CHAPTER 40: GAME OF DEATH (Part 2)
Chapter 40: Game of Death (Part 2)
Kung pwede nga lamang ay nagrequest na ako kay Chancellor Judas ng mga bodyguard para sa bawat estudyante ng Bridle! O hindi kaya ay hihingi ako ng pabor sa presidente ng Pilipinas na magpadala ng Special Forces upang bantayan ang kaligtasan namin! Bridle is not safe anymore. The Genesis penetrated the school yet wala akong nakikitang hakbang na ginagawa ng Bridle. Or maybe they don't know about it. Even though the deaths are alarming, pinapangalagaan ng Bridle ang magandang pangalan nito kaya ang division ni Detective Adler ang kinuha nito para sa mga imbestigasyon. They don't want to risk the good name of the school kaya hindi lumalabas ang mga masasamang balita tungkol dito. I don't know how they deal with the families of the dead students, maybe they paid them a huge compensation for the loss o di kaya ay nangako sila ng hustisya at naghugas kamay sa nangyari.
I sat on the bench na nasa likurang bahagi ng gymnasium. I chose not to hangout with the others dahil mainit pa rin ang dugo ko kay Math. How dare her say things about my Dad kahit pa sabihin nating totoo nga ang mga iyon. And the way she said it? She sounded like I have the most disgusting father in the whole universe! Kaya mas mabuti nang dumistansya muna ako sa kanila. Sumandal ako at dahan-dahang ipinikit ang mga mata. Ah, this place is perfect for the peacefulness that I wanted. Walang Math na kung umasta ay parang kung sino, walang Gray na hindi man lamang ako kayang ipagtanggol, walang Jeremy na kung anu-ano lang ang pinagsasabi! Hmmm! So quiet and peaceful-
"Bestie, anong insekto ang rockista?"
I glared at Jeremy nang bigla na lamang sumulpot mula sa likuran ko. He was standing at my back at malapit ang ulo niya sa tenga ko. I pushed away his face at tumalon naman siya mula sa likuran at umupo sa tabi ko. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na walang Jeremy na asungot dito!
"Alam mo bang sinadya kong magpakalayo sa inyo? I need some space", walang emosyong wika ko.
He moved from his seat away from me. "Oh ayan, sapat na ba ang space na 'yan?"
I raised a brow at him. "Je, I really need some time."
He glanced at his wristwatch. "Hindi ba gumagana 'yang relo mo? Quarter to four na Bestie."
Can I choke him? I sighed in frustration. "Jeremy, I'm serious."
Isang malawak na ngiti ang iginawad niya sa akin kasabay nang paglahad niya sa kanyang palad. "Hi Serious, I'm Jeremy- hey you're lying. You are not Serious, you are Amber!"
"My God, Je give me a break!", I said in desperation.
Kinapkapan niya ang bulsa ng suot niyang pants. "Wala akong break eh. Ikaw ba, meron ka?"
Ako na lang ang sumuko. Mukhang wala talaga itong balak na iwan ako. "Argh! Whatever!"
Iniiwas ko na lang sa kanya ang tingin ngunit muli itong nagsalita. "Oh ano na Bestie, anong sagot mo sa tanong ko kanina na sinong insekto ang rakista?"
"Ewan."
"Edi si EPIS Presley! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
I just threw a glare at him habang panay naman ang tawa niya. I thought he would die laughing on his pun ngunit hindi nagtagal ay tumahimik ito at seryosong tumingin sa akin. "I apologize in behalf of Math."
I scoffed and looked away. "Inutusan ka niya? Look, you don't have to-"
"No. As a peacemaker of the Detective Triumvirate Plus One, I apologize for what she said."
"Peacemaker? Kailan pa nagkaroon ng peacemaker ang isang nonexisting detective group?"
"Ngayon lang", he answered at hinawakan ang ulo niya na tila ba binabasbasan ang sarili. "By the power vested on me as the base member of Detective Triumvirate Plus One, I appoint myself as the peacemaker. Oh, ayan, legal na so tanggapin mo na ang sorry ko."
I cannot help but smile. Truth be told, despite his silliness, Jeremy Martinez can make me forget about my burdens kahit saglit lamang. "Fine. Isa pa ay sanay na ako sa kanya pero gaya ng sinabi ko kanina, it's least of my concern. Mas iniisip ko pa ang ipinadalang code ni Tross. Jeremy, what should I do? Hahayaan ko na lamang ba na mandamay ulit ng nga inosenting estudyante ang Genesis?"
"Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam. Siguro ang magagawa natin sa ngayon ay i-crack ang code na iyon para maligtas natin kung sino man ang estudyanteng ipapahamak nila. Pero nagtataka pa rin ako Bestie eh, bakit ginugulo ka pa nila? Anong kailangan nila sa 'yo?
"I was thinking of the same thing Je. Pero sinabi ni Tross sa akin na may isang bagay na nasa akin na kailangan kong ibigay sa kanya."
"And what is that?"
I shrugged my shoulders. "Hindi ko rin alam. Sabi niya ay ibinigay daw ni Daddy sa akin but I don't think there's something valuable that Dad gave me- except of course of personal value."
Nanlaki ang mga mata ni Jeremy. "Hindi mo alam? I know what it is!"
"What?"
"May balat ka ba? Maybe it's actually a map to a treasure kaya maging ang Genesis ay interesado!", he said with a grin.
Bigla na lamang akong napa-facepalm. Wala talaga itong kwentang kausap minsan. "Wala akong balat."
"Malaking nunal? Baka may nakasulat diyan kapag itinapat natin 'yang nunal mo sa microscope!"
Seriously? Balat o kaya ay nunal? God, Jeremy is really a hopeless case. Kung anu-ano lang ang mga pinagsasabi nito.
"Wala kang kwentang kausap."
"Totoo naman Bestie ah! O baka naman may nalunok kang microchip na naglalaman ng conspiracy plan-"
"Jeremy."
"Just kidding. Pero seryoso na Bestie, ano kaya ang kailangan nila sa'yo?"
I let out a big sigh habang nag-iisip. Hindi naman siguro ang mga pamana ni Daddy diba? Mas mayaman pa sila at- I remember what Attorney Rose said. The software that Phobie said! Maybe that was what he's looking for! Ngunit sa ngayon ay hindi ko alam kung saan makukuha iyon! I don't even know if that thing really exist!
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at balak sanang makipagkita kay Attorney Rose ngunit bago pa man ako makahakbang ay hinawakan ni Jeremy ang braso.
"Huwag kang umalis, kailangan nating malaman ang ibig sabihin ng code na ibinigay sa'yo. Pareho nating ayaw na may mapahamak ulit diba?", Jeremy said. I forced a smile and nodded slowly. Tama siya. Knowing the Genesis, hindi sila magdadalawang isip na gawin ang pananakot nila sa akin. All we need to do now is to prevent it from happening.
Inilabas ko ang papel mula sa bulsa ng suot kong uniporme at tinitigan iyon ng matagal. I'm sure the Amber is for my name ngunit ang mga sumunod na letra ay hindi ko na alam. Kahit si Jeremy ay nahulog sa malalim na pag-iisip kung ano ang ibig sabihin ng code.
"Jeremy, kailangan kong makita ang mga roommate ko, baka sila ang mapahamak!", wika ko at agad na tumayo upang tumakbo pabalik sa cafeteria. Sinundan ako ni Jeremy hanggang sa makabalik kami doon. Pagpasok ko ay agad kong inilibot ang paningin sa loob at hinanap ang mga roommate ko. I spotted them on the corner at patayo na rin sila. They look worried too at nang namataan nila ako ay pilit silang ngumiti. Lumapit kami ni Jeremy sa kanila.
"Nag-aalala ako sa inyong dalawa. Paano na lang kung pati kayo ay idadamay?", I told them.
"Amber, mas nag-aalala kami sa'yo", wika ni Andi. "Kung ano man ang bagay na iyan, please wag kong itago sa amin dahil baka posibleng ikaw din ang mapahamak."
"Tama si Andi, Amber. Ano ba ang ibig sabihin niyon? Pwede ka namang magsumbong sa mga pulis", pagsang-ayon ni Res.
"It's a code at sa ngayon ay nahihirapan pa ako kung ano ang ibig sabihin niyon. Sa ngayon ay kailangan ninyong mag-ingat. I need to figure this out first bago ko ito ireport dahil baka nagkakamali lang ako."
Andi held my hand at pinisil iyon. "Mag-ingat ka palagi ha? Mauna na kami ni Therese, may gagawin pa kasi kami." She looked at Jeremy at nagpaalam din dito, gayundin si Res.
They made their exit towards the cafeteria's door at tinanaw ko ang papalaying pigura nila. "I just hope none of my roommates will be harmed."
"Ako din, ayaw kong may kahit sinong estudyante ang madamay", wika ni Jeremy. "Ipagpatuloy na lang natin ang pagsagot doon sa code na ibinigay Bestie."
Tumango ako sa kanya at naupo aa mesang kinauupuan nina Andi at Res kanina. Nagpaalam si Jeremy saglit at lumabas ng cafeteria. I saw him got his phone from his pocket at may tinawagan. Hinarap ko naman ang code. This is the disadvantage of having an ex-detective as an opponent. Masyadong matalino sa paggamit ng mga codes at ciphers.
