CHAPTER 42: GAME OF DEATH (Part 4)

Chapter 42: Game of Death (Part 4)

My mind was blocked and Ryu just immobilized me. This is one hell of a kiss- if this is even called kissing! The moment his lips touched mine, it was still for a second or two yet after that his, lips started to move. My arms which he snaked around his waist grabbed the shirt that he was wearing dahil sa pagkagulat. What even shocked me were his warm hands on my bare back, caressing every skin that he can touch! He touched my back so gently that it adds to the warm feeling that I felt after having some drinks.

I was about to protest but he took advantage of that moment and he pulled me closer to him, roaming his tongue inside my mouth. Hindi ko alam kung dulot ba iyon ng nainom ko o sadyang nakakalasing lamang ang paraan nang paghalik ni Ryu. His eyes were closed at hindi ko alam kung ano ang dapat kung isipin dahil parang naging paralisado ako at ang utak ko. His kiss was wild and it almost got me closing my eyes but he ended it already.

Pareho kaming naghahabol ng hininga nang binitawan niya ako. He looked up above the door to check if the guy was still there at napabuntong-hininga. "It worked. Now pull your dress up and-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil dumapo ang kamao ko sa mukha. Yep, like I always say, I don't slap, I punch hard. At mukhang napalakas yata ang suntok na iyon dahil dumugo ang gilid ng labi niya.

"What the hell?!," bulalas niya. Pinahiran niya gamit ang kanyang kamay ang dugo sa labi niya. "I said curse me later, not punch me!"

"My lips, my rule! At ano sa tingin mo ang ginagawa mo? I can sue you for attempted rape!"

I thought that might scare the shit out of him but I was wrong. Sa halip na matakot, he just showed me his infamous smirk. "Yeah, sue all you want o baka naman nagsa-suggest ka na rape-pin kita?"

Do you know that feeling when you want to reach out and just choke him? Given this little distance between us, madali lamang i-execute ang plano ko. "Shut up! Alam mo bang galit na galit ako ngayon?!" I mean it. I am very angry right now!

"Really? I figured that one out dahil sa sobrang galit mo ay hindi mo man lang nagawang itaas 'yang damit mo."

Bago pa ako tuluyang sumabog ay itinaas ko na ang suot kong damit. See, if I am so mad, I don't think well. Mukhang hanggang ngayon ay nalalasing pa ang utak ko dahil sa dulot ng alak... or maybe because of the other reason that I don't want to think about. Gusto kong magwala dahil sa ginawa niya but we are in this crowded space. Padabog na lumabas binuksan ko ang CR at nanggagalaiti na lumabas doon.

"Look, it's not that I like it!," Ryu said na nakasunod pala sa akin. Mas maiinis lamang ako kapag sasagutin ko ito. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lamang sa paglalakad ngunit muli itong nagsalita.

"I just did it to save us."

Now I cannot help but rebut. Tumigil ako at nanlilisik ang mga mata na nilingon siya. "You mean you, to save you. You did it to save yourself!"

"Nasa loob ka kaya damay-damay na 'yun!," matigas niyang wika. He looks red, did he blush too?

"And let me remind you that it's you who barged into the cubicle that I'm in!"

"Hindi mo ini-lock ang pinto!"

"Doesn't mean you have the right to barge in! At ano ba ang ginagawa mo dito sa club na ito?," I hissed. "Sinusundan mo ba ako?"

He pushed my forehead using his pointer finger. "Wow. Overflowing confidence. Hindi ka kasunod-sunod, just so you know."

"Then what are you doing here?!"

"Chilling!"

"Chilling, my foot!"

"Look witch, I hate to burst your bubble but it's the only way for you to realize this. Hindi kita sinusundan. I'm with my bitches who were far better than you- at least physically! Hindi kita sinusundan for whatever reason you have in mind."

"Arrrrgh! Nakakainis ka!"

"You don't have to be upset and act like it's you who suffered! I didn't like it anyway," he said with a smirk at hindi ko mapigiling taasan siya ng kilay.

"What the hell?!"

"Yeah. Sino ba ang gustong humalik sa kakasuka lamang? At ni hindi ka man lang nakapagmumog! Seriously your mouth tastes like..." He paused as if he's thinking for something. "Lasang kanal!"

I gave him a smirk, like the one he always carry. "Talaga? Natikman mo na pala ang kanal?!"

"I mean... It doesn't taste good, kahit konti!I want to puke too after tasting it!"

"I wiped my mouth using a tissue!"

"Sana kinain mo ang tissue at nang malinis din ang loob ng bibig mo!"

I'm not winning in this argument kaya mas mabuti pa siguro na manahimik na lamang ako. God, ano na lamang ang sasabihin ni Mommy kapag nalaman niya ito? Isusumbong ko ba si Ryu? Oh no, I'm not the kiss and tell type. No, hindi ito makakarating sa kanya.

