CHAPTER 41: GAME OF DEATH (Part 3)

Chapter 41: Game of Death (Part 3)

Pagkatapos kong isigaw ang buong pangalan ni Jeremy, which he obviously hates dahil nalukot ang mukha niya ay tinanggal ko ang poster mula sa bulletin board at agad na nilakumos iyon.

"Nasaan ang iba pang poster?!"

Napakamot siya sa kanyang ulo. "Wala na. Tinanggal na rin ni Gray. Ang KJ 'nyo talagang dalawa!"

"Hindi nakakatuwa 'tong ginawa mo Jeremy. Bakit mo naman pino-promote ang isang imaginary detective group?"

Nakarinig kami ng pagtikhim at kasunod niyon ay ang isang pamilyar na boses. "I think I came on a wrong time."

Napalingon kami ni Jeremy sa pinagmulan ng boses at nakita si Reo. Matagal-tagal ko din siyang hindi nakita. Bahagya akong napakalma nang makita siya. "R-reo."

"Hi there Pretty", bati niya at iniabot sa akin ang isang bouquet at chocolate. He kissed me cheek at napatikhim si Jeremy.

"R-reo. I believe you already met Jeremy. Je, si Reo", pakilala ko sa kanila. Ang nakangising mukha ni Jeremy kanina ay napalitan ngayon ng seryong mukha. Sa paraan ng tingin na iginagawad nito kay Reo ay parang kinikilatis nito ang huli.

"Yes, hello Jeremy", he said at muling bumaling sa akin. "I'm sorry if I'm nowhere to find these past weeks, medyo busy lang. I tried calling you in your phone but out of reach ka."

"Okay lang, hindi ka naman hinahanap ni Amber eh", mahinang wika ni Je ngunit dinig na dinig namin ang sinabi niya. I glared at him ngunit wala iyong epekto sa kanya.

"I lost my phone", sagot ko. "Thank you for the flowers and chocolates." Hiningi niya ang bagong number ko at ibinigay ko naman iyon sa kanya.

"Bakit mo siya binigyan ng flowers, buhay pa naman siya ah?", Jeremy asked. "At chocolates? Hindi niya type ang chocolates."

"Jeremy!"

"Ayaw mo ng chocolate Amber?"

"No, I like chocolates. Huwag mo na lang pansinin 'yan si Jeremy, mapagbiro kasi 'yan."

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Matamis na ngumiti si Reo. "I'll think of something next time Amber. Hindi na rin ako magtatagal-"

"Mukha ka namang malusog at walang sakit, pero mabuti na rin na hindi ka na magtagal", wika ni Jeremy. What the hell?!

"No, I mean hindi na ako magtatagal dito sa Bridle."

"Ahh, akala ko naman hindi ka na magtatagal dito sa mundo, sayang", Jeremy said at mahinang sinipa ko ang paa niya. Reo ignored him at muling bumaling sa akin.

"Let's go out tonight Amber", paanyaya niya.

"Tonight?" But we have to make sure na hindi mapapahamak si Doreen mamayang gabi. I want to say yes but I cannot risk leaving Bridle without making sure na ligtas si Doreen.

"Sakto! Libre din ako mamayang gabi, sama ako!", Jeremy said. It sounded like a declaration than asking for our approval. "Libre na tayo mamaya Bestie at magandang mag-enjoy naman tayo. You know, break from stress. Pumunta tayo sa club!"

"Pero Jeremy, si Doreen."

Ngumuso siya sa sasakyang dumaan sa harap namin. It was Doreen at posibleng Daddy at Mommy niya ang kasama niya sa loob ng kotse. "There's Doreen kaya makakasiguro tayo na ligtas na siya- or at least malayo siya sa panganib na nasa Bridle."

"But I want to bring Amber in a restau-"

"Ayaw ko sa restaurant", reklamo ni Jeremy. "Ang liliit ng mga sineserve na pagkain tapos ang mamahal pa, akala mo naman sobrang sarap. Diba ayaw mo rin sa restaurant Bestie?"