Sinubukan ko na ang mga nalalaman kong cipher ngunit wala akong makuhang sagot. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Jeremy at agad na umupo sa tabi ko.
"May nakuha ka na bang sagot Bestie?"
Umiling ako at ibinagsak ang mukha sa mesa. "Wala pa rin."
Just then, my phone rang at isang restricted na numero ang nakarehistro sa screen. Nakakunot ang noo ma sinagot ko ang tawag.
"Amber."
It was Tross. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. "Ano na naman ang kailangan mo?"
"Relax. Tumawag ako upang tulungan ka. I heard you had a hard time deciphering the code that I sent kaya bibigyan kita ng clue."
Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik. Tama siya, nahihirapan ako at ang kailangan ko ngayon ay isang clue.
"Her skin as white as snow, her lips as red as blood. You only have until midnight Amber. Ibigay mo na sa akin ang hinihingi ko dahil kung hindi... Alam mo na ang kaya kong gawin", wika niya at agad na pinatay ang tawag. My hands formed into a fist, is it a clue? Paano naman naging clue ang quote na mula sa kwento ng The Brothers Grimm?
"Bestie..." Bigla akong napalingon kay Jeremy na bahagya akong siniko upang makuha niya ang atensyon ko. "Sino iyon?"
"It was Tross and he just gave me a clue na hindi naman mukhang clue."
Lumawak ang ngiti niya. "Ano iyon? Maaring makatulong iyon upang mas mapadali natin ang pagsagot dito."
"He said her skin as white as snow, her lips as red as blood. Hindi naman iyan mukhang makakatulong sa atin eh, unless Jacob and Wilhelm Grimm were still alive dahil kung gayon ay sila ang balak na patayin ng Genesis", wika ko. Of course it doesn't makes sense.
"Nakatulong iyon. Atleast we can narrow down our possible victim as a girl. He said 'her' diba? Ibig sabihin, babae ang puntirya nila."
Nagningning ang mga mata ko nang napatingin ako kay Jeremy. "Je! You're brilliant!"
"I know right", nakangising wika nito.
"But there are almost 400 students and faculties her at 60% ng population dito ay babae. How can we identify Snow White among those-" Napatigil ako dahil sa sinabi ko.
"Snow White!", magkasabay naming bigkas! Posibleng ang susunod nilang biktima ay may kinalaman kay Snow White!
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "Kailangan kong pumunta sa Drama and Theatre's Club, I need to ask for the list ng mga miyembro na gumanap na Snow White!"
Jeremy and I went to the clubroom at agad kong kinausap si Ella, ang club president na pumalit kay Mia nang gumradweyt ito.
"Bakit naging interesado ka dito Amber?", tanong niya sa akin. Bahagya niyang sinulyapan si Jeremy na kasama ko. Unlike Mia, Ella doesn't like me. She's one if those members na hanggang ngayon ay hindi pa nakakapagmove-on sa play namin kung saan nakuha ako bilang Aurora kahit hindi ako nag-audition.
"Look El- Miss Club President, importante lang kaya kailangan kong malaman kung sinu-sino ang gumanap na Snow White sa mga play na nandito pa sa Bridle ngayon", Jeremy said.
Maarteng sinulyapan niya ang kanyang bagong polished na kuko. "Kung importante ay bakit ninyo masabi sa akin ang rason?"
I began to lose my patience. Ibinagsak ko ang dalawang kamay sa mesa at sininghalan si Ella. I know it's disrespectful but we cannot waste any time. "Ibigay mo sa amin ang listahan ng mga pangalan."
She flinched from her seat at bahagyang nanginig. I was once a talk of Bridle dahil sa nangyaring away namin ni Honey at may mga usap-usapang nangangalbo ako kapag naiinis. She must have heard about it kaya bahagya siyang napaatras at hinawakan ang buhok niya. Minsan ay nakakatulong din pala ang mga tsismis na kumakalat. Ella opened a metal cabinet at may hinanap na folder. Nang makita niya ang hinahanap ay kinuha niya iyon at iniabot sa akin.
"Siguraduhin mong hindi madadamay ang pangalan ng club kapag may ginawa kang kalokohan", bilin nito.
"Thanks", I said without an emotion at lumabas ng clubroom kasama si Jeremy. Bumalik kami sa cafeteria upang suriin ang files.