Lumabas ako ng CR at bumalik na kung saan iniwan ko si Reo. Wala akong pakialam kung sumunod man si Ryu upang ipamukha sa akin na labag din sa kalooban niya ang ginawa niya. I was expecting the loud music and crowded dance floor paglabas ko ngunit tahimik paglabas ko. There were still many people ngunit nasa gilid ang lahat at nakatingin sa katawan ng isang babae na nakabulagta sa sahig!

Nagulat ako nang mapagtantong iyon ang babaeng nakabangga ko habang sumasayaw! I spotted Jeremy and Reo on the side near the body. Agad ko silang nilapitan matapos tapunan ng tingin ang babaeng walang malay.

"Jeremy, anong nangyari?"

Bumuntong-hininga siya at sinulyapan ang babae. "Familiar?," he asked and I nodded. "It's Mary Claire Consolacion."

"Mary Claire Conso- Consolacion? That's our student council president!," bulalas ko. The girl was different from the one we always see in Bridle.

"Exactly. The prim and proper student council president. Turns out, Maria Clara siya sa umaga ngunit Maria Ozawa pala sa gabi," Jeremy said. Tama siya, napakalayo ng hitsura niya kapag nasa Bridle siya sa hitsura niya ngayon.

Narinig na namin ang sirena ng mga paparating na pulis. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na lumapit sa katawan ni Mary Claire dahil agad iyong ginawang off-limits ng mga pulis. We have no other choice but to leave the club pagkatapos magtanong ng mga pulis para sa mga witnesses. Ayon sa kanilang primary investigation, the cause of death was poison na inihalo sa inumin ng biktima. Nakatayo kami sa labas ng bar kasama sina Jeremy at Reo. Hindi ko na nakita pa si Ryu at mas mabuti na rin iyon dahil maaalala ko lamang ang ginawa niya kapag nakita ko pa siya!

Iniyakap ko ang mga kamay ko sa braso ko. Hindi ko maiwasang isipin ang biktimang si Mary Claire. She was a role model at school. Responsable at maaasahan. I never thought that she had this side. Thick makeup, slutty clothes, clubbing- I never expected her to be the party girl type. Maganda sa Mary Claire. Maputi at maganda ang hugis ng katawan. And when she lay dead inside, she still had her white skin only that it was pale and lifeless. Her lips were red and-

What did I just say?!

"Jeremy!," tawag ko sa kanya. Sa simula pa lang ay nagkamali na kami! Lumingon siya sa akin at bahagyang nakakunot din ang noo na para bang may iniisip. May sasabihin sana ito ngunit isang taxi ang huminto sa tapat ng club at bumaba doon si Math at si Gray. Bahagya pa silang nagulat nang makita nila kami at nagmamadaling lumapit sa amin.

"Anong ginagawa ninyo dito?," salubong na tanong ni Jeremy sa kanila.

"We figured out the meaning of the code. Kapag gumamit tayo ng columnar transposition cipher at iayos ang letra ng pangalan ni Amber alphabetically, we will get SAVE THE STUDENT COUNCIL PRESIDENT. Nagtanong-tanong kami kung nasaan si Miss Pres kaya nakarating kami dito," sagot ni Math.

"Pero akala namin ay si Doreen Apdian ang puntirya nila," wika ni Jeremy.

Gray looked at Reo and then looked at me. Saglit lang ang tinging iginawad niya sa amin bago nagsalita. "Akala din namin sa simula pero nagkamali tayong lahat."

"And now we're too late. Base sa mga nakikita kong police car, Mary is dead right now. Ano ba ang ginagawa ninyo dito Amber?," tanong ni Math sa akin.

"W-we hang out."

"Hang out? You received threats about murders of people within Bridle yet nakuha mo pang mag-hang out?!," medyo tumaas ang boses na wika nito. Hindi ko maiwasang maguilty. She's right, kung naging responsable pa ako ay malamang buhay pa ngayon si Mary Claire.

"Sorry," sabat ni Reo. "Ako ang nag-imbita kay Amber na lumabas kaya kasalanan ko."

"No, hindi mo kasalanan," wika ni Math. "It's Amber's fault. Siya naman ang sumama diba? She could say no if she's really concern."

"Math....," saway sa kanya ni Gray. I remained silent dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Yes, I could refuse him if I want to pero naging kampante ako sa isiping si Doreen Apdian ang puntirya nila. And I was wrong. Very wrong.

"I was able to track your call with a restricted number kaya posibleng si Tross iyon. But what did you do? Gumala? Nagparty? What the hell Amber? How could you go clubbing kung dahil sa'yo ay may idinadamay na inosenteng estudyante ang Genesis?"

"Math...," saway naman ni Jeremy sa kanya. I can't help but bit my lips. Is it really my fault? Math's mad at lumalakas ang boses niya and we're actually attracting attention right now.

"Look, I'm sorry ... Nagkamali ako at naging kampante..."

"Naging kampante? Paano mo naaatim na magkamali at maging kampante?!"

"Dahil hindi naman lahat ng bagay ay alam ko! I am not a damn genius na lahat ng bagay ay alam ko, or at least I am not trying to act like one!"