Napatingin si Reo sa akin na para bang tinatanong kung ayaw ko ba talaga sa restaurant o hindi. "No, it's just fine."

"Diba sabi mo kanina na ayaw mo sa Bestie?" Eh? Sinabi ko ba iyon?

"Alright, let's go clubbing tonight", wika ni Reo. "Ayos lang ba sa'yo Amber?"

Bago pa man ako makasagot ay si Jeremy ulit ang naunang sumagot dito. "Siyempre! Sunduin mo kami tonight ha? We need to go, may klase pa kami!"

Hinila na ako ni Jeremy palayo kay Reo at isang pilit na ngiti na lamang ang iginawad ko sa kanya. He also smiled at me at nagpaalam na rin. Nang hindi na namin matanaw si Reo ay saka pa lamang ako binitawan ni Jeremy.

"Jeremy, what do you think you're doing?!"

"I'm saving you", nakahalukipkip na sagot na sa akin. Saving me? From what?

"Really? Saving me from Reo?"

"Bingo! HAHAHAHA! Biskwit pa rin!", he said and laugh.

"Why? Bakit mo naman ako ililigtas kay Reo?", nakataas ang kilay na tanong ko. Reo is a good guy. Kahit noong elementary pa lang ako ay mabait na ito. He was an honor student at wala siyang record na nasangkot sa ano mang away o pangbu-bully noon. How did I know? Crush ko siya dati diba? At kapag crush mo ang isang tao, daig mo pa ang CIA sa paghahalungkat ng mga bagay na may kinalaman sa kanya mula sa paboritong kulay hanggang sa paboritong superhero. He likes blue, idol niya si Iron Man, mahilig siya sa fries, si Marie ang first crush niya- ask me things about him like those, I can give you all the answers.

Bahagyang lumapit siya sa akin at seryosong tiningnan ako. "Dahil isang siya FB."

"FB?"

He looked around at binabaan ang kanyang boses. "Oo. FB as in Fuck Boy."

What the fudge! Fuck boy?! Paano naman niya nasabi iyon?

"How do you know?"

"Marami akong basehan Bestie, una yung hairstyle. 'Yang mga hairstyle na ganoon, hairstyle ng FB 'yon!"

"You're stereotyping!"

"Tapos 'yang mga galawang ganyan, kunwari dadalhin ka sa isang restaurant pero pagkatapos lalagyan lang pala ng date rape pill ang inumin mo and you know what will happen next", he said and snapped a finger.

"Eh bakit sa club?"

"At least kasama ako!"

"You can come with us in a restaurant!"

"Magmumukha akong third wheel", he said.

Umirap ako sa kanya. Mabait si Reo at hindi siya FB gaya ng sabi ni Jeremy. He's just over thinking. "Ewan ko sa'yo. Hali ka na nga!"

***

It was past 7 nang dumating kami nina Reo at Jeremy sa isang night club. The night is still young but some people are wasted. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa isang club but it always feels like it's the first time. Maybe I will never get used to this kind of life I prefer my nights to be quiet.

The place was crowded and noisy but I already expected it. Iginiya kami ni Reo patungo sa isang mesa na nasa gilid. It was a small table with sofa in the sides.

"I'll go get a drink", wika niya ngunit hindi pa man ito nakahakbang ay nagboluntaryo na si Jeremy.

"Ako na!", wika niya at makahulugang tumingin sa akin. He must be reminding of what he said kanina. Ayon sa kanya, kunwari ay ikukuha daw ako ng isang FB ng inumin, but he would secretly spill some pill on my drink. Kahit hindi naman ganoon ang pagkakilala ko kay Reo ay hindi ko pa rin maiwasang matakot. Or maybe it's just because Jeremy is over thinking.