"Nasaan kaya sina Gray at Math?", nagtatakang tanong ni Je nang inilibot niya ang paningin ssa cafeteria at hindi nakita ang dalawa. I had the same question in mind but I didn't dare to say it. Kung nasaan man sila, bahala sila!
"Huwag mo na lang silang hanapin Je. We have to figure out first kung sino na naman ang puntirya ng Genesis", wika ko at binuklat ang folder. There were lots of papers there na may laman na mga script at cast ng play na kung saan kasali si Snow White. I divided the papers and handed the half to Jeremy. Inilabas ko rin ang code na ibinigay ni Tross. The files contains different club members na gumanap bilang Snow White pero isang pangalan ang nakatawag ng pansin ko.
"Jeremy, look at this."
Ipinakita ko sa kanya ang papel na may profile ng isang estudyante na ang pangalan ay Doreen Apdian. May picture din doon, probably from the club's membership. She has a skin as white as now and her lips were really red. "Her skin as white as snow, her lips as red as blood."
Napasimangot si Jeremy at itinaas naman niya ang larawan ng isa pang babae. "Her skin as white as snow, her lips as red as blood. Bestie, lahat ng gumanap na Snow White ay ganoon ang description."
"No Je, I mean, yes but look at her name. Doreen Apdian!"
"So?"
"Now look at this one", wika ko at ipinakita sa kanya ang code kung saan nakasulat ang AMBER SHDOLI VSNNRE ETTCEN AEEUPD TUCIST.
"Oh tapos?"
"DOREEN APDIAN. The Amber must be referring to me, obviously but the next letters shDOli vsnnRE ettcEN AeeuPD - panggulo lang siguro 'yong iba pero mabubuo natin ang pangalan na Doreen!"
"Bestie! I think we got our Snow White", nakangising wika ni Jeremy. Hindi na kami nagsayang ng oras at agad na hinanap si Doreen ngunit mukhang hindi na iyon kailangan dahil nakasalubong namin siya habang papasok sa cafeteria kasama ang kanyang mga kaklase.
"Doreen Apdian?", tanong ko sa kanya. She looked at me, bahagyang nagtataka kung bakit kilala ko siya.
"Yes?"
"Kailangan ka naming makausap. It's something important", wika ni Jeremy.
"Sure", wika nito at pinauna na sa isang mesa ang kanyang mga kasama. Nang makaalis na ang mga ito ay hindi na ako nag-aksaya ng oras.
"You need to go somewhere safe tonight."
"Ha? Bakit?"
Paano ko ba ipapaliwanag ang tungkol sa Genesis? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na trip siyang patayin ng Genesis.
"May narinig kasi kami na baka may mangyari sa iyo kaya kailangan mong mag-ingat. If possible, wag kang -"
Hindi na natapos ni Je ang sasabihin dahil pinutol siya ni Doreen. "I appreciate the concern pero hindi ko pa rin maintindihan. Sino naman ang magpapahamak sa akin?"
"Hindi namin pwedeng sabihin sa'yo", wika ko. This is harder than I imagined. Binalaan ko siya sa peligrong paparating pero hindi ko naman masabi ang tunay na dahilan. And by that, I cannot compel her to believe me.
Doreen smiled at us. "Naiintindihan ko kung hindi ninyo pwedeng sabihin sa akin. At alam kong may mga bagay na hindi ninyo pwedeng sabihin sa akin. I trust the Detective Triumvirate Plus One. At huwag kayong mag-alala, papunta na dito ang Daddy ko dahil may family gathering kami at hindi ako mananatili dito mamayang gabi. That would save you from worrying about me for tonight", she said at nagpaalam na. She immediately went to the table where her friends sat.
Naiwan akong nagtataka. How did she- I looked at Jeremy na malawak pa rin ang ngiti. "How did she know about the nonexisting detective group Je?"
"Sikat tayo eh", he said while giggling.
"Je."
"Alright, maliban sa sikat tayo I did some promotions", sagot niya.
"Promotion?!"
"Bestie, ibaba mo 'yang kilay mo. Wala namang masama doon sa ginawa ko. I just made use of the means to promote given some resources that I have."
Means of promotion? Does he mean- oh no! He must not dare! Tumakbo ako patungo sa direksyon kung nasaan ang malaking bulletin board ng Bridle at gaya ng inaasahan ko, may poster nga roon kung saan naroon ang mukha namin. The poster was edited and our faces were put on an image na nakasuot ng brown coat at may hawak na magnifying glass, just like Sherlock Holmes. Math's picture was below at maliit iyon kumpara sa amin. On the bottom of the poster was the words in print DETECTIVE TRIUMVIRATE PLUS ONE.
"CALVIN JEREMY MARTINEZ!!!!!"
#
-ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top