"Look Amber, kaya naman nangyayari ang lahat ng ito ay dahil sa iyo eh. Walang kailangan ang Genesis sa mga estudyanteng dinanamay nila. They picked randomly just to get to you. upang ibigay mo sa kanila ang gusto nila. Hindi ka man lamang ba nakokonsensya sa mga nangyayari?," Math said. Base sa tono nito ay sobrang naiinis na ito. But how can she blame it all to me at sa harap pa ng maraming tao?

"Math," saway ulit sa kanya ni Jeremy. Hinila niya ito ngunit tinabig lamang siya ni Math. "Walang may kasalanan dito kaya walang patutunguhan kung maninisi ka."

"Hindi na nakakatuwa ang mga nangyayari. Who knows we could be the next victim! And then what? Nasaan si Amber, nagpapakasaya samantalang ang iba ay nagsasakripisyo ng buhay nila. It's not even their choice!"

"Math, tama na," buo ang boses na wika ni Gray. Nakayuko lamang ako habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Math. Masakit man tanggapin pero aaminin kong may tama din naman siya. It's all because of me. If they kill people to use them as carrier, siguro ay iisipin ko pa na hindi dahil sa akin. But this? It's because of me. Tross Delano clearly asks for something from me that I do not even know what in the first place. At kahit sabihin ko man ang totoo, hindi ito maniniwala sa akin.

Gusto kong sumigaw at sabihin sa kanya ang nais kong sabihin... pero hindi ko kaya. Kahit saang anggulo tingnan, may point si Math. Who knows that they could end up dead if I will not act immediately?

Inipon ko ang lakas ng loob ko at nakakuyom ang kamao na sinalubong ang mga nanlilisik na mata ni Math.

"You know what? You're right. I am at fault here. Kailangan kong gumawa ng paraan upang matigil na ito bago pa man ito lumala. But let me do one thing first..." Humakbang ako palapit sa kanya. They were all silent for a moment ngunit agad namang napasigaw nang dumapo ang kamao ko sa mukha ni Math. Bahagya siyang napaatras at agad namang inalalayan ni Jeremy.

"What the hell Amber?!" Hindi niya inaasahan ang suntok kong iyon. It wasn't as hard as how I punched Ryu a while ago. Well she can't blame me. Sa tindi ba naman ng tabas ng dila niya?! Pasalamat siya at isang suntok lamang ang inabot niya!

"That's all I need," wika ko at nilampasan sila upang pumara ng taxi na paparating.

***

Matapos ko silang iwan kagabi sa club ay umuwi ako sa dorm. Mabuti na lamang at gising pa sina Andi kaya kahit papaano ay nakapasok pa rin ako kahit lagpas curfew na. I felt sorry for Reo. He invited me but I left without saying a word. And speaking of him, he asked for my permission if he can court me. Aaminin ko na medyo hindi ako naging komportable. Marahil ay dahil iyon ang unang beses na may nagsabi sa akin na manliligaw siya. Well, Khael said something similar but I don't think it's serious.

At tungkol naman sa nangyari kagabi, I didn't regret punching Math. Ay mali, nagsisi pala ako. I should have done it harder. As of the victim, tama nga sina Math. By using a columnar transposition cipher, makukuha namin ang SAVE THE STUDENT COUNCIL PRESIDENT.

Sa pamamagitan nang pagsaayos ng mga letra ng salitang Amber alphabetically, mabubuo ang mga salitang iyon kapag inayos ang mga letra vertically at babasahin horizontally.

A M B E R
1 4 2 3 5
S A V E T
H E S T U
D E N T C
O U N C I
L P R E S
I D E N T

Balik skwela na naman at hindi na ako nagulat nang makitang may pasa sa mukha niya si Math. And I thought it wasn't hard gayong nagkapasa ito. She's mad at me, alam ko. Pagdating kasi niya kanina at tahasang sinamaan niya ako ng tingin at hindi man lamang ako binati. And who cares? Hindi ko ikamamatay kong hindi man kami mag-usap nang buong taon o kahit forever pa!

Isa pa 'to si Gray. He doesn't look happy at all. I mean, wala man lamang kangiti-ngiti sa mukha nito. What now? Is he going to blame it all to me too? Nah, if he does, dalawa na sila ni Math- tatlo pala. Tatlo na sila ni Ryu na mababangasan ko sa mukha.

Nang natapos ang unang klase ay tinawag ako ng guro upang papuntahin sa OSA. I wonder what I did this time ngunit sinunod ko pa rin ang utos nito. The news about our late student council president spread in Bridle. Lahat ng estudyante ay nanghihinayang sa pagkawala ni Mary Claire.


She was an epitome of a good leader at nakakalungkot isipin ang sinapit niya. Ayon sa mga sabi-sabi, may sakit umano ito. May balita din na matagal na talaga itong may taning. Geez, those rumors were wrong dahil nasa bar siya at pinatay ng isang taga Genesis. Maybe they don't want us to know how she really ended up.

I sighed heavily at tinahak na lamang ang daan patungo sa Office of the Student Affairs.

#

-ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top