Nang naiwan kami ni Reo ay muli siyang humingi ng paumnahin sa akin dahil sa ilang linggong pagkawala niya.

"Pasensya ka na talaga Amber", wika niya at ginagap ang kamay ko. I can't help but brush some strands of my hair on the back of my ears. Kapag kausap ko si Reo, pakiramdam ko ay ibang tao ako. I mean, I don't usually fluster whenever someone compliments me, hindi ako nagpapabebe- not unless it's Reo.

"It's really fine, naging busy din naman ako", sagot ko sa kanya. Was it me o sadyang mas lalo lang talaga siyang gumwapo?

"Hey, you want to dance?", tanong niya.

Kahit nasa club kami ay hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. When he asked me if I want to dance, he doesn't mean a dance that we usually dance on debuts and balls. It's more like a dance like- uh how should I describe it?

Girls were dancing like they're almost clinging on the boys. Pababa nang pababa ang paraan ng pagsasayaw nila and it seems like the guys are enjoying it. The music was good but it was a bit wild. And there's no way I will dance like those girls. NEVER!

"Am I suppose to dance like those girls?", tanong ko ka Reo. Bigla na lamang siyang natawa na para bang aliw na aliw siya sa akin.

"You're so cute!"

Kung ibang lalaki pa siguro ang nagsabi 'nun ay malamang tinaasan ko na ng kilay. But it's Reo and he is the only one who can make me feel like I am not me. Whenever he is around, I always become a different person.

"Reo... Hindi kasi ako sumasayaw", nakayukong wika ko. I have two left feet at ayaw makipagcoordinate ng katawan ko sa musika.

"Pwede kitang turuan. At hindi mo naman kailangang gayahin ang paraan ng pagsayaw nila", wika niya at tiningnan ang mga nasa gitna. "You can just stand and move your head along with the rhythm."

"Hindi ba 'yan nakakahilo?", sabat ni Jeremy na kadarating lamang mula sa pagkuha ng inumin. May dala siyang dalawang bucket ng alcoholic na inumin at inilapag iyon sa harapan namin. He opened one bottle and handed it to me. It was beer. Kumuha rin si Reo ng isang bote at ininom iyon. I did the same at napangiwi ako sa pait niyon. It was bitter but tolerable.

"So Reo, paano mo naman nadiskubre itong lugar na 'to? Palagi ka ba dito? Sinu-sino naman ang isinasama mo?", Jeremy asked. Bahagya kong sinipa ang paa niya mula sa ilalim ng mesa.

"Minsan lang and when I come here, mga barkada ko ang kasama ko. I chose this club dahil ito ang pinakamalapit sa Bridle", sagot ni Reo. Nagpatuloy lang kami sa pag-inom hanggang sa maubos ko ang laman ng bote.

Reo turned to me and asked me again. "So, shall we dance?"

Pumayag na lamang ako kaysa naman gisahin siya ni Jeremy ng kung anu-ano. Tumayo kami mula sa kinauupuan namin at nagpunta sa dancefloor kasama si Reo. He began moving his body at nakangiti sa akin. I followed his movements kahit na hindi ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko. Hinawakan niya ako sa balikat at umindayog siya sa tugtog ng musika. It helps me somehow to follow the way he dances at kalaunan ay nawala na ang awkwardness na nararamdaman ko kanina. I'm not a dancer and I don't even dance, but thanks to Reo for making me love dancing even just for a while.

I dance all the stressful thoughts away. From Dad's death, the Genesis, Tross, Math and everything. Kahit sandali lamang ay nakalimutan ko ang lahat ng mga bumabagabag sa isipan ko. The music played by the DJ was good and the smoky surrounding helps a lot.

Patuloy lang ako sa pagsayaw ngunit bigla na lamang akong nabangga sa isang babae. She turned to me and raised her brow ngunit nang makita niya ako ay bahagya siyang nagulat. Her eyes widened at agad niyang iniiwas ang mukha sa akin. I have a feeling that I knew her dahil pamilyar ang mukha niya ngunit hindi ko lamang matukoy kung saan ko siya nakita. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang kanyang palad at bahagyang lumayo.

