doon..." He stopped at tila nahihirapang isipin ang mga nangyari. It must have been hard for him. "Pagkatapos, bumalik ako sa bahay ko ngunit pagdating ko doon ay patay na si Pareng Roy at wala na doon sina Marjun at Jerry."
"Pinatay?" tanong ng kasama naming guard. "Sino ang pumatay sa kanya?"
"Hindi ko alam! Basta ang alam ko ay dumating na ang mga pulis upang hulihin ako! Wala akong ibang nagawa kaya napadpad ako dito..."
"At pagkatapos ay hinostage mo kami?", naiinis na wika ni Pearl. She really doesn't know how to control her mouth, doesn't she?
"Pearl!"
"Totoo naman Millet eh!"
"Gaya niyo ay biktima lang din ako. Wala akong ginawa... Nagtrabaho lamang ako!" giit ni Mang Ernesto.
"Kung gayon ay sabihin mo sa mga pulis sa labas ang tunay na kwento," wika ng matandang nakatabi ko kanina.
"Hindi iyon ganoon kadali. Ang dalawa sa kainuman ko kanina ay mga pulis ngunit ngayon ay hinahabol nila ako!"
Bigla akong napaisip dahil sa sinabi niya. Posible kayang ang isa sa nakainuman niyang pulis kanina ang may kasalanan at sinet-up nga siya?
That was my ringtone at saka ko pa lamang naaalala na nasa kanya pala ang cellphone ko. Kinuha niya iyon mula sa bulsa niya at tinangkang patayin ngunit agad ko itong napigilan.
"Sandali po! Pwede ko bang sagutin ang tawag na iyan?" tanong ko nang makitang si Gray ang tumatawag.
"Magsusumbong ka sa mga pulis! Hindi pwede!"
"Hindi po! Sa katunayan ay maari tayong tulungan ng tumatawag, kung papayag ka. Please Manong..." I was taking chances. Hello, sinong hostage taker ang papayag na makipag-usap ang isa sa mga hostage niya sa telepono?
I thought he would still refuse pero inihagis niya sa akin ang cellphone ko. "Siguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong."
Oh. So he is the hostage taker who will let his hostage talk to someone in the phone other than hostage negotiation. Nang masalo ko ang cellphone ko ay agad kong sinagot ang tawag ni Gray habang nakatunghay naman silang lahat sa akin.
"Gray..."
"Amber! Anong nangyari kanina? Did the hostage taker hurt you? Ano na ang nangyayari diyan sa loob?" tanong niya sa boses na puno ng pag-aalala.
"A-ayos lang kami," sagot ko. I have to be careful in everything I say dahil baka ano mang oras ay wala na akong buhay. Napatingin ako kay Manong Ernesto na tila ba nanghihingi ng permiso.
"Gray we need your help."
#
-ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top