She wore a slutty black dress na hapit na hapit sa katawan niya. It was a tube dress at parang ako pa ang nababahala dahil baka malaglag ang maliit na pirasong tela na tumatakip sa katawan niya.

"Hey", Re said. "Kilala mo ba 'yon?"

I shook my head at muling sinulyapan ang babaeng nagpatuloy lamang sa pagsasayaw. Her hair was messy and her lips were bloody red. Makapal ang suot nitong makeup kaya marahil hindi ko agad siya nakilala.

"I think so kaya lang hindi ko maalala kung saan ko siya nakita", wika ko sa malakas na boses upang marinig niya ako kahit malakas ang tugtog.

"Maupo na muna tayo", paanyaya niya at pumayag naman ako. When we went back to our seat, wala doon si Jeremy. Maybe he went somewhere o hindi kaya ay nasa dancefloor ito at sinasayaw na naman ang YMCA kahit na hindi iyon tugma sa tugtog. Geez.

"Thank you dahil pumayag ka sa paanyaya ko", Reo said. Kumuha ulit siya ng inumin at binigyan niya rin ako. "Gusto ko sanang dalhin ka sa restaurant gaya ng plano ko pero sabi na rin ng kaibigan mo na ayaw mo sa ganoon."

"That's not true, don't mind him."

Nakangiti pa rin si Reo habang nakatingin sa akin. "By the way, you look beautiful, as always."

Ayan na naman siya! Salamat sa malamlam na ilaw ng club, he didn't get to see me blushing! Hindi araw-araw na may taong titingin sa akin gaya ng paraan ng kanyang pagtitig sa akin. And it's not everyday that a guy would say I look beautiful and sounds like he really mean it. Bigla ko na lamang kinuha ang bote ng beer at inubos sa isang inuman ang laman niyon. God, this is so awkward! I mean, I never imagine that this thing would happen. Kung dati ay hanggang daydream lang ako noong elementary pa ako, ngayon ay nangyayari na ang mga iyon.

Of course every girl has a fantasy kahit gaano pa siya ka-boyish noon. I wasn't the kid before who acts like a girl. I was one of the boys though I don't really have a boy buddy back then. Bago ako hinahatid nina Daddy sa skwela ay naka-braid pa ang buhok ko o di kaya naman ay may malaking laso. Ngunit sa oras na nakababa na ako sa kotse at magpapaalam na si Daddy, I would remove my braids or whatever girly stuff I have in my hair. I don't play dolls, sa halip ay ang laruang espada, holen o kaya naman ay stickers ang pinaglalaruan ko- until I was Grade Five and I met Reo Loyola. Naging conscious na ako sa mga kilos ko. I still removed my laces but I always make sure na maayos ang pagkakalugay ng buhok ko.

"T-thanks..." My head started to spin, marahil ay epekto iyon ng nainom ko.

"Alam kong hindi ito ang tamang panahon para itanong ito, but I still want to ask. Pwede ba akong manligaw sa'yo Amber?"

My eyes grew wide. Not because of what he said but because I felt like throwing up. Damn! Bakit naman sa ganitong pagkakataon pa! Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko.

"I think I really need to go to the bathroom!" Humakbang ako patungo sa direksyon ng CR ngunit agad ding bumalik nang may naalala ako.

"Reo, whatever happens, 'wag na 'wag kang susunod sa akin sa CR."

Nagtataka man ay nakangiting tumango pa rin siya sa akin. "Got it."

Matapos iyon ay agad akong tumakbo. Nang may bakanteng cubicle ay agad akong pumasok at hindi na nag-abalang maglock pa ng pinto dahil nasusuka na ako. I kneeled in front of the toilet bowl at agad na nagduwal. Ito ang rason kung bakit ayaw kong sumunod sa akin si Reo. I just can't let him see me in this state! This is gross at nakaka-turn off! Patuloy lang ako sa pagduduwal nang bigla na lamang may pumasok sa loob ng cubicle at isinara ang pinto at ini-lock.

What the hell?!

"Damn!", bulalas ng pumasok. Masyado akong abala sa ginagawa kong pagsusuka but his voice is too familiar that I cannot ignore it. I turned to look at him at nagtama ang mga mata namin at parehong kaming nagulat!

"Amber?!"
















"Ryu?!"

"What the hell are you doing here?", sabay naming wika sa isa't-isa. He glanced at the toilet bowl at tila nandidiring napatingin siya sa akin.

"Can you flush that thing?!", he said with a smirk at pinaikot ko ang mga eyeballs ko habang sinusunod ang sinabi niya. I ate so much pizza today so this 'thing' here is not really pleasant to the sight. I got a tissue at pinunasan ang labi ko at tinangkang buksan ang pinto ngunit pinigilan niya ako.

"Huwag na huwag mong bubuksan ang pinto!", wika niya at iniharang ang katawan doon.

"At bakit naman? And why are you in here? Hindi mo ba nakitang may tao?!"

"I'm in a situation right now at wala akong pakialam kung may tao man o wala. Ang importante ay may bukas na cubicle!"

"Wala akong pakialam kung ano 'yang gulong pinasok mo!", wika ko sa kanya at tinangka ulit na paalisin siya sa harap ng pinto, but this devil is too stubborn.

"Amber, isang miyembro ng Genesis ang nandito at sigurado akong ano mang minuto ay pupunta siya rito upang hanapin ako. He spotted me and we had a little chase so I ended up being here", paliwanag niya sa akin. Tila wala akong narinig sa iba pa niyang sinabi dahil nakasentro ang isip ko sa sinabi niyang may miyembro ng Genesis ang nandito! Hindi kaya't pinasubaybayan ako ni Tross kaya hanggang dito ay nasundan pa rin nila ako?

"Witch!", pukaw ni Ryu sa akin.

Saka lang ako tila nahimasmasan. I grabbed the hem of his shirt at nag-aalalang nagtanong. "What shall we do now?!"

Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon pang sumagot dahil nakarinig kami ng isang boses.

"Vander!!!! Alam kong nandito ka! Bakit ka naman tumakbo, wala ka bang dalang asong tagalapa?", a man's voice said. Nasa pangatlo at huling cubicle kami ngunit naririnig namin ang malakas nitong boses. I'm sure he's referring to a reaper when he said about a dog.

"Vander!", tawag ulit nito. "Kung ayaw mong lumabas, I'll check it myself!".

Nakarinig kami ng kalabog at kasunod niyon ay ang sigaw ng isang babae.

"KYAAAAAAAAAHHHH! BASTOS! BASTOS! UMALIS KA!"

Shit! Mukhang tinitingnan nito ang loob ng mga cubicle sa pamamagitan ng pagsampa sa pinto.

"What shall we do now?!", I said in a very low voice.

Isang kalabog ulit ang narinig namin at may sumigaw ulit na babae.

"AAAAAHH! PERVERT! PERVERT!"

Kinakabahan na ako dahil sa nangyayari. The guy is a about to check the cubicle that we are in right now and we could end up dead any moment by now!

Bigla na lamang sumandal si Ryu sa dingding ng CR at ginulo ang buhok niya. The next thing I know was that he pulled me towards him at binuksan niya ang zipper sa likuran ng damit ko! Ibinaba ang damit ko hanggang beywang displaying my body wearing only my bra. He grabbed my arms and wrapped it around his waist!

"Curse me later", he said and then his lips touched mine, kasabay niyon ay ang pagsampa ng isang tao sa saradong pinto.

#

-ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top